Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 28:16-29:40

Handog sa paskua ng Panginoon.

16 (A)At sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, ay paskua ng Panginoon.

17 (B)At sa ikalabing limang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.

18 (C)Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod:

19 Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakahandog na susunugin; dalawang guyang toro, at isang lalaking tupa, at pitong korderong lalake ng unang taon; na mga (D)walang kapintasan:

20 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis: tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake;

21 At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa't kordero sa pitong kordero;

22 At isang (E)kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, upang itubos sa inyo.

23 Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na susunugin sa umaga, na pinakapalaging handog na susunugin,

24 Ganitong paraan ihahandog ninyo araw-araw, sa loob ng pitong araw, ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon.

25 At sa (F)ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

26 (G)Gayon din sa araw ng mga unang bunga, na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod:

27 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; (H)dalawang guyang toro, isang tupang lalake, at pitong korderong lalake ng unang taon;

28 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa't toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,

29 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero;

30 (I)Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo.

31 Bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, ay inyong ihahandog ang mga yaon (yaong mga (J)walang kapintasan sa inyo), at ang mga inuming handog ng mga yaon.

Handog sa kapistahan ng mga isang linggo; ng pagsisisi; at ng kapistahan ng tabernakulo.

29 At sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod; (K)isang araw ngang sa inyo'y paghihip ng mga pakakak.

At kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, ng isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;

At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina, na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa lalaking tupa,

At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:

At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan upang itubos sa inyo:

(L)Bukod pa sa handog na susunugin sa bagong buwan, at sa handog na harina niyaon, (M)at sa palaging handog na susunugin at sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, ayon sa kanilang palatuntunan, na pinakamasarap na amoy, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

(N)At sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; at inyong (O)pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa; huwag kayong gagawa ng anomang gawa:

Kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy; isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon: na mga (P)walang kapintasan sa inyo:

At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,

10 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:

11 (Q)Isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan, bukod pa sa (R)handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.

12 (S)At sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod, at mangingilin kayong pitong araw sa Panginoon:

13 At (T)maghahandog kayo ng isang handog na susunugin, na pinaka handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: labing tatlong guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan:

14 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa bawa't toro sa labing tatlong toro, dalawang ikasangpung bahagi sa bawa't tupang lalake sa dalawang tupang lalake,

15 At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa labing apat na kordero

16 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon at sa inuming handog niyaon.

17 At sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labing dalawang guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

18 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga yaon, (U)alinsunod sa palatuntunan:

19 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.

20 At sa ikatlong araw ay labing isang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;

21 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan.

22 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

23 At sa ikaapat na araw ay sangpung toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

24 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

25 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

26 At sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

27 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

28 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa handog na inumin niyaon.

29 At sa ikaanim na araw, ay walong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

30 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

31 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan: bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon,

32 At sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

33 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

34 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

35 Sa ikawalong araw, ay magkakaroon kayo ng isang (V)takdang pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod;

36 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: isang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan:

37 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa palatuntunan:

38 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

39 Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon (W)sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga (X)panata, at sa inyong mga kusang handog, na mga pinakahandog ninyong susunugin, at ang inyong mga pinakahandog na harina, at ang inyong mga pinakainuming handog, at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.

40 At isinaysay ni Moises sa mga anak ni Israel, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Lucas 3:23-38

23 At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo (A)ay may gulang na tatlongpung taon, na (B)anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,

24 Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,

25 Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,

26 Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,

27 Ni Joana, ni Resa, ni (C)Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,

28 Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,

29 Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi,

30 Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim,

31 Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni (D)Natan, ni (E)David,

32 Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason,

33 Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda,

34 Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni (F)Tare, ni Nacor,

35 Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,

36 Ni (G)Cainan, ni Arfaxjad, ni (H)Sem, ni Noe, ni Lamec,

37 Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,

38 Ni Enos, ni Set, ni (I)Adam, ng Dios.

Mga Awit 62

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.

62 Sa (A)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (B)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(C)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (D)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (E)hindi ako makikilos.
(F)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(G)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
(H)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(I)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (J)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(K)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (L)kagandahang-loob:
Sapagka't (M)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.

Mga Kawikaan 11:18-19

18 Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod:
Nguni't (A)ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala.
19 Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay:
(B)At siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978