The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.
Ang Dios sa kagalitan ay nagtayo ng kaaway. Si Rezon sa Soba.
11 (A)Ang haring Salomon nga ay sumisinta sa (B)maraming babaing taga ibang lupa na pati sa anak ni Faraon, mga babaing Moabita, Ammonita, Idumea, Sidonia, at Hethea;
2 Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel: (C)Kayo'y huwag makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo: sapagka't walang pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios: nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta.
3 At siya'y nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang babae: at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.
4 Sapagka't nangyari, nang si Salomon ay matanda (D)na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na (E)gaya ng puso ni David na kaniyang ama.
5 Sapagka't si Salomon ay sumunod kay (F)Astaroth, diosa ng mga Sidonio, at kay (G)Milcom, na karumaldumal ng mga Ammonita.
6 At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.
7 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Salomon ng (H)mataas na dako si (I)Chemos na karumaldumal ng Moab, (J)sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si (K)Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon.
8 At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang asawang mga taga ibang lupa, na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa kanikanilang mga dios.
9 At ang Panginoo'y nagalit kay Salomon, dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na (L)napakita sa kaniyang makalawa,
10 At siyang nagutos (M)sa kaniya tungkol sa bagay na ito, na siya'y huwag sumunod sa ibang mga dios; nguni't hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon.
11 Kaya't sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang ito'y nagawa mo, at hindi mo iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo, walang pagsalang aking (N)aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa iyong lingkod.
12 Gayon ma'y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin.
13 (O)Gayon ma'y hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang (P)isang lipi sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem (Q)na aking pinili.
14 At ipinagbangon ng Panginoon, si Salomon, ng isang kaaway na si Adad na Idumeo: siya'y sa lahi ng hari sa Edom.
15 Sapagka't nangyari, (R)nang si David ay nasa Edom, at si Joab na puno ng hukbo ay umahon upang ilibing ang mga patay, at masaktan ang lahat na lalake sa Edom
16 (Sapagka't si Joab at ang buong Israel ay natira roong anim na buwan, hanggang sa kaniyang naihiwalay ang lahat na lalake sa Edom;)
17 Na si Adad ay tumakas, siya at ang ilan sa mga Idumeo na kasama niya na mga bataan ng kaniyang ama, upang pumasok sa Egipto, na si Adad noo'y munting bata pa.
18 At sila'y nagsitindig sa Madian, at naparoon sa Paran; at sila'y nagsipagsama ng mga lalake sa Paran, at sila'y nagsiparoon sa Egipto, kay Faraon na hari sa Egipto; na siyang nagbigay sa kaniya ng bahay, at naghanda sa kaniya ng pagkain, at nagbigay sa kaniya ng lupa.
19 At si Adad ay nakasumpong ng malaking biyaya sa paningin ni Faraon, na anopa't kaniyang ibinigay na asawa sa kaniya ang kapatid ng kaniyang sariling asawa, ang kapatid ni Thaphenes na reina.
20 At ipinanganak ng kapatid ni Thaphenes sa kaniya si Genubath, na anak na lalake niya, na inihiwalay sa suso ni Thaphenes sa bahay ni Faraon: at si Genubath ay nasa bahay ni Faraon sa kasamahan ng mga anak ni Faraon.
21 At nang mabalitaan ni Adad sa Egipto na si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Joab na puno ng hukbo ay namatay, sinabi ni Adad kay Faraon, Payaunin mo ako, upang ako'y makauwi sa aking sariling lupain.
22 Sinabi nga ni Faraon sa kaniya, Datapuwa't anong ipinagkukulang mo sa akin, na, narito, ikaw ay nagsisikap na umuwi sa iyong sariling lupain? At siya'y sumagot: Wala: gayon ma'y isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako sa anomang paraan.
23 At ipinagbangon ng Dios si Salomon ng ibang kaaway, na si Rezon na anak ni Eliada, na tumakas sa kaniyang panginoong kay (S)Adadezer na hari sa Soba:
24 At siya'y nagpisan ng mga lalake, at naging puno sa isang hukbo, nang patayin ni David ang mga taga Soba; at sila'y nagsiparoon sa Damasco, at tumahan doon, at naghari sa Damasco.
25 At siya'y naging kaaway ng Israel sa lahat ng kaarawan ni Salomon, bukod pa sa ligalig na ginawa ni Adad: at kaniyang kinapootan ang Israel, at naghari sa Siria.
Si Jeroboam ay nagtindig laban sa hari. Ang hula ni Ahias.
26 At si (T)Jeroboam na anak ni Nabat, na (U)Ephrateo sa Sereda, na lingkod ni Salomon, na ang pangalan ng ina ay Serva, na baong babae, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari.
27 At ito ang kadahilanan ng kaniyang pagtataas ng kaniyang kamay laban sa hari: itinayo ni Salomon ang (V)Millo at hinusay ang sira ng bayan ni David na kaniyang ama.
28 At ang lalaking si Jeroboam ay makapangyarihang lalake na matapang: at nakita ni Salomon ang binata na masipag, at kaniyang ipinagkatiwala sa kaniya ang lahat na gawain ng sangbahayan ni Jose.
29 At nangyari, nang panahong yaon, nang si Jeroboam ay lumabas sa Jerusalem, na nasalubong siya sa daan ng propeta (W)Ahias na Silonita; si Ahias nga ay may suot na bagong kasuutan; at silang dalawa ay nag-iisa sa parang.
30 At tinangnan ni Ahias ang bagong kasuutan na nakasuot sa kaniya, at hinapak ng labing dalawang putol.
31 At kaniyang sinabi kay Jeroboam, Kunin mo sa iyo ang sangpung putol: sapagka't (X)ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking aagawin ang kaharian sa kamay ni Salomon, at ibibigay ko ang sangpung lipi sa iyo
32 (Nguni't mapapasa kaniya ang isang lipi dahil sa aking lingkod na si David, at dahil sa Jerusalem, na bayan na aking pinili sa lahat ng mga lipi ng Israel:)
33 Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at sinamba si (Y)Astaroth na diosa ng mga Sidonio, si (Z)Chemos na dios ng Moab, at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon; at sila'y hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin, at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.
34 Gayon ma'y hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kaniyang kamay: kundi aking gagawin siyang prinsipe sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, dahil kay David na aking lingkod na aking pinili, sapagka't kaniyang iningatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan:
35 Kundi (AA)aking kukunin ang kaharian sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko sa iyo, sa makatuwid baga'y ang sangpung lipi.
36 At sa kaniyang anak, ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na (AB)aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem, na (AC)bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon.
37 At kukunin kita, at ikaw ay maghahari ayon sa buong ninanasa ng iyong kaluluwa, at magiging hari ka sa Israel.
38 At mangyayari, kung iyong didinggin ang lahat na aking iniuutos sa iyo, at lalakad sa aking mga daan, at gagawin ang matuwid sa aking paningin, upang tuparin ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng ginawa ni David na aking lingkod; na ako'y sasa iyo, at ipagtatayo (AD)kita ng isang tiwasay na sangbahayan, gaya ng aking itinayo kay David, at ibibigay ko sa iyo ang Israel.
39 At dahil dito'y aking pipighatiin ang binhi ni David, nguni't hindi magpakailan man.
40 Pinagsikapan nga ni Salomon na patayin si Jeroboam: nguni't si Jeroboam ay tumindig, at tumakas na napasa Egipto, (AE)kay Sisac, na hari sa Egipto, at dumoon sa Egipto hanggang sa pagkamatay ni Salomon.
41 (AF)Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang karunungan, hindi ba nasusulat sa (AG)aklat ng mga gawa ni Salomon?
42 At ang panahon na ipinaghari ni Salomon sa Jerusalem sa buong Israel ay apat na pung taon.
43 At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si (AH)Roboam, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya,
Si Roboam ay naghari. Sumunod sa maling payo.
12 At si (AI)Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa (AJ)Sichem upang gawin siyang hari.
2 At nangyari, nang mabalitaan ni (AK)Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa (AL)Egipto pa, na doon siya'y tumakas mula sa harapan ng haring Salomon, at tumahan sa Egipto,
3 At sila'y nagsugo at ipinatawag nila siya,) si Jeroboam nga at ang buong kapisanan ng Israel ay nagsiparoon, at nagsipagsalita kay Roboam, na sinasabi,
4 (AM)Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.
5 At sinabi niya sa kanila, Kayo'y magsiyaon pang tatlong araw, saka magsibalik kayo sa akin. At ang bayan ay yumaon.
6 At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin, upang magbalik ng sagot sa bayang ito?
7 At nagsipagsalita sa kaniya, na nagsipagsabi, (AN)Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito, at maglilingkod sa kanila, at sasagot sa kanila, at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila, ay iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man.
8 Nguni't tinalikdan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya.
9 At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin?
10 At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo, na nagsasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasalitain sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama.
11 At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, ay aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit; nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
12 Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw.
13 At ang hari ay sumagot sa bayan na may katigasan, at tinalikdan ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matanda;
14 At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na nagsasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni't dadagdagan ko pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
15 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't (AO)bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, (AP)na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.
Nanghimagsik ang Israel.
16 At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, (AQ)Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.
17 Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda, ay (AR)pinagharian sila ni Roboam.
18 Nang magkagayo'y (AS)sinugo ng haring Roboam si Adoram na nasa pagpapaatag; at binato ng buong Israel siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. At nagmadali ang haring Roboam na sumakay sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem.
19 Gayon (AT)nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito.
9 Datapuwa't (A)si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,
2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman (B)sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.
3 (C)At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:
4 At siya'y nasubasob sa lupa, at (D)nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?
5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:
6 Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.
7 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman.
8 At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.
9 At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.
10 Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na (E)nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.
11 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking (F)taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;
12 At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.
13 Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, (G)kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga (H)banal sa Jerusalem:
14 At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.
15 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng (I)mga Gentil at (J)ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:
16 Sapagka't sa kaniya'y (K)aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.
17 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, (L)at mapuspos ka ng Espiritu Santo.
18 At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at (M)siya'y binautismuhan;
19 At siya'y kumain at lumakas. (N)At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.
20 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.
21 At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, (O)Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay (P)naparito siya, upang sila'y (Q)dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote.
22 Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
23 (R)At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin:
24 Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At (S)kanilang binantayan naman ang mga pintuang-daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin:
25 Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at (T)siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.
Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
3 (D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978