The Daily Audio Bible
Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.
Ang ikatlong hula ni Balaam.
24 At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay (A)hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang.
2 At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang (B)nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at (C)ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya.
3 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi,
At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
4 Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios,
Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
5 Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob,
Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel!
6 Gaya ng mga libis na nalalatag,
Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog,
(D)Gaya ng linaloes na (E)itinanim ng Panginoon,
Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig.
7 Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib,
At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig,
At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay (F)Agag,
At ang kaniyang kaharian ay mababantog.
8 (G)Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto;
May lakas na gaya ng mabangis na toro:
Kaniyang (H)lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway,
At kaniyang (I)pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto,
At (J)palalagpasan sila ng kaniyang mga pana.
9 (K)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon,
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
(L)Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo,
At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo.
Ang ikaapat na hula ni Balaam.
10 At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita (M)upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo.
11 Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking (N)inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; nguni't, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan.
12 At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi,
13 Kahit (O)ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling (P)akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain?
14 At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa (Q)iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan (R)sa mga huling araw.
15 At kaniyang (S)ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Nagsabi si Balaam na anak ni Beor,
At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
16 Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios,
At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan,
Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
17 (T)Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon;
Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit:
(U)Lalabas ang isang bituin sa Jacob,
At may isang (V)setro na lilitaw sa Israel,
At sasaktan ang mga (W)sulok ng Moab,
At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
18 At (X)ang Edom ay magiging pag-aari niya.
Ang (Y)Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway;
Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.
19 At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan,
At gigibain niya sa bayan ang nalalabi.
20 At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa;
Nguni't ang kaniyang huling wakas ay (Z)mapupuksa.
21 At kaniyang minasdan ang (AA)Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Matibay ang iyong dakong tahanan,
At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato.
22 Gayon ma'y mawawasak ang Cain,
Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur.
23 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito?
24 Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng (AB)Cittim.
At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang (AC)Eber,
At siya man ay mapupuksa.
25 At si Balaam ay tumindig, at yumaon at (AD)bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad.
Ang kasalanan ng Baal-peor at ang katapatan ni Phinees.
25 At ang Israel ay tumahan sa (AE)Sittim, at (AF)ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab:
2 Sapagka't kanilang (AG)tinawag ang bayan sa mga (AH)hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.
3 At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang (AI)Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.
4 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (AJ)Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na (AK)galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.
5 At sinabi ni Moises sa mga (AL)hukom sa Israel, (AM)Patayin ng bawa't isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor.
6 At, narito, isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises, at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y (AN)umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
7 At nang makita ni (AO)Phinees, na anak ni (AP)Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan, at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay;
8 At siya'y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at kapuwa niya sinaksak, ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan. Sa gayon ang salot ay (AQ)natigil sa mga anak ni Israel.
9 At yaong (AR)nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo.
10 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
11 (AS)Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y (AT)nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking (AU)sikap.
12 Kaya't sabihin mo, (AV)Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan:
13 At magiging kaniya, at sa kaniyang (AW)binhi pagkamatay niya, ang tipan ng (AX)pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel.
14 Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita.
15 At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni (AY)Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian.
16 (AZ)At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17 Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila:
18 Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga (BA)lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng (BB)Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.
2 Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang (A)utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.
2 Ito ang (B)unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay (C)gobernador sa Siria.
3 At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.
4 At si Jose naman ay umahon mula sa (D)Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, (E)sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, (F)sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;
5 Upang patala siya pati ni Maria, (G)na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.
6 At nangyari, samantalang sila'y (H)nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.
7 At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para kanila sa tuluyan.
8 At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
9 At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: (I)at sila'y totoong nangatakot.
10 At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:
11 Sapagka't ipinanganak (J)sa inyo ngayon (K)sa bayan ni David (L)ang isang Tagapagligtas, (M)na siya ang Cristo (N)ang Panginoon.
12 At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.
13 At biglang nakisama sa anghel (O)ang isang karamihang hukbo ng langit, (P)na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:
14 Luwalhati sa Dios sa kataastaasan,
(Q)At sa lupa'y (R)kapayapaan sa mga taong (S)kinalulugdan niya.
15 At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa (T)Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay-alam sa atin ng Panginoon.
16 At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban.
17 At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito.
18 At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor.
19 Datapuwa't iningatan ni (U)Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.
20 At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila.
21 At nang makaraan ang (V)walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na (W)JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.
22 At nang maganap na (X)ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala (Y)siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon
23 (ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, (Z)Ang bawa't lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon),
24 At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon, (AA)Dalawang batobato, o dalawang inakay ng kalapati.
25 At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, (AB)na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo.
26 At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, (AC)na di niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.
27 At siya'y napasa templo (AD)sa Espiritu: at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang, (AE)upang sa kaniya'y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan,
28 Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig, at pinuri ang Dios, at nagsabi,
29 (AF)Ngayo'y papanawin mo,
Panginoon, ang iyong alipin,
(AG)Ayon sa iyong salita, sa kapayapaan,
30 Sapagka't (AH)nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
31 (AI)Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao;
32 Isang ilaw upang ipahayag sa (AJ)mga Gentil,
At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.
33 At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya;
34 At sila'y pinagpala ni Simeon, at sinabi sa kaniyang inang si Maria, Narito, ito (AK)ay itinalaga sa (AL)ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel; at pinakatandang tudlaan (AM)ng pagsalangsang:
35 Oo at paglalampasanan ng (AN)isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.
59 Iligtas mo ako (B)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (C)nagpipisan laban sa akin:
(D)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(E)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
5 Sa makatuwid baga'y ikaw, (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (G)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(H)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (I)sino, sabi nila, ang nakikinig?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (J)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(K)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (L)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (M)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (N)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (O)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (P)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (Q)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (R)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (S)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
14 (A)Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak:
Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978