The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Awit ng pagpupuri ni David.
22 At sinalita ni (A)David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.
2 (B)At kaniyang sinabi,
Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
3 Ang Dios, ang (C)aking malaking bato, na sa (D)kaniya ako'y manganganlong:
Aking (E)kalasag, at siyang (F)sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at (G)ampunan sa akin;
Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
4 Ako'y tatawag sa Panginoon na (H)karapatdapat purihin:
Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
5 Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin;
Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
6 Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin:
Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.
7 Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon;
Oo, ako'y tumawag sa aking Dios:
At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo,
At ang aking daing (I)ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
8 (J)Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig.
(K)Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos.
At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.
9 Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong,
At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok:
Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
10 (L)Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba:
(M)At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad:
Oo, siya'y nakita (N)sa mga pakpak ng hangin.
12 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga (O)kulandong sa palibot niya.
Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
13 Sa kaningningan sa harap niya
Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
14 (P)Ang Panginoo'y kumulog sa langit,
At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
15 (Q)At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila;
Kumidlat, at (R)nangatulig sila.
16 Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw,
Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita.
Dahil sa saway ng Panginoon,
Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
17 (S)Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako;
(T)kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
18 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway,
Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.
19 (U)Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko:
Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
20 (V)Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako:
Kaniyang iniligtas ako, (W)sapagka't kaniyang kinalugdan ako.
21 (X)Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran:
Ayon sa (Y)kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.
22 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon,
At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.
23 Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay (Z)nasa harap ko:
At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.
24 Ako rin nama'y sakdal sa harap niya,
At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.
25 Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran;
Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.
26 (AA)Sa maawain ay magpapakamaawain ka;
Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;
27 Sa dalisay ay magpapakadalisay ka;
At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.
28 At ang (AB)nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas:
Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
29 Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon:
At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
30 Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong:
Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.
31 Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal;
(AC)Ang salita ng Panginoon ay subok;
(AD)Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong.
32 (AE)Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon?
At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?
33 Ang Dios ay aking matibay na katibayan:
At pinapatnubayan (AF)niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
34 Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa;
At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.
35 (AG)Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma.
Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.
36 Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas:
At pinadakila ako ng iyong kaamuan.
37 (AH)Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko,
At ang aking mga paa ay hindi nadulas.
38 Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay;
Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol.
39 At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon:
Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.
40 Sapagka't (AI)ako'y binigkisan mo
ng kalakasan sa pagbabaka:
Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
41 (AJ)Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway,
Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.
42 Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas:
(AK)Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
43 Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa;
Aking pinagyurakan sila na gaya ng (AL)putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
44 (AM)Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan:
Iningatan mo ako na maging (AN)pangulo sa mga bansa;
Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
45 (AO)Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.
46 Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay,
At magsisilabas na nanganginginig (AP)sa kanilang mga kublihan.
47 Ang Panginoon ay buháy; at purihin nawa ang aking malaking bato;
At itanghal nawa ang Dios na malaking bato (AQ)ng aking kaligtasan,
48 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako.
At pinangangayupapa sa akin (AR)ang mga bayan,
49 At inilalabas ako sa aking mga kaaway:
Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin:
Inililigtas mo ako sa (AS)marahas na lalake.
50 (AT)Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa,
At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.
51 (AU)Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari:
At nagmamagandang loob sa kaniyang (AV)pinahiran ng langis,
Kay David (AW)at sa kaniyang binhi magpakailan man.
Mga huling awit ni David.
23 Ito nga ang mga huling salita ni David.
Sinabi ni (AX)David na anak ni Isai,
At sinabi ng (AY)lalake na pinapangibabaw,
Na (AZ)pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob,
At kalugodlugod na mangaawit sa Israel:
2 (BA)Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko,
At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
3 Sinabi ng Dios ng Israel,
Ang (BB)malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin:
Ang naghahari (BC)sa mga tao na may katuwiran,
Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
4 Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat,
Sa isang umagang walang mga alapaap;
Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa,
Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
5 Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios;
Gayon ma'y (BD)nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan,
Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan:
Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa.
Bagaman hindi niya pinatubo.
6 Nguni't ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik,
Sapagka't hindi nila matatangnan ng kamay:
7 Kundi ang lalake na humipo sa kanila,
Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat;
At sila'y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan.
Ang mga bantog na lalaki ni David.
8 (BE)Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na (BF)Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.
9 At pagkatapos niya'y si (BG)Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila'y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis:
10 Siya'y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang.
11 At pagkatapos niya'y si (BH)Samma na anak ni Age, na Araita. At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong, na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo.
12 Nguni't siya'y tumayo sa gitna ng putol na yaon, at ipinagsanggalang niya, at pinatay ang mga Filisteo: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay.
13 At (BI)tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa (BJ)yungib ng Adullam; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa (BK)libis ng Rephaim.
14 At si David nga'y nasa (BL)katibayan, at ang (BM)pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Beth-lehem.
15 At nagnais si David, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Beth-lehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan!
16 At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Beth-lehem, na nasa siping ng pintuang bayan, at kinuha, at dinala kay David: nguni't hindi niya ininom yaon, kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon.
17 At kaniyang sinabi, Malayo sa akin, Oh Panginoon, na aking gawin ito: (BN)iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay? kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake.
18 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.
19 Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya't siya'y ginawang punong kawal nila: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
20 At si (BO)Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.
21 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na (BP)lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
22 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.
23 Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. (BQ)At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.
2 At nang dumating nga (A)ang araw ng Pentecostes, silang lahat (B)ay nangagkakatipon sa isang dako.
2 At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na (C)gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.
3 At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng (D)apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.
4 At silang lahat (E)ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang (F)magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.
5 May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit.
6 At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.
7 At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga (G)mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?
8 At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?
9 Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia,
10 Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga (H)naging Judio,
11 Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios.
12 At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito?
13 Datapuwa't ang mga iba'y nanganglilibak na nangagsabi, Sila'y puno ng bagong alak.
14 Datapuwa't pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila'y nagsaysay, na sinasabing, Kayong mga lalaking taga Judea, at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem, mangaalaman nawa ninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita.
15 Sapagka't ang mga ito'y hindi mga lasing, na gaya ng inyong inaakala; yamang ngayo'y oras na ikatlo lamang ng araw;
16 Datapuwa't ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:
17 At mangyayari sa mga huling araw, (I)sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu (J)sa lahat ng laman:
At ang inyong mga anak na lalake at (K)babae ay manganghuhula,
At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain,
Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:
18 Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon
Ibubuhos ko ang aking Espiritu; (L)at magsisipanghula sila.
19 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas,
At mga tanda sa lupa sa ibaba,
Dugo, at apoy, at singaw ng usok:
20 (M)Ang araw ay magiging kadiliman,
At ang buwan ay dugo,
Bago dumating ang araw ng Panginoon,
Yaong araw na dakila at tangi:
21 At mangyayari na ang (N)sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.
22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: (O)Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo (P)sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;
23 Siya, na (Q)ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan (R)ay inyong ipinako sa krus at pinatay:
24 Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, (S)pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito.
25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya,
(T)Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan;
Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:
27 (U)Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades,
Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay;
Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.
29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin (V)ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, (W)na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;
31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, (X)na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.
32 Ang Jesus na ito'y (Y)binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y (Z)mga saksi kaming lahat.
33 Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at (AA)tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34 Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi,
(AB)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa kanan ko,
35 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.
36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na (AC)Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
37 Nang marinig nga nila ito, (AD)ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?
38 At sinabi sa kanila ni Pedro, (AE)Mangagsisi kayo, at (AF)mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo (AG)sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo (AH)ang kaloob ng Espiritu Santo.
39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at (AI)sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa (AJ)malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.
41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon (AK)ang may tatlong libong kaluluwa.
42 At sila'y nagsipanatiling matibay (AL)sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa (AM)pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
43 (AN)At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.
44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay (AO)nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;
45 At ipinagbili (AP)nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa.
46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa (AQ)sa templo, (AR)at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may (AS)galak at may katapatan ng puso.
47 (AT)Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila (AU)ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.
Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (A)sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (B)siksikan:
4 (C)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(D)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 (E)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 (F)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(G)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(H)Hahanapin ko ang iyong buti.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978