The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Tumutol ang buong kapisanan.
14 At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, (A)at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon.
2 (B)At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito!
3 At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y mabuwal sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli: hindi ba magaling sa atin na tayo'y magbalik sa Egipto?
4 At nagsang-usapan sila, (C)Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y (D)magbalik sa Egipto.
5 Nang magkagayon, si (E)Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel.
6 At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot:
7 At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (F)Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain.
8 Kung (G)kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y (H)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
9 Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, (I)ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, (J)sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay (K)sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila.
10 (L)Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. (M)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.
Ang babala ng Panginoon at ang pamamagitan ni Moises.
11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (N)Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at (O)hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?
12 Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at (P)gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila.
13 (Q)At sinabi ni Moises sa Panginoon, Kung gayo'y mababalitaan ng mga taga Egipto; sapagka't isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila;
14 At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. (R)Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, (S)at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi.
15 Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao, ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin,
16 (T)Sapagka't hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain, na kaniyang isinumpa sa kanila, kaya't kaniyang pinatay sila sa ilang.
17 At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong sinalita, na sinasabi,
18 Ang Panginoon ay (U)banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala, na (V)dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi.
19 (W)Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang kasamaan ng bayang ito (X)ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan, at (Y)ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito, mula sa Egipto hanggang ngayon.
20 At sinabi ng Panginoon, Aking pinatawad (Z)ayon sa iyong salita:
21 Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buháy at kung paanong mapupuspos ng (AA)kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa:
22 (AB)Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong (AC)makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig;
23 (AD)Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita:
24 Kundi ang (AE)aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa (AF)at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi.
25 Ngayon nga'y ang mga (AG)Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at (AH)kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.
Apat na pung taon na magiging gala.
26 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
27 (AI)Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin.
28 Sabihin mo sa kanila, (AJ)Ako'y buháy, sabi ng Panginoon, tunay na (AK)kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo:
29 Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong (AL)lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin,
30 Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing (AM)pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, (AN)maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun.
31 (AO)Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na (AP)inyong itinakuwil.
32 (AQ)Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito.
33 At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na (AR)apat na pung taon, at kanilang (AS)tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang.
34 (AT)Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, (AU)sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong (AV)tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon, at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan.
35 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapisanang (AW)ito, na nagpipisan laban sa akin: sa ilang na ito matutunaw sila, at diyan sila mamamatay.
36 (AX)At ang mga lalake, na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain, na nagsipagbalik, at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain,
37 Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay (AY)nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon.
38 (AZ)Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buháy sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain.
Hinabol hanggang sa Horma.
39 At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at (BA)ang bayan ay tumaghoy na mainam.
40 At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito (BB)kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala.
41 At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang (BC)utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong?
42 (BD)Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway.
43 Sapagka't nandoon ang mga (BE)Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo.
44 (BF)Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang (BG)kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento.
45 Nang (BH)magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa (BI)Horma.
Batas tungkol sa handog na pinaraan sa apoy.
15 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na inyong mga tahanan, na aking ibibigay sa inyo,
3 (BJ)At maghahandog kayo sa Panginoon ng pinaraan sa apoy na handog na susunugin, o ng hain upang tumupad ng panata, o ng (BK)kusang handog, o sa (BL)inyong mga takdang kapistahan, upang gawing masarap na (BM)amoy sa Panginoon, na mula sa bakahan, o mula sa kawan:
4 (BN)Kung gayon ay maghandog sa Panginoon (BO)yaong maghahandog ng alay ng isang handog na harina, na ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng (BP)ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis:
5 (BQ)At ng alak na inuming handog, na ikaapat na bahagi ng isang hin, ang iyong ihahanda na kalakip ng handog na susunugin, o ng hain, sa bawa't kordero.
6 (BR)O kung isang tupang lalake, ay iyong ihahanda na pinakahandog na harina, ang dalawang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikatlong bahagi ng isang hin ng langis:
7 At bilang pinakainuming handog ay iyong ihahandog ang ikatlong bahagi ng isang hin ng alak na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
8 At pagka maghahanda ka ng isang toro na handog na susunugin, o upang ihain, sa katuparan ng isang panata, o (BS)upang mga handog sa Panginoon tungkol sa kapayapaan;
9 Ay kaniyang ihahandog nga na kalakip ng toro ang isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng kalahating hin ng langis.
10 At iyong ihahandog na pinakainuming handog ay kalahating hin ng alak na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
11 (BT)Gayon gagawin sa bawa't toro, o sa bawa't tupang lalake, o sa bawa't korderong lalake, o sa mga anak ng kambing.
12 Ayon sa bilang ng inyong ihahanda, ay gayon ninyong gagawin sa bawa't isa ayon sa kanilang bilang.
13 Lahat ng tubo sa lupain ay gagawa ng mga bagay na ito sa ganitong paraan, sa paghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
14 At kung ang isang taga ibang bayan ay makipamayang kasama ninyo, o sinomang nasa gitna ninyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, at maghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; ay kaniyang gagawin ang gaya ng inyong ginagawa.
15 (BU)Sa kapisanan ay magkakaroon ng isang palatuntunan sa inyo, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo, (BV)isang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi: kung paano kayo, ay magiging gayon din ang taga ibang bayan sa harap ng Panginoon.
16 Isang kautusan at isang ayos ay magkakaroon sa inyo, at sa taga ibang bayan sa nakikipamayan sa inyo.
53 At dinala nila si Jesus (A)sa dakilang saserdote: at nangagpipisan sa kaniya ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba.
54 At si Pedro ay sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa loob ng looban ng dakilang saserdote; at nakiumpok siya sa mga punong kawal, at (B)nagpapainit sa ningas ng apoy.
55 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoo laban kay Jesus upang siya'y ipapatay; at hindi nangasumpungan.
56 Sapagka't marami ang nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, at ang kanilang mga patotoo ay hindi nangagkatugma.
57 At nagsipagtindig ang ilan, at nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, na sinasabi,
58 Narinig naming sinabi niya, (C)Aking igigiba ang templong ito (D)na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko ang ibang hindi gawa ng mga kamay.
59 At kahit sa papagayon man ay hindi rin nangagkatugma ang patotoo nila.
60 At nagtindig sa gitna ang dakilang saserdote, at tinanong si Jesus na sinabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? ano ang sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?
61 Datapuwa't siya'y hindi umiimik, at walang isinagot. Tinanong siyang muli (E)ng dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Ikaw baga ang Cristo, ang Anak ng Mapalad?
62 At sinabi ni Jesus, Ako nga; (F)at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit.
63 At hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, at nagsabi, Ano pang kailangan natin ng mga saksi?
64 Narinig ninyo ang kapusungan: ano sa akala ninyo? At hinatulan nilang lahat na siya'y dapat mamatay.
65 At pinasimulang luraan siya ng ilan, at (G)tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok ng mga punong kawal.
66 At samantalang nasa ibaba si Pedro, (H)sa looban, ay lumapit (I)ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote;
67 At pagkakita niya kay Pedro na nagpapainit, ay tinitigan niya siya, at sinabi, Ikaw man ay kasama rin ng Nazareno, na si Jesus.
68 Datapuwa't siya'y kumaila, na sinasabi, Hindi ko nalalaman, ni nauunawa man ang sinasabi mo: at lumabas siya sa portiko; at (J)tumilaok ang manok.
69 At nakita siya ng alilang babae, at nagpasimulang magsabing muli sa nangaroroon, Ito ay isa sa kanila.
70 Datapuwa't muling ikinaila niya. At hindi nalaon, at ang nangaroon ay nangagsabing muli kay Pedro. Sa katotohanang ikaw ay isa sa kanila; (K)sapagka't ikaw ay Galileo.
71 Datapuwa't siya'y nagpasimulang manungayaw, at manumpa, Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi.
72 At pagdaka, bilang (L)pangalawa'y tumilaok ang manok. At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo. At nang maisip niya ito, ay tumangis siya.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.
53 (A)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(B)Walang gumawa ng mabuti.
2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
3 Bawa't isa sa kanila ay (C)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(D)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (E)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (F)pinangalat ng Dios ang mga (G)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(H)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
4 Ang mga kayamanan ay (A)walang kabuluhan sa kaarawan ng poot:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978