Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Panaghoy 3

Mga panaghoy ng mga naghihirap.

Ako ang tao na (A)nakakita ng pagdadalamtahi (B)sa pamalo ng iyong poot.
Ako'y kaniyang pinatnubayan at (C)pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw
(D)Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; (E)kaniyang binali ang aking mga buto.
Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, (F)gaya ng nangamatay nang malaon.
Kaniyang binakuran ako (G)na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
Oo, (H)pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
10 Siya'y parang (I)oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
11 Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
12 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at (J)ginawa akong pinaka tanda sa pana.
13 (K)Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
14 Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang (L)awit buong araw.
15 Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, (M)kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
16 Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga (N)maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
17 At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.
18 At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.

Ang pagasa sa tulong ay sa pamamagitan lamang ng habag ng Panginoon.

19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
20 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
21 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; (O)kaya't may pagasa ako.
22 Sa mga kaawaan nga ng (P)Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
23 Ang mga yao'y bago (Q)tuwing umaga, (R)dakila ang inyong pagtatapat.
24 Ang Panginoon ay aking bahagi, (S)sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
25 Ang Panginoon ay mabuti sa (T)kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
26 Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na (U)tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
27 (V)Mabuti nga sa tao (W)na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
28 Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
29 Sumubsob siya (X)sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.
30 Ibigay niya ang kaniyang pisngi (Y)sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
31 Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
32 Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
33 Sapagka't siya'y (Z)hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
34 Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
35 Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
36 Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
37 Sino siya (AA)na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
38 Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
39 Bakit dumadaing ang taong may buhay, (AB)ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
40 Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
41 Igawad natin (AC)ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42 Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; (AD)ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na (AE)anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
45 Iyong ginawa (AF)kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46 (AG)Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48 Ang mata ko'y dumadaloy ng mga (AH)ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49 Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
52 Lubha nila akong hinahabol na (AI)parang ibon, na mga kaaway kong (AJ)walang kadahilanan.
53 Kanilang pinaikli ang aking buhay (AK)sa bilangguan at (AL)hinagis ako ng bato.
54 (AM)Tubig ay nagsisihuho sa (AN)aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
55 Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56 Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57 Ikaw ay lumapit sa araw (AO)na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58 Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59 Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; (AP)hatulan mo ang aking usap.
60 Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang (AQ)pasiya laban sa akin.
61 Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
62 Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
63 Masdan mo ang kanilang pagupo, (AR)at ang kanilang pagtayo; (AS)ako ang kanilang awit.
64 Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, (AT)ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
65 (AU)Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
66 Iyong hahabulin sila sa galit, (AV)at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.

Mga Hebreo 1

Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at (A)sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,

Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na (B)ito sa pamamagitan, (C)ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na (D)tagapagmana ng lahat ng mga bagay, (E)na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

(F)Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at (G)tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at (H)umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, (I)nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, (J)ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;

Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y (K)nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.

Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man,

Ikaw ay (L)aking Anak,
Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?

at muli,

(M)Ako'y magiging kaniyang Ama,
At siya'y magiging aking Anak?

At muli nang dinadala niya (N)ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.

At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,

(O)Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin,
At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:

Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi,

(P)Ang iyong luklukan,
Oh Dios, ay magpakailan man;
At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan;
Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo,
(Q)Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.

10 At,

(R)Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa,
At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:
11 Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili:
At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan;
12 At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin,
At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan:
Nguni't ikaw ay ikaw rin,
At ang iyong mga taon ay di matatapos.
13 Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man,
(S)Lumuklok ka sa aking kanan,
Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?

14 Hindi baga silang (T)lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?

Mga Awit 102

Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.

102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
(A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
(C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Ito'y (P)isusulat na ukol sa lahing susunod:
At (Q)ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagka't siya'y tumungo (R)mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 (S)Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 (T)Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
(U)Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 (V)Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y (W)lampas sa mga sali't saling lahi.
25 Nang una ay (X)inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 (Y)Sila'y uuwi sa wala, nguni't (Z)ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27 Nguni't (AA)ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 (AB)Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
(AC)At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.

Mga Kawikaan 26:21-22

21 Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy;
Gayon (A)ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
22 (B)Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978