The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.
Ang pakikipagtalastasan sa haring Hiram bagay sa pagpapatayo ng templo.
5 At si Hiram na (A)hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya'y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama, sapagka't si Hiram ay naging laging maibigin (B)kay David.
2 (C)At si Salomon ay nagsugo kay Hiram, na kaniyang sinasabi,
3 Talastas mo na kung paanong si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay sa pangalan ng Panginoon niyang Dios dahil sa mga pagdidigmaan sa palibot niya sa bawa't dako, (D)hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kaniyang mga paa.
4 Nguni't ngayo'y binigyan ako ng Panginoon kong Dios ng katiwasayan sa bawa't dako; (E)wala kahit kaaway, o masamang pangyayari man.
5 At, narito, ako'y tumalagang ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, gaya ng sinalita ng Panginoon kay David na aking ama, na nagsasabi, Ang iyong anak na aking iuupo sa iyong luklukan na kahalili mo, siya ang (F)magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.
6 Ngayon nga'y ipagutos mo na iputol nila ako ng mga puno ng sedro sa Libano; (G)at ang aking mga bataan ay makakasama ng iyong mga bataan: at aking bibigyan ka ng kaupahan sa iyong mga bataan ayon sa lahat na iyong sasabihin: sapagka't iyong talastas na wala sinoman sa amin na makapagdadaras ng mga kahoy ng gaya ng mga Sidonio.
7 At nangyari nang mabalitaan ni Hiram ang mga salita ni Salomon, na siya'y nagalak na mainam, at nagsabi, (H)Purihin ang Panginoon sa araw na ito, na nagbigay kay David ng isang pantas na anak, sa malaking bayang ito.
8 At si Hiram ay nagsugo kay Salomon, na nagsasabi, Aking narinig ang pasugo na iyong ipinasugo sa akin: aking gagawin ang iyong buong nasa tungkol sa kahoy na sedro, at tungkol sa kahoy na (I)abeto.
9 Ang aking mga bataan ay magsisipagbaba mula sa Libano hanggang sa dagat: at aking gagawing mga balsa upang dumaan sa dagat hanggang sa dakong iyong pagtuturuan sa akin, at aking ipakakalag doon, at iyong tatanggapin: at iyong tutuparin ang aking nasa, sa pagbibigay ng pagkain (J)sa aking sangbahayan.
10 Sa gayo'y binigyan ni Hiram si Salomon ng kahoy na sedro, at kahoy na abeto ayon sa kaniyang buong nasa.
11 At binigyan ni Salomon si Hiram ng dalawang pung libong takal na trigo na pinaka pagkain ng kaniyang sangbahayan, at dalawang pung takal na taganas na langis; (K)ganito binigyan ni Salomon si Hiram sa taon-taon.
12 At binigyan ng Panginoon si Salomon ng karunungan, gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya; (L)at may kapayapaan si Hiram at si Salomon; at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan.
13 At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake.
14 At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa't buwan na halinhinan: isang buwan ay nasa Libano, at dalawang buwan ay sa bahay: at si (M)Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag.
15 At si Salomon ay may pitong pung libong nagsisipagdala ng mga pasan (N)at walong pung libong mangdadaras sa bundukin:
16 Bukod pa ang mga (O)kapatas ni Salomon na nasa gawain, na tatlong libo at tatlong daan, na nagpupuno (P)sa mga taong nagsisigawa ng gawain.
17 At ang hari ay nagutos, at nagsitibag sila ng malalaking bato, ng mga mahahalagang bato, upang ilagay ang tatagang-baon ng bahay (Q)na gumagamit ng mga batong tabas.
18 At tinabas ng mga tagapagtayo ni Salomon, at ng mga tagapagtayo ni Hiram at ng mga (R)Gebalita, at inihanda ang mga kahoy, at ang mga bato upang itayo ang bahay.
Ang pagtatayo ng templo.
6 At nangyari (S)nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang (T)buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon.
2 (U)At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko.
3 At ang portiko sa harap ng templo ng bahay, may dalawang pung siko ang haba, ayon sa luwang ng bahay; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay.
4 At iginawa ang bahay ng mga dungawan na (V)may silahia.
5 At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot, sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa (W)sanggunian: at siya'y gumawa ng mga silid sa tagiliran (X)sa palibot:
6 Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang, at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang, at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang: sapagka't siya'y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot, upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay.
7 At ang bahay, nang ginagawa, ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato: (Y)at wala kahit pamukpok o palakol man, o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay, samantalang itinatayo.
8 Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo.
9 Gayon itinayo niya ang bahay, at tinapos at binubungan ang bahay ng mga sikang at mga tabla ng sedro.
10 At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay, na bawa't isa'y limang siko ang taas: at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro.
Ang tipan ng Dios.
11 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon, na sinasabi,
12 Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo, (Z)kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan, at gagawin ang aking mga kahatulan, at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo, na aking sinalita kay (AA)David na iyong ama.
13 At ako'y tatahan (AB)sa gitna ng mga anak ni Israel, at hindi ko pababayaan (AC)ang aking bayang Israel.
14 Gayon itinayo ni Salomon ang bahay, at (AD)tinapos.
15 At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame, na kaniyang binalot ng kahoy sa loob; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto.
16 At siya'y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay, ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas: na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian, sa makatuwid baga'y ukol sa (AE)kabanalbanalang dako.
17 At ang bahay, sa makatuwid baga'y ang templo sa harap ng sanggunian ay apat na pung siko ang haba.
18 At may mga sedro sa loob ng bahay na inukitan ng kulukuti at mga bukang bulaklak: lahat ay sedro; walang batong makikita.
19 At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon.
20 At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba, at dalawang pung siko ang luwang, at dalawang pung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na (AF)ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana.
21 Sa gayo'y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto: at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian; at binalot ng ginto.
22 At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana (AG)na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto.
Dalawang querubin sa sanggunian.
23 At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin (AH)na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas.
24 At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko.
25 At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo.
26 Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin.
27 At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka (AI)na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.
28 At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin.
Mga ukit sa palibot at sa mga pintuan.
29 At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga (AJ)bukang bulaklak, sa loob at sa labas.
30 At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas.
31 At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki.
32 Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma,
33 Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig;
34 At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay (AK)naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop.
35 At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa.
36 At kaniyang ginawa ang loob na looban, (AL)na tatlong hanay na batong tabas, at isang hanay na sikang na kahoy na sedro.
37 Nang ikaapat na taon, (AM)sa buwan ng Ziph, inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon.
38 At nang ikalabing isang taon, sa buwan ng Bul, na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon, at ayon sa buong anyo niyaon. Na anopa't pitong taong ginawa.
7 At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?
2 At sinabi niya, (A)Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, (B)bago siya tumahan sa Haran,
3 At sinabi sa kaniya, (C)Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.
4 Nang magkagayo'y (D)umalis siya sa lupain ng mga Caldeo, at tumahan sa Haran: at buhat doon, pagkamatay ng kaniyang ama, ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito, na inyong tinatahanan ngayon:
5 At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: (E)at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak.
6 At ganito ang sinalita ng Dios, (F)na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon.
7 At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, (G)at paglilingkuran nila ako sa dakong ito.
8 At ibinigay niya sa kaniya ang tipan (H)ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka.
9 At ang mga patriarka (I)sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya,
10 At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at (J)siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.
11 Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang.
12 Datapuwa't nang marinig ni Jacob (K)na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.
13 At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.
14 At (L)nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at (M)ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.
15 At lumusong si Jacob sa Egipto; (N)at namatay siya, at ang ating mga magulang.
16 At sila'y (O)inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang (P)binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak.
17 Datapuwa't nang nalalapit na (Q)ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, (R)ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto,
18 Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose.
19 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, (S)na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.
20 Nang panahong yaon, ay (T)ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:
21 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
22 At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio: at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa.
23 Datapuwa't nang siya'y (U)magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel.
24 At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio:
25 At ang isip niya'y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwa't hindi nila napagunawa.
26 At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila'y nagaaway, at sila'y ibig sana niyang payapain, na sinasabi, mga Ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo'y nagaalipustaan?
27 Datapuwa't itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao, na sinasabi, Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin?
28 Ibig mo bagang ako'y patayin mo, na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio?
29 At sa salitang ito'y tumakas si Moises, (V)at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.
Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.
127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(A)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(B)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
3 (C)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (D)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (E)pintuang-bayan.
28 Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo:
At (A)ang mapaghatid-dumapit ay (B)naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
29 Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa,
At pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti.
30 Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay:
Siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978