The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Binigyan ng babala ang lahat ng bayan ng Juda.
26 Nang (A)pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; (C)huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
3 Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; (D)upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
4 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (E)Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo,
5 Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, (F)na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan;
6 Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng (G)Silo, at gagawin ko ang bayang ito na (H)sumpa (I)sa lahat ng mga bansa sa lupa.
7 At narinig (J)ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.
Ang lalang laban kay Jeremias.
8 At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay.
9 Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na (K)mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.
10 At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong (L)pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.
11 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; (M)sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.
13 Kaya't (N)ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.
14 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.
15 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.
Ang lalang ay nawalang bisa.
16 Nang magkagayo'y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin; sapagka't siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios.
17 Nang magkagayo'y nagsitindig ang ilan sa (O)mga matanda sa lupain, at nangagsalita sa buong kapulungan ng bayan, na nangagsasabi,
18 Si Miqueas na Morastita ay (P)nanghula sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda: at siya'y nagsalita sa buong bayan ng Juda, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang Sion ay aararuhing parang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa gugubat.
19 Si Ezechias bagang hari sa Juda at ang buong Juda ay nagpapatay sa kaniya? (Q)hindi baga siya natakot sa Panginoon, at dumalangin ng lingap ng Panginoon, at ang Panginoon ay nagsisi sa kasamaan na kaniyang sinalita laban sa kanila? Ganito gagawa tayo ng malaking kasamaan laban sa ating sariling mga kaluluwa.
20 At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim: at siya'y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias:
21 (R)At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na prinsipe, ang kaniyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya; nguni't nang marinig ni Urias, siya'y natakot, at tumakas, at pumasok sa Egipto:
22 At si Joacim na hari ay nagsugo ng mga lalake sa (S)Egipto, ang mga ito nga, si Elnathan na anak ni Acbor, at ilang mga lalake na kasama niya, sa Egipto:
23 At kaniyang inilabas si Urias sa Egipto, at dinala niya siya kay Joacim na hari; (T)na pumatay sa kaniya ng tabak, at naghagis ng kaniyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao.
24 Nguni't ang kamay (U)ni Ahicam na anak (V)ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya.
Ang mga bansa ay pinagsabihan na sumuko kay Nabucodonosor.
27 (W)Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na (X)hari sa Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at (Y)ilagay mo sa iyong batok,
3 At iyong mga ipadala sa hari sa (Z)Edom, at sa hari sa Moab, at sa hari ng mga anak ni Ammon, at sa hari sa Tiro, at sa hari sa Sidon, sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na hari sa Juda,
4 At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon.
5 (AA)Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng aking unat na bisig; at (AB)aking ibinigay doon sa minamarapat ko.
6 At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na (AC)aking lingkod at ang mga hayop sa parang ay ibinigay ko rin naman sa kaniya upang mangaglingkod sa kaniya.
7 At lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya, at (AD)sa kaniyang anak at sa (AE)anak ng kaniyang anak, (AF)hanggang dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain: at kung magkagayo'y maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran siya.
8 At mangyayari, na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at yaong hindi yuyukod ng kanilang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, ay parurusahan ko ng tabak, at ng kagutom, at ng salot, hanggang sa aking malipol sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
9 Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang (AG)inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia:
10 Sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan (AH)sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at aking palalayasin kayo at kayo'y mangalilipol.
11 Nguni't ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at maglilingkod sa kaniya, ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bubukirin, at tatahanan.
12 At ako'y nagsalita kay (AI)Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay:
13 Bakit kayo'y (AJ)mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia?
14 At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan (AK)sa inyo.
15 Sapagka't hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon; kundi sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan; upang aking mapalayas kayo, at kayo'y mangalipol, kayo, at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo.
16 Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta, na nanganghuhula sa inyo, na nangagsasabi, Narito, (AL)ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo.
17 Huwag ninyong dinggin sila, mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia, at kayo'y mangabuhay: bakit nga ang bayang ito ay magiging sira?
18 Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, (AM)mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga (AN)sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.
19 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo (AO)tungkol sa mga haligi, at tungkol sa dagatdagatan, at tungkol sa mga tungtungan, at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito,
20 Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, (AP)nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda, mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia, at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem;
21 Oo, ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem:
22 (AQ)Mangadadala sa Babilonia, at mangapaparoon, hanggang sa araw na dalawin ko sila, sabi ng Panginoon; kung magkagayo'y isasampa ko (AR)sila, at isasauli ko sa dakong ito.
3 Katapustapusan, mga kapatid, ay (A)inyong idalangin kami, upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo;
2 At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; (B)sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya.
3 Nguni't (C)tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y (D)magiingat sa masama.
4 At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos.
5 At (E)patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa (F)pagtitiis ni Cristo.
6 Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, (G)na kayo'y magsihiwalay sa bawa't (H)kapatid (I)na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon (J)sa aral na tinanggap nila sa amin.
7 Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay (K)hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo;
8 Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi (L)sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo:
9 (M)Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.
10 Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, (N)Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain.
11 Sapagka't aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan, na hindi man lamang nagsisigawa, kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba.
12 Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na (O)sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay.
13 Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti.
14 At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang (P)huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.
15 At gayon ma'y (Q)huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid.
16 Ngayon ang (R)Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.
17 (S)Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako.
18 Ang (T)biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
2 (B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
3 Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
4 (D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
5 (E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
6 Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
7 Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
8 (F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
16 (A)Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo;
Baka ka masuya, at iyong isuka.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978