The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.
Ang hindi tapat na pagsamba ay sinumpa.
66 Ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan?
2 Sapagka't lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay, at sa gayo'y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon: nguni't (B)ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y (C)siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita.
3 Siyang pumapatay ng baka ay (D)gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang (E)nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;
4 Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan, at dadalhan ko sila ng kanilang takot, (F)sapagka't nang ako'y tumawag, walang sumagot; nang ako'y magsalita ay walang nakinig; kundi sila'y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata, at pinili ang hindi ko kinaluluguran.
Ang hatol ng Panginoon.
5 Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil (G)sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, (H)Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin (I)ang inyong kagalakan; nguni't sila'y mangapapahiya.
6 Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan, ang tinig na mula sa templo, ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway.
7 Bago siya nagdamdam, siya'y nanganak; bago dumating ang kaniyang paghihirap, siya'y nanganak ng isang lalake.
8 Sinong nakarinig ng ganyang bagay? sinong nakakita ng ganyang mga bagay? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa? sapagka't pagdaramdam ng Sion, ay nanganak ng kaniyang mga anak.
9 Dadalhin ko baga sa kapanganakan, at hindi ko ilalabas? sabi ng Panginoon; magsasara baga ako ng bahay bata, akong nagpapanganak? sabi ng iyong Dios.
10 (J)Kayo'y mangagalak na kasama ng Jerusalem, at mangatuwa dahil sa kaniya, kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya: kayo'y mangagalak ng kagalakan na kasama niya, kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya:
11 (K)Upang kayo'y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan; upang kayo'y makagatas, at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na (L)parang isang ilog, at (M)ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y (N)kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod.
13 Kung paanong ang sinoma'y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo; at kayo'y mangaaliw sa Jerusalem.
14 At inyong makikita, at magagalak ang inyong puso, at ang (O)inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo: at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod, at siya'y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway.
15 Sapagka't, narito, (P)ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang (Q)kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.
16 Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at (R)sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at (S)ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.
17 Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon (T)sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng (U)daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.
18 Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y (V)magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.
19 (W)At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila, at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, na nagsisihawak ng busog, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian; (X)at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.
20 At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na (Y)pinakahandog sa Panginoon, na nasasakay sa mga kabayo, at sa mga karo, at sa mga duyan, at sa mga mula, at sa mga maliksing hayop, sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon.
21 At sa kanila rin naman ako kukuha (Z)ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita, sabi ng Panginoon.
22 Sapagka't kung paanong (AA)ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, (AB)gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.
23 At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, (AC)paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon.
24 At sila'y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin: sapagka't ang (AD)kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao.
4 Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:
5 Na tinuli ng ikawalong araw, (A)mula sa lahi ng Israel, (B)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (C)Fariseo;
6 Tungkol (D)sa pagsisikap, (E)ay manguusig sa iglesia; (F)tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.
7 Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.
8 Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan (G)dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,
9 At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang (H)aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi (I)ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:
10 Upang makilala ko siya, at (J)ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at (K)ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay;
11 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
12 Hindi sa ako'y (L)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.
13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (M)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (N)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,
14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (O)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.
15 Kaya nga, kung ilan tayong (P)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:
16 (Q)Lamang, ay magsilakad tayo (R)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.
17 Mga kapatid, (S)kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin.
18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (T)kaaway ng krus ni Cristo:
19 (U)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (V)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (W)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (X)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.
20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (Y)ay nasa langit; mula doon ay (Z)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
21 Na (AA)siyang magbabago (AB)ng katawan ng ating pagkamababa, (AC)upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, (AD)ayon sa paggawa na (AE)maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.
Masquil ni Asaph.
74 Oh Dios, bakit mo itinakuwil (A)kami magpakailan man?
Bakit ang iyong galit ay (B)umuusok laban sa mga (C)tupa ng iyong pastulan?
2 Alalahanin mo ang iyong kapisanan (D)na iyong binili ng una,
Na iyong tinubos upang maging lipi ng (E)iyong mana;
At ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
3 Itaas mo ang iyong mga paa (F)sa mga walang hanggang guho,
Ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
4 (G)Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan;
(H)Kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
5 Sila'y tila mga tao na nangagtaas
Ng mga palakol sa mga kakahuyan.
6 At ngayo'y lahat (I)ng gawang inanyuan doon.
Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
7 (J)Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario;
Kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
8 (K)Kanilang sinabi sa kanilang puso,
Ating gibaing paminsan:
Kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
9 Hindi namin nakikita ang aming mga tanda:
(L)Wala nang propeta pa;
At wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
10 Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway?
Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
11 (M)Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan?
Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila.
12 Gayon ma'y ang (N)Dios ay aking Hari ng una,
Na nagliligtas sa gitna ng lupa.
13 (O)Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan:
(P)Iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga (Q)buwaya sa mga tubig.
14 Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng (R)leviatan,
Ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
15 (S)Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog:
(T)Iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
16 Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin:
Iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
17 Iyong (U)inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa:
Iyong ginawa ang taginit at taginaw.
18 (V)Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon,
At nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
19 Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa (W)ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop:
Huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
20 (X)Magkaroong pitagan ka sa tipan:
Sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
21 (Y)Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi:
Pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
22 Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap:
Alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
23 Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway:
Ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978