Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 19-21

Ang pagkagiba ng Jerusalem ay itinulad sa basag na palyok.

19 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay yumaon, at bumili ka ng isang (A)sisidlang lupa ng magpapalyok, at magsama ka ng mga matanda sa bayan, at (B)ng mga matanda sa mga saserdote;

At ikaw ay lumabas (C)sa libis ng anak ni Hinnom, na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit, at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo:

At iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, (D)Oh mga hari sa Juda, at mga nananahan sa Jerusalem: Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito, (E)na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig.

Sapagka't kanilang pinabayaan (F)ako, at kanilang pinapaging iba ang dakong ito, at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda, at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala,

At (G)itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, (H)upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; (I)na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip:

Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging (J)Topheth, ni (K)Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan.

At aking sasayangin ang payo ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito; at aking ibubuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa pamamagitan ng kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: (L)at ang kanilang mga bangkay ay mangabibigay na pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.

At (M)gagawin ko ang bayang ito na katigilan, at kasutsutan; bawa't isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon.

At (N)pakakanin ko sila ng laman ng kanilang mga anak na lalake at ang laman ng kanilang mga anak na babae; at kakain bawa't isa sa kanila ng laman ng kaniyang kaibigan, sa pagkakulong at sa kagipitan, na igigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway, at ng nagsisiusig ng kanilang buhay.

10 Kung magkagayo'y (O)babasagin mo ang sisidlang lupa sa paningin ng mga lalake na nagsisiyaong kasama mo, at iyong sasabihin sa kanila,

11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok, na hindi mabubuo uli; at sila'y mangaglilibing (P)sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.

12 Ganito ang gagawin ko sa dakong ito, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan dito, sa makatuwid baga'y gagawin ang bayang ito na (Q)gaya ng Topheth:

13 At ang mga bahay ng Jerusalem, at ang mga bahay ng mga hari sa Juda, na nangahawa ay magiging gaya ng dako ng Topheth, lahat ng bahay (R)na ang mga bubungan ay pinagsunugan ng kamangyan sa lahat ng natatanaw sa langit, at (S)pinagbuhusan ng mga handog na inumin sa ibang mga dios.

14 Nang magkagayo'y nagbalik si Jeremias mula sa Topheth, na pinagsuguan sa kaniya ng Panginoon upang manghula; at siya'y tumayo sa (T)looban ng bahay ng Panginoon, at nagsabi sa buong bayan,

15 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magdadala sa bayang ito, at sa kaniyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na aking sinalita laban doon; sapagka't kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig ang aking salita.

Ang pagkagiba ng Jerusalem ay itinulad sa basag na palyok.

20 Napakinggan (U)ni Pashur, na anak (V)ni Immer, na saserdote, na siyang (W)pangulong pinuno sa bahay ng Panginoon, si Jeremias na nanghuhula ng mga bagay na ito.

Nang magkagayo'y sinaktan ni Pashur si Jeremias na propeta, at inilagay siya sa pangawan na nasa lalong mataas na (X)pintuang-bayan ng Benjamin, na nasa bahay ng Panginoon.

At nangyari, nang kinabukasan, na inilabas ni Pashur si Jeremias mula sa pangawan. Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa kaniya, Hindi tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan na Pashur, kundi Magormissabib.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, gagawin kitang kakilabutan sa iyong sarili, at sa lahat mong mga kaibigan; at sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway, at mamamasdan ng iyong mga mata: at ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang dadalhin sila na bihag sa Babilonia, at papatayin sila ng tabak.

Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat na kayamanan ng bayang ito, at ang lahat na pakinabang nito, at ang lahat na mahalagang bagay nito, oo, ang lahat na kayamanan ng mga hari sa Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway; na magsisisamsam sa kanila, at magsisihuli sa kanila, (Y)at mangagdadala sa kanila sa Babilonia.

At ikaw Pashur, at ang lahat na tumatahan sa iyong bahay ay magsisipasok sa pagkabihag; at paroroon ka sa Babilonia, at doon ka mamamatay, at doon ka malilibing, ikaw, at ang lahat mong mga kaibigan, na iyong pinanghulaan na may kasinungalingan.

Itinangis ni Jeremias ang pagsubok sa kaniya.

Oh Panginoon, iyong hinikayat ako, at ako'y nahikayat; ikaw ay lalong malakas kay sa akin, at nanaig ka: (Z)ako'y nagiging katatawanan lahat ng araw, bawa't isa'y tumutuya sa akin.

Sapagka't kung paano kadalas nagsasalita ako, humihiyaw ako; (AA)humihiyaw ako, Pangdadahas at paninira; sapagka't ang salita ng Panginoon ay naging kakutyaan sa akin, at kadustaan, lahat ng araw.

At kung aking sabihin, Hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na (AB)wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako'y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil.

10 Sapagka't aking narinig (AC)ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa lahat ng dako. Kayo'y mangagsumbong, at aming isusumbong siya, sabi ng (AD)lahat ng mga kasamasama kong kaibigan, na nagsisipaghintay ng aking pagkabagsak; marahil siya'y mahihikayat, at tayo'y mangananaig laban sa kaniya, at tayo'y mangakagaganti sa kaniya.

11 Nguni't ang Panginoon ay sumasaakin na parang makapangyarihan at kakilakilabot: kaya't ang mga manguusig sa akin ay mangatitisod, at sila'y hindi mangananaig; sila'y lubhang mangapapahiya, sapagka't sila'y hindi nagsisigawang may karunungan, ng (AE)walang hanggang kapintasan na hindi malilimutan.

12 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, (AF)na tumatarok ng matuwid, at nakakakita ng mga pagiisip at ng puso, ipakita mo sa akin ang iyong panghihiganti sa kanila; sapagka't sa iyo ay inihayag ko ang aking usap.

13 Kayo'y magsiawit sa Panginoon, magsipuri kayo sa Panginoon; sapagka't kaniyang iniligtas ang kaluluwa ng mapagkailangan mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan.

14 Sumpain (AG)ang araw na kinapanganakan sa akin: huwag pagpalain ang araw na kinapanganakan sa akin ng aking ina.

15 Sumpain ang tao na nagdala ng balita sa aking ama, na nagsabi, Isang lalake ay ipinanganak sa iyo, na pinasaya siyang mainam.

16 At ang lalaking yaon ay maging gaya ng mga bayang (AH)giniba ng Panginoon, at hindi pinagsisihan: at (AI)makarinig nawa siya ng daing sa umaga, at hiyawan sa katanghaliang tapat;

17 Sapagka't (AJ)hindi niya pinatay ako sa bahay-bata; at sa gayo'y naging libingan ko sana ang aking ina, at ang kaniyang bahay-bata, ay naging laging dakila sana.

18 Bakit nga ako'y (AK)nalabas sa bahay-bata upang makakita ng hirap at kapanglawan, upang ang aking mga araw ay manaw na may kahihiyan?

Ang pagtatanong ni Sedechias, at ang sagot ni Jeremias.

21 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, nang suguin ng haring Sedechias sa kaniya si (AL)Pashur na anak ni Malchias, at si (AM)Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, na sinasabi,

Isinasamo ko sa iyo, na ipagusisa mo (AN)kami sa Panginoon; sapagka't si (AO)Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay nakikipagdigma laban sa amin: marahil ang Panginoon ay gagawa sa amin ng ayon sa lahat niyang kamanghamanghang gawa, upang siya'y sumampa na mula sa amin.

Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin kay Sedechias:

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, (AP)ibabalik ko ang mga almas na pangdigma na nangasa inyong mga kamay, na inyong ipinakikipaglaban sa hari sa Babilonia, at laban sa mga Caldeo na kinukubkob ninyo sa labas ng mga kuta, at aking pipisanin sa gitna ng bayang ito.

At ako sa aking sarili ay lalaban sa inyo na (AQ)may unat na kamay at may malakas na bisig, sa galit, at sa kapusukan, at sa malaking poot.

At aking susugatan ang mga mananahan sa bayang ito, ang tao at gayon din ang hayop: sila'y mangamamatay sa malaking pagkasalot.

At pagkatapos, sabi ng Panginoon, (AR)aking ibibigay si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga lingkod, at ang bayan, at yaong nangaiwan sa bayang ito na mula sa pagkasalot, mula sa tabak, at mula sa gutom, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: at kaniyang susugatan sila ng talim ng tabak; (AS)hindi niya patatawarin sila, o panghihinayangan man, o kaaawaan man.

At sa bayang ito ay sasabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (AT)inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng kabuhayan at ang daan ng kamatayan,

Ang (AU)tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng tabak at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas at kumakampi sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo, siya'y mabubuhay, at ang (AV)kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakahuli.

10 Sapagka't itinitig ko (AW)ang mukha ko sa bayang ito sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti, (AX)sabi ng Panginoon: ito'y ibibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at (AY)kaniyang susunugin sa apoy.

Ang Juda ay binabalaan tungkol sa paghatol ng hindi matuwid.

11 At tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon,

12 Oh sangbahayan ni David, ganito ang sabi ng Panginoon, Maglapat ka ng kahatulan (AZ)sa umaga, at iligtas mo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati, baka ang aking kapusukan ay lumabas na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawain.

13 Narito, (BA)ako'y laban sa iyo, Oh nananahan sa libis, at sa batohan ng kapatagan, sabi ng Panginoon; kayong nangagsasabi, Sinong bababang laban sa atin? o sinong papasok sa ating mga tahanan?

14 At aking parurusahan kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at ako'y magsusulsol ng apoy sa kaniyang gubat, at susupukin niyaon ang lahat na nangasa palibot niyaon.

1 Tesalonica 5:4-28

Nguni't kayo, (A)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:

Sapagka't kayong lahat (B)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;

(C)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (D)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.

Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (E)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.

Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (F)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

Sapagka't tayo'y (G)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,

10 Na (H)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.

11 Dahil dito (I)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (J)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (K)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;

13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (L)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.

14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (M)alalayan ang mga mahihina, (N)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.

15 (O)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.

16 (P)Mangagalak kayong lagi;

17 Magsipanalangin kayong (Q)walang patid;

18 Sa lahat ng mga bagay ay (R)magpasalamat kayo; sapagka't ito (S)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

19 Huwag ninyong patayin (T)ang ningas ng Espiritu;

20 Huwag ninyong hamakin (U)ang mga panghuhula;

21 Subukin ninyo ang (V)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

22 Layuan ninyo ang (W)bawa't anyo ng masama.

23 At pakabanalin (X)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (Y)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (Z)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

24 (AA)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.

25 Mga kapatid, (AB)idalangin ninyo kami.

26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (AC)banal na halik.

27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (AD)ang sulat na ito.

28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

Mga Awit 82

Awit ni Asaph.

82 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At (A)magsisigalang sa mga pagkatao (B)ng masama? (Selah)
Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
(C)Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman:
(D)Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
(E)Aking sinabi, Kayo'y mga dios,
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Gayon ma'y mangamamatay kayong (F)parang mga tao,
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
(G)Sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.

Mga Kawikaan 25:9-10

(A)Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa,
At huwag mong ihayag ang lihim ng iba:
10 Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo,
At ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978