Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 22

Si Achab at si Josaphat ay magkaanib laban sa Siria.

22 At sila'y nagpatuloy na tatlong taon na walang pagdidigma ang Siria at ang Israel.

(A)At nangyari, nang ikatlong taon, na binaba ni (B)Josaphat na hari sa Juda ang hari sa Israel.

At sinabi ng hari sa Israel sa kaniyang mga lingkod, Di ba talastas ninyo na ang (C)Ramoth-galaad ay atin, at tayo'y tatahimik, at hindi natin aagawin sa kamay ng hari sa Siria?

At sinabi niya kay Josaphat, Sasama ka ba sa akin sa pagbabaka sa Ramoth-galaad? At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, (D)Ako'y gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo.

Nagtanong sa propeta.

At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Sumangguni ka, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon ngayon.

Nang magkagayo'y (E)pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta na may apat na raang lalake, at nagsabi sa kanila, Yayaon ba akong laban sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong ako? At sinabi nila, Umahon ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.

Nguni't (F)sinabi ni Josaphat, Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon upang makapagusisa tayo sa kaniya?

At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon, si Micheas na anak ni Imla: nguni't kinapopootan ko siya; sapagka't hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan. At sinabi ni Josaphat: Huwag sabihing gayon ng hari.

Nang magkagayo'y tumawag ang hari sa Israel ng isang punong kawal, at nagsabi, Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla.

10 Ang hari nga sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda, ay nagsiupo kapuwa sa kanikaniyang luklukan, na nakapanamit hari sa isang (G)hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng (H)Samaria; at ang lahat na propeta ay nagsipanghula sa harap nila.

11 At si Sedechias na anak ni Chanaana ay gumawa ng mga (I)sungay na bakal, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong (J)itutulak ang mga taga Siria hanggang sa mangalipol.

12 At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon, na nagsisipagsabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.

Ang hula ni Micheas laban kay Achab.

13 At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya, na nagsasabi, Narito ngayon, ang mga salita ng mga propeta ay mabuti sa hari na magkakaisa: isinasamo ko sa iyo na ang iyong bibig ay maging gaya ng isa sa kanila, at magsalita ka ng mabuti.

14 At sinabi ni Micheas, (K)Buháy ang Panginoon (L)kung ano ang sabihin ng Panginoon sa akin, yaon ang aking sasalitain.

15 At nang siya'y dumating sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, Micheas, paroroon ba kami sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong kami? At kaniyang isinagot sa kaniya, Ikaw ay yumaon, at guminhawa; at ibibigay ng Panginoon yaon sa kamay ng hari.

16 At sinabi ng hari sa kaniya, Makailang manunumpa ako sa iyo, na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin, kundi ng katotohanan sa pangalan ng Panginoon?

17 At kaniyang sinabi, Aking nakita ang buong Israel na (M)nangangalat sa mga bundok, na gaya ng mga tupa na walang pastor: at sinabi ng Panginoon, Ang mga ito ay walang panginoon; umuwi ang bawa't lalake sa kaniyang bahay na payapa.

18 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, (N)Di ba isinaysay ko sa iyo na siya'y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi ng kasamaan?

19 At sinabi ni Micheas, Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon: (O)Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang (P)buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa.

20 At sinabi ng Panginoon, Sinong dadaya kay Achab, upang siya'y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad? At ang isa'y nagsalita ng ganitong paraan; at ang iba'y nagsalita ng gayong paraan.

21 At lumabas ang isang espiritu at tumayo sa harap ng Panginoon, at nagsabi, Aking dadayain siya.

22 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Paano? At kaniyang sinabi, Ako'y lalabas, at magiging magdarayang (Q)espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta. At kaniyang sinabi, Iyong dadayain siya, at mananaig ka rin: lumabas ka, at gawin mong gayon.

23 Ngayon nga, narito, inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng lahat ng iyong mga propetang ito: at ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo.

24 Nang magkagayo'y lumapit si (R)Sedechias na anak ni Chanaana, at sinampal si Micheas, at sinabi, Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin, upang magsalita sa iyo?

25 At sinabi ni Micheas, Narito, iyong makikita sa araw na yaon pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli.

26 At sinabi ng hari sa Israel, Kunin mo si Micheas, at ibalik mo kay Amon na tagapamahala ng bayan, at kay Joas na anak ng hari;

27 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng hari, (S)Ilagay ninyo ang taong ito sa bilangguan, at pakanin ninyo siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian (T)hanggang sa ako'y dumating na payapa.

28 At sinabi ni Micheas, Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa, ang (U)Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, ninyong mga bayan, ninyong lahat.

Sinalakay ang Ramoth-galaad.

29 Sa gayo'y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad.

30 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari. At ang hari ng Israel ay (V)nagpakunwaring iba, at naparoon sa pagbabaka.

31 Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa (W)tatlong pu't dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo, na nagsasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel.

32 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi, Walang pagsalang hari sa Israel; at sila'y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya: at si Josaphat ay (X)humiyaw.

33 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y humiwalay ng paghabol sa kaniya.

34 At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa pagbabakasakali, at tinamaan ang hari sa Israel sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat; kaya't kaniyang sinabi sa nagpapatakbo ng kaniyang karo, Ipihit mo ang iyong kamay, at ihiwalay mo ako sa hukbo; sapagka't ako'y nasugatan ng malubha.

35 At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria, at namatay sa kinahapunan: at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo.

36 At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw, na nagsasabi, Bawa't lalake ay sa kaniyang bayan, at bawa't lalake ay sa kaniyang lupain.

Si Achab ay napatay sa digma.

37 Sa gayo'y namatay ang hari at dinala sa Samaria; at kanilang inilibing ang hari sa Samaria.

38 At kanilang hinugasan ang karo sa tabi ng tangke ng Samaria; at hinimuran ng mga aso ang kaniyang dugo (ang mga masamang babae nga ay nagsipaligo roon;) (Y)ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita.

39 Ang iba nga sa mga gawa ni Achab, at ang lahat niyang ginawa, at ang (Z)bahay na garing na kaniyang itinayo, at ang lahat na bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

40 Sa gayo'y natulog si Achab na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Si Josaphat ay naghari sa Juda.

41 At si (AA)Josaphat na anak ni Asa ay nagpasimulang maghari sa Juda, nang ikaapat na taon ni Achab na hari sa Israel.

42 Si Josaphat ay tatlong pu't limang taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silai.

43 (AB)At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

44 (AC)At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel.

45 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya'y nakidigma, (AD)di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

46 At ang nangalabi sa mga (AE)sodomita na nangalabi sa mga kaarawan ng kaniyang ama na si Asa, ay pinaalis niya sa lupain.

47 (AF)At walang hari sa Edom: isang kinatawan ay hari.

48 (AG)Si Josaphat ay gumawa ng mga (AH)sasakyang dagat sa Tharsis, upang pumaroon (AI)sa Ophir dahil sa ginto: nguni't hindi sila nagsiparoon; sapagka't ang mga sasakyan ay nangasira sa (AJ)Ezion-geber.

49 Nang magkagayo'y sinabi ni Ochozias na anak ni Achab kay Josaphat, Magsiyaon ang aking mga lingkod na kasama ng iyong mga lingkod sa mga sasakyan. Nguni't tumanggi si Josaphat.

50 (AK)At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Si Ochozias ay naghari sa Israel.

51 Si Ochozias na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria, nang ikalabing pitong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel.

52 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at (AL)lumakad sa lakad ng kaniyang ama, at sa lakad ng kaniyang ina, at (AM)sa lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel.

53 At siya'y naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama.

Mga Gawa 13:16-41

16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (A)ikinikiya na nagsabi,

Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.

17 (B)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (C)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (D)sila roon.

18 At nang panahong halos (E)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.

19 At (F)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (G)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

20 At (H)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

21 At pagkatapos ay (I)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (J)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (K)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.

22 At nang siya'y alisin niya, ay (L)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (M)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (N)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.

23 (O)Sa binhi ng taong ito, (P)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (Q)Tagapagligtas, na si Jesus;

24 Noong unang ipangaral ni (R)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.

25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (S)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, (T)sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.

27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (U)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (V)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (W)ang hatol sa kaniya.

28 At bagaman (X)hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.

29 At (Y)nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, (Z)ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.

30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng (AA)Dios sa mga patay:

31 At (AB)siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, (AC)na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.

32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (AD)pangakong ipinangako sa mga magulang,

33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (AE)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, (AF)Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.

35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, (AG)Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.

36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.

37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.

38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na (AH)sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo (AI)ang kapatawaran ng mga kasalanan:

39 At sa (AJ)pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay (AK)inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:

41 Tingnan ninyo, (AL)mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam:
Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan,
Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.

Mga Awit 138

Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.

138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(A)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (B)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
Lahat ng mga hari sa lupa (C)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
(D)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (E)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
(F)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
(G)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(H)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Mga Kawikaan 17:17-18

17 Ang kaibigan ay umiibig (A)sa lahat ng panahon,
At ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
18 (B)Ang taong walang unawa ay nakikikamay,
At nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978