Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 26:52-28:15

52 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

53 (A)Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan.

54 Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: ang bawa't isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana.

55 (B)Gayon ma'y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran: ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin.

56 Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o kaunti.

57 (C)Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita: kay Coath, ang angkan ng mga Coathita: kay Merari, ang angkan ng mga Merarita.

58 Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahalita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Corita. At naging anak ni Coath si Amram.

59 At ang pangalan ng asawa ni Amram ay (D)Jochabed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Egipto: at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises, at si Miriam na kapatid nila.

60 (E)At naging anak ni Aaron si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

61 (F)At si Nadab at si Abiu ay namatay nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon.

62 At yaong nangabilang sa kanila ay dalawang pu't tatlong libo, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda: sapagka't sila'y hindi nangabilang sa mga anak ni Israel, (G)sapagka't sila'y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel.

63 Ito yaong nangabilang ni Moises at ni Eleazar na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel (H)sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico.

64 (I)Nguni't sa mga ito ay walang tao sa kanila, na ibinilang ni Moises at ni Aaron na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai.

65 Sapagka't sinabi ng Panginoon tungkol sa kanila, (J)Sila'y mamamatay na walang pagsala sa ilang. At walang natira kahi't isang tao sa kanila, (K)liban kay Caleb na anak ni Jephone, at kay Josue na anak ni Nun.

Mga anak na babae ni Salphaad.

27 Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga anak na babae ni (L)Salphaad, na anak ni Hepher, na anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ni Manases, na anak ni Jose; at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, at Hogla, at Milca, at Tirsa.

At sila'y nagsitayo sa harap ni Moises, at sa harap ni Eleazar na saserdote, at sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,

(M)Ang aming ama ay namatay sa ilang, at siya'y hindi kasama ng nagpipisang magkakasama laban sa Panginoon, sa pulutong ni Core: kundi siya'y namatay sa kaniyang sariling kasalanan; at hindi nagkaanak ng lalake.

Bakit ang pangalan ng aming ama ay aalisin sa angkan niya, sapagka't siya'y hindi nagkaanak ng lalake? (N)Bigyan ninyo kami ng pagaari sa gitna ng mga kapatid ng aming ama.

At dinala ni Moises ang kanilang usap sa harap ng Panginoon.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Ang mga anak na babae ni Salphaad ay nagsasalita ng matuwid: (O)bibigyan mo nga sila ng isang pagaari na pinakamana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama; at iyong isasalin ang mana ng kanilang ama sa kanila.

At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Kung ang isang lalake ay mamatay, at walang anak na lalake, ay inyo ngang isasalin ang kaniyang mana sa kaniyang anak na babae.

At kung siya'y walang anak na babae, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang mga kapatid.

10 At kung siya'y walang kapatid, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa mga kapatid ng kaniyang ama.

11 At kung ang kaniyang ama ay walang kapatid, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang (P)kamaganak na pinakamalapit sa kaniya sa kaniyang angkan, at kaniyang aariin: at sa mga anak ni Israel ay magiging isang (Q)palatuntunan ng kahatulan, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Si Moises ay pinagsabihan tungkol sa kaniyang pagkamatay.

12 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (R)Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, at tanawin mo ang lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel.

13 At pagkakita mo niyaon ay (S)malalakip ka rin naman sa iyong bayan, na gaya ng pagkalakip ni Aaron na iyong kapatid:

14 (T)Sapagka't kayo'y nanghimagsik laban sa aking salita sa ilang ng Zin, sa pakikipagtalo ng kapisanan, na ipakilala ninyong banal ako sa harap ng mga mata nila sa tubig. (Ito ang (U)tubig ng Meriba sa Cades sa ilang ng Zin.)

Si Josue ang humalili kay Moises.

15 At sinalita ni Moises sa Panginoon, na sinasabi,

16 Maghalal ang Panginoon, ang (V)Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, ng isang lalake sa kapisanan,

17 (W)Na makalalabas sa harap nila, at makapapasok sa harap nila, at makapaglalabas sa kanila, at makapagpapasok sa kanila; upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag maging (X)parang mga tupa na walang pastor.

18 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na (Y)kinakasihan ng Espiritu, at (Z)ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;

19 At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan; at (AA)pagbilinan mo siya sa kanilang paningin.

20 At lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang (AB)sundin siya ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel.

21 At siya'y tatayo sa harap ni Eleazar na saserdote, na siyang (AC)maguusisa tungkol sa kaniya, ng hatol ng (AD)Urim sa harap ng Panginoon: sa kaniyang salita, ay lalabas sila, at sa kaniyang salita, ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan.

22 At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya: at kaniyang ipinagsama si Josue, at kaniyang iniharap kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan:

23 At kaniyang ipinatong ang mga kamay niya sa kaniya, at pinagbilinan niya siya, gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Pagpapatuloy ng handog na susunugin.

28 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang alay sa akin, ang aking (AE)pagkain na pinakahandog sa akin na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa akin, ay inyong pagiingatang ihandog sa akin sa ukol na kapanahunan.

At iyong sasabihin sa kanila, (AF)Ito ang handog na pinaraan sa apoy na inyong ihahandog sa Panginoon; mga korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, dalawa araw-araw, na pinakapalaging handog na susunugin.

Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga, at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw;

At (AG)ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng (AH)ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo.

(AI)Isang palaging handog na susunugin, na iniutos sa bundok ng Sinai na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

At ang pinakahandog na inumin niyaon, ay ang ikaapat na bahagi ng isang hin sa isang kordero: sa dakong banal magbubuhos ka ng handog na inumin na pinaka mainam na alak para sa Panginoon.

At ang isang kordero, ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw: gaya ng handog na harina sa umaga, at gaya ng handog na inumin niyaon, ay iyong ihahandog, isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

Handog sa araw ng sabbath.

At sa araw ng sabbath ay dalawang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, at dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina na hinaluan ng langis, at ang handog na inumin niyaon:

10 Ito (AJ)ang handog na susunugin sa bawa't sabbath, bukod pa sa palaging handog na susunugin, at ang inuming handog niyaon.

11 At (AK)sa mga pasimula ng inyong mga buwan ay maghahandog kayo ng handog na susunugin sa Panginoon; dalawang guyang toro at isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan;

12 At (AL)tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis, para sa bawa't toro; at dalawang ikasangpung bahagi ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis para sa isang tupang lalake;

13 At isang ikasangpung bahagi ng mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina para sa bawa't kordero; pinakahandog na susunugin na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

14 At ang magiging handog na inumin ng mga yaon ay kalahati ng isang hin ng alak sa toro, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ay sa tupang lalake, at ang ikaapat na bahagi ng isang hin ay sa kordero: ito ang handog na susunugin sa bawa't buwan sa lahat ng buwan ng taon.

15 At (AM)isang kambing na lalake na pinakahandog sa Panginoon dahil sa kasalanan; ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon.

Lucas 3:1-22

Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni (A)Tiberio Cesar, (B)na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea (C)si Herodes, at ang kaniyang kapatid na (D)si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia,

Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote (E)si Anas at (F)si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay (G)Juan, anak ni Zacarias, sa (H)ilang.

At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi (I)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;

Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias,

(J)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Lahat ng libis ay tatambakan,
At pababain ang bawa't bundok at burol;
At ang liko ay matutuwid,
At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;
At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.

Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, (K)Ano ngang dapat namin gawin?

11 At sinagot niya at sinabi sa kanila, (L)Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.

12 At dumating naman ang (M)mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?

13 At sinabi niya sa kanila, (N)Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.

14 At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.

15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, (O)kung siya kaya ang Cristo;

16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng (P)panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.

18 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;

19 Datapuwa't si Herodes (Q)na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,

20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.

21 Nangyari nga, (R)nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at (S)nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,

22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

Mga Awit 61

Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.

61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(A)Matibay na moog sa kaaway.
(B)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
(C)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (D)at katotohanan, upang mapalagi siya.
Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(E)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.

Mga Kawikaan 11:16-17

16 Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan:
At ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.
17 Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti (A)sa kaniyang sariling kaluluwa:
Nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978