Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 25:47-27:13

Pagtubos sa mga alipin.

47 At kung ang taga ibang lupa o ang nakikipamayan na kasama mo ay yumaman, (A)at ang iyong kapatid ay maghirap sa siping niya, at pabili sa taga ibang bayan o nakikipamayan sa iyo o sa sinomang kasangbahay ng taga ibang lupa;

48 Pagkatapos na siya'y maipagbili ay kaniyang matutubos: isa sa kaniyang mga kapatid (B)ay makatutubos sa kaniya:

49 O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o (C)kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.

50 At kaniyang bibilangan yaong bumili sa kaniya, mula sa taong bilhin siya hanggang sa taon ng jubileo: at ang halaga ng pagkabili sa kaniya ay magiging ayon sa bilang ng mga taon; (D)at gagawin sa kaniya ay ayon sa panahon ng isang lingkod na upahan.

51 Kung maraming taon pa ang kulang niya, (E)ayon sa dami ng mga iyan, ay isasauli ang halaga ng kaniyang pagkatubos sa kaniya na salaping sa kaniya'y ibinili.

52 At kung kaunti ang mga taong nagkukulang hanggang sa taon ng jubileo ay ibibilang sa kaniya; ayon sa kaniyang mga taon na nagkukulang ay isasauli ang halaga ng kaniyang katubusan.

53 Kung paano ang alilang may bayad sa taon-taon, ay gayon matitira sa kaniya: siya'y huwag papapanginoon sa kaniya na may (F)kabagsikan sa iyong paningin.

54 At kung hindi siya tubusin sa mga paraang ito, ay (G)aalis siya sa taon ng jubileo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya.

55 Sapagka't sa akin ang mga anak ni Israel ay (H)mga lingkod; sila'y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.

Pagpapala sa pagsunod ay ipinangako.

26 (I)Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.

(J)Inyong ipangingilin ang aking mga sabbath, at inyong igagalang ang aking santuario: ako ang Panginoon.

(K)Kung lalakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan at iingatan ninyo ang aking mga utos, at inyong tutuparin:

(L)Ay maglalagpak nga ako ng ulan sa kapanahunan, (M)at ang lupain ay pakikinabangan, at ang mga kahoy sa parang ay magbubunga.

At ang inyong (N)paggiik ay aabot hanggang sa pagaani ng mga ubas, at ang pagaani ng ubas ay aabot sa paghahasik: (O)at kakanin ninyo ang inyong pagkain na sagana, at tatahan kayong tiwasay sa inyong lupain.

(P)At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, (Q)at walang katatakutan kayo: (R)at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, (S)ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak.

At hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway, at mangabubuwal sa harap ninyo sa tabak.

(T)At lima sa inyo'y hahabol sa isang daan, at isang daan sa inyo'y hahabol sa sangpung libo: at ang inyong mga kaaway ay mangabubuwal sa tabak sa harap ninyo.

(U)At lilingapin ko kayo, (V)at palalaguin ko kayo, at pararamihin ko kayo; at papagtitibayin ko ang aking tipan sa inyo.

10 (W)At kakanin ninyo ang malaong kinamalig, at inyong ilalabas ang luma dahil sa bago.

11 (X)At ilalagay ko ang aking tabernakulo sa gitna ninyo: at hindi ko kayo kapopootan.

12 At (Y)lalakad ako sa gitna ninyo at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan.

13 (Z)Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang huwag kayong maging mga alipin nila; at sinira ko ang mga kahoy ng inyong pamatok, at pinalakad ko kayo ng mga ulong matuwid.

Ang parusa sa pagsuway ay ibinabala.

14 (AA)Nguni't kung hindi ninyo pakikinggan ako, at hindi ninyo tutuparin ang lahat ng mga utos na ito;

15 At kung inyong tatanggihan ang aking mga palatuntunan, at kasusuklaman nga ninyo ang aking mga hatol, na anopa't hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos, kundi inyong sisirain ang aking tipan;

16 Ay gagawin ko naman ito sa inyo; ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak, at (AB)pagkatuyo, at ang lagnat (AC)na uubos sa mga mata, at magpapalupaypay sa kaluluwa: (AD)at maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan, sapagka't kakanin ng inyong mga kaaway.

17 (AE)At itititig ko ang aking mukha laban sa inyo, (AF)at kayo'y masasaktan sa harap ng inyong mga kaaway: (AG)kayo'y pagpupunuan ng mga napopoot sa inyo; (AH)at kayo'y tatakas nang walang humahabol sa inyo.

18 At kung sa mga bagay na ito man ay hindi ninyo ako pakinggan, ay (AI)parurusahan ko kayong makapito pa, dahil sa inyong mga kasalanan.

19 At sisirain ko ang kahambugan ng inyong kapangyarihan; (AJ)at gagawin kong parang bakal ang inyong langit at parang tanso ang inyong lupa:

20 (AK)At gugugulin ninyo ang inyong kalakasan ng walang kabuluhan; (AL)sapagka't hindi ibibigay sa inyo ng inyong lupain ang kaniyang bunga ni ng kahoy sa parang ang kaniyang bunga.

21 At kung kayo'y sasalangsang sa akin, at hindi ninyo ako didinggin; ay dadalhan ko kayo ng makapito ang higit ng salot ayon sa inyong mga kasalanan.

22 At susuguin ko sa inyo ang mga halimaw sa parang, ng samsaman kayo ng inyong mga anak, at (AM)papatayin ang inyong mga hayop, at kayo'y pakakauntiin sa bilang; (AN)at mangungulila ang inyong mga lakad.

23 (AO)At kung sa mga bagay mang ito ay hindi pa kayo magbago sa akin, kundi sasalangsang kayo sa akin:

24 (AP)At lalakad din naman ako ng laban sa inyo, at sasaktan ko kayo, ng makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan:

25 (AQ)At pararatingin ko sa inyo ang tabak na gaganap ng higanti ng tipan; at kayo'y matitipon sa loob ng inyong mga bayan: (AR)at pararatingin ko ang salot sa gitna ninyo; at kayo'y mabibigay sa kamay ng kaaway.

26 (AS)Pagka masisira ko ang tungkod ninyong tinapay, ang sangpung babae ay magluluto ng inyong tinapay sa isa lamang hurno, at sa inyo'y isasauli sa timbang ang inyong tinapay: (AT)at kayo'y kakain at hindi kayo mangabubusog.

27 At kung sa lahat ng ito ay hindi ninyo ako pakikinggan, kundi kayo'y sasalangsang sa akin;

28 (AU)Ay sasalangsang ako sa inyo na may kapusukan; at parurusahan ko kayong makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan.

29 (AV)At kakanin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalake, at ang mga laman ng inyong mga anak na babae ay inyong kakanin.

30 (AW)At sisirain ko ang inyong matataas na dako, at aking wawasakin ang inyong mga larawang araw, (AX)at itatapon ko ang inyong mga bangkay sa mga katawan ng inyong mga diosdiosan; at kapopootan kayo ng aking kaluluwa.

31 (AY)At gagawin kong giba ang inyong mga bayan, (AZ)at gigibain ko ang inyong mga santuario, at hindi ko na sasamyuin ang amoy ng inyong mga may amoy na masarap.

32 (BA)At gagawin kong ilang ang lupain: (BB)at pagtatakhan ng inyong mga kaaway na tumatahan doon.

33 (BC)At kayo'y aking pangangalatin sa mga bansa, at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo: at ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga bayan ay magiging sira.

34 (BD)Kung magkagayo'y magagalak ang lupain sa kaniyang mga sabbath, habang nahahandusay na sira, at kayo'y mapapasa lupain ng inyong mga kaaway; ang lupain nga ay magpapahinga, at magagalak sa kaniyang mga sabbath.

35 Habang nahahandusay na sira ay magkakaroon ng kapahingahan, (BE)sa makatuwid baga'y ang hindi ipinagpahinga sa inyong mga sabbath, nang kayo'y nagsisitahan doon.

36 At tungkol sa mga matitira sa inyo, (BF)ay sisidlan ko ng takot sa kanilang puso, sa mga lupain ng kaniyang mga kaaway: (BG)at hahabulin sila ng kalatis ng isang dahong nalalaglag; at sila'y tatakas na parang tumatakas sa tabak; at sila'y mabubuwal nang walang humahabol sa kanila.

37 (BH)At mangagkakatisuran sila na parang nasa harap ng tabak, kahit walang humahabol: (BI)at hindi kayo makatatayo sa harap ng inyong mga kaaway.

38 At mamamatay kayo sa gitna ng mga bansa, at sasakmalin kayo ng lupain ng inyong mga kaaway.

39 (BJ)At ang mga matitira sa inyo ay magsisipanglupaypay sa kanilang kasamaan sa mga lupain ng inyong mga kaaway; at sa mga kasamaan naman ng kanilang mga magulang ay magsisipanglupaypay na kasama nila.

Habag ay ipinangako sa mapagtiis.

40 (BK)At kanilang isasaysay ang kanilang kasamaan, at ang kasamaan ng kanilang mga magulang, sa ang kanilang pagsalangsang na isinalangsang laban sa akin, sapagka't sila'y lumakad naman ng laban sa akin.

41 Ako naman ay lumakad ng laban sa kanila, at sila'y aking dinala sa lupain ng kanilang mga kaaway: kung (BL)magpapakababa nga ang kanilang mga pusong hindi tuli, at kanilang tatanggapin ang parusa sa kanilang kasamaan;

42 (BM)Ay aalalahanin ko nga ang aking tipan kay Jacob; at ang akin ding tipan kay Isaac, at gayon din ang aking tipan kay Abraham ay aking aalalahanin; at aking aalalahanin ang lupain.

43 (BN)Ang lupain naman ay pababayaan nila, at magagalak sa kaniyang mga sabbath, samantalang nahahandusay na sira na wala sila; at kanilang tatanggapin ang kaparusahan ng kanilang kasamaan: (BO)sapagka't kanilang tinanggihan ang aking mga hatol, at kinapootan ng kanilang kaluluwa ang aking mga palatuntunan.

44 At sa lahat mang ito, pagka sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay (BP)hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila na sila'y aking lubos na lilipulin, (BQ)at aking sisirain ang aking tipan sa kanila: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios:

45 Kundi aalalahanin ko alangalang sa kanila ang tipan ng kanilang mga magulang, (BR)na aking inilabas sa lupain ng Egipto, (BS)sa paningin ng mga bansa, upang ako'y maging kanilang Dios: ako ang Panginoon.

46 (BT)Ito ang mga palatuntunan at ang mga hatol at ang mga kautusang ginawa ng Panginoon sa kaniyang sarili at sa mga anak ni Israel (BU)sa bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.

Batas tungkol sa mga pangako.

27 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (BV)Pagka ang sinoman ay tutupad ng panata (BW)ayon sa iyong inihalaga, ay magiging sa Panginoon ang mga tao.

At ang iyong inihalaga tungkol sa lalake, na mula sa may dalawang pung taong gulang hanggang sa may anim na pu, ay limang pung siklong pilak,[a] ang iyong ihahalaga (BX)ayon sa siklo ng santuario.

At kung tungkol sa babae tatlong pung siklo ang ihahalaga mo.

At kung mula sa may limang taon hanggang sa may dalawang pung taon, ay dalawang pung siklo, ang ihahalaga mo sa lalake at sa babae ay sangpung siklo.

At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga.

At kung sa may anim na pung taon na patanda; kung lalake, ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga, at sa babae ay sangpung siklo.

Nguni't kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga, ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote, at hahalagahan siya ng saserdote; (BY)ayon sa ikakakaya ng may panata, ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote.

At kung hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat na ibibigay niyaon ng sinoman sa Panginoon ay magiging banal.

10 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti: at kung sa anomang paraan ay palitan ang isang hayop ng iba, ay magiging kapuwa banal yaon at ang kapalit niyaon.

11 At kung yao'y anomang hayop na karumaldumal na sa hindi maihahandog na alay sa Panginoon, ay ilalagay nga niya ang hayop sa harap ng saserdote:

12 At hahalagahan ng saserdote, maging mabuti o masama: ayon sa inihalaga ng saserdote ay magiging gayon.

13 (BZ)Datapuwa't kung tunay na kaniyang tutubusin, ay magdadagdag nga siya ng ikalimang bahagi niyaon sa inihalaga mo.

Marcos 10:32-52

32 At (A)sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila (B)si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot. At muling kinuha niya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya'y mangyayari,

33 Na sinasabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at siya'y kanilang hahatulang patayin, at ibibigay siya sa mga Gentil:

34 At siya'y kanilang aalimurahin, at siya'y luluraan, at siya'y hahampasin, at siya'y papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli.

35 (C)At nagsilapit sa kaniya si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, na sa kaniya'y nagsisipagsabi, Guro, ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo.

36 At sinabi niya sa kanila, Ano ang ibig ninyong sa inyo'y aking gawin?

37 At sinabi nila sa kaniya, Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami, ang isa'y sa iyong kanan, at ang isa'y sa iyong kaliwa, sa iyong kaluwalhatian.

38 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin?

39 At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo;

40 Datapuwa't ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan.

41 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan.

42 At sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sa kanila'y sinabi, (D)Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila'y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.

43 Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo;

44 At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.

45 Sapagka't ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.

46 (E)At nagsidating sila sa Jerico: at habang nililisan niya ang Jerico, na kasama ng kaniyang mga alagad at ng lubhang maraming mga tao, ang anak ni Timeo, si Bartimeo, na isang pulubing bulag, ay nakaupo sa tabi ng daan.

47 At nang marinig niya na yao'y si Jesus na Nazareno, siya'y nagpasimulang magsisigaw, at nagsabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.

48 At siya'y pinagwikaan ng marami upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong sumisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin.

49 At tumigil si Jesus, at sinabi, Tawagin ninyo siya. At tinawag nila ang lalaking bulag, na sinasabi sa kaniya, Laksan mo ang iyong loob; ikaw ay magtindig, tinatawag ka niya.

50 At siya, pagkatapon ng kaniyang balabal, ay nagmadaling tumindig, at lumapit kay Jesus.

51 At sumagot sa kaniya si Jesus, at sinabi, Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo? At sinabi ng lalaking bulag, Raboni, na tanggapin ang aking paningin.

52 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka ng iyong lakad; pinagaling ka (F)ng iyong pananampalataya. At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at siya'y sumunod sa kaniya sa daan.

Mga Awit 45

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.

45 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat (A)ng bihasang manunulat.
Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
(B)Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
Ibigkis mo ang iyong (C)tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong (D)kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng (E)kakilakilabot na mga bagay.
Ang iyong mga (F)palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
(G)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
(H)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (I)ng langis
Ng langis (J)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
(K)Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
(L)Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may (M)ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(N)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (O)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (P)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (Q)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(R)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.

Mga Kawikaan 10:22

22 (A)Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman,
At hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978