Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 44:24-47:7

24 Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, (A)na nasa lupain ng Egipto:

25 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong tuparin ang inyong mga panata.

26 Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, (B)ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na (C)ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buháy ang Panginoong Dios.

27 Narito, (D)aking binabantayan sila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at lahat ng tao ng Juda na nangasa lupain ng Egipto ay mangalilipol sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom, hanggang sa umabot sila sa kawakasan.

28 At (E)ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam (F)kung kaninong salita ang mananayo, kung akin, o kanila.

29 At ito ang magiging tanda sa inyo, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan kayo sa dakong ito, upang inyong makilala na ang aking salita ay tunay na tatayo laban sa inyo sa ikasasama:

30 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (G)aking ibibigay si Faraon Hophra na hari sa Egipto sa kamay ng kaniyang mga kaaway, at (H)sa kamay ng nagsisiusig ng kaniyang buhay; gaya ng pagkabigay ko kay (I)Sedechias na hari sa Juda sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na kaniyang kaaway, at umuusig ng kaniyang buhay.

Ang salita ni Jeremias kay Baruch.

45 Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay (J)Baruch na anak ni Nerias, (K)nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat sa bibig ni Jeremias, (L)nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda na nagsasabi:

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa iyo, Oh Baruch:

Iyong sinabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit; ako'y pagod sa kaaangal, at wala akong kapahingahan.

Ganito ang sasabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (M)na ang aking itinayo ay aking ibabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin; at ito'y sa buong lupain.

At ikaw baga ay humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? huwag mong hanapin; sapagka't, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng tao, sabi ng Panginoon; nguni't ang iyong buhay ay ibibigay ko (N)sa iyo na pinakahuli sa lahat ng dakong iyong kapaparoonan.

Ang pagkatalo ni Faraon sa Carchemis.

46 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa (O)mga bansa.

Tungkol sa Egipto: (P)tungkol sa hukbo ni Faraon Nechao na hari sa Egipto, na nasa tabi ng ilog ng Eufrates sa Carchemis na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda.

Inyong iayos ang (Q)pansalag at kalasag, at kayo'y magsilapit sa pagbabaka.

Singkawan ninyo ang mga kabayo, at kayo'y magsisakay, kayong mga nangangabayo, at magsitayo kayong mga turbante; pakintabin ninyo ang mga sibat, at mangagsuot kayo ng sapyaw.

Bakit ko nakita? sila'y nanganglulupaypay at nagsisibalik; at ang kanilang mga makapangyarihan ay buwal, at nagsisitakas na maliksi, at hindi nagsisilingon: kakilabutan ay nasa bawa't dako, sabi ng Panginoon.

Huwag tumakas ang maliksi, o tumanan man ang makapangyarihan; sa hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates ay nangatisod sila at nangabuwal.

Sino itong bumabangon na (R)parang Nilo na ang mga tubig ay nagiinalong parang mga ilog?

Ang Egipto ay bumabangong parang Nilo, at ang tubig ay nagiinalong parang mga ilog: at kaniyang sinasabi, Ako'y babangon, aking tatakpan ang lupa; aking ipapahamak ang bayan at ang mga mananahan doon.

Kayo'y magsisampa, kayong mga kabayo; at kayo'y magsihagibis, kayong mga karo; at magsilabas ang mga lalaking makapangyarihan: ang Cus at ang Phut, na humahawak ng kalasag; at ang mga Ludio, na nagsisihawak at nangagaakma ng busog.

10 Sapagka't ang (S)araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, (T)may hain (U)sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.

11 Sumampa ka sa Galaad, (V)at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na (W)dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling.

12 Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan, at ang lupa ay puno ng iyong hiyaw, sapagka't ang makapangyarihan ay natisod laban sa makapangyarihan, sila'y nangabuwal kapuwa na magkasama.

13 Ang salita na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, kung paanong si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay darating, at sasaktan ang lupain ng Egipto.

Ang pagsalakay sa Egipto ay hinulaan.

14 Ipahayag ninyo sa Egipto, at inyong ihayag sa (X)Migdol, at inyong ihayag sa (Y)Memphis, at sa (Z)Taphnes: sabihin ninyo, Tumayo ka, at humanda ka; sapagka't ang tabak ay nanakmal sa palibot mo.

15 Bakit ang iyong mga malakas ay napaalis? sila'y hindi nagsitayo, sapagka't itinaboy ng Panginoon.

16 Kaniyang itinisod ang marami, oo, sila'y nangabuwal na patongpatong, at kanilang sinabi, Bumangon ka, at magsiparoon tayo uli sa ating sariling bayan, at sa lupain na kinapanganakan sa atin, mula sa mapagpighating tabak.

17 Sila'y nagsihiyaw roon, Si Faraong hari sa Egipto ay isang hugong lamang; (AA)kaniyang pinaraan ang takdang panahon.

18 Buháy ako, (AB)sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo, tunay na kung paano ang (AC)Tabor sa gitna ng mga bundok, at kung paano ang Carmel sa tabi ng dagat, gayon siya darating.

19 Oh ikaw na anak na babae na (AD)tumatahan sa Egipto, gumayak ka sa pagpasok sa pagkabihag; sapagka't ang Memphis ay masisira, at magniningas na mawawalan ng mananahan.

20 Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka; nguni't pagkasirang (AE)mula sa hilagaan ay dumarating, dumarating.

21 Ang kaniya namang mga taong upahan sa gitna niya ay parang mga guya sa kulungan; sapagka't sila man ay nagsibalik, sila'y nagsitakas na magkakasama, sila'y hindi nagsitayo: sapagka't ang kaarawan ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila, ang panahon ng pagdalaw sa kanila.

22 Ang hugong niyaon ay yayaong parang ahas; sapagka't sila'y magsisiyaong kasama ng hukbo, at magsisiparoong laban sa kaniya na mga may palakol, na parang mga mamumutol ng kahoy.

23 Kanilang puputulin ang kaniyang gubat, sabi ng Panginoon, bagaman mahirap pasukin; sapagka't sila'y higit kay sa mga balang, at walang bilang.

24 Ang anak na babae ng Egipto ay malalagay sa kahihiyan; siya'y mabibigay sa kamay ng bayan ng hilagaan.

25 Sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan si Amon na taga (AF)No, at si Faraon, at ang Egipto, sangpu ng kaniyang mga dios at ng kaniyang mga hari; maging si Faraon, at silang nagsisitiwala sa kaniya:

26 At aking ibibigay sila sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang mga buhay, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kaniyang mga lingkod; at (AG)pagkatapos ay tatahanan na gaya ng mga araw nang una, sabi ng Panginoon.

Ang Israel ay inaliw.

27 Nguni't huwag kang matakot, Oh Jacob na aking (AH)lingkod, ni manglupaypay ka, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong lahi ay mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.

28 Huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasaiyo: sapagka't ako'y gagawa ng lubos na kawakasan sa lahat ng bansa na aking pinagtabuyan sa iyo; nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo, kundi sasawayin kita ng kahatulan, at hindi kita iiwan sa anomang paraan ng walang kaparusahan.

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Filisteo.

47 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta (AI)tungkol sa mga Filisteo, (AJ)bago sinaktan ni Faraon ang Gaza.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, tubig ay (AK)umaahon (AL)mula sa hilagaan, at magiging baha, at aapawan ang lupain at ang lahat na nangaroon, ang bayan at ang nagsisitahan doon; at ang mga tao ay magsisihiyaw, at lahat ng mananahan sa lupain ay magsisitangis.

Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kaniyang mga malakas, sa hagibis ng kaniyang mga karo, sa hugong ng kaniyang mga gulong, hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa kahinaan ng mga kamay;

Dahil sa araw na dumarating upang lipulin ang lahat ng Filisteo, upang ihiwalay sa Tiro at Sidon, ang bawa't manunulongan na nalabi: sapagka't lilipulin ng Panginoon ang mga Filisteo, ang nalabi sa pulo ng (AM)Caphtor.

Kakalbuhan ay dumating sa Gaza; Ascalon ay napahamak, at ang nalabi sa kanilang libis: hanggang kailan magkukudlit ka?

Oh ikaw na tabak ng Panginoon, hanggang kailan di ka tatahimik? pumasok ka sa iyong kalooban; ikaw ay magpahinga, at tumahimik.

Paanong ikaw ay matatahimik dangang (AN)binigyan ka ng Panginoon ng bilin? laban sa Ascalon, at laban sa baybayin ng dagat ay doon niya itinakda.

2 Timoteo 2:22-3:17

22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at (A)sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga (B)nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.

23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang (C)walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.

24 At (D)ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, (E)sapat na makapagturo, matiisin,

25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi (F)sa ikaaalam ng katotohanan,

26 At (G)sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.

Datapuwa't alamin mo ito, (H)na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.

Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,

Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,

Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

(I)Na may (J)anyo ng kabanalan, datapuwa't (K)tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.

Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita,

Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating (L)sa pagkaalam ng katotohanan.

At kung paanong (M)si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, (N)mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya.

Nguni't sila'y hindi mangagpapatuloy: sapagka't mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan, (O)gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon.

10 Nguni't sinunod mo (P)ang aking aral, ugali, (Q)akala, (R)pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis,

11 Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin (S)sa Antioquia, sa (T)Iconio, sa (U)Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.

12 Oo, at (V)lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.

13 Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya.

14 Datapuwa't (W)manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan;

15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman (X)ang mga banal na kasulatan (Y)na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

16 Ang lahat ng mga kasulatan (Z)na kinasihan ng Dios ay (AA)mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

17 Upang ang tao (AB)ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Mga Awit 94

Tinawagan ang Panginoon upang ipaghiganti ang kaniyang bayan.

94 Oh Panginoon, ikaw na (A)Dios na kinauukulan ng panghihiganti,
Ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
Bumangon ka, (B)ikaw na hukom ng lupa:
Ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
Panginoon, (C)hanggang kailan ang masama,
Hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan:
Lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon,
At dinadalamhati ang iyong mana.
Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa,
At pinapatay ang ulila.
At (D)kanilang sinasabi, Ang Panginoo'y hindi makakakita,
Ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan:
At ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
(E)Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig?
Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 (F)Siyang nagpaparusa sa mga bansa, (G)hindi ba siya sasaway,
Sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 (H)Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao,
Na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 (I)Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon,
At tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan,
(J)Hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14 (K)Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan,
Ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran:
At susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 (L)Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18 Nang aking sabihin, (M)Ang aking paa ay natitisod;
Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko
Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan (N)ng kasamaan,
Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid,
At (O)pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog;
At ang Dios ko'y (P)malaking bato na aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan,
At ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan;
Ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.

Mga Kawikaan 26:6-8

Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang
Naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
Ang mga hita ng pilay ay nabibitin:
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog,
Gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978