The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.
Ang tipan ng Panginoon kay Salomon.
9 At nangyari, nang matapos ni (A)Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, (B)at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin.
2 Na ang Panginoo'y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya'y pakita sa kaniya sa (C)Gabaon.
3 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko: aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upang ilagay ang aking pangalan (D)doon magpakailan man; at ang aking mga mata (E)at ang aking puso ay doroong palagi.
4 At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama (F)sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan:
5 Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, (G)na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.
6 Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod (H)sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:
7 Akin ngang ihihiwalay ang Israel (I)sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, (J)ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng (K)lahat ng bayan:
8 At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa (L)bahay na ito?
9 At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito.
Mga bayan na ibinigay kay Hiram.
10 At nangyari (M)sa katapusan ng dalawang pung taon, (N)nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay, ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari
11 (Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro, at mga kahoy na abeto, at ng ginto, ayon sa buo niyang nasa,) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea.
12 At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya; at hindi niya kinalugdan.
13 At kaniyang sinabi, Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin, kapatid ko? At tinawag niya: lupain ng (O)Cabul, hanggang sa araw na ito.
14 At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto.
15 At ito ang kadahilanan ng atang (P)na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo (Q)at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, (R)at ang Megiddo, (S)at ang (T)Gezer.
16 Si Faraong hari sa Egipto ay umahon, at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo (U)na nagsisitahan sa bayan, at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae, na (V)asawa ni Salomon.
17 At itinayo ni Salomon ang Gezer, at ang Beth-horon sa ibaba,
18 At ang Baalath, (W)at ang Tamar sa ilang, sa lupain,
19 At ang lahat na (X)bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at ang mga bayan sa kaniyang mga (Y)karo, at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo, at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem, at sa Libano, at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop.
20 Tungkol sa lahat na tao na naiwan, sa mga Amorrheo, mga Hetheo, mga Pherezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa mga anak ni Israel;
21 Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, (Z)na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila (AA)nagtindig si Salomon ng pulutong (AB)ng alipin, hanggang sa araw na ito.
22 Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; (AC)kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.
23 Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, (AD)na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.
24 Nguni't ang (AE)anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay (AF)na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang (AG)Millo.
25 At makaitlo sa (AH)isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.
Sasakyang dagat ni Salomon.
26 At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber (AI)na nasa siping ng Elath, sa baybayin ng Dagat na Mapula, sa lupain ng Edom.
27 At sinugo ni Hiram (AJ)sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan, mga magdadagat na bihasa sa dagat, na kasama ng mga bataan ni Salomon.
28 At sila'y nagsiparoon sa Ophir (AK)at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, (AL)at dinala sa haring Salomon.
Dumalaw ang reina sa Seba.
10 At (AM)nang mabalitaan ng reina sa (AN)Seba ang kabantugan ni Salomon tungkol sa pangalan ng Panginoon, ay naparoon siya upang subukin niya siya (AO)ng mga mahirap na tanong.
2 At siya'y naparoon sa Jerusalem na may maraming kaakbay, may mga kamelyo na may pasang mga espesia at totoong maraming ginto, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon ay kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib.
3 At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga tanong: walang bagay na lihim sa hari na hindi niya isinaysay sa kaniya.
4 At nang makita ng reina sa Seba ang buong karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo,
5 At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapangasiwa, at ang kanilang mga pananamit, at ang kaniyang mga tagahawak ng saro, (AP)at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon; ay nawalan siya ng diwa.
6 At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan.
7 Gayon may hindi ko pinaniwalaan ang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ay hindi nasaysay sa akin: ang iyong karunungan at pagkaginhawa ay higit kay sa kabantugan na aking narinig.
8 Maginhawa ang iyong mga lalake, maginhawa ang iyong mga lingkod na ito, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nakakarinig ng iyong karunungan.
9 (AQ)Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, upang ilagay ka sa luklukan ng Israel: (AR)sapagka't minamahal ng Panginoon ang Israel magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari (AS)upang gumawa ng kahatulan at ng katuwiran.
10 (AT)At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato; kailan ma'y hindi nagkaroon ng gayong kasaganaan ng mga espesia, gaya ng mga ito na ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon.
11 (AU)At ang mga sasakyang dagat naman ni Hiram na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, ay nagsipagdala ng saganang kahoy na (AV)almug at mga mahalagang bato mula sa Ophir.
12 (AW)At ginawa ng hari na mga haligi ang mga kahoy na almug sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at ginawa ring mga alpa. At mga salterio sa mga mangaawit: kailan ma'y hindi dumating ang mga gayong kahoy na almug, o nakita man, hanggang sa araw na ito.
13 At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang naibigan, at lahat niyang hiningi, bukod doon sa ibinigay ni Salomon sa kaniya na kaloob-hari. Sa gayo'y bumalik siya, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya, at ang kaniyang mga lingkod.
Ang kayamanan at kabantugan ni Salomon.
14 (AX)Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto,
15 Bukod doon sa dinala ng mga naglalako, at sa (AY)kalakal ng mga mangangalakal, at sa lahat na hari ng halohalong bayan, at sa mga gobernador sa lupain.
16 At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto: anim na raang siklong ginto ang ginamit sa bawa't kalasag.
17 At siya'y gumawa ng (AZ)tatlong daang ibang kalasag na pinukpok na ginto: (BA)tatlong librang ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at ipinaglalagay ng hari (BB)sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.
18 Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng gintong pinakamainam.
19 May anim na baytang sa luklukan, at ang pinakalangit ng luklukan ay mabilog sa likuran: at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay.
20 At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang: walang nagawang gayon sa alinmang kaharian.
21 At ang lahat na sisidlang inuman ng haring Salomon ay ginto, at ang lahat na sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto: walang pilak; hindi mahalaga ito sa mga kaarawan ni Salomon.
22 Sapagka't ang hari ay mayroon sa dagat ng mga sasakyan na yari sa (BC)Tharsis na kasama ng mga sasakyang dagat ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay nanggagaling ang mga sasakyang dagat na yari sa Tharsis, na nagdadala ng ginto, at pilak, at garing, at mga unggoy, at mga pabo real.
23 Sa gayo'y ang haring Salomon ay humigit sa lahat ng mga hari sa lupa sa kayamanan at sa karunungan.
24 At hinanap ng buong lupa ang harapan ni Salomon, upang makinig ng kaniyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kaniyang puso.
25 At sila'y nagsipagdala bawa't isa ng (BD)kanikaniyang kaloob, na mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at damit, at sandata, at mga espesia, mga kabayo, at mga mula, na sanggayon taontaon.
Ang mga karo at kabayo ni Salomon.
26 (BE)At pinisan ni Salomon ang mga karo, at ang mga mangangabayo: at siya'y may isang libo't apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.
27 (BF)At ginawa ng hari na maging gaya ng mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro, ay ginawa niyang maging gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.
28 At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto: at ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap ng kawan ng mga yaon, bawa't kawan ay sa halaga.
29 At kanilang isinasampa at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak, at ang isang kabayo, ay sa isang daan at limangpu: at gayon sa (BG)lahat ng mga hari sa mga Hetheo, at sa mga hari sa Siria ay kanilang inilabas sa pamamagitan nila.
14 Nang mabalitaan nga (A)ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila (B)si Pedro at si Juan:
15 Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, (C)upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo.
16 Sapagka't ito'y hindi (D)pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan (E)lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
17 Nang magkagayo'y ipinatong (F)sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.
18 Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi,
19 Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo.
20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't (G)inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.
21 Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagka't ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios.
22 Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso.
23 Sapagka't nakikita kong ikaw ay (H)nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.
24 At sumagot si Simon at sinabi, (I)Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo.
25 Sila nga, nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon, ay nangagbalik sa Jerusalem, at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano.
26 Datapuwa't nagsalita kay (J)Felipe (K)ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang.
27 At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at (L)siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba;
28 At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias.
29 At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.
30 At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo?
31 At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya.
32 Ang dako nga ng kasulatan na binabasa niya ay ito,
(M)Siya'y gaya ng tupa na dinala sa patayan;
At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya,
Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig:
33 Sa kaniyang pagpapakababa'y inalis ang kaniyang paghuhukom.
Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi?
Sapagka't inalis sa lupa ang kaniyang buhay.
34 At sumagot ang bating kay Felipe, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyo, kanino sinasabi ng propeta ito? sa kaniya bagang sarili, o sa alin mang iba?
35 At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig, (N)at pagpapasimula sa kasulatang ito, ay ipinangaral sa kaniya si Jesus.
36 At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?[a](O)
38 At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.
39 At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.
40 Nguni't nasumpungan si Felipe sa Azoto: at sa pagdadaan ay ipinangaral niya ang evangelio sa lahat ng mga bayan, hanggang sa dumating siya sa (P)Cesarea.
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (A)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (B)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (C)tatayo?
4 Nguni't may (D)kapatawarang taglay ka,
(E)Upang ikaw ay katakutan.
5 (F)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (G)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (H)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (I)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (J)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
2 Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya,
At siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.
3 (A)Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto:
Nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978