Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Samuel 20:14-21:22

Si Seba ay nakulong at pinatay.

14 At siya ay naparoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa (A)Abel, at sa Beth-maacha, at ang lahat na Berita: at sila'y nangagpisan at nagsiyaon namang kasunod niya.

15 At sila'y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha, at sila'y nagtindig ng isang (B)bunton laban sa bayan, at tumayo laban sa kuta: at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab, upang ibuwal.

16 Nang magkagayo'y sumigaw ang isang pantas na babae sa bayan, Dinggin ninyo, dinggin ninyo: Isinasamo ko sa inyo na inyong sabihin kay Joab, Lumapit ka rito, na ako'y makapagsalita sa iyo.

17 At siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi ng babae, Ikaw ba'y si Joab? At siya'y sumagot, Ako nga. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Dinggin mo ang mga salita ng iyong lingkod. At siya'y sumagot, Aking dinidinig.

18 Nang magkagayo'y nagsalita siya, na sinasabi, Sinasalita noong unang panahon, na sinasabi, Sila'y walang pagsalang hihingi ng payo sa Abel; at gayon nila tinapos ang usap.

19 Ako'y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel: ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang ina sa Israel: bakit ibig mong (C)lamunin ang (D)mana ng Panginoon?

20 At si Joab ay sumagot, at nagsabi, Malayo, malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain.

21 Ang usap ay hindi ganyan: kundi ang isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, si Seba na anak ni Bichri ang pangalan, ay nagtaas ng kaniyang kamay laban sa hari, sa makatuwid baga'y laban kay David: ibigay mo lamang siya sa akin, at aking ihihiwalay sa bayan. At sinabi ng babae kay Joab, Narito, ang kaniyang ulo ay mahahagis sa iyo sa kuta.

22 Nang magkagayo'y naparoon ang babae sa buong bayan sa (E)kaniyang karunungan. At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri, at inihagis kay Joab. At kaniyang hinipan ang pakakak at sila'y nangalat mula sa bayan, bawa't tao ay sa kaniyang tolda. At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari.

23 Si (F)Joab nga ay na sa buong hukbo ng Israel: at si (G)Benaia na anak ni Joiada ay na sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo:

24 At si Adoram ay (H)nasa mga magpapabuwis at si (I)Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni:

25 At si Seba ay kalihim: at si (J)Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote:

26 (K)At si Ira naman sa Jaireo ay pangulong tagapangasiwa kay David.

Ang Gabaonita ay ipinaghiganti kay Saul.

21 At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon, sa tatlong taon; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon, Dahil kay Saul, at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan, sapagka't kaniyang pinatay ang mga Gabaonita.

At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa (L)nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda:)

At sinabi ni David sa mga Gabaonita, Ano ang gagawin ko sa inyo? at ano ang itutubos ko, upang inyong basbasan ang (M)mana ng Panginoon?

At sinabi ng mga Gabaonita sa kaniya, Hindi kabagayan ng pilak o ginto sa amin at kay Saul, o sa kaniyang sangbahayan; kahit sa amin ang pumatay ng sinomang tao sa Israel. At kaniyang sinabi, Ano ang inyong sasabihin, na aking gagawin sa inyo?

At kanilang sinabi sa hari, Ang lalake na pumupugnaw sa amin, at yaong nagbabanta laban sa amin, na kami ay malipol sa pagtahan sa alinman sa mga hangganan ng Israel,

Ay ibigay sa amin ang pito sa kaniyang mga anak, at aming ibibitin sa Panginoon sa (N)Gabaa ni Saul na pinili ng Panginoon. At sinabi ng hari, Aking ibibigay sila.

Nguni't ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul, dahil sa (O)sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kay David at kay Jonathan na anak ni Saul.

Nguni't kinuha ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na (P)anak ni Aja, na kaniyang ipinanganak kay Saul, si Armoni at si Mephiboseth; at ang limang anak ni (Q)Michal na anak na babae ni Saul na kaniyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzillai, na Molathita:

At ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga Gabaonita at mga ibinitin nila sa bundok sa harap ng Panginoon, at nangabuwal ang pito na magkakasama. At sila'y pinatay sa mga kaarawan ng pagaani, sa mga unang araw, sa (R)pasimula ng pagaani ng sebada.

10 At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit, at inilatag niya sa ibabaw ng bato, mula sa (S)pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid, o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang.

11 At nasaysay kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aja, na babae ni Saul.

12 At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa (T)mga lalake ng Jabes-galaad, (U)na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng (V)Beth-san, na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa:

13 At kaniyang iniahon mula roon ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak; at kanilang pinisan ang mga buto ng mga ibinitin.

14 At kanilang ibinaon ang mga buto ni Saul at ni Jonathan na kaniyang anak sa lupain ng Benjamin sa (W)Sela sa libingan ni Cis na kaniyang ama: at kanilang tinupad yaong lahat na iniutos ng hari. (X)At pagkatapos ang Dios ay nadalanginan dahil sa lupain.

Mga pakikidigma laban sa Filisteo.

15 At ang mga Filisteo ay nagkaroon ng pakikidigma uli sa Israel; at si David ay lumusong, at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya, at nangakipagbaka laban sa mga Filisteo. At si David ay napagod.

16 At si Isbi-benob, na sa mga anak ng higante; na ang bigat ng sibat (Y)niya ay tatlong daang siklong tanso, na palibhasa'y nabibigkisan ng bagong tabak ay nagmunukalang patayin si David.

17 Nguni't sinaklolohan siya ni (Z)Abisai na anak ni Sarvia, at sinaktan ang Filisteo, at pinatay niya. Nang magkagayo'y nagsisumpa sa kaniya ang mga lalake ni David, na nangagsasabi, (AA)Hindi ka na lalabas pa na kasama namin sa pakikipagbaka, upang huwag mong patayin ang tanglaw ng Israel.

18 (AB)At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y sinaktan ni (AC)Sibechai na Husathita si Saph, na sa mga (AD)anak ng higante.

19 At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim, na Bethlehemita, si Goliath na Getheo, (AE)na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi.

20 At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa (AF)Gath, na doo'y may isang lalaking lubhang mataas, na mayroon sa bawa't kamay na anim na daliri, at sa bawa't paa'y anim na daliri, na dalawang pu't apat sa bilang: at siya ay ipinanganak din sa higante.

21 At nang kaniyang hamunin[a] ang Israel, ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni (AG)Sima na kapatid ni David.

22 Ang apat na ito ay ipinanganak sa higante sa Gath; nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at ng kamay ng kaniyang mga lingkod.

Mga Gawa 1

Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh (A)Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,

Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, (B)pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, (C)sa mga apostol na kaniyang hinirang;

Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, (D)pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:

At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila (E)na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin (F)ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin:

Sapagka't tunay na si Juan ay (G)nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y (H)babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.

Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, (I)isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?

At sinabi niya sa kanila, (J)Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.

Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga (K)saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at (L)Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, (M)ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.

10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang (N)lalaking nangakatayo sa tabi nila (O)na may puting damit;

11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong (P)gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.

12 Nang magkagayon ay (Q)nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, (R)na isang araw ng sabbath lakarin.

13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (S)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (T)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.

14 Ang lahat ng mga ito'y (U)nagsisipanatiling matibay na (V)nangagkakaisa sa pananalangin (W)na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid (X)niya.

15 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),

16 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, (Y)na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, (Z)na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.

17 Sapagka't siya'y (AA)ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong (AB)ito.

18 (AC)(Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng (AD)ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.

19 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, (AE)Ang parang ng Dugo.)

20 Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit,

(AF)Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan,
At huwag bayaang manahan doon ang sinoman;

at,

(AG)Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.

21 Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,

22 Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na (AH)siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi (AI)na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.

23 At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.

24 At (AJ)sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,

25 Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at (AK)pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon (AL)sa kaniyang sariling kalalagyan.

26 At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.

Mga Awit 121

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (A)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(B)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(C)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (D)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (E)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (F)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (G)iingatan ang iyong kaluluwa.
(H)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Mga Kawikaan 16:18

18 Ang (A)kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan,
At ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978