Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 4:19-6:15

Panaghoy sa pagkagiba ng Juda.

19 Ang hirap ko, ang hirap (A)ko! Ako'y nagdaramdam sa aking (B)puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.

20 Kagibaan (C)at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang (D)nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.

21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?

22 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; (E)sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.

23 Aking minasdan ang lupa, at, narito, (F)sira at walang laman; at ang langit ay (G)walang liwanag.

24 Aking minasdan ang mga bundok, (H)at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon.

25 Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at (I)lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas.

26 Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit.

27 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; (J)gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan.

28 Dahil dito (K)ay tatangis ang lupa, at (L)ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, (M)at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.

29 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.

30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; (N)bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, (O)bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; (P)hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

31 Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa (Q)babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.

Ang di pagkilala ng Jerusalem sa Panginoon ay tinutulan.

Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, (R)kung kayo'y makakasumpong ng tao, (S)kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.

At (T)bagaman kanilang sinasabi, (U)Buháy ang Panginoon; tunay na sila'y (V)nagsisisumpa na may kasinungalingan.

Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang (W)iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; (X)kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; (Y)sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.

Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't (Z)kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang (AA)magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.

Kaya't papatayin sila ng (AB)leon na mula sa gubat, (AC)sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng (AD)leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.

Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan (AE)niyaong mga hindi dios. (AF)Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.

Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.

Hindi baga (AG)dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito?

Ang napipintong paglagpak ng Jerusalem.

10 (AH)Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; (AI)nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.

11 Sapagka't ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay (AJ)gumagawang may kataksilan laban sa akin, sabi ng Panginoon.

12 Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; (AK)ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man:

13 At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila.

14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, (AL)gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.

15 Narito, dadalhin ko ang (AM)bansa sa inyo na mula sa malayo, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon: siyang makapangyarihang bansa, siyang matandang bansa, isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan, o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi.

16 Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan, silang lahat ay makapangyarihang lalake.

17 At kakanin nila ang iyong (AN)ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak.

18 Nguni't sa mga araw mang yaon, sabi ng Panginoon, hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo.

19 At mangyayari, pagka inyong sasabihin, (AO)Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin? kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong inyong pinabayaan (AP)ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain, (AQ)gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo.

Ang larawan ng kasalanan ng Juda.

20 Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin,

21 Inyong dinggin ngayon ito, (AR)Oh hangal na bayan, at walang unawa; na may mga mata, at hindi nakakakita; na may mga pakinig, at hindi nakakarinig:

22 Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan, na naglagay ng buhangin na (AS)pinakahangganan ng dagat, sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya, upang huwag makalampas? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon, hindi rin mananaig; bagaman ang mga ito'y nagsisihugong, hindi rin ang mga ito'y makaraan.

23 Nguni't ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon.

24 Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, (AT)na naglalagpak ng ulan, ng (AU)maaga at gayon din (AV)ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin (AW)ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.

25 Ang inyong mga kasamaan ang (AX)nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.

26 Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao.

27 Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman.

28 Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban (AY)ang usap, ang usap ng ulila, (AZ)upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan.

29 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?

30 Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain:

31 Ang mga propeta ay nanganghuhula (BA)ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; (BB)at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?

Ang nagbabalang pagkulong sa Jerusalem.

Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, (BC)at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa (BD)Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa (BE)hilagaan, at isang malaking paglipol.

Ang maganda at maayos na babae, ang anak na babae ng Sion, ihihiwalay ko.

Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot; sila'y mangagpapasabsab bawa't isa sa kanikaniyang dako.

Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya; (BF)kayo'y magsibangon, at (BG)tayo'y magsisampa sa katanghaliang tapat. Sa aba natin! sapagka't ang araw ay kumikiling, sapagka't ang mga dilim ng gabi ay nangangalat.

Magsibangon, at tayo'y magsisampa sa gabi, at ating gibain ang kaniyang mga palacio.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siya'y lubos na kapighatian sa gitna niya.

Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig, (BH)gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan: (BI)pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat.

Maturuan ka, Oh Jerusalem, (BJ)baka ang aking kaluluwa ay mahiwalay sa iyo; baka ikaw ay gawin kong sira, lupaing hindi tinatahanan.

Ang paglagpak ng Jerusalem ay dadating dahil sa kaniyang kasamaan.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (BK)Kanilang lubos na sisimutin ang (BL)nalabi sa Israel na parang puno ng ubas: idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas.

10 Kanino ako magsasalita at magpapatotoo, upang kanilang marinig? narito, ang kanilang (BM)pakinig ay paking, (BN)at hindi mangakarinig: narito, ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila; sila'y walang kaluguran sa kaniya.

11 Kaya't ako'y puspus ng kapusukan ng Panginoon; ako'y pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagka't gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan.

12 At ang (BO)kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, (BP)ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagka't iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't (BQ)mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at (BR)mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.

14 (BS)Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.

15 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, o sila man ay nangamula: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila, sabi ng Panginoon.

Colosas 1:18-2:7

18 At (A)siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang (B)panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

19 Sapagka't minagaling ng Ama (C)na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;

20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (D)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.

21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.

22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon (E)sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:

23 Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa (F)pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; (G)na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.

24 (H)Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin (I)ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa (J)kaniyang katawan, na siyang iglesia;

25 Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa (K)pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,

26 Maging (L)ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal,

27 (M)Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano (N)ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, (O)na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:

28 Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao;

29 Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.

Sapagka't ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo, at sa nangasa (P)Laodicea, at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman;

Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa (Q)lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila (R)ang hiwaga ng (S)Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo,

Na siyang (T)kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.

Ito'y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit.

Sapagka't bagaman sa laman ako'y wala sa harap, gayon ma'y nasa inyo ako sa espiritu, na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos, at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo.

Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,

Na nangauugat (U)at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.

Mga Awit 77

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.

77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
(A)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(B)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (C)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
(D)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
Aking inaalaala ang awit ko (E)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
(F)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (G)hindi na baga siya lilingap pa?
Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (H)ang kaniyang pangako?
Nakalimot na ba ang Dios na (I)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (J)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (K)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (L)nasa santuario:
(M)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (N)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (O)at ng Jose. (Selah)
16 (P)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(Q)Ang langit ay humugong:
Ang mga (R)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (S)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (T)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (U)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (V)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (W)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.

Mga Kawikaan 24:23-25

23 Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas.
(A)Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24 (B)Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid;
Susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25 Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran,
At ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978