Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 37-38

Ipinagpauna ni Jeremias na huwag tumiwala kay Faraon.

37 At (A)si Sedechias na anak ni Josias ay naghari na gaya ng hari, na humalili kay (B)Conias na anak ni Joacim, (C)na ginawang hari sa lupain ng Juda ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

Nguni't maging siya, (D)o ang kaniyang mga lingkod man, o ang bayan man ng lupain, hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias.

At sinugo ni Sedechias na hari si (E)Jucal na anak ni Selemias, at si (F)Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, sa propeta Jeremias, na sinabi, Idalangin mo kami ngayon sa Panginoon nating Dios.

Si Jeremias nga (G)ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan: (H)sapagka't hindi nila inilagay siya sa bilangguan.

At (I)ang hukbo ni Faraon ay lumabas sa Egipto: (J)at nang mabalitaan sila ng mga Caldeo na nagsisikubkob ng Jerusalem, ay nagsialis sa Jerusalem.

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias, na nagsasabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda, (K)na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin: Narito, ang hukbo ni Faraon, na lumabas upang tulungan kayo, ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain.

At ang mga Caldeo ay magsisiparito uli, (L)at magsisilaban sa bayang ito; at kanilang sasakupin, at susunugin ng apoy.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag ninyong dayain ang inyong sarili, na magsabi, Tunay na magsisialis sa atin ang mga Caldeo: sapagka't hindi magsisialis.

10 Sapagka't bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo, at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila, gayon ma'y babangon sila, ang bawa't isa sa kaniyang tolda, at susunugin ng apoy ang bayang ito.

Si Jeremias ay ibinilanggo.

11 At nangyari, na nang umurong sa Jerusalem ang hukbo ng mga Caldeo dahil sa takot sa hukbo ni Faraon,

12 Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin, upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon, sa gitna ng bayan.

13 At nang siya'y (M)nasa pintuang-bayan ng Benjamin, isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias, na anak ni Selemias, na anak ni Hananias; at kaniyang dinakip si Jeremias, na propeta, na sinasabi, (N)Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo.

14 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias; Kasinungalingan, hindi ako kumakampi sa mga Caldeo. Nguni't hindi niya dininig siya: sa gayo'y dinakip ni Irias si Jeremias, at dinala sa (O)mga prinsipe.

15 At ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias at sinaktan nila siya, at isinilid sa bilangguan sa bahay ni Jonathan na kalihim: sapagka't kanilang ginawang bilangguan yaon.

Si Jeremias ay dinalaw ni Sedechias.

16 Nang si Jeremias ay makapasok sa bilangguang nasa ilalim ng lupa, at sa loob ng mga silid, at nang mabilanggo si Jeremias doon na maraming araw;

17 Nagsugo nga si Sedechias na hari at ipinasundo siya: at tinanong siyang (P)lihim ng hari sa kaniyang bahay, at nagsabi, May anoman bagang salitang mula sa Panginoon? At sinabi ni Jeremias: Mayroon. Sinabi rin niya, Ikaw ay mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia.

18 Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan?

19 Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo, na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito?

20 At ngayo'y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari: isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo, (Q)na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon.

21 Nang magkagayo'y nagutos si Sedechias na hari, at kanilang ibinilanggo si Jeremias (R)sa looban ng bantay; at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay, (S)hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan. Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay.

Si Jeremias ay inihulog sa hukay.

38 At narinig ni Sephatias na anak ni Mathan, at ni Gedalias na anak ni (T)Pashur, at ni (U)Jucal na anak ni Selemias, at ni Pasur na anak ni Melchias, ang mga salita na sinalita ni Jeremias sa buong bayan, na nagsasabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon, (V)Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas sa mga Caldeo ay mabubuhay, at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakasamsam, at siya'y mabubuhay.

Ganito ang sabi ng Panginoon, (W)Tunay na ang bayang ito ay mabibigay sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, at sasakupin niya.

Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe sa hari, Isinasamo namin sa iyo na (X)ipapatay ang lalaking ito; yamang kaniyang pinahina ang mga kamay ng mga lalaking mangdidigma na nalalabi sa bayang ito, at ang mga kamay ng buong bayan, sa pagsasalita ng kaniyang mga salita sa kanila: sapagka't hindi hinahanap ng lalaking ito ang ikabubuti ng bayang ito, kundi ang ikapapahamak.

At sinabi ni Sedechias na hari, Narito, siya'y nasa inyong kamay; (Y)sapagka't hindi ang hari ang makagagawa ng anoman laban sa inyo.

Nang magkagayo'y sinunggaban nila si Jeremias, at inihagis siya sa hukay ni Malchias na anak ng hari, na nasa looban ng bantay: at kanilang inihugos si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. At sa hukay ay walang tubig, kundi burak; at lumubog si Jeremias sa burak.

Nagkaroong muli si Jeremias ng lihim na pakikipagkita kay Sedechias.

(Z)Nang marinig nga ni Ebed-melec na taga Etiopia, na bating na nasa bahay ng hari, na kanilang isinilid si Jeremias sa hukay; (na ang hari noo'y nakaupo (AA)sa pintuang-bayan ng Benjamin),

Si Ebed-melec ay lumabas sa bahay ng hari, at nagsalita sa hari, na nagsasabi,

Panginoon ko na hari, ang mga lalaking ito ay nagsigawa ng kasamaan sa lahat ng kanilang ginawa kay Jeremias na propeta, na kanilang isinilid sa hukay; at siya'y mamamatay sa dakong kaniyang kinaroonan dahil sa kagutom; sapagka't (AB)wala nang tinapay sa bayan.

10 Nang magkagayo'y nagutos ang hari kay Ebed-melec na taga Etiopia, na nagsasabi, Magsama ka mula rito ng tatlong pung lalake, at isampa mo si Jeremias na propeta mula sa hukay, bago siya mamatay.

11 Sa gayo'y nagsama ng mga lalake si Ebed-melec, at pumasok sa bahay ng hari, sa ilalim ng silid ng kayamanan, at kumuha mula roon ng mga basahan, at mga lumang damit, at kanilang ibinaba sa pamamagitan ng mga lubid sa hukay kay Jeremias.

12 At sinabi ni Ebed-melec na taga Etiopia kay Jeremias, Ilagay mo ngayon ang mga basahang ito at mga lumang damit sa iyong mga kilikili sa ibabaw ng mga lubid. At ginawang gayon ni Jeremias.

13 Sa gayo'y (AC)isinampa nila si Jeremias ng mga lubid, at itinaas siya mula sa hukay: at si Jeremias ay naiwan sa looban ng bantay.

14 Nang magkagayo'y nagsugo si Sedechias na hari, at ipinagsama si Jeremias na propeta sa ikatlong pasukan na nasa bahay ng Panginoon: at sinabi ng hari kay Jeremias, Magtatanong ako sa iyo ng isang bagay; huwag kang maglihim ng anoman sa akin.

15 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias kay Sedechias, Kung saysayin ko sa iyo, hindi mo baga tunay na ipapapatay ako? at kung bigyan kita ng payo, hindi ka makikinig sa akin.

16 Sa gayo'y si Sedechias ay sumumpang (AD)lihim kay Jeremias, na nagsasabi, Buháy ang Panginoon (AE)na lumalang ng ating kaluluwa, hindi kita ipapapatay, o ibibigay man kita sa kamay ng mga lalaking ito na nagsisiusig ng iyong buhay.

Ang hari ay pinayuhang sumuko sa Caldeo.

17 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias kay Sedechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kung iyong lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabubuhay ka nga, at ang bayang ito ay hindi masusunog ng apoy; at ikaw ay mabubuhay, at ang iyong sangbahayan:

18 Nguni't kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabibigay nga ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at kanilang susunugin ng apoy, at (AF)ikaw ay hindi makatatanan sa kanilang kamay.

19 At sinabi ni Sedechias na hari kay Jeremias, Ako'y natatakot sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo, baka ako'y ibigay nila sa kanilang kamay, at kanilang libakin ako.

20 Nguni't sinabi ni Jeremias, Hindi ka ibibigay nila. Isinasamo ko sa iyo, na talimahin mo ang tinig ng Panginoon, tungkol sa aking sinalita sa iyo: sa gayo'y ikabubuti mo, at ikaw ay mabubuhay.

21 Nguni't kung ikaw ay tumangging lumabas, ito ang salita na ipinakilala sa akin ng Panginoon,

22 Narito, lahat ng babae na naiwan sa bahay ng hari sa Juda ay malalabas sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia, at ang mga babaing yaon ay mangagsasabi, Hinikayat ka ng iyong mga kasamasamang mga kaibigan, at nanaig sa iyo: ngayon ang iyong paa nga ay nalubog sa burak, at sila'y nagsitalikod.

23 At kanilang dadalhin ang lahat mong asawa at ang (AG)iyong mga anak sa mga Caldeo, at hindi ka makatatanan sa kanilang kamay, kundi ikaw ay mahuhuli ng kamay ng hari sa Babilonia: at iyong ipasusunog ng apoy ang bayang ito.

24 Nang magkagayo'y sinabi ni Sedechias kay Jeremias, Huwag maalaman ng tao ang mga salitang ito, at hindi ka mamamatay.

25 Nguni't kung mabalitaan ng mga prinsipe na ako'y nakipagsalitaan sa iyo, at sila'y magsiparito sa iyo, at mangagsabi sa iyo, Ipahayag mo sa amin ngayon kung ano ang iyong sinabi sa hari; huwag mong ikubli sa amin, at hindi ka namin ipapapatay; gayon din kung anong sinabi ng hari sa iyo:

26 Iyo ngang sasabihin sa kanila, (AH)Aking iniharap ang aking pamanhik sa harap ng hari, (AI)na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jonathan, na mamatay roon.

27 Nang magkagayo'y dumating ang lahat na prinsipe kay Jeremias, at tinanong siya: at kaniyang isinaysay sa kanila ang ayon sa lahat ng salitang ito na iniutos ng hari. Sa gayo'y pinabayaan nilang magsalita siya; sapagka't ang bagay ay hindi nahalata.

28 Sa gayo'y (AJ)tumahan si Jeremias (AK)sa looban ng bantay hanggang sa araw na masakop ang Jerusalem.

1 Timoteo 6

Ang lahat ng mga alipin (A)na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang (B)ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag (C)malapastangan.

At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang (D)magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.

Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at (E)hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, (F)at sa aral na ayon sa kabanalan;

Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, (G)kundi may-sakit sa mga usapan at (H)mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga (I)pagalipusta, mga masasamang akala.

Pagtataltalan ng mga taong (J)masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.

Datapuwa't ang kabanalan na (K)may kasiyahan ay (L)malaking kapakinabangan:

Sapagka't (M)wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;

Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.

Datapuwa't (N)ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, (O)na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.

10 Sapagka't (P)ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

11 Datapuwa't ikaw, (Q)Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.

12 Makipagbaka ka (R)ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, (S)manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.

13 (T)Ipinagbibilin ko sa iyo (U)sa paningin ng Dios (V)na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, (W)na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;

14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan (X)hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:

15 Na (Y)sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, (Z)na mapalad at tanging Makapangyarihan (AA)Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;

16 (AB)Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng (AC)sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.

17 Ang mayayaman sa sanglibutang (AD)ito, ay pagbilinan mo na (AE)huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;

18 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;

19 (AF)Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang (AG)sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.

20 Oh Timoteo, (AH)ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, (AI)na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at (AJ)ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;

21 Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.

Mga Awit 89:38-52

38 Nguni't iyong (A)itinakuwil at tinanggihan,
Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod:
(B)Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
40 (C)Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod:
Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya.
(D)Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway;
Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak,
At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan.
At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
45 (E)Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan:
Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
46 (F)Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man?
Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
47 (G)Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon:
Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan,
Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob,
(H)Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
50 (I)Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod;
Kung paanong taglay ko (J)sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon,
Na kanilang idinusta sa (K)mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
52 (L)Purihin ang Panginoon, magpakailan man.
Siya nawa, at Siya nawa.

Mga Kawikaan 25:28

28 Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa
Ay parang bayang nabagsak at walang kuta.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978