The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Moab.
48 Tungkol sa (A)Moab. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sa aba ng Nebo! sapagka't nalagay na sira; Chiriathaim ay nalagay sa kahihiyan, nasakop; ang Misgab ay nalagay sa kahihiyan at nabagsak.
2 Ang kapurihan ng Moab ay nawala; sa Hesbon ay nagsisikatha sila ng kasamaan laban sa kaniya: Magsiparito kayo, at ihiwalay natin siya sa pagkabansa. Ikaw, naman, Oh Madmena, madadala sa katahimikan; hahabulin ka ng tabak.
3 Ang hugong ng hiyaw mula sa (B)Horonaim, pananamsam at malaking kapahamakan!
4 Ang Moab ay sira; ang kaniyang mga bata ay nagpadinig ng kanilang hibik.
5 Sapagka't sa ahunan sa Luhith ay magsisiahon sila na may laging pagiyak; sapagka't kanilang narinig sa lusungan sa Horonaim ang kapanglawan ng hiyaw ng pagkapahamak.
6 Magsitakas kayo, inyong iligtas ang inyong mga buhay, at kayo'y maging parang kugon sa ilang.
7 Sapagka't yamang ikaw ay tumiwala sa iyong mga gawa at sa iyong mga kayamanan, ikaw man ay makukuha: at si (C)Chemos ay papasok sa pagkabihag, (D)ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama.
8 At ang manglilipol ay darating sa bawa't bayan, at walang bayan na makatatanan; ang libis naman ay nawawala, at ang kapatagan ay masisira; gaya ng sinalita ng Panginoon.
9 Mangagbigay kayo ng mga pakpak sa Moab, upang siya'y makalipad makalabas: at ang kaniyang mga bayan ay masisira, na walang sinomang tatahan doon.
10 Sumpain nawa siya na (E)gumagawa na walang bahala sa gawain ng Panginoon; at sumpain siya na naguurong ng kaniyang tabak sa dugo.
11 Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siya'y (F)nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kaya't ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago.
12 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking susuguin sa kanila ang mga mangbubuhos, at siya'y ibubuhos nila; at kanilang tutuyuin ang kaniyang mga sisidlan, at babasagin ang kanilang mga sisidlang lupa.
13 At ang Moab ay mapapahiya dahil kay Chemos, gaya ng (G)sangbahayan ni Israel na napahiya dahil sa (H)Beth-el na kanilang tiwala.
14 Bakit ninyo sinasabi, Kami ay mga makapangyarihang lalake, at mga matapang na lalake na mangdidigma?
15 Ang Moab ay nalalagay na sira, at ang kaniyang mga bayan ay mga sinampa, at ang kaniyang mga piling binata ay nagsibaba sa patayan, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo.
16 Ang kasakunaan ng Moab ay malapit nang darating, at ang kaniyang pagdadalamhati ay nagmamadali.
17 Kayong lahat na nangasa palibot niya, panaghuyan ninyo siya, at ninyong lahat na nangakakakilala ng kaniyang pangalan; inyong sabihin, (I)Bakit ang matibay na tukod ay nabali, ang magandang tungkod!
18 Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa (J)Dibon, bumaba ka na mula sa inyong kaluwalhatian, at umupo kang uhaw; sapagka't ang manglilipol ng Moab ay sumampa laban sa iyo, kaniyang giniba ang iyong mga katibayan.
19 Oh nananahan sa (K)Aroer, tumayo ka sa tabi ng daan, at manubok ka: itanong mo sa kaniya na tumatakas, at sa kaniya na tumatanan; iyong sabihin; Ano ang nangyari?
20 Ang Moab ay nalagay sa kahihiyan; sapagka't nagiba: kayo ay magsitangis at magsihiyaw; saysayin ninyo sa (L)Arnon, na ang Moab ay nasira.
21 At ang kahatulan ay dumating sa lupaing (M)patag, sa Holon, at sa Jahzah, at sa Mephaath,
22 At sa Dibon, at sa Nebo, at sa Beth-diblathaim,
23 At sa Chiriathaim, at sa Beth-gamul, at sa Beth-meon;
24 At sa (N)Cherioth, at sa (O)Bosra, at sa lahat ng bayan ng lupain ng Moab, malayo o malapit.
25 Ang sungay ng Moab ay nahiwalay, (P)at ang kaniyang (Q)bisig ay nabali, sabi ng Panginoon.
26 Languhin ninyo siya; (R)sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon: at ang Moab ay gugumon sa kaniyang suka, at siya man ay magiging kakutyaan.
27 Sapagka't (S)hindi baga naging kakutyaan ang Israel sa iyo? (T)hindi baga siya nasumpungan sa gitna ng mga magnanakaw? sapagka't kung paanong kadalas sinasalita mo siya, gayon naguuga (U)ka ng ulo.
28 Oh kayong mga nananahan sa Moab, inyong iwan ang mga bayan, at (V)kayo'y magsitahan sa malaking bato; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang.
29 Aming nabalitaan (W)ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang pagmamataas, at ang kaniyang pagpapalalo, at ang kaniyang kahambugan, at ang pagmamatigas ng kaniyang puso.
30 Talastas ko ang kaniyang poot ay walang mangyayari; sabi ng Panginoon, ang kaniyang paghahambog ay walang nangyari.
31 Kaya't (X)aking tatangisan ang Moab; oo, ako'y hihiyaw dahil sa buong Moab: dahil sa mga tao ng (Y)Kir-heres ay magsisitangis sila.
32 Tatangis ako ng higit kay sa pagtangis ng Jazer dahil sa iyo, Oh puno ng ubas ng Sibma: ang iyong mga sanga ay nagsisidaan ng dagat, nagsisiabot hanggang sa dagat ng Jazer: sa iyong mga bungang taginit at sa iyong ani ay dumaluhong ang manglilipol.
33 (Z)At ang (AA)kasayahan at kagalakan ay naalis, sa mainam na bukid at sa lupain ng Moab; at aking pinatigil ang alak sa mga alilisan: walang yayapak na may hiyawan; ang paghihiyawan ay hindi magiging paghihiyawan.
34 Mula (AB)sa hiniyawan ng Hesbon hanggang sa Eleale, hanggang sa Jajaz ay naglakas sila ng kanilang tinig, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim, sa Eglat-selisiya: sapagka't ang tubig ng Nimrim man ay masisira.
35 Bukod dito ay aking papaglilikatin sa Moab, sabi ng Panginoon, (AC)ang naghahandog sa mataas na dako, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang mga dios.
36 Kaya't ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa Moab, at ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa mga lalake sa Kir-heres: kaya't (AD)ang kasaganaan na kaniyang tinangkilik ay napawi.
37 Sapagka't (AE)bawa't ulo ay (AF)kalbo, at bawa't balbas ay ginupit: sa lahat ng mga kamay ay may mga kudlit, at sa mga baywang ay may kayong magaspang.
38 Sa lahat ng mga bubungan ng Moab at sa mga lansangan niyaon ay may panaghoy saa't saan man; sapagka't aking binasag ang Moab na (AG)parang sisidlan na di kinalulugdan, sabi ng Panginoon.
39 Ano't nabagsak! ano't tumatangis! ano't ang Moab ay tumalikod na may kahihiyan! gayon magiging kakutyaan at kapanglupaypayan ang Moab sa lahat na nangasa palibot niya.
40 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, (AH)siya'y lilipad na parang aguila, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Moab.
41 Ang Cherioth ay nasakop, (AI)at ang mga katibayan ay nasamsam, at ang puso ng mga makapangyarihang tao ng Moab sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.
42 Ang Moab ay masisira sa pagiging bayan, sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon.
43 (AJ)Pagkatakot, at hukay, (AK)at silo, ay sasa iyo, Oh nananahan sa Moab, sabi ng Panginoon.
44 Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo: sapagka't dadalhin (AL)ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagdalaw sa kaniya, sabi ng Panginoon.
45 Silang nagsisitakas ay nagsisitayong walang lakas sa ilalim ng Hesbon; (AM)sapagka't ang apoy ay lumabas sa Hesbon, at ang alab mula sa gitna ng Sihon, at pinugnaw ang (AN)tagiliran ng Moab, at ang bao ng ulo ng mga manggugulo.
46 Sa aba mo, Oh Moab! ang bayan ni Chemos ay nawala; sapagka't ang iyong mga anak na lalake ay nadalang bihag, at ang iyong mga anak na babae ay nasok sa pagkabihag.
47 (AO)Gayon ma'y ibabalik ko uli ang Moab na mula sa pagkabihag sa mga huling araw, sabi ng Panginoon. (AP)Hanggang dito ang kahatulan sa Moab.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Ammon.
49 (AQ)Tungkol sa mga anak ni Ammon. Ganito ang sabi ng Panginoon. Wala bagang mga anak ang Israel? wala ba siyang tagapagmana? bakit nga minamana ni Malcam ang Gad, at tumatahan ang kaniyang bayan sa mga bayan niyaon?
2 Kaya't, narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking iparirinig ang kaingay ng digmaan laban sa (AR)Rabba ng mga anak ng Ammon; at magiging isang gibang bunton, at ang kaniyang mga anak na babae ay masusunog ng apoy: kung magkagayo'y mga aariin ng Israel ang nagari sa kaniya, sabi ng Panginoon.
3 Tumangis ka, Oh Hesbon, sapagka't ang Hai ay nasamsaman; magsiiyak kayo, kayong mga anak na babae ng Rabba, kayo'y mangagbigkis ng kayong magaspang: kayo'y magsitaghoy, at magsitakbong paroo't parito sa gitna ng mga bakuran; sapagka't si Malcam ay papasok sa pagkabihag, (AS)ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama.
4 Bakit ka nagpapakaluwalhati sa mga libis, ikaw na mainam na libis, Oh tumatalikod na anak na babae? na tumiwala sa kaniyang mga kayamanan, (AT)na kaniyang sinasabi, Sinong paririto sa akin?
5 Narito, sisidlan kita ng takot, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, mula sa lahat na nangasa buong palibot mo; at kayo'y mangatataboy bawa't isa na patuloy, at walang magiipon sa kanila na nagsisitakas.
6 Nguni't (AU)pagkatapos ay aking ibabalik na muli ang mga anak ni Ammon mula sa pagkabihag, sabi ng Panginoon.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Edom.
7 (AV)Tungkol sa Edom. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (AW)Wala na baga ang karunungan sa Teman? nawala baga ang payo sa mabait? nawala baga ang kanilang karunungan?
8 Magsitakas kayo, magsibalik kayo, kayo'y magsitahan sa kalaliman, Oh mga nananahan sa (AX)Dedan; sapagka't aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya, sa panahon na aking dadalawin siya.
9 Kung ang mga mangaani ng ubas ay magsidating (AY)sa iyo, hindi baga sila mangagiiwan ng mapupulot na mga ubas? kung mga magnanakaw sa gabi, hindi baga sila magsisigiba ng hanggang magkaroon ng kahustuhan?
10 Nguni't (AZ)aking hinubdan ang Esau, aking inilitaw ang kaniyang mga kublihan, at siya'y hindi makapagkukubli: ang kaniyang mga binhi ay nasira, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga kalapit, at siya'y wala na rin.
11 Iwan mo ang iyong mga ulilang anak, aking iingatan silang buhay: at magsitiwala sa akin ang iyong mga babaing bao.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (BA)silang hindi nangauukol magsiinom sa saro ay walang pagsalang magsisiinom; at ikaw baga'y yayaong lubos na walang parusa? ikaw ay hindi yayaon na walang parusa, kundi walang pagsalang iinom ka.
13 Sapagka't ako'y sumumpa sa pamamagitan (BB)ng aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang (BC)Bosra ay magiging katigilan, kakutyaan, kasiraan, at kasumpaan; at ang lahat ng mga bayan niyaon ay magiging walang hanggang pagkasira.
14 Ako'y nakarinig (BD)ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa gitna ng mga bansa, na sinasabi, Kayo'y magpipisan, at magsiparoon laban sa kaniya, at magsibangon sa pakikipagbaka.
15 Sapagka't, narito, ginawa kitang maliit sa gitna ng mga bansa, at hinamak kita sa gitna ng mga tao.
16 Tungkol sa iyong mga kakilabutan, dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na humahawak sa kaitaasan ng burol: bagaman (BE)iyong pataasin ang iyong pugad na kasingtaas ng aguila, aking ibababa ka (BF)mula roon, sabi ng Panginoon.
17 At ang Edom ay magiging (BG)katigilan: bawa't nagdaraan ay matitigilan, at susutsot dahil sa lahat ng salot doon.
18 Kung paano ang (BH)nangyari sa Sodoma at Gomorra, at sa mga kalapit bayan niyaon, sabi ng Panginoon, gayon walang lalake na tatahan doon, ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon.
19 Narito, siya'y sasampa na (BI)parang leon mula sa (BJ)kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: sapagka't bigla kong patatakbuhin siya mula roon; at ang mapili siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sino ang gaya ko? at sinong nagtatakda sa akin ng panahon? at sino ang pastor na makatatayo sa harap ko?
20 Kaya't inyong dinggin ang payo ng Panginoon, na kaniyang ipinasiya laban sa Edom; at ang kaniyang mga panukala na kaniyang pinanukala laban sa mga nananahan sa (BK)Teman: Tunay na itataboy sila, sa makatuwid baga'y ang mga maliit ng kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan kalakip nila.
21 Ang lupa ay nayayanig sa (BL)hugong ng kanilang pagkabuwal; may hiyawan, na ang ingay ay naririnig sa Dagat na Mapula.
22 Narito, (BM)siya'y sasampa at parang aguila na lilipad, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa (BN)Bosra: at ang puso ng mga makapangyarihang lalake ng Edom sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.
4 (A)Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng (B)kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:
2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, (C)sumaway ka, (D)mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
3 Sapagka't darating ang panahon (E)na hindi nila titiisin ang (F)magaling na aral; (G)kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga (H)ibabaling sa katha.
5 Nguni't ikaw ay (I)magpigil sa lahat ng mga bagay, (J)magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa (K)ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
6 Sapagka't (L)ako'y iniaalay na, at ang panahon ng (M)aking pagpanaw ay dumating na.
7 (N)Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, (O)natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
8 Buhat ngayon ay natataan (P)sa akin (Q)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (R)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
9 Magsikap kang pumarini na madali sa akin:
10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (S)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (T)Tito ay sa Dalmacia.
11 Si Lucas (U)lamang ang kasama ko. (V)Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.
12 Datapuwa't si (W)Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.
13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.
14 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan (X)ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa:
15 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita.
16 Sa aking unang (Y)pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.
17 Datapuwa't (Z)ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at (AA)ako'y iniligtas sa bibig ng leon.
18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
19 Batiin mo (AB)si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan (AC)ni Onesiforo.
20 Si (AD)Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si (AE)Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa (AF)Mileto.
21 (AG)Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.
22 Ang Panginoon nawa'y (AH)sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo.
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
2 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3 Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7 Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
9 (H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.
Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.
96 (K)Oh magsiawit kayo (L)sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
4 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
5 Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
(M)Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
6 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
(N)Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
7 Magbigay kayo sa Panginoon, (O)kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
8 Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
(P)Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga (Q)looban.
9 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:
Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa;
Humugong ang dagat, at ang buong naroon;
12 (R)Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;
Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
13 Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:
Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
(S)Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.
9 Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango,
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat,
Gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
11 Kung paano ang (A)aso na bumabalik sa kaniyang suka,
Gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
12 (B)Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili.
May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978