The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.
40 (A)At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel.
41 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng (B)Hor, at humantong sa Salmona.
42 At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.
43 At sila'y (C)naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa (D)Oboth.
44 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.
45 At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa (E)Dibon-gad.
46 At sila'y naglakbay mula sa Dibongad, at humantong sa Almondiblathaim.
47 At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at (F)humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48 At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at (G)humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
49 At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, (H)sa mga kapatagan ng Moab.
50 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,
51 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (I)Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52 Ay inyo ngang (J)palalayasin ang (K)lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
53 At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin.
54 (L)At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin.
55 Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga (M)tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
56 At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.
Bilin sa pakikidigma at sa pagbabahagi ng Canaan.
34 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa (N)lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),
3 (O)At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng (P)Dagat na Alat sa dakong silanganan:
4 At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa (Q)sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng (R)Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa (S)Hasar-addar, at patuloy sa Asmon:
5 At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon (T)hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat.
6 At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.
7 At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng (U)Hor:
8 Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang (V)pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa (W)Sedad;
9 At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang (X)Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan.
10 At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham:
11 At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa (Y)Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng (Z)Cinnereth sa dakong silanganan:
12 At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa (AA)Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot.
13 At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, (AB)Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;
14 (AC)Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana:
15 Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw.
16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si (AD)Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun.
18 (AE)At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana.
19 At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone.
20 At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud.
21 Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon.
22 At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli.
23 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod:
24 At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan.
25 At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach.
26 At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan.
27 At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi.
28 At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud.
29 Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.
Mga bayan na ibibigay sa mga Levita.
35 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga (AF)kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,
2 (AG)Iutos mo sa mga anak ni Israel, na kanilang bigyan ang mga Levita sa mana na kanilang pagaari, ng mga bayan na matahanan; at ang mga (AH)pastulan sa palibot ng mga bayang yaon ay ibibigay ninyo sa mga Levita,
3 At mapapasa kanila ang mga bayan upang tahanan; at ang kanilang mga pastulan ay sa kanilang mga kawan, at sa kanilang mga pagaari, at sa lahat nilang mga hayop.
4 At ang mga pastulan sa mga bayan, na inyong ibibigay sa mga Levita, ay isang libong siko sa palibot mula sa kuta ng bayan hanggang sa dakong labas.
5 At ang inyong susukatin sa labas ng bayan sa dakong silanganan ay dalawang libong siko, at sa dakong timugan ay dalawang libong siko, at sa dakong kalunuran ay dalawang libong siko, at sa dakong hilagaan ay dalawang libong siko, na ang bayan ay sa gitna. Ito ang magiging sa kanila'y mga pastulan sa mga bayan.
6 At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang (AI)anim na bayan na ampunan, na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao: at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu't dalawang bayan.
7 Lahat ng mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay (AJ)apat na pu't walong bayan: inyong ibibigay sangpu ng kanilang mga pastulan.
8 At tungkol sa mga bayan na (AK)pagaari ng mga anak ni Israel na inyong ibibigay ay kukuha kayo ng (AL)marami sa marami; at sa kaunti ay kukuha kayo ng kaunti: bawa't isa ayon sa kaniyang mana na kaniyang minamana ay magbibigay sa kaniyang mga bayan sa mga Levita.
9 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
10 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (AM)Pagkaraan ninyo ng Jordan sa lupain ng Canaan,
11 (AN)Ay pipili nga kayo ng mga bayan na maging mga bayang ampunan sa inyo, upang ang nakamatay ng tao na pumatay ng sinomang tao na hindi (AO)sinasadya, ay makatakas doon.
12 At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti; upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan.
13 At ang mga bayan na inyong ibibigay ay (AP)anim na bayang ampunan sa inyo.
14 (AQ)Magbibigay kayo ng tatlong bayan sa dako roon ng Jordan, at tatlong bayan ang ibibigay ninyo sa lupain ng Canaan; siyang magiging mga bayang ampunan.
15 Sa mga anak ni Israel, (AR)at sa taga ibang lupa, at sa makikipamayan sa kanila ay magiging ampunan ang anim na bayang ito: upang ang bawa't nakamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon.
16 (AS)Nguni't kung kaniyang saktan ang kaniyang kapuwa ng isang kasangkapang bakal, na ano pa't namatay, siya nga'y mamamatay tao; ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
17 At kung kaniyang saktan ng isang batong tangan niya sa kamay na ikamamatay ng isang tao, at namatay nga, mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
18 O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao, at namatay nga, ay mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
19 Ang manghihiganti sa dugo ay (AT)siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin.
20 At kung kaniyang itinulak sa kapootan, o kaniyang hinagis na (AU)binanta, ano pa't siya'y namatay;
21 O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay, na ano pa't siya'y namatay: siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin; siya'y mamamatay tao: ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay, pagka nasumpungan niya.
Bayang ampunan para sa nakamatay.
22 Nguni't kung sa kabiglaanan ay kaniyang (AV)maitulak na walang pakikipagkaalit, o mahagisan niya ng anomang bagay na hindi binanta,
23 O ng anomang bato na ikamamatay ng tao, na hindi niya nakikita at kaniyang maihagis sa kaniya, na ano pa't namatay at hindi niya kaaway, at hindi niya pinagaakalaan ng masama:
24 Kung gayo'y ang (AW)kapisanan ang siyang hahatol sa sumakit at sa manghihiganti sa dugo, ayon sa mga kahatulang ito:
25 At ililigtas ng kapisanan ang nakamatay sa kamay ng manghihiganti sa dugo, at siya'y pababalikin ng kapisanan sa kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan: at siya'y tatahan doon hanggang sa pagkamatay ng (AX)pangulong saserdote, (AY)na pinahiran ng banal na langis.
26 Nguni't kung ang nakamatay ay lumabas sa anomang dahilan, sa hangganan ng kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan;
27 At masumpungan siya ng manghihiganti sa dugo sa labas ng hangganan ng kaniyang bayang ampunan, at patayin ng manghihiganti sa dugo ang nakamatay, ay hindi siya magiging salarin sa dugo,
28 Sapagka't siya'y nararapat na tumira sa kaniyang bayang ampunan, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote: nguni't pagkamatay ng dakilang saserdote ang nakamatay ay makababalik sa lupain ng kaniyang pagaari.
Batas tungkol sa mamamatay tao.
29 At ang mga bagay na ito ay magiging isang (AZ)palatuntunan sa kahatulan sa inyo, sa buong panahon ng inyong mga lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.
30 Sinomang pumatay sa kaninoman, ay papatayin ang pumatay sa (BA)patotoo ng mga saksi: nguni't ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin.
31 Bukod sa rito, huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpapatay: kundi siya'y walang pagsalang papatayin.
32 At huwag kayong tatanggap ng suhol sa kaninomang tumakas sa kaniyang bayang ampunan, upang bumalik na manahan sa kaniyang lupain, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote.
33 Kaya't huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong kinaroroonan; (BB)sapagka't ang dugo ay nagpaparumi ng lupain: at walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo doon, kundi sa (BC)pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo.
34 (BD)At huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong tinatahanan, na ako'y tumahan sa gitna niyan: sapagka't (BE)akong Panginoon ay tumatahan sa gitna ng mga anak ni Israel.
12 At nangyari, samantalang siya'y (A)nasa isa sa mga bayan, narito, may isang lalake na lipos ng ketong: at nang makita niya si Jesus, ay nagpatirapa siya, at namanhik sa kaniya, na sinasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring linisin mo ako.
13 At iniunat niya ang kaniyang kamay at siya'y hinipo, na sinasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nilisan siya ng ketong.
14 At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man: (B)kundi yumaon ka ng iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila.
15 (C)Datapuwa't lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya: at nangagkatipon ang lubhang maraming tao upang makinig, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit.
16 Datapuwa't siya'y lumigpit (D)sa mga ilang, at nananalangin.
17 At nangyari nang isa sa mga araw na yaon, na siya'y nagtuturo; at may nangakaupo doong mga Fariseo at (E)mga guro sa kautusan, na nagsipanggaling sa bawa't nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem: at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling.
18 At narito, (F)dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo: at pinagpipilitan niyang maipasok siya, at ilagay siya sa harap nila.
19 At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila (G)sa bubungan ng bahay, at siya'y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.
20 At pagkakita sa kanilang pananampalataya, ay kaniyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan.
21 At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? (H)Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang?
22 Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso?
23 Alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka at lumakad ka?
24 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.
25 At pagdaka'y nagtindig siya sa harap nila, at binuhat (I)ang kaniyang hinigan, at napasa kaniyang bahay, (J)na niluluwalhati ang Dios.
26 At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios; at (K)nangapuspos sila ng takot, na nangagsasabi, Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka.
27 At pagkatapos ng mga bagay na ito, (L)siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin.
28 At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(A)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (B)lilinisin mo.
4 (C)Mapalad ang tao na (D)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(E)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(F)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (G)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 (H)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(I)At ng kaingay ng mga bayan.
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 (J)Iyong dinadalaw ang lupa, at (K)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(L)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (M)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
23 Ang nasa ng matuwid ay buti lamang:
Nguni't ang hintay ng masama ay poot.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978