The Daily Audio Bible
Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.
Nilipol nila ang Cananeo.
21 At ang Cananeo, na (A)hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan ay nakabalita na ang Israel ay dumating (B)sa daan ng Atarim; at nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila.
2 (C)At ang Israel ay nanata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, ay aking lubos na (D)gigibain nga ang kanilang mga bayan.
3 At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma.
4 (E)At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula (F)upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.
5 (G)At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: (H)Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.
6 At (I)ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay.
7 (J)At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay (K)nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; (L)idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.
8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.
9 At (M)si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
Naglakbay mula sa Oboth at humantong sa bundok ng Pisga.
10 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at (N)humantong sa Oboth.
11 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at (O)humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, sa dakong sinisikatan ng araw.
12 (P)Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa libis ng Zared.
13 Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo: sapagka't ang (Q)Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo.
14 Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon,
Ang Vaheb ay sa Sufa,
At ang mga libis ng Arnon,
15 At ang kiling ng mga libis
Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar,
At (R)humihilig sa hangganan ng Moab.
16 At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig.
17 (S)Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito:
Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya;
18 Siyang balong hinukay ng mga prinsipe,
Na pinalalim ng mga mahal sa bayan,
(T)Ng setro at ng kanilang mga tungkod.
At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana.
19 At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel: at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth;
20 At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na patungo sa ilang.
Sinaktan si Sehon at si Og.
21 At ang Israel ay (U)nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi,
22 (V)Paraanin mo ako sa iyong lupain: kami ay hindi liliko sa bukid, ni sa ubasan; kami ay hindi iinom ng tubig ng mga balon: kami ay magdadaan sa maluwang na lansangan, hanggang sa aming maraanan ang iyong hangganan.
23 (W)At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at (X)dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel.
24 At (Y)sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak, at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang (Z)Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon: sapagka't ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay.
25 At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito: at ang Israel ay tumahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amorrheo, sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyaon.
26 Sapagka't ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon.
27 Kaya't yaong mga nagsasalita ng mga (AA)kawikaan ay nagsasabi,
Halina kayo sa Hesbon,
Itayo at itatag ang bayan ni Sehon:
28 Sapagka't may isang (AB)apoy na lumabas sa Hesbon,
Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon:
Na sumupok sa Ar ng Moab,
Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon.
29 Sa aba mo, Moab!
Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni (AC)Chemos:
Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake,
At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae,
Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.
30 Aming pinana (AD)sila; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon,
At aming iniwasak hanggang Nopha,
Na umaabot hanggang (AE)Medeba.
31 Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo.
32 At si Moises ay nagsugo upang tumiktik sa Jazer, (AF)at kanilang sinakop ang mga bayan niyaon at pinalayas nila ang mga Amorrheo na nandoon.
33 (AG)At sila'y lumiko at umahon sa daan ng Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila, siya at ang buong bayan niya, upang makipagbaka sa (AH)Edrei.
34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong (AI)gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.
35 Gayon nila sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya: at kanilang inari ang kaniyang lupain.
Nagpasabi si Balac kay Balaam.
22 (AJ)At ang mga anak ni Israel ay naglakbay at humantong sa mga kapatagan ng Moab sa dako roon ng Jordan na nasa tapat ng Jerico.
2 At nakita ni Balac na anak ni Zippor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amorrheo.
3 At ang (AK)Moab ay natakot na mainam sa bayan, sapagka't sila'y marami: at ang Moab ay nagulumihanan dahil sa mga anak ni Israel.
4 At sinabi ng (AL)Moab sa mga matanda sa Madian, Ngayon ay hihimuran ng karamihang ito yaong lahat na nasa palibot natin, gaya ng baka na humihimod sa damo sa parang. At si Balac na anak ni Zippor, ay hari sa Moab ng panahong yaon.
5 At siya'y (AM)nagutos ng mga sugo kay Balaam na anak ni Beor, hanggang (AN)sa Pethor na nasa tabi ng ilog, hanggang sa lupain ng mga anak ng kaniyang bayan, upang tawagin siya, na sabihin, Narito, may isang bayan na lumabas mula sa Egipto: narito, kanilang tinatakpan ang ibabaw ng lupa, at sila'y nangakatayo laban sa akin:
6 Parito ka ngayon, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito; sapagka't sila'y totoong makapangyarihan kay sa akin; marahil ako'y mananaig, na aming masasaktan sila, at aking silang mapalalayas sa lupain; sapagka't talastas ko na ang iyong pinagpapala ay mapalad at ang iyong sinusumpa ay mapapasama.
7 At ang mga matanda sa Moab at ang mga matanda sa Madian, ay nagsiparoon na dala sa kanilang kamay ang mga (AO)ganting pala sa panghuhula; at sila'y dumating kay Balaam at sinalita nila sa kaniya ang mga salita ni Balac.
8 At kaniyang sinabi sa kanila, Dito na kayo tumuloy ngayong gabi, at bibigyan ko kayo ng kasagutan, kung ano ang sasalitain ng Panginoon sa akin; at ang mga prinsipe sa Moab ay tumuloy na kasama ni Balaam.
9 (AP)At ang Dios ay naparoon kay Balaam, at nagsabi, Sinong mga tao itong kasama mo?
10 At sinabi ni Balaam sa Dios, Si Balac, na anak ni Zippor, hari sa Moab, ay nagpasugo sa akin, na sinasabi,
11 Narito, ang bayan na lumabas sa Egipto, ay tumatakip sa ibabaw ng lupa: ngayo'y parito ka, sumpain mo sila sa akin; marahil ako'y makababaka sa kanila, at sila'y aking mapalalayas.
12 At sinabi ng Dios kay Balaam, Huwag kang paroroong kasama nila; huwag mong susumpain ang bayan; sapagka't sila'y (AQ)pinagpala.
13 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at sinabi sa mga prinsipe ni Balac, Yumaon kayo sa inyong lupain: sapagka't ipinagkait ng Panginoon ang pahintulot na ako'y pumaroong kasama ninyo.
14 At ang mga prinsipe sa Moab ay bumangon, at sila'y naparoon kay Balac, at nagsabi, Si Balaam ay tumangging pumarito na kasama namin.
15 At si Balac ay nagsugong muli ng marami pang prinsipe, at lalong mga mahal kay sa kanila.
16 At sila'y naparoon kay Balaam at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Balac na anak ni Zippor, Isinasamo ko sa iyo, na ang anomang bagay huwag mong tulutan na makaabala sa iyo sa pagparito mo sa akin:
17 Sapagka't ikaw ay aking papupurihan ng mga dakilang karangalan, at anomang sabihin mo sa akin ay gagawin ko: parito ka nga, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito.
18 At si Balaam ay sumagot at nagsabi sa mga lingkod ni Balac, (AR)Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay (AS)hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon kong Dios, na ako'y gumawa ng kulang o higit.
19 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, na (AT)tumuloy rin kayo rito ngayong gabi, upang aking maalaman kung ano ang sasalitain pa ng Panginoon sa akin.
20 (AU)At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: (AV)nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.
26 Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel (A)Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,
27 Sa isang dalagang (B)magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, (C)sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.
28 At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, (D)ang Panginoon ay sumasa iyo.
29 Datapuwa't siya'y totoong (E)nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.
30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
31 At narito, maglilihi ka (F)sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.
32 Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng (G)Kataastaasan: at (H)sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
33 At siya'y maghahari sa angkan (I)ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
34 At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
35 At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo (J)ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng (K)Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging (L)Anak ng Dios.
36 At narito, si Elisabet na iyong (M)kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog.
37 Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.
38 At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.
39 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa (N)lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda;
40 At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.
41 At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at (O)napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo;
42 At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, (P)Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.
43 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng (Q)aking Panginoon ay pumarito sa akin?
44 Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
45 At (R)mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.
46 At sinabi ni Maria,
(S)Dinadakila ng aking kaluluwa (T)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (U)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (V)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (W)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (X)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (Y)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (Z)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (AA)ng kaniyang bisig;
(AB)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (AC)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (AD)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(AE)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (AF)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
56 At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.
57 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (C)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(D)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3 (E)Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
(F)Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay (G)matalas na tabak.
5 (H)Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6 Kanilang hinandaan ng (I)silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila'y nagsihukay ng isang (J)lungaw sa harap ko.
Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7 (K)Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
8 (L)Gumising ka, (M)kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako'y gigising na maaga.
9 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 (N)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
9 Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa:
Nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid.
10 (A)Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak:
At pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.
11 Nabubunyi ang bayan (B)sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid:
Nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978