Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 49:23-50:46

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Damasco.

23 Tungkol sa Damasco. Ang Hamath ay (A)napahiya, at ang Arphad; sapagka't sila'y nangakarinig ng mga masamang balita, sila'y nanganglulupaypay: may kapanglawan sa dagat; hindi maaaring tumahimik.

24 Ang Damasco ay humihina, siya'y tumatalikod upang tumakas, at panginginig ay humahawak sa kaniya: kalungkutan at mga kapanglawan ay sumapit sa kaniya na gaya sa babae sa pagdaramdam.

25 Ano't hindi pinabayaan ang bayan (B)na kapurihan, ang bayan na aking kagalakan?

26 Kaya't ang kaniyang mga binata ay mangabubuwal sa kaniyang mga lansangan, at lahat ng lalake na mangdidigma ay mangadadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

27 At ako'y magsusulsol ng (C)apoy sa kuta ng Damasco, at pupugnawin niyaon ang mga palacio ni (D)Benhadad.

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Cedar at Hasor.

28 Tungkol sa Cedar, (E)at sa mga kaharian ng Hasor na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsibangon kayo, magsisampa kayo sa Cedar, at inyong lipulin ang mga anak ng silanganan.

29 Ang kanilang mga tolda (F)at ang kanilang mga kawan ay kanilang kukunin; kanilang kukunin para sa kanilang sarili ang kanilang mga tabing, at lahat nilang sisidlan, at ang kanilang mga kamelyo: at hihiyawan nila sila: (G)Kakilabutan sa lahat ng dako!

30 Magsitakas kayo, (H)gumala kayo ng malayo, magsitahan kayo sa kalaliman, Oh kayong mga nananahan sa Hasor, sabi ng Panginoon; sapagka't kumuhang payo si Nabucodonosor na hari sa Babilonia laban sa inyo, at may ipinasiya laban sa inyo.

31 Magsibangon kayo, inyong sampahin ang bansang tiwasay, na tumatahang walang bahala, sabi ng Panginoon; na wala kahit pintuangbayan o mga halang man, na (I)tumatahang magisa.

32 At ang kanilang mga kamelyo ay magiging samsam, at ang karamihan ng kanilang kawan ay samsam: at (J)aking pangangalatin sa lahat ng hangin ang mga may gupit sa dulo ng kanilang buhok; at aking dadalhin ang kanilang kasakunaan na mula sa lahat nilang dako, sabi ng Panginoon.

33 At ang Hasor (K)ay magiging tahanang dako ng mga chakal, sira magpakailan man: walang taong tatahan doon, ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon.

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Elam.

34 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa (L)Elam sa pagpapasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, na nagsasabi,

35 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking babaliin (M)ang busog ng Elam, ang pinakapangulo ng kaniyang kapangyarihan.

36 At sa Elam ay dadalhin ko ang apat na hangin na mula sa apat na sulok ng langit, at aking pangangalatin sila sa lahat ng hanging yaon; at walang bansang hindi kararatingan ng mga tapon na mula sa Elam.

37 At aking panglulupaypayin ang Elam sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa harap ng nagsisiusig ng kanilang buhay; at ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y ang aking mabangis na galit, sabi ng Panginoon; (N)at aking ipahahabol sila sa tabak, hanggang sa malipol ko sila.

38 At aking ilalagay ang aking luklukan sa Elam, (O)at aking lilipulin mula roon ang hari at mga prinsipe, sabi ng Panginoon.

39 At mangyayari sa mga huling araw, (P)na aking ibabalik ang pagkabihag ng Elam, sabi ng Panginoon.

Ang Babilonia ay gigibain at ang Israel ay ililigtas.

50 Ang salita na sinalita ng Panginoon (Q)tungkol sa Babilonia, tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ni Jeremias na propeta.

Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa, at inyong itanyag, at mangagtaas kayo ng watawat; inyong itanyag, at huwag ninyong ikubli: inyong sabihin, Ang Babilonia ay nasakop, (R)si Bel ay nalagay sa kahihiyan, (S)si Merodach ay nanglulupaypay; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan, ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay.

Sapagka't mula sa hilagaan ay (T)sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya, na sisira ng kaniyang lupain, at walang tatahan doon: sila'y nagsitakas, sila'y nagsiyaon, ang tao at gayon din ang hayop.

Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang mga anak ni Israel ay magsisidating, (U)sila, at ang mga anak ni Juda na magkakasama: (V)sila'y magsisiyaon ng kanilang lakad na nagsisiiyak, (W)at hahanapin nila ang Panginoon nilang Dios.

Kanilang ipagtatanong ang daan ng Sion, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa dakong yaon, na magsasabi, Magsiparito kayo, at lumakip kayo sa Panginoon (X)sa walang hanggang tipan na hindi malilimutan.

Ang aking bayan ay naging gaya ng nawalang tupa: iniligaw sila ng kanilang mga pastor; sila'y inilihis sa mga bundok; (Y)sila'y nagsiparoon sa burol mula sa bundok; kanilang nalimutan ang kanilang pahingahang dako.

Sinasakmal sila ng lahat na nangakakasumpong sa kanila; at (Z)sinabi ng kanilang mga kaaway, Kami ay walang kasalanan, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon, na (AA)tatahanan ng kahatulan, sa makatuwid baga'y sa Panginoon, na pagasa ng kanilang mga magulang.

Magsitakas kayo mula sa gitna ng Babilonia, at kayo'y magsilabas mula sa lupain ng mga Caldeo, at kayo'y maging gaya ng mga kambing na lalake sa harap ng mga kawan.

Sapagka't, narito, aking patatayuin at pasasampahin laban sa Babilonia (AB)ang isang kapulungan ng mga dakilang bansa na mula sa hilagaang lupain; at sila'y magsisihanay laban sa kaniya; mula diya'y sasakupin siya; ang kanilang mga pana ay magiging gaya sa isang magilas na makapangyarihan; (AC)walang babalik na di may kabuluhan.

10 At ang Caldea ay magiging samsam: lahat na nagsisisamsam sa kaniya ay mangabubusog, sabi ng Panginoon.

11 Sapagka't kayo ay masasaya, (AD)sapagka't kayo'y nangagagalak, Oh kayong nagsisisamsam ng aking mana, sapagka't kayo'y malilikot na parang babaing guyang baka, na yumayapak ng trigo, at humahalinghing na parang mga malakas na kabayo;

12 Ang inyong ina ay mapapahiyang lubha; siyang nanganak sa inyo ay malilito: narito, siya'y magiging pinakahuli sa mga bansa, isang gubatan, isang tuyong lupain, isang ilang.

13 Dahil sa poot ng Panginoon ay hindi tatahanan, kundi magiging lubos na sira: bawa't (AE)magdaan sa Babilonia ay matitigilan, at susutsot dahil sa kaniyang lahat na pagkasalot.

14 Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot, kayong lahat na nagsisiakma ng busog; hilagpusan ninyo siya, huwag kayong manganghinayang ng mga pana: sapagka't siya'y nagkasala laban sa Panginoon.

15 Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot: siya'y sumuko sa kaniyang sarili; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal, ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak: (AF)sapagka't siyang kagantihan ng Panginoon: manghiganti kayo sa kaniya; kung ano ang kaniyang ginawa, (AG)gawin ninyo sa kaniya.

16 Ihiwalay ninyo ang manghahasik sa Babilonia, at siyang pumipigil ng karit sa panahon ng pagaani: dahil sa takot sa mamimighating tabak ay (AH)babalik bawa't isa sa kaniyang bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.

17 Ang Israel ay parang nakalat na (AI)tupa; itinaboy siya (AJ)ng mga leon: ang unang sumakmal sa kaniya ay (AK)ang hari sa Asiria; at si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay siyang huling bumali ng kaniyang mga buto.

18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang kaniyang lupain, (AL)gaya ng aking pagkaparusa sa hari sa Asiria.

19 At aking dadalhin uli ang Israel (AM)sa kaniyang pastulan, at siya'y sasabsab sa Carmel at sa Basan, at ang kaniyang kalooban ay masisiyahan sa mga burol ng Ephraim at sa Galaad.

20 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, (AN)ang kasamaan ng Israel ay mauusig, at hindi magkakaroon ng anoman; at ang mga kasalanan ng Juda, at hindi sila masusumpungan: sapagka't aking patatawarin sila na (AO)aking iniiwan na pinakalabi.

21 Sumampa ka laban sa lupain ng Merathaim, laban doon, at laban sa mga nananahan sa Pekod: pumatay ka at manglipol na lubos na manunod sa kanila, sabi ng Panginoon, at iyong gawin ang ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo.

22 Ang hugong ng pagbabaka ay (AP)nasa lupain, at ang malaking kapahamakan.

23 Ano't naputol (AQ)at nabali ang pamukpok ng buong lupa! ano't ang Babilonia ay nasira sa gitna ng mga bansa!

24 Pinaglagyan kita ng silo, at ikaw naman ay nahuli, Oh Babilonia, at hindi mo ginunita: ikaw ay nasumpungan at nahuli rin, sapagka't ikaw ay nakipagtalo laban sa Panginoon.

25 Binuksan ng Panginoon ang kaniyang lalagyan ng almas, at inilabas (AR)ang mga almas ng kaniyang pagkagalit; sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay may gawang gagawin sa lupain ng mga Caldeo.

26 Magsiparoon kayo laban sa kaniya, mula sa kahulihulihang hangganan; inyong buksan ang kaniyang mga kamalig; inyong ihagis na parang mga bunton, at siya'y inyong siraing lubos; huwag maiwanan siya ng anoman.

27 Inyong patayin (AS)ang lahat niyang mga toro; (AT)pababain sila sa patayan: sa aba nila! sapagka't ang kanilang araw ay dumating, ang araw ng pagdalaw sa (AU)kanila.

28 Inyong dinggin ang tinig nila na nagsisitakas at nagsisitahan mula sa lupain ng Babilonia, upang (AV)maghayag sa Sion ng (AW)kagantihan ng Panginoon nating Dios, ng kagantihan ng kaniyang templo.

29 Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na nangagaakma ng busog; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot; huwag bayaang mangakatanan: (AX)inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa; ayon sa lahat niyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya; (AY)sapagka't siya'y naging palalo laban sa Panginoon, laban sa Banal ng Israel.

30 Kaya't mabubuwal ang kaniyang mga binata sa kaniyang mga lansangan, at ang lahat niyang lalaking mangdidigma ay madadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.

31 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh ikaw na palalo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo; sapagka't ang iyong kaarawan ay dumating, ang panahon na dadalawin kita.

32 At ang palalo ay matitisod at mabubuwal, at walang magbabangon sa kaniya; at ako'y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan, at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya.

33 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AZ)Ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay napipighating magkasama; at lahat na nagsikuhang bihag sa kanila ay hinahawakang mahigpit sila; ayaw pawalan sila.

34 (BA)Ang Manunubos sa kanila ay malakas; (BB)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: (BC)kaniyang ipakikipaglabang maigi ang kanilang usap, upang mabigyan niya ng kapahingahan ang lupa, at bagabagin ang mga nananahan sa Babilonia.

35 Ang tabak ay nasa mga Caldeo, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan sa Babilonia, at sa kaniyang mga prinsipe, at sa kaniyang mga pantas.

36 Ang tabak ay nasa mga hambog, at sila'y (BD)mangahahangal, ang tabak ay nasa kaniyang mga makapangyarihan, at sila'y manganglulupaypay.

37 Ang tabak ay nasa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo, at sa buong (BE)bayang halohalo na nasa gitna niya; at sila'y (BF)magiging parang mga babae; isang tabak ay nasa kaniyang mga kayamanan, at mangananakaw;

38 (BG)Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka't lupain ng mga (BH)larawang inanyuan, at sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan.

39 Kaya't ang mga mabangis na hayop sa ilang sangpu ng mga lobo ay magsisitahan doon, at ang avestruz ay tatahan doon: at (BI)hindi na matatahanan kailan pa man; ni matatahanan sa sali't saling lahi.

40 Kung paanong sinira (BJ)ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon, sabi ng Panginoon, gayon hindi tatahan doon ang sinoman, o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao.

41 Narito, isang bayan ay dumarating na (BK)mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.

42 Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia.

43 Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

44 Narito, ang kaaway ay sasampa na (BL)parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: nguni't bigla kong palalayasin sila sa kaniya; at ang mapili, siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sinong gaya ko? at sinong magtatakda sa akin ng panahon? at sino (BM)ang pastor na tatayo sa harap ko?

45 Kaya't inyong dinggin ang (BN)payo ng Panginoon, na kaniyang ipinayo laban sa Babilonia; at ang kaniyang mga pasiyang ipinasiya niya, laban sa lupain ng mga Caldeo: Tunay na kanilang itataboy ang mga maliit sa kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan pati sila.

46 Sa ingay ng pagsakop sa Babilonia, ay nayayanig (BO)ang lupa, at ang hiyaw ay naririnig sa mga bansa.

Tito 1

Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng (A)mga hinirang ng Dios, at (B)sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,

Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na (C)ipinangako ng Dios (D)na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;

(E)Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala (F)ayon sa utos ng Dios na (G)ating Tagapagligtas;

Kay (H)Tito na aking (I)tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.

(J)Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at (K)maghalal ng (L)mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;

(M)Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.

Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y (N)katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;

Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;

Na (O)nananangan sa (P)tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.

10 Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, (Q)lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli,

11 Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, (R)dahil sa mahalay na kapakinabangan.

12 Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila,

Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.

13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y (S)sawayin mong may kabagsikan sila, upang (T)mangapakagaling sa pananampalataya,

14 Na (U)huwag mangakinig sa mga (V)katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.

15 (W)Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang (X)pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.

16 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila (Y)sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.

Mga Awit 97-98

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

97 Ang Panginoon ay (A)naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
(B)Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
Tumatanglaw (C)ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
(D)Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
Ipinahahayag (E)ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya (F)kayong lahat na mga dios.
Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay (G)kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, (H)ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila (I)sa kamay ng masama.
11 (J)Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
(K)At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Awit.

98 (L)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(M)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
(N)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(O)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
(P)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (Q)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (R)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(S)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
(T)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
(U)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
Sa harap ng Panginoon, (V)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.

Mga Kawikaan 26:13-16

13 (A)Sinabi ng tamad, May leon sa daan;
Isang leon ay nasa mga lansangan.
14 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra,
Gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
15 (B)Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan;
Napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
16 Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili
Kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978