Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 16:16-18:23

16 Narito, ipasusundo ko ang (A)maraming mangingisda, sabi ng Panginoon, at magsisipangisda sila; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso, at sila'y magsisipangaso sa bawa't bundok, at sa bawa't burol, at sa mga (B)bitak ng mga malaking bato.

17 Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.

18 At akin munang (C)gagantihin (D)ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't (E)kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam.

19 Oh Panginoon, (F)aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na (G)hindi mapapakinabangan.

20 Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios (H)na hindi mga dios?

21 Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang (I)aking pangalan ay (J)Jehova.

Ang kasalanan ng Juda ay hindi mapapawi.

17 Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng (K)panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga (L)sungay ng inyong mga dambana;

Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang (M)kanilang mga Asera (N)sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol.

Oh (O)aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan.

At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin (P)kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man.

Ang Panginoon lamang ang dapat na pagtiwalaan.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at (Q)ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.

Sapagka't siya'y magiging (R)gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, (S)lupaing maalat at hindi tinatahanan.

Mapalad (T)ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.

Sapagka't siya'y magiging (U)parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi (V)ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga.

Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?

10 Akong Panginoon, ay (W)sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, (X)upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.

11 Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; (Y)sa kaniyang mga kaarawan ay (Z)iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas (AA)ay nagiging mangmang siya.

12 Ang maluwalhating luklukan, na naitaas mula nang pasimula, ay siyang dako ng aming santuario.

13 Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, (AB)lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay (AC)masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, (AD)na bukal ng buháy na tubig.

14 Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.

15 Narito, (AE)kanilang sinasabi sa akin, Saan nandoon ang salita ng Panginoon? paratingin ngayon.

16 Sa ganang akin, ay (AF)hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha.

17 Huwag maging kakilabutan sa akin: ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan.

18 Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin, nguni't huwag akong mapahiya; manganglupaypay sila, nguni't huwag akong manglupaypay; datnan sila ng araw ng kasakunaan, at ipahamak sila ng (AG)ibayong pagkapahamak.

Ang sabbath ay dapat na pakabanalin.

19 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan, na pinapasukan, at nilalabasan ng mga (AH)hari sa Juda, at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem;

20 At iyong sabihin sa kanila, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga hari sa Juda, at ng buong Juda, at ng lahat na nananahan sa Jerusalem, na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito:

21 Ganito ang sabi ng Panginoon, (AI)Mangagingat kayo sa inyong sarili, at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath, o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem;

22 Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath, o magsigawa man kayo ng anomang gawain: kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath, (AJ)gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang.

23 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig, at huwag makatanggap ng turo.

24 At mangyayari, kung kayo'y mangakinig na maingat sa akin, sabi ng Panginoon, na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath, kundi ipangilin ang araw ng sabbath, upang huwag gawan ng anomang gawain;

25 Kung magkagayo'y magsisipasok (AK)sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man.

26 At sila'y manganggagaling sa (AL)mga bayan ng Juda, at sa (AM)mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa (AN)mababang lupain, at sa mga bundok, at (AO)sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.

27 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y (AP)magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.

Ang aral mula sa palyok na ginagawa ng magpapalyok.

18 Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Ikaw ay bumangon, at bumaba sa (AQ)bahay ng magpapalyok, at aking iparirinig sa iyo ang aking mga salita roon.

Nang magkagayo'y bumaba ako sa bahay ng magpapalyok, at, narito, siya'y gumagawa ng kaniyang gawa sa pamamagitan ng mga gulong.

At nang mabasag sa kamay ng magpapalyok ang sisidlang putik na kaniyang ginagawa, ay gumawa siya uli ng ibang sisidlan, na minagaling na gawin ng magpapalyok.

Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,

Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga (AR)ako makagagawa sa inyo na gaya ng paggawa ng magpapalyok na ito? sabi ng Panginoon. Narito, kung paano ang putik sa kamay ng magpapalyok, gayon kayo sa kamay ko, Oh sangbahayan ni Israel.

Sa (AS)anomang sandali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang bunutin at upang ibagsak at upang lipulin;

Kung ang bansang yaon, na aking pinagsalitaan, ay humiwalay sa kanilang kasamaan, ako'y (AT)magsisisi sa kasamaan na aking inisip gawin sa kanila.

At sa anomang sangdali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang itayo at upang itatag;

10 Kung gumawa ng kasamaan sa aking paningin, na hindi sundin ang aking tinig, ay pagsisisihan ko nga ang kabutihan, na aking ipinagsabing pakikinabangan nila.

11 Ngayon nga, salitain mo sa mga tao sa Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y humahaka ng kasamaan laban sa inyo, at kumatha ng katha-katha laban sa inyo: manumbalik bawa't isa sa inyo mula sa kanikaniyang masamang lakad, at inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa.

12 Nguni't kanilang sinabi, (AU)Walang pagasa; sapagka't kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha, at magsisigawa bawa't isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso.

13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (AV)Inyong itanong nga sa mga bansa, kung sinong nakarinig ng ganiyang mga bagay? ang dalaga ng Israel ay gumawa ng totoong kakilakilabot na bagay.

14 Magkukulang baga ng niebe sa Lebano sa bato sa parang? ang malamig na tubig na umaagos mula sa malayo ay matutuyo baga?

15 Sapagka't kinalimutan (AW)ako ng aking bayan, sila'y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at sila'y nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating (AX)landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag;

16 Upang gawin ang kanilang lupain (AY)na isang katigilan, at walang hanggang kasutsutan; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan, at mangaggagalaw ng ulo.

17 Aking pangangalatin (AZ)sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway; (BA)tatalikuran ko sila, at hindi ko haharapin, sa kaarawan ng kanilang kasakunaan,

18 Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at (BB)tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't (BC)ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.

Si Jeremias ay dumalangin laban sa mga kaaway.

19 Pakinggan mo ako, Oh Panginoon, at ulinigin mo ang tinig nila na nakikipagtalo sa akin.

20 Igaganti baga'y kasamaan sa kabutihan? (BD)sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay para sa akin. Iyong alalahanin kung paanong ako'y tumayo sa harap mo, upang magsalita ng mabuti para sa kanila, upang ihiwalay ang iyong kapusukan sa kanila.

21 Kaya't (BE)ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak, at mga bao; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan, at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka.

22 Makarinig nawa ng daing mula sa kanilang mga bahay, pagka ikaw ay biglang magdadala ng hukbo sa kanila; sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay upang hulihin ako, at ipinagkubli ng mga silo ang aking mga paa.

23 Gayon man, Panginoon, iyong talastas ang lahat nilang payo laban sa akin upang patayin ako; (BF)huwag mong ipatawad ang kanilang kasamaan, o pawiin mo man ang kanilang kasalanan sa iyong paningin; kundi sila'y mangatisod sa harap mo; parusahan mo sila sa kaarawan ng iyong galit.

1 Tesalonica 4:1-5:3

Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, (A)na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, (B)na gaya ng inyong paglakad,—upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.

Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

Sapagka't ito (C)ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong (D)pagpapakabanal, (E)na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;

Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa (F)kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,

Hindi sa pita (G)ng kahalayan, na (H)gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;

Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya (I)sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.

Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi (J)sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.

Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, (K)na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Datapuwa't tungkol sa (L)pagiibigang kapatid ay (M)hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na (N)mangagibigan kayo sa isa't isa;

10 Sapagka't katotohanang (O)ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.

11 At pagaralan ninyong maging (P)matahimik, at (Q)gawin ang inyong sariling gawain, at (R)kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;

12 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat (S)sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.

13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (T)na walang pagasa.

14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (U)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (V)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka't (W)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (X)arkanghel, at may (Y)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (Z)unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (AA)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (AB)sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Datapuwa't tungkol sa (AC)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (AD)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.

Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (AE)ng kaarawan ng Panginoon ay (AF)gaya ng magnanakaw sa gabi.

Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (AG)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

Mga Awit 81

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.

81 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
(A)Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
Magsihihip kayo ng (B)pakakak (C)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel,
Ayos ng Dios ni Jacob.
Kaniyang inilagay na pinakapatotoo (D)sa Jose,
(E)Nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto:
(F)Na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
(G)Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan:
Ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
Ikaw ay tumawag (H)sa kabagabagan, at iniligtas kita;
(I)Sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
(J)Sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo:
Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
(K)Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo;
At hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
10 (L)Ako ang Panginoon mong Dios,
Na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto:
(M)Bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
11 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko;
At (N)hindi ako sinunod ng Israel.
12 (O)Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso,
Upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
13 (P)Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan,
Kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway,
At ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
15 (Q)Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya:
Nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
16 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo:
(R)At ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.

Mga Kawikaan 25:6-8

Huwag kang magpauna sa harapan ng hari,
At huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:
(A)Sapagka't maigi na sabihin sa iyo,
Sumampa ka rito:
Kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo,
Na nakita ng iyong mga mata.
(B)Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag,
Baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon,
Pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978