The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
27 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na (A)aking hahasikan ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng (B)binhi ng tao at ng binhi ng hayop.
28 At mangyayari, na kung paanong (C)binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal, at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon.
29 Sa mga (D)araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo.
30 Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin.
Ang bagong tipan ay gagawin.
31 Narito, (E)ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:
32 Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na (F)aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman (G)ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon.
33 (H)Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, (I)Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;
34 At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang (J)lahat ako, (K)mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't (L)aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.
35 Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay (M)ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng (N)mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, (O)na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang (P)Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan:
36 Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay (Q)sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man.
37 Ganito ang sabi ng Panginoon, (R)Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon.
38 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang bayan ay matatayo sa Panginoon (S)mula sa moog ni Hananeel hanggang sa (T)pintuang-bayan sa sulok.
39 At ang panukat na pisi ay magpapatuloy (U)na matuwid sa burol ng Gareb, at pipihit hanggang sa Goa.
40 At (V)ang buong libis ng mga katawang patay, at ng mga abo, at ang lahat na parang hanggang sa batis ng Cedron, (W)hanggang sa sulok ng pintuang-bayan ng kabayo sa dakong silanganan, (X)magiging banal sa Panginoon; hindi mabubunot o mahahagis ang sinoman magpakailan pa man.
Si Jeremias ay ibinilanggo.
32 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon (Y)nang ikasangpung taon ni Sedechias na hari sa Juda (Z)na siyang ikalabing walong taon ni Nabucodonosor.
2 Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong (AA)sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda.
3 Sapagka't kinulong siya ni Sedechias na hari sa Juda, na sinasabi, Bakit ka nanghuhula, at nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, (AB)Narito, ibibigay ko ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin:
4 At si (AC)Sedechias na hari sa Juda ay (AD)hindi makatatanan sa kamay ng mga Caldeo, kundi tunay na mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at makikipagusap sa kaniya ng bibig, at ang kaniyang mga mata ay titingin sa kaniyang mga mata;
5 At kaniyang dadalhin si Sedechias sa Babilonia, at siya'y doroon hanggang sa dalawin ko siya, sabi ng Panginoon: bagaman kayo'y magsilaban sa mga Caldeo, hindi kayo magsisiginhawa?
Ipinabili kay Jeremias ang lupain sa Anathoth.
6 At sinabi ni Jeremias, Ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin, na nagsasabi:
7 Narito, si Hanamel na anak ni Sallum na iyong amain ay paroroon sa iyo, na magsasabi, Bilhin mo ang parang ko na nasa Anathoth: (AE)sapagka't ang matuwid ng pagtubos ay ukol sa iyo upang bilhin.
8 Sa gayo'y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon, at sinabi sa akin, Bilhin mo ang aking parang, isinasamo ko sa iyo, na nasa Anathoth, na nasa lupain ng Benjamin; sapagka't ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo, at ang pagtubos ay ukol sa iyo; bilhin mo para sa iyong sarili. Nang magkagayo'y nakilala ko na ito'y salita ng Panginoon.
9 At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain, at (AF)tinimbang ko sa kaniya ang salapi, na labing pitong siklong pilak.
10 At ako'y naglagda ng pangalan sa katibayan, at (AG)aking tinatakan, at tumawag ako ng mga saksi, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan.
11 Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas:
12 At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay (AH)Baruch na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain, at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili, sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan.
13 At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila, na aking sinasabi,
14 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Iyong kunin ang mga katibayang ito, ang katibayang ito ng pagkabili, ang natatatakan, at gayon din itong katibayang bukas, at iyong isilid sa sisidlang lupa; upang tumagal ng maraming araw.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Mga bahay, at mga parang, at mga ubasan (AI)ay mangabibili pa uli sa lupaing ito.
Si Jeremias ay nanalangin upang maliwanagan.
16 Pagkatapos nga na aking maibigay (AJ)ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, dumalangin ako sa Panginoon, na aking sinabi,
17 Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; (AK)walang bagay na totoong napakahirap sa iyo:
18 Na (AL)ikaw ay nagpapakita ng kagandahang-loob sa mga libolibo, at iyong ginaganti ang kasamaan ng mga magulang sa sinapupunan ng kanilang mga anak pagkamatay nila; ang dakila, na makapangyarihang (AM)Dios, ang (AN)Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.
19 (AO)Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa,
20 Na naglagay ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, sa Israel at gayon din sa gitna ng ibang mga tao; at magtaglay ka ng pangalan, gaya sa araw na ito;
21 At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at (AP)ng malaking kakilabutan,
22 At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito (AQ)na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila, (AR)lupain na binubukalan ng gatas at pulot,
23 At sila'y pumasok, at kanilang inari; nguni't (AS)hindi dininig ang itong tinig, o lumakad man sa iyong kautusan; sila'y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin: kaya't iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila.
24 Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita.
25 At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, (AT)iyong bilhin ng salapi ang parang, at (AU)ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo.
Itinadhana ang pagkabihag dahil sa pagsuway ng Israel.
26 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,
27 Narito, ako ang Panginoon, ang (AV)Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin?
28 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin,
29 At ang mga Caldeo, na nagsisilaban sa bayang ito, magsisiparito at susulsulan ang bayang ito, at susunugin, sangpu ng mga bahay (AW)na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal, at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios, upang mungkahiin ako sa galit.
30 Sapagka't ang ginawa (AX)lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit (AY)ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon.
31 Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha.
32 Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda, na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, (AZ)sila, ng kanilang mga hari, ng kanilang mga prinsipe, ng kanilang mga saserdote, at ng kanilang mga propeta, at ng mga tao ng Juda, at ng mga nananahan sa Jerusalem.
33 At (BA)kanilang tinalikdan ako, at hindi ako hinarap: bagaman aking tinuruan sila, (BB)na bumabangon ako ng maaga at tinuturuan ko sila, gayon ma'y hindi sila nangakinig na magsitanggap ng turo.
34 Kundi (BC)kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.
35 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin (BD)sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae (BE)kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; (BF)na pinapagkasala ang Juda.
Pagbabalik mula sa pagkabihag ay ipinangako.
36 At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot:
37 Narito, (BG)aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay.
38 At sila'y magiging aking bayan, (BH)at ako'y magiging kanilang Dios:
39 At bibigyan ko sila ng isang puso (BI)at ng isang daan, (BJ)upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila:
40 At (BK)ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: (BL)at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin.
41 Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag (BM)sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa.
42 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (BN)Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila.
43 At mga parang ay (BO)mabibili sa lupaing ito, (BP)na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo.
44 Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at (BQ)mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, (BR)sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.
3 Tapat ang pasabi, (A)Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.
2 (B)Dapat nga na ang (C)obispo ay (D)walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, (E)mapagpatuloy, (F)sapat na makapagturo;
3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;
4 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, (G)na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong (H)kahusayan;
5 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa (I)iglesia ng Dios?)
6 Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa (J)kaparusahan ng diablo.
7 Bukod dito'y dapat din namang siya'y (K)magkaroon ng mabuting patotoo ng (L)nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan (M)at silo ng diablo.
8 Gayon din naman (N)ang mga diakono dapat ay (O)mahuhusay, hindi dalawang dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan;
9 Na iniingatan (P)ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi.
10 (Q)At ang mga ito rin naman ay subukin muna; kung magkagayo'y mamahalang may pagka diakono, kung walang kapintasan.
11 (R)Gayon din naman ang mga babae dapat ay mahuhusay, hindi palabintangin, mapagpigil, tapat sa lahat ng mga bagay.
12 Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae, na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan.
13 Sapagka't ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono, ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan, at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus.
14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;
15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (S)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
16 At walang pagtatalo, dakila (T)ang hiwaga ng kabanalan;
Awit, Salmo ng mga anak ni Core; sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath Leannoth. Masquil ni (A)Heman na (B)Ezrahita.
88 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan,
Ako'y dumaing (C)araw at gabi sa harap mo:
2 Masok ang aking dalangin sa iyong harapan:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:
3 Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan,
At ang aking buhay ay (D)nalalapit sa Sheol,
4 (E)Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay;
Ako'y parang taong walang lakas:
5 Nakahagis sa gitna ng mga patay,
Gaya ng napatay na nakahiga sa libingan,
Na (F)hindi mo na inaalaala; At sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
6 Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay,
Sa mga (G)madilim na dako, sa mga (H)kalaliman.
7 Lubhang idinidiin ako ng iyong poot,
At iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)
8 (I)Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko;
Iyong ginawa akong (J)kasuklamsuklam sa kanila:
Ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
9 Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian:
Ako'y tumawag (K)araw-araw sa iyo, Oh Panginoon,
Aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
10 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay?
Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)
11 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan?
O ang iyong pagtatapat sa (L)Kagibaan?
12 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa (M)dilim?
At ang katuwiran mo sa lupain ng (N)pagkalimot?
13 Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako,
At (O)sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
14 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko?
Bakit mo (P)ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
15 Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan:
Habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin;
Inihiwalay ako (Q)ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
17 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw;
(R)Kinubkob ako nilang magkakasama.
18 Mangliligaw at kaibigan ay (S)inilayo mo sa akin,
At ang aking kakilala ay sa (T)dilim.
20 Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa,
Gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso.
21 (A)Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain;
At kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom:
22 Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo,
(B)At gagantihin ka ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978