The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
36 At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at (A)siya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban (B)sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin.
37 Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat.
38 Kundi bilang kahalili ay pararangalan niya ang dios ng mga katibayan; at isang dios na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang ay kaniyang pararangalan ng ginto, at pilak, at ng mga mahalagang bato at ng mga maligayang bagay.
39 At siya'y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios; sinomang kumilala sa kaniya, mananagana sa kaluwalhatian; at pagpupunuin niya sila sa marami, at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga.
40 At sa panahon (C)ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na (D)gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.
41 Siya'y papasok din naman sa maluwalhating lupain, at maraming lupain ay mababagsak; nguni't ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay: ang (E)Edom, at ang Moab, at ang puno ng mga anak ni Ammon.
42 Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas.
43 Nguni't siya'y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang.
44 Nguni't mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya; at siya'y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami.
45 At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan (F)ng dagat at ng maluwalhating banal (G)na bundok; gayon ma'y darating siya sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya.
Ang tulong ni Miguel sa panahon ng sakuna.
12 At sa panahong yaon ay tatayo si (H)Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, (I)na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa (J)aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, (K)ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
3 At silang pantas ay (L)sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.
4 Nguni't ikaw, Oh Daniel, (M)isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang (N)sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
Ang panahon ng katapusan.
5 Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon.
6 At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong (O)lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, (P)Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito?
7 At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, (Q)at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa (R)isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.
8 At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?
9 At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't (S)ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.
10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa (T)na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.
11 At mula sa panahon na (U)ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang (V)kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.
12 Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.
13 Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw.
4 Mga minamahal, (A)huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, (B)kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't (C)maraming nagsilitaw na (D)mga bulaang propeta sa sanglibutan.
2 Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: (E)ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay (F)naparitong nasa laman ay sa Dios:
3 At ang (G)bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; (H)at ngayo'y nasa sanglibutan na.
4 Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila (I)siyang nasa inyo (J)kay sa nasa sanglibutan.
5 Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig (K)ng sanglibutan.
6 Tayo nga'y sa Dios: (L)ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala (M)ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.
7 Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.
8 (N)Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang (O)Dios ay pagibig.
9 (P)Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng (Q)Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan (R)upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.
10 Narito ang pagibig, (S)hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak (T)na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.
11 Mga minamahal, (U)kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo.
12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: (V)kung tayo'y nangagiibigan, ang (W)Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:
13 Dito'y nakikilala natin na (X)tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.
14 At (Y)nakita natin at sinasaksihan na sinugo (Z)ng Ama ang Anak upang maging (AA)Tagapagligtas ng sanglibutan.
15 Ang (AB)sinomang nagpapahayag (AC)na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.
16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. (AD)Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.
17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa (AE)araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.
18 Walang takot sa pagibig: (AF)kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
19 (AG)Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.
20 Kung sinasabi ng sinoman, (AH)Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, (AI)ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?
21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.
Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
123 Sa iyo'y (A)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (B)na nauupo sa mga langit.
2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (C)kadustaan.
4 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(D)Ng duwahagi ng mga (E)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.
2 (A)Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak:
(B)Nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
3 (C)Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama:
(D)Nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
4 Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan:
Nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978