The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Pinabalik si David.
11 At nagsugo ang haring si David kay (A)Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote, na sinasabi, Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda, na magsipagsabi, Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari, upang ibalik siya sa kaniyang bahay.
12 Kayo'y aking mga kapatid, kayo'y (B)aking buto at aking laman: bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari?
13 (C)At sabihin ninyo kay Amasa, Hindi ka ba aking buto at aking laman? (D)Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ikaw ay hindi maging palaging (E)punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab.
14 At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda (F)na parang puso ng isang tao; na anopa't sila'y nagsipagsugo sa hari, na nagsisipagsabi, Ikaw ay bumalik, at ang lahat ng iyong lingkod.
15 Sa gayo'y bumalik ang hari, at naparoon sa Jordan. At ang Juda ay naparoon sa (G)Gilgal, upang salubungin ang hari, na itawid ang hari sa Jordan.
16 At si (H)Semei na anak ni Gera, na Benjamita, na taga (I)Bahurim, ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David.
17 At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya, at si (J)Siba, na alila sa sangbahayan ni Saul, at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya; at sila'y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari.
18 At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari, at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti. At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari, nang siya'y makatawid sa Jordan.
19 At sinabi niya sa hari, Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon, o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem, upang (K)isapuso ng hari.
20 Sapagka't nalalaman ng iyong lingkod na ako'y nagkasala: kaya't, narito, ako'y naparirito sa araw na ito, na una sa lahat ng (L)sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari.
21 Nguni't si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba papatayin si Semei dahil dito, sapagka't kaniyang (M)isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon?
22 At sinabi ni David, (N)Ano ang ipakikialam ko sa inyo, mga anak ni Sarvia, na kayo'y magiging mga kaaway ko sa araw na ito? (O)may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel? sapagka't di ko ba talastas na ako'y hari sa araw na ito sa Israel?
23 At (P)sinabi ng hari kay Semei, Ikaw ay hindi mamamatay. At ang hari ay sumumpa sa kaniya.
Ang pakikipagkita ni David kay Mephiboseth at kay Barzillai.
24 At si (Q)Mephiboseth na anak ni Saul ay lumusong na sinalubong ang hari; at hindi man siya naghugas ng kaniyang mga paa, o naggupit man ng kaniyang balbas, o nilabhan man ang kaniyang mga suot, mula sa araw na ang hari ay umalis hanggang sa araw na siya'y umuwi na payapa sa bahay.
25 At nangyari, nang siya'y dumating sa Jerusalem upang salubungin ang hari, na sinabi ng hari sa kaniya, (R)Bakit hindi ka yumaong kasama ko, Mephiboseth?
26 At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay.
27 (S)At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari; nguni't ang panginoon kong hari ay (T)gaya ng isang anghel ng Dios: gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata.
28 Sapagka't ang buong sangbahayan ng aking ama ay mga patay na lalake lamang sa harap ng panginoon kong hari: (U)gayon ma'y inilagay mo ang iyong lingkod sa kasamahan ng nagsisikain sa iyong sariling dulang. Ano pa ngang matuwid mayroon ako, na aking maisisigaw pa sa hari?
29 At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay? Aking sinabi, Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa.
30 At sinabi ni Mephiboseth sa hari, Oo, ipakuha mo sa kaniya ang lahat, yamang ang aking panginoon na hari ay dumating na payapa sa kaniyang sariling bahay.
31 At si (V)Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim; at siya'y tumawid sa Jordan na kasama ng hari, upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan.
32 Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo, na may walong pung taon: at kaniyang ipinaghanda ang hari ng (W)pagkain samantalang siya'y nasa Mahanaim; sapagka't siya'y totoong dakilang tao.
33 At sinabi ng hari kay Barzillai, Tumawid kang kasama ko, at aking pakakanin ka sa Jerusalem.
34 At sinabi ni Barzillai sa hari, Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay, na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari?
35 Ako sa araw na ito'y may walong pung taon na; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari?
36 Ang iyong lingkod ay yayaon na lamang ng kaunti sa dako roon ng Jordan na kasama ng hari: at bakit gagantihin ng hari ako ng ganyang ganting pala?
37 Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod, upang ako'y mamatay sa aking sariling bayan, sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina. Nguni't, narito, ang iyong lingkod na (X)Chimham: bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari; at gawin mo sa kaniya, kung ano ang mamabutihin mo.
38 At sumagot ang hari, Si Chimham ay tatawid na kasama ko, at gagawin ko sa kaniya ang aakalain mong mabuti: at anomang iyong kailanganin sa akin ay aking gagawin alangalang sa iyo.
39 At ang buong bayan ay tumawid sa Jordan, at ang hari ay tumawid: at (Y)hinagkan ng hari si Barzillai, at binasbasan siya; at siya'y bumalik sa kaniyang sariling dako.
Pagkakainggitan ng Israel at Juda.
40 Sa gayo'y tumawid sa Gilgal ang hari, at si Chimham ay tumawid na kasama niya: at itinawid ng buong bayan ng Juda ang hari, at ng kalahati rin naman ng bayan ng Israel.
41 At, narito, ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari, at nagsipagsabi sa hari, Bakit ninakaw (Z)ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda, at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan, at ang lahat na lalake ni David na kasama niya?
42 At ang lahat na lalake ng Juda ay nagsisagot sa mga lalake ng Israel, Sapagka't ang hari ay (AA)kamaganak na malapit namin: bakit nga kayo mangagagalit dahil sa bagay na ito? nagsikain ba kami ng anoman sa gugol ng hari? o binigyan ba niya kami ng anomang kaloob?
43 At ang mga lalake ng Israel ay nagsisagot sa mga lalake ng Juda, at nagsipagsabi, Kami ay may sangpung bahagi sa hari, at kami ay may higit na matuwid kay David kay sa inyo; bakit nga ninyo niwalan ng kabuluhan kami, na ang aming payo'y hindi siyang una sa pagbabalik sa aming hari? (AB)At ang mga salita ng mga lalake ng Juda ay lalong mababagsik kay sa mga salita ng mga lalake ng Israel.
Paghihimagsik ni Seba.
20 At nagkataon, na may isang (AC)lalake, na ang pangala'y Seba, na anak ni Bichri, na Benjamita: at kaniyang hinipan ang pakakak, at nagsabi, (AD)Kami ay walang bahagi kay David, o anomang mana sa anak ni Isai: bawa't tao ay sa kaniyang mga tolda, (AE)Oh Israel.
2 Sa gayo'y lahat ng mga lalake ng Israel ay nagsiahong mula sa pagsunod kay David, at nagsisunod kay Seba na anak ni Bichri: nguni't ang mga anak ni Juda ay nagsisanib sa kanilang hari, mula sa Jordan hanggang sa Jerusalem.
3 At dumating si David sa kaniyang bahay sa Jerusalem; at kinuha ng hari ang sangpung babae na kaniyang mga (AF)kinakasama, na siyang mga iniwan niya upang magsipagingat ng bahay, at mga inilagay sa pagbabantay at mga hinandaan sila ng pagkain, nguni't hindi sumiping sa kanila. Sa gayo'y nasarhan sila hanggang sa kaarawan ng kanilang kamatayan, na nangamuhay sa pagkabao.
Pinatay ni Joab si Amasa.
4 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Amasa, (AG)Pisanin mo sa akin ang mga lalake ng Juda sa loob ng tatlong araw, at humarap ka rito.
5 Sa gayo'y yumaon si Amasa upang pisanin ang mga lalake sa Juda: nguni't siya'y nagluwa't kay sa panahong takda na kaniyang itinakda sa kaniya.
6 At sinabi ni David kay Abisai, Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom: kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon, at habulin ninyo siya, baka siya'y makaagap ng mga bayan na nakukutaan, at makatanan sa ating paningin.
7 At nagsilabas na hinabol siya ng mga lalake ni Joab, at ang mga (AH)Ceretheo at ang mga Peletheo, at ang lahat na makapangyarihang lalake; at sila'y nagsilabas sa Jerusalem, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.
8 Nang sila'y na sa malaking bato na nasa Gabaon, ay sumalubong sa kanila si Amasa. At si Joab ay nabibigkisan ng kaniyang suot na pangdigma na kaniyang isinuot, at sa ibabaw niyaon ay ang pamigkis na may tabak na sukat sa kaniyang mga balakang sa kaniyang kaloban: at samantalang siya'y lumalabas ay nahulog.
9 At sinabi ni Joab kay Amasa, Mabuti ba sa iyo, kapatid ko? (AI)At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya.
10 Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa (AJ)tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri.
Hinabol si Seba ni Joab.
11 At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab, at nagsabi, Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David, ay sumunod kay Joab.
12 At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan. At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil, ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuutan, nang kaniyang makita na bawa't dumating sa siping niya ay tumitigil.
13 Nang siya'y alisin sa lansangan, ay nagpatuloy ang buong bayan na nagsisunod kay Joab, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.
21 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakitang muli si Jesus sa mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias; at siya'y napakita sa ganitong paraan.
2 Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at (A)si Natanael na taga (B)Cana ng Galilea, at (C)ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.
3 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya, Kami man ay magsisisama sa iyo. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman.
4 Nguni't nang nagbubukang liwayway na, si Jesus ay tumayo sa baybayin: gayon ma'y (D)hindi napagalaman ng mga alagad na yaon ay si Jesus.
5 Sa kanila nga'y sinabi ni Jesus, Mga anak, mayroon baga kayong anomang makakain? Nagsisagot sila sa kaniya, Wala.
6 At kaniyang sinabi sa kanila, (E)Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kanan ng daong, at makakasumpong kayo. Inihulog nga nila, at hindi na nila mahila dahil sa karamihan ng mga isda.
7 (F)Yaong alagad nga na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, Ang Panginoon nga. Kaya't pagkarinig nga ni Simon Pedro na yao'y ang Panginoon, ay nagbigkis siya ng kaniyang tunika (sapagka't siya'y hubo't hubad), at tumalon sa dagat.
8 Datapuwa't ang ibang mga alagad ay nagsilapit sa maliit na daong (sapagka't sila'y hindi lubhang malayo sa lupa, kundi may mga dalawangdaang siko), na hinihila ang lambat na puno ng mga isda.
9 Kaya't nang sila'y magsilunsad sa lupa, ay nakakita sila doon ng mga bagang uling, at isda ang nakalagay sa ibabaw, at tinapay.
10 Sinabi sa kanila ni Jesus, Mangagdala kayo rito ng mga isdang inyong nangahuli ngayon.
11 Umahon nga si Simon Pedro, at hinila ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, na isang daan at limangpu at tatlo, at sa ganoong karami ay hindi napunit ang lambat.
12 Sinabi sa kanila ni Jesus, Magsiparito kayo at mangagpawing gutom. At sinoman sa mga alagad ay hindi nangahas na siya'y tanungin, Sino ka? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon.
13 Lumapit si Jesus, at dinampot ang tinapay, at sa kanila'y ibinigay, (G)at gayon din ang isda.
14 Ito'y (H)ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad, pagkatapos na siya'y magbangon sa mga patay.
15 Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako (I)ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.
16 Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. (J)Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.
17 Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing (K)makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.
18 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; nguni't pagtanda mo'y iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba, at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.
19 Ito nga'y sinalita niya, na ipinaalam (L)kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios. At pagkasalita niya nito, ay sinabi niya sa kaniya, (M)Sumunod ka sa akin.
20 Si Pedro, paglingon, ay nakita yaong alagad na (N)iniibig ni Jesus na sumusunod; na siya ring humilig sa kaniyang dibdib sa paghapon, at nagsabi, Panginoon, sino ang sa iyo'y magkakanulo?
21 Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Jesus, Panginoon, at ano ang gagawin ng taong ito?
22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig kong siya'y manatili (O)hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo? sumunod ka sa akin.
23 Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng (P)mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma'y hindi sinabi ni Jesus, sa kaniya na hindi siya mamamatay; kundi, Kung ibig kong siya'y manatili hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo?
24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat ng mga bagay na ito; at (Q)nalalaman namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.
25 At mayroon ding (R)iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.
Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. (A)Awit sa mga Pagsampa.
120 Sa aking kahirapan ay (B)dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
4 Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa (C)Mesech,
Na (D)tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7 Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
16 (A)Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto!
Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak.
17 Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan:
Siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978