Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Zacarias 2-3

Ang habag na pangako sa Sion.

At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang (A)isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, (B)Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.

At, narito, (C)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,

At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na (D)walang mga kuta, (E)dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.

Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, (F)at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.

Oy, oy, (G)magsitakas kayo (H)mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.

Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; (I)sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.

Sapagka't narito, aking (J)ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at (K)inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.

10 (L)Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't (M)narito, ako'y naparirito, at (N)ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.

11 At maraming bansa ay (O)magpipisan sa Panginoon (P)sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.

12 At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain (Q)at pipiliin pa ang Jerusalem.

13 Tumahimik ang lahat na tao, (R)sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.

Si Josue na saserdote ay isang sanga.

At ipinakita niya sa akin (S)si Josue (T)na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.

At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang (U)dupong na naagaw sa apoy?

Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming (V)kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel.

At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, (W)Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, (X)aking pinaram ang iyong kasamaan, (Y)at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.

At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang (Z)mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.

At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue, na nagsabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at (AA)kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap.

Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong (AB)pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang (AC)aking lingkod (AD)na Sanga.

Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni (AE)Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may (AF)pitong mata: narito, aking (AG)iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon (AH)sa isang araw.

10 Sa araw na yaon, (AI)sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos.

Apocalipsis 13

13 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat.

At nakita ko ang (A)isang hayop na umaahon sa dagat, (B)na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.

At ang hayop na aking nakita (C)ay katulad ng isang leopardo, (D)at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at (E)ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya (F)ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.

At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong (G)lupa'y nanggilalas sa hayop;

At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?

At binigyan siya ng isang (H)bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na (I)apat na pu't dalawang buwan.

At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.

At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.

At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa (J)aklat ng buhay (K)ng Cordero na pinatay (L)buhat nang itatag ang sanglibutan.

Kung ang sinoman ay may pakinig, (M)ay makinig.

10 (N)Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: (O)kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. (P)Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.

11 At nakita ko ang (Q)ibang hayop (R)na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad (S)ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.

12 At kaniyang isinasagawa (T)ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, (U)na gumaling ang sugat na ikamamatay.

13 At (V)siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, (W)na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao.

14 At (X)nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa (Y)dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.

15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi (Z)sumasamba sa larawan ng hayop.

16 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin (AA)ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;

17 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop (AB)o bilang ng kaniyang pangalan.

18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't (AC)siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

Mga Awit 141

Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David

141 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: (A)magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
(B)Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
(C)Ang pagtataas ng aking mga kamay na (D)parang hain sa kinahapunan.
(E)Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At (F)huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
(G)Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto (H)ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
Sapagka't ang mga mata ko'y (I)nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
Iligtas mo ako (J)sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 (K)Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.

Mga Kawikaan 30:18-20

18 May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin,
Oo, apat na hindi ko nalalaman:
19 Ang lipad ng aguila sa hangin;
Ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato;
Ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat;
At ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga.
20 Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae;
Siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig,
At nagsasabi, Hindi ako gumawa ng kasamaan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978