The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.
54 Ang ingay ng hiyaw na (A)mula sa Babilonia, at ng malaking paglipol na mula sa lupain ng mga Caldeo!
55 Sapagka't ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia, at nanglilipol doon ang dakilang tinig; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas:
56 Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: (B)sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad.
57 At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe (C)at ang kaniyang mga pantas, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan, at ang kaniyang mga makapangyarihan; at siya'y matutulog ng walang hanggang pagtulog, at hindi magigising, sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.
58 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; (D)at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod.
Ang aklat ng salita ng Panginoon ay itatapon sa Eufrates.
59 Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, ng siya'y pumaroon sa Babilonia na kasama ni Sedechias na hari sa Juda, nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. Si Seraias nga ay punong bating.
60 At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia, (E)ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia.
61 At sinabi ni Jeremias kay Seraias, Pagdating mo sa Babilonia, iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito,
62 At iyong sabihin, Oh Panginoon, ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito, upang iyong ihiwalay, upang walang tumahan doon, maging tao o hayop man, kundi masisira magpakailan man.
63 At mangyayari, pagkatapos mong bumasa ng aklat na ito, na iyong tatalian ng bato, at ihahagis mo sa gitna ng Eufrates:
64 At iyong sasabihin, Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya; at sila'y mapapagod. (F)Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.
Si Sedechias ay naghari at nanghimagsik.
52 Si (G)Sedechias ay dalawang pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal, na anak ni Jeremias na taga Libna.
2 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni Joacim.
3 Sapagka't dahil sa galit ng Panginoon ay nangyari yaon sa Jerusalem at sa Juda, hanggang sa kaniyang napalayas sila sa kaniyang harapan. At si Sedechias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia.
4 (H)At nangyari, nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari, nang ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay dumating, siya at ang kaniyang buong hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at sila'y nangagtayo ng mga katibayan laban doon sa palibot.
5 Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedechias.
6 Nang ikaapat na buwan nang ikasiyam na araw ng buwan, ang kagutom ay mahigpit sa bayan na anopa't walang tinapay para sa bayan ng lupain.
7 Nang magkagayo'y nagkasira sa kuta ng bayan, at (I)lahat ng lalaking mangdidigma ay nagsitakas, at nagsilabas sa bayan nang kinagabihan, sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta, na nasa tabi ng halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay naging laban sa bayan sa palibot); at sila'y nagsiyaon sa daan ng Araba.
8 Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico; at ang buo niyang hukbo ay nangalat na napahiwalay sa kaniya.
9 Nang magkagayo'y kanilang hinuli ang hari, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla, sa lupain ng Hamath; at siya'y nilapatan niya ng kahatulan.
10 At pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa harap ng kaniyang mga mata: kaniyang pinatay rin ang lahat na prinsipe ng Juda sa Ribla.
11 At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia, at dinala siya sa Babilonia, at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay.
Ang Jerusalem ay nakuha at sinunog.
12 Nang ikalimang buwan nga sa ikasangpung araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, dumating sa loob ng Jerusalem si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, na tumayo sa harap ng hari sa Babilonia.
13 At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at lahat ng mga bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, sinunog niya ng apoy.
14 At ang buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng kapitan ng bantay, nagbagsak ng lahat ng kuta sa Jerusalem sa palibot.
15 Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan, at ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan, at yaong mga takas, (J)na nagsitakas sa hari sa Babilonia, at ang nalabi sa karamihan.
16 Nguni't nagiwan si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, sa mga dukha sa lupain upang maging mga manguubasan at mga mangbubukid.
Ang pagpapalipat ng kayamanan ng templo at ng mga bihag.
17 At (K)ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, ang mga tungtungan, at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, pinagputolputol ng mga Caldeo, at dinala ang lahat na tanso ng mga yaon sa Babilonia.
18 Ang mga palayok naman, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga mankok, at ang mga kuchara, at lahat na sisidlan na tanso, na kanilang ipinangangasiwa, dinala nila.
19 At ang mga saro, at ang mga apuyan, at ang mga mankok, at ang mga palayok, at ang mga kandelero, at ang mga kuchara, at ang mga tasa—ang ginto sa ginto, at ang pilak sa pilak—dinala ng kapitan ng bantay.
20 Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon—ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang.
21 At tungkol sa mga haligi, ang (L)taas ng isang haligi ay labing walong siko; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon; at ang kapal niyao'y apat na daliri: may guwang.
22 At isang kapitel na tanso ay nasa ibabaw niyaon; at ang taas ng isang kapitel ay limang siko, na yaring nilambat at may mga granada sa kapitel sa palibot, taganas na tanso: at ang ikalawang haligi naman ay mayroong gaya ng mga ito, at mga granada.
23 At mayroong siyam na pu't anim na granada sa mga tagiliran; lahat na granada ay (M)isang daan na yaring nilambat sa palibot.
24 At kinuha ng kapitan ng bantay si Seraias na (N)pangulong saserdote, at si Sophonias na ikalawang saserdote, at ang (O)tatlong tagatanod-pinto:
25 At sa bayan ay kinuha niya ang isang oficial na inilagay niya sa mga lalaking mangdidigma; at (P)pitong lalake sa kanila na nangakakita ng mukha ng hari, na nasumpungan sa bayan; at ang kalihim ng kapitan ng hukbo, na pumipisan ng bayan ng lupain, at anim na pung katao sa bayan ng lupain, na nangasumpungan sa gitna ng bayan.
26 At dinala sila ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla.
27 At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at ipinapatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Gayon nadalang bihag ang Juda, mula sa kaniyang lupain.
28 Ito ang bayan na dinalang bihag ni Nabucodonosor (Q)nang ikapitong taon, tatlong libo at dalawang pu't tatlong Judio:
29 (R)Nang ikalabingwalong taon ni Nabucodonosor ay nagdala siya ng bihag na mula sa Jerusalem na walong daan at tatlong pu't dalawang tao:
30 Nang ikadalawang pu't tatlong taon ni Nabucodonosor ay nagdala ng bihag sa mga Judio si Nabuzaradan na kapitan ng bantay na pitong daan at apat na pu't limang tao: lahat na tao ay apat na libo at anim na raan.
Si Joacim ay pinagmagandahang-loob ni Evil-merodach.
31 At nangyari, nang ikatatlong pu't pitong (S)taon ng pagkabihag kay Joacim na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawang pu't limang araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang unang taon ng kaniyang paghahari, nagtaas ng ulo ni (T)Joacim na hari sa Juda, at inilabas niya siya sa bilangguan;
32 At siya'y nagsalitang may kagandahang-loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan na lalong mataas kay sa luklukan ng (U)mga hari na kasama niya sa Babilonia.
33 At kaniyang binago ang kaniyang mga damit na pagkabihag. At si Joacim ay laging kumain ng tinapay sa harap niya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
34 At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari sa Babilonia, bawa't araw isang bahagi ng pagkain hanggang sa kaarawan ng kaniyang kamatayan, lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
3 Ipaalala mo sa kanilang (A)pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti,
2 Na huwag magsalita ng masama tungkol (B)sa kanino man, na (C)huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.
3 Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon (D)ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.
4 Nguni't nang mahayag na (E)ang kagandahang-loob ng (F)Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao,
5 Na (G)hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi (H)ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan (I)ng paghuhugas sa (J)muling kapanganakan at ng (K)pagbabago sa Espiritu Santo,
6 Na kaniyang ibinuhos ng sagana (L)sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas;
7 Upang, sa (M)pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, (N)ay maging tagapagmana tayo (O)ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.
8 Tapat ang pasabi, (P)at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao:
9 Nguni't ilagan mo (Q)ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan.
10 Ang taong may maling pananampalataya (R)pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
11 Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala (S)at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili.
12 Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas, o si (T)Tiquico, ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis: sapagka't pinasiyahan kong doon matira sa taginaw.
13 Suguin mong may sikap si Zenas na (U)tagapagtanggol ng kautusan at si (V)Apolos sa kanilang paglalakbay, upang sila'y huwag kulangin ng ano man.
14 At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa (W)sa kagamitang kailangan, upang huwag mawalan ng bunga.
15 Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat.
Awit na pagpapasalamat.
100 Magkaingay kayo na (A)may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
2 Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(B)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(C)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
4 (D)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
5 Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
18 Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy,
Mga pana, at kamatayan;
19 Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa,
At nagsasabi, (A)Hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978