The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Batas tungkol sa mga Nazareo.
6 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng isang Nazareo, upang tumalaga sa Panginoon:
3 (B)Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin; siya'y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas.
4 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.
5 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang (C)pangahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon, ay magpapakabanal siya; kaniyang pababayaang humaba ang (D)buhok ng kaniyang ulo.
6 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga sa Panginoon, ay (E)huwag siyang lalapit sa patay na katawan.
7 (F)Siya'y huwag magpapakarumi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, o sa kaniyang kapatid na lalake, o babae, pagka sila'y namatay: sapagka't ang pagtalaga niya sa Dios, ay sumasa kaniyang ulo.
8 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga, ay banal siya sa Panginoon.
9 At kung ang sinoman ay biglang mamatay sa kaniyang siping, at mahawa ang ulo ng kaniyang pagkatalaga: ay (G)aahitan nga niya ang kaniyang ulo sa araw ng kaniyang paglilinis, sa ikapitong araw ay aahitan niya ito.
10 (H)At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato o dalawang inakay ng kalapati sa saserdote, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
11 At ihahandog ng saserdote ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin at itutubos sa kaniya, sapagka't siya'y nagkasala dahil sa patay, at babanalin ang kaniyang ulo sa araw ding yaon.
12 At itatalaga niya sa Panginoon ang mga araw ng kaniyang pagkatalaga, at siya'y magdadala ng isang korderong lalake ng unang taon na pinakahandog (I)dahil sa pagkakasala: datapuwa't ang mga unang araw ay mawawalan ng kabuluhan, sapagka't ang kaniyang pagkatalaga ay nadumhan.
13 At ito ang kautusan tungkol sa Nazareo, pagka natupad na ang mga (J)araw ng kaniyang pagkatalaga: siya'y dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan;
14 At kaniyang ihahandog ang kaniyang alay sa Panginoon, na isang korderong lalake ng unang taon na (K)walang kapintasan, na (L)pinakahandog na susunugin, at isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na walang kapintasan na pinakahandog tungkol sa kapayapaan,
15 At isang bakol na tinapay na walang lebadura, mga (M)munting tinapay ng mainam na harina na (N)hinaluan ng langis at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang handog na harina niyaon at ang mga (O)handog na inumin niyaon.
16 At ihaharap ng saserdote yaon sa harapan ng Panginoon, at ihahandog ang kaniyang handog dahil sa kasalanan at ang kaniyang (P)handog na susunugin:
17 At kaniyang ihahandog sa Panginoon ang tupang lalake na pinakahain na handog tungkol sa kapayapaan na kalakip ng bakol ng mga (Q)tinapay na walang lebadura: ihahandog din ng saserdote ang handog na harina niyaon at ang handog na inumin niyaon.
18 (R)At ang Nazareo ay magaahit ng ulo sa kaniyang pagkatalaga sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan at kaniyang dadamputin ang buhok ng ulo ng kaniyang pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng hain na handog tungkol sa kapayapaan.
19 At kukunin ng saserdote ang lutong (S)balikat ng tupa, at isang munting tinapay na walang lebadura sa bakol, at isang manipis na tinapay na walang lebadura, at (T)ilalagay sa mga kamay ng Nazareo, pagkatapos na makapagahit ng ulo ng kaniyang pagkatalaga:
20 At (U)aalugin ng saserdote na pinakahandog na inalog sa harapan ng Panginoon; (V)ito'y banal sa saserdote, pati ng dibdib na inalog at ng hitang itinaas; at pagkatapos nito'y ang Nazareo ay makaiinom ng alak.
21 Ito ang kautusan tungkol sa Nazareo na nagpanata, at tungkol sa kaniyang alay sa Panginoon dahil sa kaniyang pagtalaga, bukod pa sa aabutin ng kaniyang mga kaya: ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata, ay gayon niya dapat gagawin, ayon sa kautusan tungkol sa kaniyang pagkatalaga.
Basbas ng saserdote sa mga anak ni Israel.
22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, (W)Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila:
24 Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan (X)ka:
25 (Y)Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, (Z)at mahabag sa iyo:
26 Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.
27 (AA)Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel; at aking pagpapalain sila.
Alay ng mga prinsipe.
7 At nangyari (AB)ng araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo, at mapahiran ng langis at mapaging banal, pati ng lahat ng kasangkapan niyaon, at ang dambana pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at mapahiran ng langis at mapaging banal;
2 Na naghandog ang mga (AC)prinsipe sa Israel, ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. Ito ang mga prinsipe sa mga lipi, ito ang mga namamahala roon sa nangabilang:
3 At kanilang dinala ang kanilang alay sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labing dalawang baka; isang kariton sa bawa't dalawa sa mga prinsipe, at sa bawa't isa'y isang baka: at kanilang iniharap sa harapan ng tabernakulo.
4 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
5 Tanggapin mo sa kanila, upang sila'y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay mo sa mga Levita, sa bawa't lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod.
6 At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay sa mga Levita.
7 Dalawang kariton at apat na baka ay (AD)ibinigay niya sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang paglilingkod:
8 (AE)At apat na kariton at walong baka ay kaniyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
9 Nguni't sa mga anak ni Coath ay walang ibinigay siya: (AF)sapagka't ang paglilingkod sa santuario ay nauukol sa kanila; kanilang pinapasan sa kanilang mga balikat.
10 (AG)At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis, sa makatuwid baga'y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.
11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sila'y maghahandog ng kanilang alay, na bawa't prinsipe'y sa kaniyang kaarawan, sa pagtatalaga sa dambana.
12 At ang naghandog ng kaniyang alay nang unang araw ay si (AH)Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda:
13 At ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo ayon sa (AI)siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na (AJ)pinakahandog na harina;
14 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na (AK)puno ng kamangyan,
15 (AL)Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
16 (AM)Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
17 (AN)At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Naason na anak ni Aminadab.
18 Nang ikalawang araw, si (AO)Nathanael na anak ni Suar, na prinsipe ni Issachar ay naghandog:
19 Kaniyang inihandog na pinakaalay niya, ay isang pinggang pilak na ang bigat ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
20 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan;
21 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
22 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;
23 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Nathanael na anak ni Suar.
24 Nang ikatlong araw ay si (AP)Eliab na anak ni Helon, na prinsipe sa mga anak ni Zabulon:
25 Ang kaniyang alay, ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
26 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
27 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
28 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;
29 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.
30 Nang ikaapat na araw ay si (AQ)Elisur na anak ni Sedeur, na prinsipe sa mga anak ni Ruben:
31 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina.
32 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
33 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
34 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;
35 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur.
36 Nang ikalimang araw ay si (AR)Selumiel na anak ni Zurisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Simeon:
37 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
38 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan.
39 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
40 Isang kambing na lalake, na handog dahil sa kasalanan;
41 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai.
42 Nang ikaanim na araw ay si (AS)Eliasaph na anak ni Dehuel, na prinsipe sa mga anak ni Gad:
43 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
44 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
45 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
46 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
47 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliasaph na anak ni Dehuel.
48 Nang ikapitong araw ay si (AT)Elisama na anak ni Ammiud, na prinsipe sa mga anak ni Ephraim:
49 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
50 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
51 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon na handog na susunugin;
52 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
53 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisama na anak ni Ammiud.
54 Nang ikawalong araw ay si (AU)Gamaliel na anak ni Pedasur, na prinsipe sa mga anak ni Manases:
55 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
56 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
57 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
58 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
59 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.
60 Nang ikasiyam na araw ay si (AV)Abidan, na anak ni Gedeon, na prinsipe sa mga anak ni Benjamin:
61 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
62 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
63 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
64 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
65 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Abidan na anak ni Gedeon.
66 Nang ikasangpung araw ay si (AW)Ahiezer na anak ni Ammisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Dan:
67 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinaka handog na harina;
68 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
69 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
70 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
71 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
72 Nang ikalabing isang araw ay si (AX)Pagiel na Anak ni Ocran, na prinsipe sa mga anak ni Aser:
73 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
74 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
75 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
76 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;
77 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, at limang kambing na lalake, at limang korderong lalake, ng unang taon: ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.
78 Nang ikalabing dalawang araw ay si (AY)Ahira na anak ni Enan, na prinsipe sa mga anak ni Nephtali:
79 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinaka handog na harina;
80 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
81 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
82 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;
83 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.
84 Ito ang (AZ)pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto:
85 Na bawa't pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat, at bawa't mangkok ay pitong pu: lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo, ayon sa siklo ng santuario;
86 Ang labing dalawang kutsarang ginto, na puno ng kamangyan, na ang bigat ay sangpung siklo bawa't isa, ayon sa siklo ng santuario; lahat ng ginto ng mga kutsara, ay isang daan at dalawang pung siklo:
87 Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro, ang mga tupang lalake ay labing dalawa, ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa, at ang mga handog na harina niyaon; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa:
88 At lahat ng mga baka na pinaka–hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang pu't apat na toro, ang mga tupang lalake ay anim na pu, ang mga kambing na lalake ay anim na pu, ang mga korderong lalake ng unang taon ay anim na pu. Ito ang (BA)pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mapahiran ng (BB)langis.
89 At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, (BC)upang makipagsalitaan sa kaniya, ay (BD)narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya.
38 At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, (A)Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at (B)pagpugayan sa mga pamilihan.
39 At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan:
40 Silang nangananakmal (C)ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
41 At (D)umupo siya sa tapat ng (E)kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang (F)salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami.
42 At lumapit ang isang babaing bao, at siya'y naghulog ng dalawang lepta, na ang halaga'y halos isang beles.
43 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman:
44 Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.
13 At paglabas niya sa templo, ay sinabi (G)sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali!
2 At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak.
3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim (H)ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres,
4 Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?
5 At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao.
6 Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.
7 At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.
8 Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.
9 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: (I)sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila.
10 At (J)sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio.
11 At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay (K)huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
12 At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay.
13 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't (L)ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
49 (A)Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan;
Pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
2 (B)Ng mababa at gayon din ng mataas,
Ng mayaman at ng dukha na magkasama.
3 Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan;
At ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
4 (C)Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga:
Ibubuka ko ang aking (D)malabong sabi sa alpa.
5 Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan,
Pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
6 Silang (E)nagsisitiwala sa kanilang kayamanan,
At nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
7 Wala sa kaniyang (F)makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid,
Ni (G)magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
8 (Sapagka't (H)ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal,
At ito'y naglilikat magpakailan man:)
9 Upang siya'y mabuhay na lagi,
Upang siya'y (I)huwag makakita ng kabulukan.
10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay (J)nangamamatay,
Ang mangmang at gayon din ang (K)hangal ay nililipol,
(L)At iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
11 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man,
At ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi;
(M)Tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan:
Siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
13 Itong kanilang lakad ay (N)kanilang kamangmangan:
Gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
14 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan;
Kamatayan ay magiging pastor sa kanila:
At (O)ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan;
At ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw,
Upang mawalan ng tahanan.
15 Nguni't (P)tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol:
(Q)Sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
16 Huwag kang matakot pagka may yumaman.
Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
17 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin;
Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
18 Bagaman habang siya'y nabuhay ay (R)kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa,
(At pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
19 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang;
Hindi sila makakakita kailan man ng (S)liwanag.
20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa,
Ay gaya ng mga hayop na namamatay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978