The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Naghimagsik si Mesa. Magkaanib ang Juda at Israel.
3 Si Joram nga na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria nang ikalabing walong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at nagharing labing dalawang taon.
2 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; nguni't (A)hindi gaya ng kaniyang ama, at ng kaniyang ina: sapagka't kaniyang inalis (B)ang haligi na pinakaalaala kay Baal na ginawa ng kaniyang ama.
3 Gayon ma'y lumakip siya sa (C)mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel; hindi niya hiniwalayan.
4 Si Mesa nga na hari sa Moab ay may mga tupa; at siya'y nagbubuwis sa hari sa Israel ng balahibo ng isang daang libong kordero at ng isang daang libong lalaking tupa.
5 Nguni't nangyari nang (D)mamatay si Achab, na ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa hari sa Israel.
6 At ang haring Joram ay lumabas sa Samaria nang panahong yaon, at hinusay ang buong Israel.
7 At siya'y yumaon, at nagsugo kay Josaphat na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa akin: yayaong ka ba na kasama ko laban sa Moab upang bumaka? At kaniyang sinabi, Ako'y aahon: ako'y (E)gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo.
8 At kaniyang sinabi, Sa aling daan magsisiahon tayo? At siya'y sumagot, Sa daan ng ilang ng Edom.
9 Sa gayo'y yumaon ang hari sa Israel, at ang hari sa Juda, at ang hari sa Edom: at sila'y nagsiligid ng pitong araw na paglalakbay; at walang tubig para sa hukbo, o sa mga hayop man na nagsisisunod sa kanila.
10 At sinabi ng hari sa Israel, Sa aba natin! sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sa kamay ng Moab.
11 Nguni't sinabi ni (F)Josaphat, Wala ba ritong isang propeta ng Panginoon, upang tayo'y makapagusisa sa Panginoon sa pamamagitan niya? At isa sa mga lingkod ng hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Si Eliseo na anak ni Saphat ay nandito na (G)nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias.
12 At sinabi ni Josaphat, Ang salita ng Panginoon ay sumasa kaniya. Sa gayo'y binaba siya ng hari sa Israel, at ni Josaphat at ng hari sa Edom.
Ang payo ni Eliseo.
13 At sinabi ni Eliseo sa hari sa Israel, (H)Anong ipakikialam ko sa iyo? (I)pumaroon ka sa mga propeta ng iyong ama, at sa mga (J)propeta ng iyong ina. At sinabi ng hari sa Israel sa kaniya, Hindi; sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sila sa kamay ng Moab.
14 At sinabi ni Eliseo, (K)Buháy ang Panginoon ng mga hukbo, na nakatayo ako sa harap niya, tunay na kung wala akong pagtingin sa harap ni Josaphat na hari sa Juda, hindi kita lilingapin, ni titingnan man.
15 Nguni't ngayo'y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog. At nangyari, nang ang (L)manunugtog ay tumugtog, na ang (M)kamay ng Panginoon ay suma kaniya.
16 At kaniyang sinabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Punuin ninyo ang libis na ito ng mga hukay.
17 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y hindi makakakita ng hangin, ni kayo'y makakakita man ng ulan; gayon ma'y ang libis na yaon ay mapupuno ng tubig, at kayo'y iinom, kayo at gayon din ang inyong mga baka, at ang inyong mga hayop.
18 At ito'y isang bagay na magaan sa paningin ng Panginoon: kaniya rin namang ibibigay ang mga Moabita sa inyong kamay.
19 At inyong sasaktan ang bawa't bayang nakukutaan, at ang bawa't piling bayan, at inyong ibubuwal ang bawa't mabuting punong kahoy, at inyong patitigilin ang lahat na bukal ng tubig, at inyong (N)sisirain ng mga bato ang bawa't mabuting bahagi ng lupain.
20 At nangyari, sa kinaumagahan, (O)sa may panahon ng paghahandog ng alay, na, narito, humuho ang tubig sa daan ng Edom, at ang lupain ay napuno ng tubig.
Tinalo si Mesa.
21 Nang mabalitaan nga ng lahat na Moabita na ang mga hari ay nagsiahon upang magsilaban sa kanila, ay nagpipisan silang lahat na makapagsasakbat ng sandata at hanggang sa katandatandaan, at nagsitayo sa hangganan.
22 At sila'y nagsibangong maaga nang kinaumagahan, at ang araw ay suminag sa tubig, at nakita ng mga Moabita ang tubig sa tapat nila na mapulang gaya ng dugo: at kanilang sinabi,
23 Ito'y dugo; ang mga hari ay walang pagsalang lipol, at sinaktan ng bawa't isa sa kanila ang kaniyang kasama: ngayon nga, Moab, sa pagsamsam.
24 At nang sila'y dumating sa kampamento ng Israel, ang mga taga Israel ay nagsitindig, at sinaktan ang mga Moabita, na anopa't sila'y tumakas sa harap nila; at sila'y nagpatuloy sa lupain na sinasaktan ang mga Moabita.
25 At kanilang giniba ang mga bayan at (P)sa bawa't mabuting bahagi ng lupain ay naghagis ang bawa't tao ng kaniyang bato, at pinuno; at kanilang pinatigil ang lahat ng bukal ng tubig, at ibinuwal ang lahat na mabuting punong kahoy, hanggang sa (Q)Cir-hareseth lamang nagiwan ng mga bato niyaon; gayon ma'y kinubkob ng mga manghihilagpos, at sinaktan.
26 At nang makita ng hari sa Moab na ang pagbabaka ay totoong malala sa ganang kaniya ay nagsama siya ng pitong daang lalake na nagsisihawak ng tabak, upang dumaluhong sa hari sa Edom: nguni't hindi nila nagawa.
27 Nang magkagayo'y kinuha niya ang kaniyang pinaka matandang anak na maghahari sana na kahalili niya, at inihandog niya na pinakahandog na susunugin sa ibabaw ng kuta. At nagkaroon ng malaking galit laban sa Israel: at kanilang nilisan siya, at bumalik sa kanilang sariling lupain.
Dumami ang langis ng babaing balo.
4 Sumigaw nga kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga (R)anak ng mga propeta, na nagsasabi, Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na: at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon: at ang pinagkautangan ay naparito (S)upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak.
2 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Anong gagawin ko sa iyo? saysayin mo sa akin; anong mayroon ka sa bahay? At sinabi niya, Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis.
3 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ikaw ay yumaon, manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay, sa makatuwid baga'y ng mga walang lamang sisidlan; huwag kang manghiram ng kaunti.
4 At ikaw ay papasok, at ikaw at ang iyong mga anak ay magsasara ng pintuan, at iyong ibubuhos ang langis sa lahat ng sisidlang yaon; at iyong itatabi ang mapuno.
5 Sa gayo'y nilisan niya siya, at siya at ang kaniyang mga anak ay nagsara ng pintuan; kanilang dinala ang mga sisidlan sa kaniya, at kaniyang pinagbuhusan.
6 At nangyari, nang mapuno ang mga sisidlan, na kaniyang sinabi sa kaniyang anak, Dalhan mo pa ako ng isang sisidlan. At sinabi niya sa kaniya: Wala pang sisidlan. At ang langis ay tumigil.
7 Nang magkagayo'y naparoon siya, at kaniyang isinaysay sa (T)lalake ng Dios. At kaniyang sinabi, ikaw ay yumaon, ipagbili mo ang langis, at bayaran mo ang iyong utang, at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi.
Si Eliseo at ang babaing Sunamita.
8 At nangyari, isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa (U)Sunem, na kinaroroonan ng isang (V)dakilang babae; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay. At nagkagayon, na sa tuwing siya'y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay.
9 At sinabi niya sa kaniyang asawa, Narito ngayon, aking nahahalata na ito'y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi.
10 Isinasamo ko sa iyo na tayo'y gumawa ng isang maliit na silid sa pader; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan, at ng isang dulang, at ng isang upuan, at ng isang kandelero: at mangyayari, pagka siya'y dumarating sa atin, na siya'y papasok doon.
11 At nangyari, isang araw, na siya'y dumating doon, at siya'y lumiko na pumasok sa silid, at nahiga roon.
12 At sinabi niya kay Giezi na kaniyang lingkod, Tawagin mo ang Sunamitang ito. At nang matawag niya, siya'y tumayo sa harap niya.
13 At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo ngayon sa kaniya, Narito, ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito; ano nga ang magagawa sa iyo? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari, o sa (W)punong kawal ng hukbo? At siya'y sumagot, Ako'y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan.
14 At kaniyang sinabi, Ano nga ang magagawa sa kaniya? At sumagot si Giezi. Katotohanang siya'y walang anak, at ang kaniyang asawa ay matanda na.
15 At kaniyang sinabi, Tawagin siya. At nang kaniyang tawagin siya, siya'y tumayo sa pintuan.
16 At kaniyang sinabi, (X)Sa (Y)panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios (Z)huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.
17 At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon, nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.
8 At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y (A)walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.
9 Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya (B)upang mapagaling,
10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. (C)At siya'y lumukso at lumakad.
11 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, (D)Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.
12 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.
13 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.
14 Datapuwa't nang marinig ito (E)ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay (F)hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw
15 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, (G)bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong (H)walang kabuluhan ay magsibalik kayo (I)sa Dios na buhay, (J)na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:
16 Na nang mga panahong nakaraan (K)ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.
17 At gayon man ay (L)hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti (M)at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng (N)pagkain at ng katuwaan.
18 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.
19 Datapuwa't (O)nagsirating ang mga Judiong buhat sa (P)Antioquia at (Q)Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, (R)ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na.
20 Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa (S)Derbe.
21 At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia,
22 Na (T)pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian (U)ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.
23 At nang makapaglagay na sa kanila ng (V)mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
24 At kanilang tinahak ang (W)Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia.
25 At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia;
26 At buhat doo'y nagsilayag sila sa (X)Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa (Y)biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na.
27 At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, (Z)at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
28 At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad.
Panalangin upang ingatan laban sa manlulupig. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David
140 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso:
(A)Laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas;
(B)Kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
4 (C)Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
5 (D)Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali;
Kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan;
Sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko:
Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan,
Iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama;
Huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka (E)sila'y mangagmalaki. (Selah)
9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot,
Takpan sila (F)ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 (G)Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas:
Mangahagis sila sa apoy;
Sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa:
Huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
12 Nalalaman ko na (H)aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati,
At ang matuwid ng mapagkailangan.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan:
Ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.
22 (A)Ang masayang puso ay mabuting kagamutan:
Nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978