The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.
Ang hula ni Ahias laban kay Jeroboam.
14 Nang panahong yaon si Abias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit.
2 At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y (A)magiging hari sa bayang ito.
3 (B)At magdala ka ng sangpung tinapay, at mga munting tinapay, at isang bangang pulot, at paroon ka sa kaniya: kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.
4 At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon, at naparoon sa Silo, at naparoon sa bahay ni Ahias. Si Ahias nga ay di na makakita; sapagka't ang kaniyang mga mata'y malabo na, dahil sa kaniyang gulang.
5 At sinabi ng Panginoon kay Ahias, Narito, ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak; sapagka't siya'y may sakit: ganito't ganito ang iyong sasabihin sa kaniya: sapagka't mangyayari, pagka siya'y pumasok, na siya'y magpapakunwari na ibang babae.
6 At nagkagayon, nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa, pagpasok niya sa pintuan, na sinabi niya, Pumasok ka, ikaw, na asawa ni Jeroboam; bakit ka nagpapakunwaring iba? sapagka't ako'y sinugo sa iyo na may masamang balita.
7 Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (C)Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel,
8 (D)At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David, at ibinigay sa iyo: at gayon ma'y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David, (E)na nagingat ng aking mga utos, at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso, upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata;
9 Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo, (F)at ikaw ay yumaon, at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios, at mga larawang (G)binubo upang mungkahiin mo ako sa galit, at inihagis mo (H)ako sa iyong likuran;
10 Kaya't, narito (I)ako'y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam, at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa't lalake (J)ang nakukulong, at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel, at aking lubos na (K)papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam, kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi, hanggang sa mapaalis.
11 (L)Ang mamatay kay Jeroboam sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid: sapagka't sinalita ng Panginoon.
12 Tumindig ka nga, umuwi ka sa iyong bahay: pagpasok ng iyong mga paa sa bayan ay mamamatay ang bata.
13 At tatangisan siya ng buong Israel, at ililibing siya; sapagka't siya lamang ang kay Jeroboam na darating sa libingan: sapagka't siya'y kinasumpungan sa sangbahayan ni Jeroboam, ng bagay na mabuti sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
14 (M)Bukod dito'y magtitindig ang Panginoon ng isang hari sa Israel, na siyang maghihiwalay ng sangbahayan ni Jeroboam sa araw na yaon; nguni't ano? ngayon din.
15 Sapagka't sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig; at (N)kaniyang bubunutin ang Israel dito sa (O)mabuting lupa na ibinigay sa kanilang mga magulang, at pangangalatin sila (P)sa dako roon ng ilog; (Q)dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga Asera, na minungkahi ang Panginoon sa galit.
16 At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, (R)na kaniyang ipinagkasala, at ipinapagkasala sa Israel.
17 At ang asawa ni Jeroboam ay tumindig, at yumaon, at naparoon sa (S)Thirsa: at pagpasok niya sa pasukan ng bahay, ang bata'y namatay.
18 At inilibing siya ng buong Israel, at tinangisan siya; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta.
19 At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam (T)kung paanong siya'y nakidigma, at kung paanong siya'y naghari, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.
20 At ang mga araw na ipinaghari ni Jeroboam ay dalawang pu't dalawang taon: at siya'y natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Nadab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Roboam ay naghari sa Juda.
21 At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si (U)Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan (V)na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: (W)at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.
22 (X)At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at (Y)kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang,
23 Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga (Z)mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa (AA)ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy;
24 (AB)At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel.
25 At nangyari, nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si (AC)Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem:
26 (AD)At kaniyang dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniya ngang dinalang lahat: at kaniyang dinala ang lahat na kalasag na ginto (AE)na ginawa ni Salomon.
27 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal na bantay, na nagiingat ng pintuan ng bahay ng hari.
28 At nangyari, na pagka nanasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ay dinadala ng bantay, at ibinabalik sa silid ng bantay.
29 (AF)Ang iba nga sa mga gawa ni Roboam at ang lahat na bagay na kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
30 At nagkaroong palagi ng (AG)pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam.
31 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: (AH)at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. At si (AI)Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Abiam ay naghari sa Juda.
15 Nang ikalabing walong (AJ)taon nga ng haring Jeroboam, na anak ni Nabat, ay nagpasimula si Abiam na maghari sa Juda.
2 Tatlong taon siyang naghari sa Jerusalem, (AK)at ang pangalan ng kaniyang ina ay (AL)Maacha na anak ni (AM)Abisalom.
3 At siya'y lumakad sa lahat ng mga kasalanan ng kaniyang ama na ginawa nito na una sa kaniya: at ang kaniyang puso ay hindi sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang magulang.
4 Gayon ma'y dahil kay David ay binigyan siya ng Panginoon na kaniyang Dios ng isang ilawan sa Jerusalem, upang itaas ang kaniyang anak pagkamatay niya, at upang itatag sa Jerusalem:
5 Sapagka't (AN)ginawa ni David ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at hindi lumihis sa anomang bagay na iniutos niya sa kaniya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, (AO)liban lamang sa bagay ni Uria na Hetheo.
6 Nagkaroon nga ng (AP)pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
7 (AQ)At ang iba nga sa mga gawa ni Abiam, at ang lahat niyang ginagawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? At nagkaroon ng pagdidigmaan si Abiam at si Jeroboam.
8 (AR)At si Abiam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya sa bayan ni David: at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Asa ay naghari sa Juda.
9 At nang ikadalawang pung taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimula si Asa na maghari sa Juda.
10 At apat na pu't isang taong naghari siya sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacha, na anak ni Abisalom.
11 (AS)At ginawa ni Asa ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gaya ng ginawa ni David na kaniyang magulang.
12 At (AT)kaniyang inalis ang mga Sodomita sa lupain, at inalis ang lahat ng (AU)diosdiosan na ginawa ng kaniyang mga magulang.
13 (AV)At si Maacha naman na kaniyang ina ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't gumawa ng karumaldumal na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at (AW)sinunog sa batis (AX)Cedron.
14 (AY)Nguni't ang matataas na dako ay hindi inalis: gayon ma'y ang puso ni Asa ay sakdal sa Panginoon sa lahat ng kaniyang kaarawan.
15 At kaniyang ipinasok sa bahay ng Panginoon ang mga bagay (AZ)na itinalaga ng kaniyang ama, at ang mga bagay na itinalaga niya, pilak, at ginto, at mga sisidlan.
Pagdidigmaan ni Asa at ni Baasa.
16 At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan.
17 (BA)At si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang (BB)Rama (BC)upang huwag niyang matiis na sinoma'y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda.
18 Nang magkagayo'y kinuha ni Asa ang lahat na pilak at ginto (BD)na naiwan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, at ibinigay sa kamay ng kaniyang mga lingkod: at ipinadala ang mga yaon ng haring Asa kay (BE)Ben-adad na anak ni Tabrimon, na anak ni Hezion, na hari sa Siria, na tumatahan sa Damasco, na nagsasabi,
19 May pagkakasundo ako at ikaw, ang aking ama at ang iyong ama: narito, aking ipinadala sa iyo ang isang (BF)kaloob na pilak at ginto; ikaw ay yumaon, sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel, upang siya'y lumayas sa akin.
20 At dininig ni Ben-adad ang haring Asa, at sinugo ang mga puno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel, at sinaktan ang (BG)Ahion at ang (BH)Dan, at ang (BI)Abel-bethmaacha at ang buong (BJ)Cinneroth, sangpu ng buong lupain ng Nephtali.
21 At nangyari nang mabalitaan yaon ni Baasa, na iniwan ang pagtatayo ng Rama, at tumahan sa (BK)Thirsa.
22 Nang magkagayo'y itinanyag ng haring Asa ang buong Juda; walang natangi: at kanilang inalis ang mga bato ng Rama, at ang mga kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo ng haring Asa sa pamamagitan niyaon ang (BL)Gabaa ng Benjamin at ang Mizpa.
23 (BM)Ang iba nga sa lahat na gawa ni Asa, at sa kaniyang buong kapangyarihan, at ang lahat niyang ginawa, at ang mga bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? Nguni't sa panahon ng kaniyang katandaan, siya'y nagkasakit sa kaniyang mga paa.
24 (BN)At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: (BO)at si Josaphat na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
10 At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano.
2 Isang taong masipag sa kabanalan (A)at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.
3 Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang (B)isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.
4 At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa (C)pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga (D)paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.
5 At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa (E)Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;
6 Siya'y nanunuluyan sa isa na (F)Simong mangluluto ng balat, na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat.
7 At nang umalis ang anghel na sa kaniya'y nagsalita, ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila, at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati;
8 At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay, sila'y sinugo niya sa Joppe.
9 Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si (G)Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim;
10 At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay (H)nawalan siya ng diwa;
11 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:
12 Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.
13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
14 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; (I)sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.
15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, (J)Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
16 At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
17 Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.
18 At nangagsitawag at nangagtanong kung si Simon, na pinamagatang Pedro, ay nanunuluyan doon.
19 At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kaniya ng Espiritu, Narito, hinahanap ka ng (K)tatlong tao.
20 Datapuwa't magtindig ka, at manaog ka, at sumama ka sa kanila, na huwag kang magalinlangan ng anoman: sapagka't sila'y aking sinugo.
21 At pinanaog ni Pedro ang mga tao, at sinabi, Narito, ako ang hinahanap ninyo: ano baga ang dahil ng inyong ipinarito?
22 At sinabi nila, Ang senturiong si Cornelio, na taong matuwid at matatakutin sa Dios, at may mabuting patotoo ng buong bansa ng mga Judio, ay pinagpaunawaan ng Dios sa pamamagitan ng isang banal na anghel na ikaw ay paparoonin sa kaniyang bahay, at upang makarinig sa iyo ng mga salita.
23 Kaya't sila'y pinapasok at pinatuloy sila.
At nang kinabukasa'y nagbangon siya at umalis na kasama nila, (L)at siya'y sinamahan ng ilang kapatid na mula sa Joppe.
Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (A)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
2 Parang (B)mahalagang langis (C)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
3 Gaya ng hamog sa (D)Hermon,
Na tumutulo sa mga (E)bundok ng Sion:
Sapagka't (F)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.
7 Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang:
Lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.
8 Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo:
Saan man pumihit ay gumiginhawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978