The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.
31 Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo?
32 Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang.
33 Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad.
34 Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong (A)ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito.
35 Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, (B)hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.
36 Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.
37 Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay (C)nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila.
Ang pagtitiis ng Panginoon sa kanilang kasalanan.
3 Kanilang sinabi, Kung ihiwalay ng lalake ang kaniyang asawa, at siya'y humiwalay sa kaniya, at mapasa ibang lalake, (D)babalik pa baga uli ang lalake sa kaniya? hindi baga lubos na madudumhan ang (E)lupaing yaon? Nguni't (F)ikaw ay nagpatutot sa maraming nangingibig; gayon ma'y manumbalik ka uli sa akin, sabi ng Panginoon.
2 Imulat mo ang iyong mga mata (G)sa mga luwal na kaitaasan, at tingnan mo; saan hindi ka nasipingan? (H)Sa tabi ng mga lansangan ay naghintay ka sa kanila, gaya ng taga Arabia sa ilang; (I)at iyong dinumhan ang lupain ng iyong mga pakikiapid at ng iyong kasamaan.
3 Kaya't ang (J)ambon, ay napigil, at hindi nagkaroon (K)ng huling ulan; gayon man may noo ka ng isang patutot ikaw ay tumakuwil na mapahiya.
4 Hindi ka baga dadaing mula sa panahong ito sa akin, Ama ko, ikaw ang patnubay ng aking kabataan?
5 Kaniya bagang iingatan ang kaniyang galit magpakailan man? (L)kaniya bagang iingatan hanggang sa kawakasan? Narito, ikaw ay nagsalita at gumawa ng mga masamang bagay, at sinunod mo ang iyong ibig.
6 Bukod dito'y sinabi sa akin ng Panginoon sa kaarawan ni Josias na hari, Iyo bagang nakita ang ginawa ng tumatalikod na Israel? (M)siya'y yumaon sa bawa't mataas na bundok at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at doon siya nagpatutot.
7 At aking sinabi pagkatapos na magawa niya ang lahat na bagay na ito, Siya'y babalik sa akin; nguni't hindi siya bumalik: at nakita ng taksil (N)niyang kapatid na Juda.
8 At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng (O)sulat ng paghihiwalay, gayon ma'y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot.
9 At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan (P)ng mga bato at ng mga kahoy.
10 At gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda, ng kaniyang buong puso, kundi paimbabaw, sabi ng Panginoon.
Ang gawi ng Juda ay higit na masama kay sa Israel.
11 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang tumatalikod na Israel ay napakilala na lalong matuwid kay sa taksil na Juda.
12 Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong (Q)hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man.
13 Kilalanin mo lamang ang iyong kasamaan, (R)na ikaw ay sumalansang sa Panginoon mong Dios, at iyong ikinalat ang iyong mga kaugalian sa (S)mga taga ibang lupa (T)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at kayo'y hindi nagsisunod sa aking tinig, sabi ng Panginoon.
14 Kayo'y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, (U)sapagka't ako'y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng (V)isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.
15 At bibigyan ko kayo ng mga pastor ayon sa aking kalooban, na kakandili sa inyo ng kaalaman at unawa.
16 At mangyayari, pagka kayo'y dumami at lumago sa lupain sa mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, hindi na nila sasabihin, Ang kaban ng tipan ng Panginoon; ni mapapasaisip nila yaon: ni aalalahanin nila yaon: ni nanaisin nila yaon; ni mayayari pa man.
17 Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at (W)lahat ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon, sa Jerusalem: hindi na rin lalakad pa man sila ng ayon sa pagmamatigas ng kanilang masamang kalooban.
18 Sa mga araw na yaon ang sangbahayan ni Juda ay (X)lalakad na kasama ng sangbahayan ni Israel, at sila'y manggagaling na magkasama sa lupain (Y)ng hilagaan (Z)sa lupain na ibinigay kong pinakamana sa inyong mga magulang.
Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.
19 Nguni't aking sinabi, Paanong ilalagay kita sa gitna ng mga anak, at bibigyan kita ng masayang lupain, ng mainam na mana ng mga hukbo ng mga bansa? at aking sinabi, Inyong tatawagin ako, (AA)Ama ko; at hindi ka na hihiwalay pa ng pagsunod sa akin.
20 Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon.
21 Isang tinig ay (AB)naririnig sa mga luwal na kaitaasan, ang iyak at ang mga samo ng mga anak ni Israel; sapagka't kanilang pinasama ang kanilang lakad, kanilang nilimot ang Panginoon nilang Dios.
22 (AC)Kayo'y manumbalik, kayong nagsisitalikod na mga anak, aking pagagalingin ang inyong mga pagtalikod. Narito, kami ay nagsiparito sa iyo; sapagka't ikaw ay Panginoon naming Dios.
23 Tunay na (AD)walang kabuluhan ang tulong na maaasahan sa mga burol, ang kagulo sa mga bundok: tunay na nasa Panginoon naming Dios ang kaligtasan ng Israel.
24 Nguni't nilamon ng nakahihiyang bagay ang gawa ng ating mga magulang na mula sa ating kabataan, ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, ang kanilang mga anak na lalake at babae.
25 Tayo'y magsihiga sa ating kahihiyan, at takpan tayo ng ating kalituhan: sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon nating Dios, tayo at ang ating mga magulang, mula sa ating kabataan hanggang sa araw na ito; at hindi tayo nakinig sa tinig ng Panginoon nating Dios.
Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.
4 Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay (AE)manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; (AF)hindi ka nga makikilos;
2 At ikaw ay susumpa, Buháy ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay (AG)magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila.
Ang Juda ay nanganganib na salakayin.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, (AH)Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong (AI)maghasik sa gitna ng mga tinik.
4 Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, (AJ)at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
5 Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (AK)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (AL)mga bayang nakukutaan.
6 Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: (AM)sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.
7 Ang isang leon ay (AN)sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na (AO)walang mananahan.
8 Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.
9 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha.
10 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: (AP)tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay.
11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, (AQ)Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:
12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.
13 Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.
14 Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?
15 Sapagka't isang (AR)tinig ay nagpapahayag (AS)mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim.
16 Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda.
17 Sila'y gaya ng mga bantay (AT)sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.
18 Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito (AU)sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.
1 Si Pablo, na (A)apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang (B)kapatid nating si Timoteo,
2 Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.
3 Nagpapasalamat kami (C)sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,
4 Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal,
5 Dahil sa pagasa (D)na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa (E)salita ng katotohanan ng evangelio,
6 Na ito'y dumating sa inyo; (F)gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman (G)ang biyaya ng Dios sa katotohanan;
7 Ayon sa inyong natutuhan kay (H)Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;
8 Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong (I)pagibig sa Espiritu.
9 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, (J)sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
11 Na kayo'y palakasin ng buong (K)kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
12 (L)Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
13 Na siyang nagligtas sa atin sa (M)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na (N)siya ang larawan ng (O)Dios na di nakikita, (P)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
16 Sapagka't (Q)sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga (R)pagsakop o mga (S)pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan (T)niya at ukol sa kaniya;
17 At siya'y (U)una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.
76 Sa Juda (A)ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
3 (B)Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
4 Maluwalhati ka at marilag, (C)Mula sa mga bundok na hulihan.
5 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y (D)nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
6 (E)Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7 Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At (F)sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
8 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
9 Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 (G)Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 (H)Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, (I)yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.
21 Anak ko, (A)matakot ka sa Panginoon at sa hari:
At huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
22 Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla;
At sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978