The Daily Audio Bible
Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.
Si Balaam at ang asno ay sinalubong ng anghel ng Panginoon.
21 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at siniyahan ang kaniyang (A)asno, at sumama sa mga prinsipe sa Moab.
22 At ang galit ng Dios ay nagningas sapagka't siya'y naparoon: (B)at ang anghel ng Panginoon ay lumagay sa daan na pinaka kalaban niya. Siya nga'y nakasakay sa kaniyang asno at ang kaniyang dalawang alipin ay kasama niya.
23 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at ang asno ay lumiko sa daan, at napasa parang: at pinalo ni Balaam ang asno, upang ibalik siya sa daan.
24 Nang magkagayo'y tumayo ang anghel ng Panginoon sa isang makipot na daan sa pagitan ng mga ubasan, na ang isang bakod ay sumasadako rito, at ang isang bakod ay sumasadakong yaon.
25 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y inipit sa bakod, at naipit ang paa ni Balaam sa bakod: at kaniyang pinalo uli ang asno.
26 At ang anghel ng Panginoon ay nagpauna uli at tumayo sa isang makipot na dako na walang daan lilikuan kahit sa kanan ni sa kaliwa.
27 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y nalugmok sa ilalim ni Balaam: at ang galit ni Balaam ay nagningas, at kaniyang pinalo ang asno ng kaniyang tungkod.
28 At (C)ibinuka ng Panginoon ang bibig ng asno, at nagsabi kay Balaam, Ano ang ginawa ko sa iyo, na ako'y pinalo mo nitong makaitlo?
29 At sinabi ni Balaam sa asno, Sapagka't tinuya mo ako: mayroon sana ako sa aking kamay na isang tabak, pinatay disin kita ngayon.
30 At sinabi ng asno kay Balaam, Di ba ako'y iyong asno na iyong sinakyan sa buong buhay mo hanggang sa araw na ito? gumawa ba kaya ako kailan man ng ganito sa iyo? At kaniyang sinabi, Hindi.
Ang sabi ng anghel ng Panginoon.
31 Nang magkagayo'y (D)idinilat ng Panginoon ang mga mata ni Balaam, at kaniyang nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: (E)at kaniyang iniyukod ang kaniyang ulo, at nagpatirapa.
32 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Bakit mo pinalo ang iyong asno nitong makaitlo? Narito, ako'y naparito na pinaka kalaban, sapagka't ang iyong lakad ay masama sa harap ko:
33 At nakita ako ng asno, at lumiko sa harap ko nitong makaitlo: kundi siya lumihis sa harap ko, ay tunay na ngayon ay napatay kita, at nailigtas ang kaniyang buhay.
34 At sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, Ako'y (F)nagkasala; sapagka't hindi ko nalamang ikaw ay nakatayo sa daan laban sa akin: ngayon nga, kung inaakala mong masama, ay babalik ako uli.
35 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam, Sumama ka sa mga tao: (G)nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ang siyang sasalitain mo. Sa gayon ay sumama si Balaam sa mga prinsipe ni Balac.
Lumabas si Balac upang salubungin si Balaam.
36 At nang mabalitaan ni Balac na si Balaam ay dumarating, ay lumabas upang kaniyang salubungin siya sa bayan ng Moab, na (H)nasa hangganan ng Arnon, na siyang katapusang bahagi ng hangganan.
37 At sinabi ni Balac kay Balaam, Di ba ikaw ay aking pinaparoonang dalidali upang tawaging ka? bakit nga hindi ka naparito sa akin? (I)hindi ba tunay na mapapupurihan kita?
38 At sinabi ni Balaam kay Balac, Narito, ako'y naparito sa iyo: mayroon ba ako ngayong anomang kapangyarihan na makapagsalita ng anomang bagay? ang salitang ilagay ng Dios sa aking bibig, yaon ang aking sasalitain.
39 At si Balaam ay sumama kay Balac, at sila'y naparoon sa Chiriath-huzoth.
40 At naghain si Balac, ng mga baka at mga tupa, at ipinadala kay Balaam, at sa mga prinsipe na kasama niya.
41 At nangyari nang kinaumagahan, na isinama ni Balac si Balaam at isinampa siya sa (J)matataas na dako ni Baal, at kaniyang nakita mula roon ang katapustapusang bahagi ng bayan.
Ang unang hula ni Balaam.
23 At sinabi ni Balaam kay Balac, (K)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.
2 At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay (L)naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake.
3 At sinabi ni Balaam kay Balac, (M)Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay (N)paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim.
4 (O)At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana.
5 (P)At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.
6 At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab.
7 At (Q)kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac,
Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan:
(R)Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob.
At parito ka, laitin mo ang Israel.
8 Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios?
At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?
9 Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya,
At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan:
Narito, siya'y isang (S)bayang tatahang magisa,
At (T)hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.
10 (U)Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob,
O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?
Mamatay nawa ako ng (V)kamatayan ng matuwid,
At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!
11 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? (W)Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo.
12 At siya'y sumagot, at nagsabi, (X)Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?
Ang ikalawang hula ni Balaam.
13 At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon.
14 At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at (Y)nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.
15 At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang (Z)Panginoon doon.
16 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at (AA)pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.
17 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?
18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi,
Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin;
Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:
19 (AB)Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling,
Ni anak ng tao na magsisisi;
Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin?
O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala:
(AC)At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.
21 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob,
Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel:
Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya,
At (AD)ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.
22 (AE)Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto;
(AF)Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na (AG)toro.
23 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob,
(AH)Ni panghuhula laban sa Israel:
Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel,
(AI)Anong ginawa ng Dios!
24 Narito, ang bayan ay tumitindig na (AJ)parang isang leong babae,
(AK)At parang isang leon na nagpakataas:
Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli,
At makainom ng dugo ng napatay.
25 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.
26 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, (AL)Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?
27 At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, (AM)ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon.
28 At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng (AN)Peor, (AO)na nakatungo sa ilang.
29 At sinabi ni Balaam kay Balac, (AP)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.
30 At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.
57 Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.
58 At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at (A)mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at (B)sila'y nangakigalak sa kaniya.
59 At nangyari, na (C)nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.
60 At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, (D)Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan.
61 At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.
62 At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.
63 At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.
64 At pagdaka'y (E)nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.
65 At sinidlan ng (F)takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat (G)ng lupaing maburol ng Judea.
66 At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't (H)ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.
67 At si Zacarias na kaniyang ama ay (I)napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
68 Purihin ang (J)Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka't (K)kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin (L)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya (M)sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw (N)buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 (O)Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At (P)alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa (Q)na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan (R)at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang (S)propeta ng (T)kataastaasan;
Sapagka't (U)magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77 Upang (V)maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan,
Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,
Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79 (W)Upang liwanagan (X)ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan;
Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng (Y)kapayapaan.
80 At lumaki (Z)ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at (AA)nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (A)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (B)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (C)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (D)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (E)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(F)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (G)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(H)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (I)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (J)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (K)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (L)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (M)humahatol sa lupa.
12 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan:
Nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.
13 (A)Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim:
Nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978