Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 2-3

Bilang, kampamento, at mga prinsipe ng bawa't anak ni Israel.

At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo (A)bawa't lalake sa siping ng kaniyang sariling watawat, na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa (B)palibot.

At yaong tatayo sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang mga sa watawat ng kampamento ng Juda, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Juda ay si (C)Naason na anak ni Aminadab.

At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.

At yaong magsisitayo sa siping niya ay ang lipi ni Issachar: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Issachar ay si Nathanael na anak ni Suar.

At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon ay limang pu't apat na libo at apat na raan.

At ang lipi ni Zabulon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Zabulon, ay si Eliab na anak ni Helon:

At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.

Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Juda ay isang daan at walong pu't anim na libo at apat na raan, ayon sa kanilang mga hukbo. Sila ang unang (D)magsisisulong.

10 Sa dakong timugan, ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ruben, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe ng mga anak ni Ruben, ay si Elisur na anak ni Sedeur.

11 At ang kaniyang hukbo at ang nangabilang niyaon, ay apat na pu't anim na libo at limang daan.

12 At yaong tatayo sa siping niya ay ang lipi ni Simeon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai.

13 At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan:

14 At ang lipi ni Gad: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Gad ay si Eliasaph na anak ni (E)Rehuel:[a]

15 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu.

16 Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Ruben ay isang daan at limang pu't isang libo at apat na raan at limang pu, ayon sa kanilang mga hukbo. At sila ang pangalawang (F)magsisisulong.

17 (G)Kung magkagayon, ang tabernakulo ng kapisanan ay susulong na kaakbay ng kampamento ng mga Levita sa gitna ng mga kampamento: ayon sa kanilang pagkahantong, ay gayon sila magsisisulong, na bawa't lalake ay sa kanikaniyang sariling dako, sa siping ng kanilang mga watawat.

18 Sa dakong kalunuran ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ephraim, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Ephraim ay si Elisama na anak ni Ammiud.

19 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pung libo at limang daan.

20 At sa siping niya ay malalagay ang lipi ni Manases at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Manases ay si Gamaliel na anak ni Pedasur.

21 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan:

22 At ang lipi ni Benjamin: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Benjamin, ay si Abidan na anak ni Gedeon.

23 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan.

24 Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Ephraim ay isang daan at walong libo at isang daan, ayon sa kanilang mga hukbo. At sila ang pangatlong (H)magsisisulong.

25 Sa dakong hilagaan ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Dan, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Dan, ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

26 At ang kanilang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.

27 At yaong hahantong sa siping niya ay ang lipi ni Aser: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Aser ay si Phegiel na anak ni Ocran:

28 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't isang libo at limang daan.

29 At ang lipi ni Nephtali: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Nephtali ay si Ahira na anak ni Enan.

30 At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.

31 Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Dan, ay isang daan at limang pu't pitong libo at anim na raan. Sila ang (I)magsisisulong na huli, ayon sa kanilang mga watawat.

32 Ito ang nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: yaong (J)lahat na nangabilang sa mga kampamento, ayon sa kanilang mga hukbo, ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu.

33 (K)Datapuwa't ang mga Levita ay hindi ibinilang sa mga anak ni Israel: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

34 Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay (L)gayon sila humantong sa siping ng kanilang mga watawat, at gayon sila nagsisulong, na bawa't isa'y ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

Mga saserdote at Levita ay itinangi upang maglingkod sa santuario.

At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai.

At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, (M)at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.

Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron, na mga (N)saserdote na pinahiran ng langis, na itinalaga upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.

(O)At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon, nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon, sa ilang ng Sinai, at sila'y hindi nagkaanak: at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

(P)Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya.

At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang (Q)paglilingkod sa tabernakulo.

At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.

(R)At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.

10 At iyong ihahalal si (S)Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: (T)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

11 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

12 At tungkol sa akin, narito, (U)aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin:

13 Sapagka't lahat ng mga panganay ay sa (V)akin; (W)sapagka't nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin, ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at maging hayop: sila'y magiging akin; ako ang Panginoon.

Bilang at katungkulan ng mga Levita.

14 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, na sinasabi,

15 Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay (X)bibilangin mo.

16 At sila'y binilang ni Moises ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos sa kaniya.

17 (Y)At ito ang mga naging anak ni Levi ayon sa kanilang mga pangalan: si Gerson, at si Coath, at si Merari.

18 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa kanilang mga angkan: si (Z)Libni at si Simei.

19 At ang mga anak ni Coath ayon sa kanilang mga angkan, ay si (AA)Amram, at si Izhar, si Hebron, at si Uzziel.

Batas tungkol sa mga buwis.

20 (AB)At ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan; ay si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

21 Kay Gerson galing ang angkan ng mga Libnita, at ang angkan ng mga Simeita: ito ang mga angkan ng mga Gersonita.

22 Yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat ng mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay pitong libo at limang daan ang nangabilang sa kanila.

23 (AC)Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran.

24 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga Gersonita ay si Eliasaph na anak ni Lael.

25 (AD)At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay (AE)ang tabernakulo, at ang Tolda, ang (AF)takip niyaon at ang (AG)tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan,

26 (AH)At ang mga tabing ng looban at ang (AI)tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana, at ang mga (AJ)tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon.

27 At (AK)kay Coath ang angkan ng mga Amramita at ang angkan ng mga Izharita, at ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzzielita: ito ang mga angkan ng mga Coathita.

28 Ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay may walong libo at anim na raang nangamamahala ng katungkulan sa santuario.

29 Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo, sa dakong timugan.

30 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ng mga Coathita ay si Elisaphan na anak ni Uzziel.

31 At ang magiging katungkulan nila ay ang (AL)kaban, (AM)at ang dulang, at ang kandelero, (AN)at ang mga dambana, (AO)at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, (AP)at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon.

32 At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario.

33 Kay Merari ang angkan ng mga Mahalita at angkan ng mga Musita: ito ang mga angkan ni Merari.

34 At yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay anim na libo at dalawang daan.

35 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail: sila'y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan.

36 (AQ)At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari, ay ang mga (AR)tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan, at ang lahat ng kasangkapan, at lahat ng paglilingkod doon;

37 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali ng mga yaon.

38 (AS)At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: (AT)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

39 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita na binilang ni Moises at ni Aaron sa utos ng Panginoon ayon sa kanilang mga angkan, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda, ay (AU)dalawang pu't dalawang libo.

40 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bilangin mo ang lahat ng mga lalaking panganay sa mga anak ni Israel mula sa isang buwang gulang na patanda, at iguhit mo ang bilang ng kanilang mga pangalan.

41 (AV)At iuukol mo sa akin ang mga Levita (ako ang Panginoon) sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel; at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga hayop ng mga anak ni Israel.

42 At binilang ni Moises, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ang lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel.

43 At lahat ng mga panganay na lalake ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa isang buwang gulang na patanda, doon sa nangabilang sa kanila, ay dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan at pitong pu't tatlo.

Pangtubos sa mga panganay.

44 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

45 Kunin mo ang mga Levita sa halip ng lahat na mga panganay sa mga anak ni Israel, at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng kanilang mga hayop: at ang mga Levita ay magiging akin; ako ang Panginoon.

46 (AW)At sa ikatutubos sa dalawang daan at pitong pu't tatlong panganay ng mga anak ni Israel (AX)na higit sa bilang ng mga Levita,

47 (AY)Ay kukuha ka ng (AZ)limang siklo[b] sa bawa't isa (BA)ayon sa ulo; ayon sa siklo ng santuario kukunin mo (isang siklo ay dalawang pung gera):

48 At ibibigay mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping ikatutubos na humigit sa bilang nila.

49 At kinuha ni Moises ang salaping pangtubos sa mga labis na humigit sa mga natubos ng mga Levita:

50 Mula sa mga panganay ng mga anak ni Israel kinuha niya ang salapi; isang (BB)libo at tatlong daan at anim na pu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:

51 (BC)At ibinigay ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping pangtubos ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Marcos 11:27-12:17

27 At sila'y nagsiparoong muli sa Jerusalem: (A)at samantalang lumalakad siya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang matatanda;

28 At sinabi nila sa kaniya, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito?

29 At sa kanila'y sinabi ni Jesus, Tatanungin ko kayo ng isang tanong, at sagutin ninyo ako, at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.

30 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? sagutin ninyo ako.

31 At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na sinasabi. Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?

32 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao—ay nangatatakot sila sa bayan: sapagka't kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta.

33 At sila'y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi, Hindi namin nalalaman. At sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.

12 At nagpasimulang (B)pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.

At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan.

At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala.

At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi.

At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay.

Mayroon pa siyang isa, (C)isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak.

Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana.

At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan.

Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya'y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba.

10 Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito:

(D)Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
11 Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.

12 At pinagsikapan nilang hulihin siya; at sila'y natakot sa karamihan; (E)sapagka't kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila: at siya'y iniwan nila, at nagsialis.

13 At kanilang (F)sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano, upang siya'y mahuli nila sa pananalita.

14 At nang sila'y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka't hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?

15 Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa't siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, (G)Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita.

16 At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar.

17 At sinabi sa kanila ni Jesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila'y nanggilalas na mainam sa kaniya.

Mga Awit 47

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

47 Oh (A)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (B)ay kakilakilabot;
(C)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
(D)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
Kaniyang ipipili tayo (E)ng ating mana,
(F)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
(G)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
Sapagka't ang Dios (H)ay Hari ng buong lupa:
(I)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
(J)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (K)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.

Mga Kawikaan 10:24-25

24 (A)Ang takot ng masama ay darating sa kaniya:
(B)At ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.
25 Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang (C)masama:
Nguni't ang (D)matuwid ay walang hanggang patibayan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978