The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
Ang pakikipagkaalit ng Panginoon sa Israel.
4 Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka't ang (A)Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka't walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain.
2 Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo.
3 Kaya't ang lupain ay (B)tatangis, at bawa't tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli.
4 Gayon ma'y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka't ang (C)iyong bayan ay (D)gaya ng nakikipaglaban sa saserdote.
5 At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina.
6 Ang aking bayan ay nasira (E)dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, (F)akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak.
7 Kung paanong sila'y nagsidami, gayon sila nangagkasala laban sa akin: (G)aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian.
8 (H)Sila'y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan, at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan.
9 At mangyayari, na kung paano ang bayan, gayon ang saserdote, at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad, at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa.
10 At (I)sila'y magsisikain, at hindi mangabubusog; sila'y magpapatutot, at hindi dadami; sapagka't sila'y nangagwalang bahala sa Panginoon.
11 Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay (J)nagaalis ng kaalaman.
12 Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang (K)tungkod, at ang (L)kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios.
13 Sila'y nangaghahain sa mga taluktok (M)ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga (N)encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.
14 Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila'y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila'y nangangalunya; sapagka't ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot, at sila'y nangaghahain na kasama ng mga patutot: at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak.
15 Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa (O)Gilgal, ni magsisampa man kayo sa (P)Beth-aven, (Q)ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon.
16 Sapagka't ang Israel ay nagpakatigas ng ulo, (R)gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae: ngayo'y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako.
17 (S)Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya.
18 Ang kanilang inumin ay naging maasim; sila'y nagpapatutot na palagi; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan.
19 (T)Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak; at sila'y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain.
Ang pagsalangsang ng Israel ay tinutulan.
5 Dingin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagka't sa inyo'y nauukol ang kahatulan; sapagka't kayo'y naging isang silo sa (U)Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa (V)Tabor.
2 At ang mga nagsipanghimagsik ay (W)nangagpakapahamak na mainam; nguni't ako'y mananaway sa kanilang lahat.
3 Ang kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, (X)Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak.
4 Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't (Y)ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon.
5 At ang kapalaluan ng Israel (Z)ay nagpatotoo sa kaniyang mukha: kaya't ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juda'y matitisod ding kasama nila.
6 Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan (AA)at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila.
7 Sila'y (AB)nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagka't sila'y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang.
8 (AC)Hipan ninyo ang (AD)korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa (AE)Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin.
9 Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway: sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipanakilala ang tunay na mangyayari.
10 Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng (AF)nagsisibago ng lindero: aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig.
11 Ang Ephraim ay (AG)napighati, siya'y nadikdik sa kahatulan; sapagka't siya'y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao.
12 Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan.
13 Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: nguni't hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapapagaling man kayo sa inyong sugat.
14 Sapagka't (AH)ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas.
15 Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.
1 (A)Ang matanda sa hirang na (B)ginang at sa kaniyang mga anak, (C)na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala (D)ng katotohanan;
2 Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man:
3 (E)Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
4 Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak (F)na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.
5 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, (G)na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.
6 (H)At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
7 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay (I)ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at (J)ang anticristo.
8 Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang (K)huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan.
9 Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay (L)hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
10 Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay (M)huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin:
11 Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay (N)nararamay sa kaniyang masasamang gawa.
12 (O)Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo, ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta; datapuwa't inaasahan kong pumariyan sa inyo, at makipagusap ng mukhaan, (P)upang malubos ang inyong galak.
13 Ang mga anak ng iyong (Q)hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo.
Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon
Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,
Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
3 Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay (A)hindi bubuhatin sa (B)mga matuwid;
Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
4 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,
At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
5 Nguni't sa (C)nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,
Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.
(D)Kapayapaan nawa ay suma Israel.
9 Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang,
(A)Magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan.
10 (B)Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal:
At tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay.
11 Inihihinga (C)ng mangmang ang buong galit niya:
Nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978