Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Mga Hari 10:32-12:21

Sinaktan ni Hazael ang Israel.

32 Nang mga araw na yaon (A)ay pinasimulan ng Panginoon na pinaikli ang Israel: at sinaktan sila ni (B)Hazael sa lahat ng mga hangganan ng Israel;

33 Mula sa Jordan, hanggang sa silanganan, ang buong lupain ng Galaad, ang mga Gadita, at ang mga Rubenita at ang mga Manasita, (C)mula sa Aroer, na nasa siping ng libis ng Arnon, hanggang sa Galaad at Basan.

34 Ang iba nga sa mga gawa ni Jehu, at ang lahat niyang ginawa, at ang buo niyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

35 At si Jehu ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang: at inilibing nila siya sa Samaria. At si Joachaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

36 At ang panahon na ipinaghari ni Jehu sa Israel sa Samaria ay dalawangpu't walong taon.

Ang lahat na dugong hari ay ipinapatay ni Athalia.

11 Nang makita nga ni (D)Athalia na (E)ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na (F)lahing hari.

Nguni't kinuha ni (G)Josaba, na anak na babae ng haring Joram, na kapatid na babae ni Ochozias, si (H)Joas na anak ni Ochozias, at kinuhang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, siya, at ang kaniyang yaya, at inilagay sila sa silid na tulugan; at kaniyang ikinubli siya kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay.

At siya'y nakakubling kasama niya sa bahay ng Panginoon na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain.

Ang pagtutol ni Josaba.

At nang ikapitong taon, si (I)Joiada ay nagsugo, at kinuha ang mga punong kawal ng dadaanin, sa mga Cariteo, at (J)sa bantay, at ipinagsama niya sa bahay ng Panginoon; at siya'y nakipagtipan sa kanila, at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon, at ipinakita sa kanila ang anak ng hari;

At kaniyang iniutos sa kanila, na sinasabi, ito ang bagay na inyong gagawin: (K)ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari;

At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa (L)pintuang-bayan ng Sur; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay: gayon kayo magbabantay sa bahay, at magiging hadlang.

At ang dalawang pulutong ninyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na nagsilabas sa sabbath, ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari.

At inyong kukulungin ang hari sa palibot, na bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at ang pumasok sa hanay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y lumalabas, at pagka siya'y pumapasok.

At ginawa ng mga punong kawal ng dadaanin ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath na kasama ng mga nagsisilabas sa sabbath, at nagsiparoon kay Joiada na saserdote.

10 At ibinigay ng saserdote sa mga punong kawal ng dadaanin ang mga sibat at ang mga (M)kalasag na naging sa haring David, na nangasa bahay ng Panginoon.

11 At ang bantay ay tumayo, bawa't isa'y may kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa siping ng dambana at ng bahay, sa siping ng hari sa palibot.

12 Nang magkagayo'y inilabas niya ang anak ng hari, at (N)inilagay niya ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng (O)patotoo; at ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ng langis; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, Mabuhay ang hari.

Pinatay si Athalia.

13 At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan, ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon.

14 At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi (P)ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at (Q)humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo!

15 At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na (R)nalalagay sa hukbo, at nagsabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay, at ang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon.

16 Sa gayo'y binigyang daan nila siya, at siya'y naparoon sa daan na pinapasukan (S)ng mga kabayo sa bahay ng hari; at doon siya pinatay.

Ang pagsamba ay binago.

17 (T)At si Joiada ay nakipagtipan sa Panginoon at sa hari at sa bayan, na sila'y magiging bayan ng Panginoon; (U)gayon din sa hari at sa bayan.

18 At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni (V)Baal, at ibinagsak; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam, at (W)pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana. At (X)ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon.

19 At kaniyang ipinagsama ang mga punong kawal ng mga dadaanin, at ang mga Cariteo, at ang bantay, at ang buong bayan ng lupain; at kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon, at nagsipagdaan sa (Y)pintuang-bayan ng bantay hanggang sa bahay ng hari. At siya'y naupo sa luklukan ng mga hari.

20 Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay tahimik. At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari.

21 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari.

Ipinaigi ni Joas ang templo.

12 Nang ikapitong taon ni Jehu ay nagpasimulang maghari si (Z)Joas: at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beerseba.

At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Joiada na saserdote.

(AA)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

At sinabi ni Joas sa mga saserdote, (AB)Ang buong salapi ng mga bagay na itinalaga na napasok sa bahay ng Panginoon, na (AC)karaniwang salapi, na salapi na inihalaga sa mga pagkatao na hiniling sa bawa't isa, at ang (AD)buong salapi na nagudyok sa puso ng sinomang lalake na dalhin sa bahay ng Panginoon.

Kunin ng mga saserdote, ng bawa't isa sa kaniyang kakilala: at kanilang (AE)huhusayin ang mga sira ng bahay saan man makakasumpong ng anomang sira.

Nguni't nangyari, nang ikadalawangpu't tatlong taon ng haring si Joas, (AF)na hindi hinusay ng mga saserdote ang mga sira ng bahay.

Nang magkagayo'y tinawag ng haring si Joas si Joiada na saserdote, at ang ibang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Bakit hindi ninyo hinuhusay ang mga sira ng bahay? ngayon nga'y huwag na kayong magsikuha pa ng salapi sa inyong mga kakilala, kundi inyong ibigay para sa mga sira ng bahay.

At pinayagan ng mga saserdote na huwag na silang magsikuha pa ng salapi sa bayan, o husayin man ang mga sira ng bahay.

Nguni't si Joiada na saserdote ay kumuha ng isang (AG)kaban, at binutasan ang takip niyaon, at inilagay sa tabi ng dambana sa dakong kanan ng pumapasok sa bahay ng Panginoon: at isinilid doon ng mga saserdote na tagatanod-pinto ang buong salapi na dinala sa bahay ng Panginoon.

10 At nagkagayon, nang makita nila na maraming salapi sa kaban, na ang (AH)kalihim ng hari at ang (AI)dakilang saserdote ay sumampa, at kanilang isinilid sa mga supot at binilang ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.

11 At ibinigay nila ang salapi na tinimbang sa mga kamay nila na gumawa ng gawain, na siyang mga tagapangasiwa sa bahay ng Panginoon; at kanilang ibinayad sa mga anluwagi at sa mga manggagawa, na gumawa sa bahay ng Panginoon,

12 At sa mga mangdadaras ng bato, at sa mga mananabas ng bato, at sa pagbili ng mga kahoy, at mga batong tabas upang husayin ang mga sira ng bahay ng Panginoon, at sa lahat sa magugugol sa bahay upang husayin.

13 Nguni't walang ginawa para sa bahay ng Panginoon na mga (AJ)tasang pilak, mga gunting, mga mangkok, mga pakakak, anomang mga kasangkapang ginto, o mga kasangkapang pilak, (AK)sa salapi na napasok sa bahay ng Panginoon:

14 Sapagka't kanilang ibinigay yaon sa kanila na nagsigawa ng gawain, at ipinaghusay ng bahay ng Panginoon.

15 Bukod dito'y (AL)hindi sila nangakikipagtuos sa mga lalake, na pinagabutan nila sa kamay ng salapi upang ibigay sa nagsisigawa ng gawain: sapagka't sila'y nagsisigawang may pagtatapat.

16 (AM)Ang salaping handog dahil sa pagkakasala, at ang salaping handog dahil sa kasalanan, ay hindi ipinasok sa bahay ng Panginoon: (AN)yao'y sa mga saserdote nga.

17 Nang magkagayo'y si (AO)Hazael na hari sa Siria ay umahon, at lumaban sa (AP)Gath, at sinakop yaon: at itinanaw ni Hazael ang kaniyang mukha upang umahon sa Jerusalem.

18 At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang (AQ)lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat, at ni Joram, at ni Ochozias, na kaniyang mga magulang, na mga hari sa Juda, at ang (AR)kaniyang mga itinalagang bagay, at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria: (AS)at siya'y umalis sa Jerusalem.

Si Joas ay pinatay.

19 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

20 (AT)At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon, at nagsipagbanta, at sinaktan si Joas sa (AU)bahay sa Millo, sa daan na palusong sa Silla.

21 Sapagka't sinaktan siya ni Josachar na anak ni Simaath, at ni Jozabad na anak ni Somer, na kaniyang mga lingkod, at siya'y namatay; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at naghari si Amasias na kaniyang anak na kahalili niya.

Mga Gawa 18:1-22

18 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa (A)Corinto.

At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang (B)Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka't ipinagutos ni (C)Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya'y lumapit sa kanila;

At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, (D)at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda.

At siya'y nangangatuwiran tuwing sabbath (E)sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego.

Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay (F)magsilusong mula sa (G)Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si (H)Jesus ang siyang Cristo.

At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, (I)ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: (J)buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil.

At siya'y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na (K)isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya'y karugtong ng sinagoga.

At si (L)Crispo, (M)ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.

At sinabi (N)ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:

10 Sapagka't ako'y sumasaiyo, (O)at sinoma'y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka't makapal ang mga tao ko sa bayang ito.

11 At siya'y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios.

12 Datapuwa't nang si Galion ay (P)proconsul ng (Q)Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at (R)siya'y dinala sa harapan ng hukuman,

13 Na nagsasabi, Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa (S)kautusan.

14 Datapuwa't nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig, ay sinabi ni Galion sa mga Judio, (T)Kung ito'y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, Oh mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo:

15 Datapuwa't kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito.

16 At sila'y pinalayas niya sa hukuman.

17 At hinawakan nilang lahat si (U)Sostenes, (V)na pinuno sa sinagoga, at siya'y hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito.

18 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa (W)Siria, at kasama niya si (X)Priscila at si Aquila: na (Y)inahit niya ang kaniyang buhok sa (Z)Cencrea; sapagka't siya'y may panata.

19 At sila'y nagsidating sa Efeso, at sila'y iniwan niya doon: datapuwa't pumasok siya sa sinagoga, at nangatuwiran sa mga Judio.

20 At nang siya'y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon, ay hindi siya pumayag;

21 Kundi nang siya'y nagpaalam sa kanila, at nagsabi, Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios, siya'y naglayag buhat sa Efeso.

22 At nang makalunsad na siya sa (AA)Cesarea, ay siya'y umahon at bumati sa iglesia, at lumusong sa (AB)Antioquia.

Mga Awit 145

Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (A)Awit na pagpuri; ni David.

145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
(B)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (C)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
(D)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
(E)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
(F)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (G)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(H)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (I)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (J)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (K)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (L)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (M)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (N)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (O)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (P)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(Q)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

Mga Kawikaan 18:1

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

18 Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa,
At nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978