Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 10-11

Ang pagkakilala sa Panginoon ay kaluwalhatian ng Tao. Ang hindi tunay na Dios ay itinulad sa Panginoon.

10 Inyong dinggin ang salita na sinasalita ng Panginoon sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, (A)at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon.

Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol (B)ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol.

Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos.

Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, (C)at hindi nagsasalita: (D)kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't (E)hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.

Walang gaya mo, Oh Panginoon; ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan.

Sinong hindi matatakot sa iyo, (F)Oh Hari ng mga bansa? sapagka't sa iyo nauukol; palibhasa'y sa gitna ng lahat ng pantas sa mga bansa, at (G)sa lahat nilang kaharian, ay walang gaya mo.

Kundi sila'y pawang tampalasan (H)at hangal (I)turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang.

May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; (J)gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.

10 Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; (K)siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.

11 Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, (L)Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang (M)mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit.

12 (N)Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:

13 Pagka siya'y naguutos, may hugong ng tubig sa langit, at kaniyang pinaiilanglang (O)ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa; siya'y nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan.

14 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay (P)kabulaanan, at (Q)hindi humihinga ang mga yaon.

15 Sila'y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol.

16 Ang (R)bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang (S)may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana (T)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.

17 Iyong pulutin ang (U)iyong mga kalakal mula sa lupain, Oh ikaw na nakukubkob.

18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibubulid ang mga mananahan sa lupain sa panahong ito, at aking pahihirapan sila (V)upang sila'y makaramdam.

19 Sa aba ko, (W)dahil sa aking sugat! ang aking sugat ay malubha: nguni't aking sinabi, Tunay na ito ay aking hirap, at (X)aking marapat na tiisin.

20 Ang aking tolda ay nagiba, (Y)at lahat ng panali ko ay nangapatid; iniwan ako ng aking mga anak, at sila'y wala na: wala nang magtayo pa ng aking tolda, at magtaas ng aking mga tabing.

21 Sapagka't ang mga pastor ay naging tampalasan, at hindi nagsisangguni sa Panginoon: kaya't hindi sila magsisiginhawa, at lahat nilang kawan ay nangalat.

22 Ang tinig ng mga (Z)balita, narito, dumarating, at malaking kagulo mula (AA)sa lupaing hilagaan, upang gawing kagibaan ang mga bayan ng Juda, at tahanan ng mga chakal.

23 Oh Panginoon, talastas ko (AB)na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.

24 Oh Panginoon, sawayin mo ako, (AC)nguni't sa pamamagitan ng kahatulan; huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala.

25 Iyong ibuhos ang iyong kapusukan (AD)sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo, at sa mga angkan na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan; sapagka't (AE)kanilang sinakmal ang Jacob, oo, kanilang sinakmal siya, at nilipol siya, at sinira ang kaniyang tahanan.

Ang hindi pagsunod ng Juda sa tipan ng Panginoon.

11 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito, at inyong salitain sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem,

At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (AF)Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito,

Na aking iniutos sa iyong mga magulang, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, (AG)mula sa hurnong bakal, na nagsasabi, (AH)inyong talimahin ang aking tinig, at inyong isagawa, ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo: sa gayo'y magiging bayan ko kayo, at ako'y magiging inyong Dios;

Upang (AI)aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang, upang ibigay ko sa kanila ang isang (AJ)lupaing binubukalan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito. Nang magkagayo'y sumagot ako, at sinabi ko, (AK)Siya nawa, Oh Panginoon.

At sinabi ng Panginoon sa akin, Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na inyong sabihin, Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito, (AL)at inyong isagawa.

Sapagka't aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, (AM)na ako'y bumabangong maaga at pinatutunayan ko, na aking sinasabi, Inyong talimahin ang aking tinig.

Gayon ma'y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa't isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kaya't dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, nguni't hindi nila isinagawa.

Pagbabanta laban kay Jeremias.

At sinabi ng Panginoon sa akin, (AN)Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem.

10 Sila'y nanganumbalik (AO)sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan, na nagsitangging duminig ng aking mga salita; at sila'y nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran: sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang.

11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at sila'y magsisidaing sa akin, nguni't hindi ko sila didinggin.

12 Kung magkagayo'y magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan: nguni't hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan.

13 Sapagka't (AP)ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal.

Pagtawag ni Jeremias.

14 Kaya't huwag mong (AQ)idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.

15 Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay, yamang siya'y gumawa ng kahalayan sa marami, at (AR)ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan, ikaw nga'y nagagalak.

16 Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan, (AS)Sariwang puno ng olivo, maganda na may mainam na bunga: sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy, at ang mga sanga niyaon ay nangabali.

17 Sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili (AT)sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal.

18 At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon, at naalaman ko: nang magkagayo'y ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa.

19 Nguni't ako'y (AU)gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman (AV)na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa (AW)lupain ng buháy, upang ang kaniyang pangalan ay (AX)huwag ng maalaala.

20 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok (AY)ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na (AZ)nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay (BA)huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, (BB)upang huwag kang mamatay sa aming kamay;

22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;

23 At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't (BC)ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa (BD)taon ng pagdalaw sa kanila.

Colosas 3:18-4

18 Mga babae, (A)pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.

19 Mga lalake, (B)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

20 Mga anak, (C)magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.

21 Mga ama, (D)huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.

22 (E)Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:

23 Anomang inyong ginagawa, (F)ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;

24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay (G)tatanggapin ninyo ang ganting (H)mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.

25 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; (I)at walang itinatanging mga tao.

Mga panginoon, (J)gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit.

(K)Manatili kayong palagi (L)sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na (M)may pagpapasalamat;

(N)Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain (O)ang hiwaga ni Cristo, (P)na dahil din dito'y may mga tanikala ako;

Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.

Magsilakad kayo na may karunungan (Q)sa nangasa labas, (R)na inyong samantalahin ang panahon.

Ang inyong pananalita nawa'y (S)laging may biyaya, (T)na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

(U)Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon:

Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang maalaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso;

Na kasama ni (V)Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini.

10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni (W)Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin),

11 At si Jesus na tinatawag na Justo, (X)na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.

12 Binabati kayo ni Epafras, (Y)na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios.

13 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa (Z)Laodicea, at sa nangasa Hierapolis.

14 Binabati kayo ni (AA)Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni (AB)Demas.

15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at (AC)ang iglesiang nasa kanilang bahay.

16 At pagkabasa (AD)ng sulat na ito sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.

17 At sabihin ninyo kay (AE)Arquipo, Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon.

18 Ang bating sinulat ng aking sariling kamay, (AF)akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang (AG)aking mga tanikala. (AH)Ang biyaya'y sumasainyo nawa.

Mga Awit 78:56-72

56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (A)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (B)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (C)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (D)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (E)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (F)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (G)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (H)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (I)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (J)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (K)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (L)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (M)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (N)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (O)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.

Mga Kawikaan 24:28-29

28 (A)Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan;
At huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
29 Huwag mong sabihin, Gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin:
Aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978