The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.
Si Ruben, Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay nanirahan sa Galaad.
32 Ang mga anak nga ni Ruben, at ang mga anak ni Gad ay mayroong napakaraming hayop: at nang kanilang makita ang lupain ng (A)Jazer, at ang lupain ng Galaad, na, narito, ang dako ay minagaling nilang dako sa hayop,
2 Ay lumapit at nagsalita ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa mga prinsipe ng kapisanan na sinasabi,
3 Ang Ataroth, at ang Dibon, at ang Jazer, at ang Nimra, at ang Hesbon, at ang Eleale, at ang Saban, at ang (B)Nebo, at ang Beon,
4 Na lupaing sinaktan ng Panginoon sa harap ng kapisanan ng Israel, ay lupaing mabuti sa hayop, at ang iyong mga lingkod ay may mga hayop.
5 At sinabi nila, Kung kami ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ibigay mong pinakaari ang lupaing ito sa iyong mga lingkod; at huwag mo kaming paraanin sa Jordan.
6 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, Paroroon ba ang inyong mga kapatid sa pakikipagbaka, at kayo'y mauupo rito?
7 At bakit pinapanghihina ninyo ang loob ng mga anak ni Israel, na huwag magpatuloy sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila?
8 Ganyan ang ginawa ng inyong mga magulang (C)nang sila'y aking suguin, mula sa Cades-barnea (D)upang tiktikan ang lupain.
9 (E)Sapagka't nang sila'y makasampa sa libis ng Eskol at matiktikan ang lupain, ay kanilang pinapanghina ang loob ng mga anak ni Israel upang huwag pumasok sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila.
10 (F)At ang galit ng Panginoon ay nagningas nang araw na yaon, at siya'y sumumpa na sinasabi,
11 Tunay na walang taong lumabas sa Egipto, (G)mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay makakakita ng lupain na aking isinumpa kay (H)Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; (I)sapagka't sila'y hindi lubos na sumunod sa akin:
12 Liban si Caleb na anak ni Jephone na (J)Cenezeo, at si Josue na anak ni Nun: (K)sapagka't sila'y sumunod na lubos sa Panginoon.
13 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel, (L)at kaniyang pinagala sila sa ilang, na apat na pung taon hanggang sa ang buong lahing yaon na (M)gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ay nalipol.
14 At, narito, kayo'y nagsipagtindig na kahalili ng inyong mga magulang, supling ng mga taong makasalanan, upang dagdagan pa ninyo ang mabangis na galit ng Panginoon sa Israel.
15 (N)Sapagka't kung kayo'y lumihis ng pagsunod sa kaniya ay kaniyang iiwang muli sila sa ilang; at inyong lilipulin ang buong bayang ito.
16 At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nagsabi, Gagawa kami rito ng mga kulungan sa aming mga hayop, at ng mga bayan sa aming mga bata:
17 Nguni't (O)kami ay magsisipagalmas upang magpauna sa mga anak ni Israel hanggang sa aming maipasok sa kanilang dakong karoroonan: at ang aming mga bata ay magsisitahan sa mga bayang nakukutaan dahil sa mga nagsisitahan sa lupain.
18 (P)Kami ay hindi magsisibalik sa aming mga bahay, hanggang sa ang mga anak ni Israel ay magari bawa't isa ng kaniyang sariling pagaari.
19 Sapagka't hindi kami makikimana sa kanila sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa dako pa roon; (Q)sapagka't tinaglay na namin ang aming mana rito sa dakong silanganan ng Jordan.
20 (R)At sinabi ni Moises sa kanila, Kung gagawin ninyo ang bagay na ito; kung kayo'y magsisipagalmas upang pumaroon sa harap ng Panginoon sa pakikipagbaka,
21 At bawa't may almas sa inyo ay daraan sa Jordan sa harap ng Panginoon, hanggang sa kaniyang mapalayas ang kaniyang mga kaaway sa harap niya.
22 At ang lupain ay mapasuko sa harap ng Panginoon: ay makababalik nga kayo pagkatapos, at hindi kayo magiging salarin sa Panginoon, at sa Israel; at ang lupaing ito ay magiging inyong pagaari sa harap ng Panginoon.
23 Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at (S)talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan.
24 (T)Igawa ninyo ng mga siyudad ang inyong mga bata, at ng mga kulungan ang inyong mga tupa; at isagawa ninyo ang nabuka sa inyong bibig.
25 At sinalita ng mga anak ni Gad at ng mga anak ni Ruben kay Moises, na sinasabi, Isasagawa ng iyong mga lingkod ang gaya ng iniutos ng aking panginoon.
26 Ang aming mga bata, ang aming mga asawa, ang aming kawan at ang aming buong bakahan ay matitira riyan sa mga bayan ng Galaad:
27 Nguni't ang iyong mga lingkod ay magsisitawid, bawa't lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon upang makipagbaka, gaya ng sinabi ng aking panginoon.
28 Sa gayo'y ipinagbilin sila ni Moises kay Eleazar na saserdote, at kay (U)Josue na anak ni Nun, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel.
29 At sinabi sa kanila ni Moises, Kung ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay magsisitawid na kasama ninyo sa Jordan, ang lahat ng lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon, at kung ang lupain ay mapasuko sa harap ninyo: ay ibibigay nga ninyo sa kanila na pinakaari ang lupain ng Galaad.
30 Nguni't kung sila'y hindi tatawid na kasama ninyo na may almas, ay magkakaroon sila ng pagaari na kasama ninyo sa lupain ng Canaan.
31 At ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay nagsisagot, na nangagsasabi, Kung paano ang sinabi ng Panginoon sa iyong mga lingkod ay gayon ang gagawin namin,
32 Kami ay tatawid na may almas sa harap ng Panginoon sa lupain ng Canaan, at ang magiging pagaari naming mana ay sa dakong ito ng Jordan.
33 At ibinigay ni Moises sa (V)kanila, sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, at sa kalahati ng lipi ni Manases na anak ni Jose, ang (W)kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ang kaharian ni Og na hari sa Basan, ang lupain ayon sa mga bayan niyaon, sa loob ng mga hangganan niyaon, sa makatuwid baga'y ang mga bayan sa palibot ng lupain.
34 At itinayo ng mga anak ni Gad ang Dibon, at ang Ataroth, at ang Aroer,
35 At ang Ataroth-sophan, at ang Jazer, at ang Jogbaa,
36 At ang Beth-nimra at ang Bet-haran: (X)na mga bayang nakukutaan, at kulungan din naman ng mga tupa.
37 At itinayo naman ng mga anak ni Ruben ang (Y)Hesbon, at ang Eleale, at ang Ciriathaim,
38 At ang Nebo, at ang Baal-meon, ((Z)na ang pangalan ng mga yaon ay binago,) at ang Sibma: at nilagyan ng ibang mga pangalan ang mga bayan na kanilang itinayo.
39 At ang mga anak ni (AA)Machir na anak ni Manases ay nagsiparoon sa Galaad, at kanilang sinakop, at pinalayas ang mga Amorrheo na nandoon.
40 At ibinigay ni (AB)Moises ang Galaad kay Machir na anak ni Manases; at kaniyang tinahanan.
41 At si (AC)Jair na anak ni Manases ay naparoon at sinakop ang mga bayan niyaon at tinawag na (AD)Havoth-jair.
42 At si Noba ay naparoon at sinakop ang Kenath, at ang mga nayon niyaon, at tinawag na Noba, ayon sa kaniyang sariling pangalan.
Ang Tala ng paglalakbay ng Israel.
33 Ito ang mga paglalakbay[a] ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.
2 At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.
3 (AE)At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang (AF)unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na (AG)may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,
4 Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, (AH)na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.
5 (AI)At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth.
6 At (AJ)sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang.
7 (AK)At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol.
8 At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at (AL)nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.
9 At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa (AM)Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon.
10 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula.
11 At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa (AN)ilang ng Zin.
12 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca.
13 At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus.
14 At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa (AO)Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan.
15 At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa (AP)ilang ng Sinai.
16 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa (AQ)Kibroth-hataava.
17 At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa (AR)Haseroth.
18 At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa (AS)Ritma.
19 At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmonperes.
20 At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna.
21 At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa.
22 At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha.
23 At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher.
24 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada.
25 At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth.
26 At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath.
27 At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara.
28 At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca.
29 At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona.
30 At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa (AT)Moseroth.
31 At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Benejaacan.
32 At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong (AU)sa Horhagidgad.
33 At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha.
34 At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona.
35 At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa (AV)Esion-geber.
36 At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa (AW)ilang ng Zin (na siya ring Cades).
37 At sila'y naglakbay mula sa (AX)Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
Pagkamatay ni Aaron.
38 At si Aaron na saserdote ay (AY)sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan.
39 At si Aaron ay may (AZ)isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
31 At (A)siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath:
32 At nangagtaka sila (B)sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita.
33 At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya'y sumigaw ng malakas na tinig,
34 Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? (C)nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios.
35 At sinaway siya ni Jesus, na sinasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. At nang siya'y mailugmok ng demonio sa gitna, ay lumabas siya sa kaniya, na hindi siya sinaktan.
36 At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.
37 At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon.
38 (D)At siya'y nagtindig (E)sa sinagoga, at pumasok sa bahay ni Simon. At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon, at siya'y kanilang ipinamanhik sa kaniya.
39 At tinunghan niya siya, at (F)sinaway ang lagnat; at inibsan siya: at siya'y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila.
40 At nang lumulubog na ang araw, ang (G)lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa't isa sa kanila, at sila'y pinagaling.
41 At nagsilabas (H)din sa marami ang mga demonio (I)na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At (J)sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita, sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo.
42 (K)At nang araw na, ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako: at hinahanap siya ng mga karamihan, at nagsiparoon sa kaniya, at pinagpipilitang pigilin siya, upang huwag siyang humiwalay sa kanila.
43 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagka't sa ganito ay sinugo ako.
44 At siya'y nangangaral (L)sa mga sinagoga ng Galilea.
5 Nangyari nga, (M)na samantalang siya'y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios, na siya'y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret;
2 (N)At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa't nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.
3 At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya'y naupo at nagturo sa mga karamihan (O)buhat sa daong.
4 At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, (P)Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya.
5 At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay (Q)nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa't sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.
6 At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat;
7 At kinawayan nila ang mga (R)kasamahan (S)sa isang daong upang magsilapit at sila'y tulungan. At sila'y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa't sila'y nagpasimulang lulubog.
8 Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, (T)Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon.
9 Sapagka't siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli:
10 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.
11 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay (U)iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 (A)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (B)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5 Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (C)Sinong makakakita?
6 Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
7 (D)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
8 Sa gayo'y sila'y (E)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (F)mangaguuga ng ulo.
9 At lahat ng mga tao ay (G)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (H)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.
22 Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy,
Gayon ang magandang babae na walang bait.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978