Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Mga Hari 15-16

Si Azarias ay naghari sa Juda.

15 Nang ikadalawangpu't pitong taon ni Jeroboam na hari sa Israel (A)ay nagpasimulang maghari si (B)Azarias na anak ni Amasias na hari sa Juda.

May labing anim na taon siya nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecolia na taga Jerusalem.

(C)At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.

(D)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

At (E)sinaktan ng Panginoon ang hari, na anopa't siya'y nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan na (F)bukod sa bahay. At si Jotham na anak ng hari ay nasa pamamahala ng sangbahayan na humahatol sa bayan ng lupain.

Ang iba nga sa mga gawa ni Azarias, at ang lahat ng kaniyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

At si Azarias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Jotham (G)na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Ang paghahari ni Zacharias, Sallum, Manahem, Pekaia, at Peka sa Israel.

Nang ikatatlongpu't walong taon ni Azarias na hari sa Juda, ay naghari sa Israel si Zacharias na anak ni Jeroboam sa Samaria na anim na buwan.

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng kaniyang mga magulang: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

10 At si Sallum na anak ni Jabes ay nagbanta laban sa kaniya, at (H)sinaktan siya sa harap ng bayan, at pinatay siya, at naghari na kahalili niya.

11 Ang iba nga sa mga gawa ni Zacharias, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

12 Ito ang (I)salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita kay Jehu, na sinasabi, Ang iyong mga anak sa ikaapat na salin ng lahi ay magsisiupo sa luklukan ng Israel. At gayon ang nangyari.

13 Si Sallum na anak ni Jabes ay nagpasimulang maghari nang ikatatlongpu't siyam na taon ni (J)Uzzia na hari sa Juda; at siya'y naghari sa loob ng isang buwan sa Samaria.

14 At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa (K)Thirza, at naparoon sa Samaria, at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya.

15 Ang nalabi nga sa mga gawa ni Sallum, at ang pagbabanta niya na kaniyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

16 Nang magkagayo'y sinaktan ni Manahem si Tiphsa, at ang lahat na nandoon, at ang mga hangganan niyaon, mula sa Thirza: sapagka't hindi nila siya pinabuksan, kaya't sinaktan niya; (L)at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka.

17 Nang ikatatlongpu't siyam na taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Manahem na anak ni Gadi, at nagharing sangpung taon sa Samaria.

18 At kaniyang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon: siya'y hindi humiwalay ng lahat niyang kaarawan sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

19 Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya'y sumakaniya, upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay.

20 At siningil ni Manahem ng salapi ang Israel, ang lahat na makapangyarihang lalake na mayaman, na bawa't lalake ay limangpung siklo na pilak upang ibigay sa hari sa Asiria. Sa gayo'y ang hari sa Asiria ay bumalik, at hindi tumigil doon sa lupain.

21 Ang iba nga sa mga gawa ni Manahem, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

22 At natulog si Manahem na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Pekaia na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

23 Nang ikalimangpung taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Pekaia na anak ni Manahem sa Samaria, at nagharing dalawang taon.

24 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

25 At si Peka na anak ni Remalias, na kaniyang punong kawal, ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa Samaria, sa (M)castilyo ng bahay ng hari, na kasama si Argob at si Ariph; at kasama niya'y limangpung lalake na mga Galaadita: at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya.

26 Ang iba nga sa mga gawa ni Pekaia, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

27 Nang ikalimangpu't dalawang taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari si Peka na anak ni Remalias sa Israel sa Samaria, at nagharing dalawangpung taon.

28 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

Ang pagsalakay ng mga taga Asiria.

29 Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si (N)Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang (O)Ihion, at ang (P)Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang (Q)Cedes, at ang (R)Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria.

30 At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias, at sinaktan niya siya, at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya, nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia.

31 Ang iba nga sa mga gawa ni Peka, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

Ang paghahari ni Jotham at ni Achas.

32 Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel, ay nagpasimulang maghari si (S)Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda.

33 Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc.

34 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzia.

35 (T)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi nangaalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. (U)Itinayo niya ang mataas na pintuang-bayan sa bahay ng Panginoon.

36 (V)Ang iba nga sa mga gawa ni Jotham, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

37 Nang mga araw na yao'y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si (W)Resin na hari sa Siria, at si (X)Peka na anak ni Remalias.

38 At si (Y)Jotham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Ang pakikidigma ni Achaz sa Siria at sa Israel.

16 Nang ikalabing pitong taon ni Peka na anak ni Remalias ay (Z)nagpasimulang maghari si Achaz na anak ni Jotham na hari sa Juda.

May dalawangpung taon si Achaz nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios, na gaya ni David na kaniyang magulang.

Kundi siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, oo, at kaniyang (AA)pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, ayon sa mga (AB)karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel.

At siya'y (AC)naghain, at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako, at sa mga burol, at sa (AD)ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy.

(AE)Nang magkagayo'y si Resin na hari sa Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma: at kanilang kinulong si Achaz, (AF)nguni't hindi nila nadaig.

Nang panahong yaon ay (AG)binawi ni Resin na hari sa Siria ang Elath sa Siria at pinalayas ang mga Judio sa Elath: at ang mga taga Siria ay nagsiparoon sa Elath, at tumanan doon, hanggang sa araw na ito.

Sa gayo'y nagsugo si Achaz ng mga sugo kay (AH)Tiglath-pileser na hari sa Asiria, na ipinasabi, Ako ang iyong lingkod at ang iyong anak: ikaw ay umahon, at iligtas mo ako sa kamay ng hari sa Siria at sa kamay ng hari sa Israel, na bumabangon laban sa akin.

(AI)At kinuha ni Achaz ang pilak at ginto na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, at ipinadalang (AJ)kaloob sa hari sa Asiria.

At dininig siya ng hari sa Asiria; at ang hari sa Asiria ay umahon laban sa Damasco, at sinakop, at dinala sa (AK)Cir ang bayan na bihag, at pinatay si Resin.

Bagong dambana ay ginawa.

10 At ang haring si Achaz ay naparoon sa Damasco upang salubungin si Tiglath-pileser na hari sa Asiria: at nakita ang dambana na nasa Damasco: at ipinadala ng haring si Achaz kay Urias na saserdote ang ayos ng dambana at ang anyo niyaon, ayon sa buong pagkayari niyaon.

11 At si Urias na saserdote ay nagtayo ng isang dambana: ayon sa buong ipinadala ng haring si Achaz mula sa Damasco, gayon ginawa ni Urias na saserdote, bago dumating ang haring Achaz mula sa Damasco.

12 At nang dumating ang hari mula sa Damasco, ay nakita ng hari ang dambana: at ang hari ay (AL)lumapit sa dambana, at naghandog doon.

13 At kaniyang sinunog ang kaniyang handog na susunugin, at ang kaniyang handog na harina, at ibinuhos ang kaniyang inuming handog, at iniwisik ang dugo ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana.

14 (AM)At ang dambana na tanso na nasa harap ng Panginoon ay kaniyang dinala mula sa harapan ng bahay, mula (AN)sa pagitan ng kaniyang dambana at ng bahay ng Panginoon, at inilagay sa dakong hilagaan ng kaniyang dambana.

15 At inutusan ng haring Achaz si Urias na saserdote, na sinasabi, Sa ibabaw ng malaking dambana, ay magsunog ka (AO)ng handog na susunugin sa umaga, at ng handog na harina sa hapon, at ng handog na susunugin ng hari at ng kaniyang handog na harina sangpu ng handog na susunugin ng buong bayan ng lupain at ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin; at iwisik mo roon ang buong dugo ng handog na susunugin, at ang buong dugo ng hain: nguni't ang dambanang tanso ay mapapasa akin upang pagusisaan.

16 Ganito ang ginawa ni Urias na saserdote, ayon sa buong iniutos ng haring Achaz.

17 (AP)At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan, at inalis sa mga yaon ang hugasan, at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang (AQ)tanso na nasa ilalim niyaon, at ipinatong sa isang pavimentong bato.

18 At ang dakong natatakpan na daan sa sabbath na kanilang itinayo sa bahay, at ang pasukan ng hari na nasa labas, ibinago sa bahay ng Panginoon, dahil sa hari sa Asiria.

19 (AR)Ang iba nga sa mga gawa ni Achaz na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda.

20 At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Mga Gawa 19:13-41

13 Datapuwa't (A)ilan sa mga Judiong pagalagala na nagsisipagpalayas ng masasamang espiritu, ay nagsipangahas na sambitlain ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga may masasamang espiritu, na nagsisipagsabi, Ipinamamanhik ko sa inyo sa pamamagitan ni Jesus na siyang ipinangangaral ni Pablo.

14 At may pitong anak na lalake ang isang Esceva na Judio, (B)isang pangulong saserdote, na nagsisigawa nito.

15 At sumagot ang masamang espiritu at sa kanila'y sinabi, Nakikilala ko si Jesus, at nakikilala ko si Pablo; datapuwa't sino-sino kayo?

16 At ang taong kinaroroonan ng masamang espiritu ay lumukso sa kanila, at sila'y kaniyang natalo, at nadaig sila, ano pa't nagsitakas sila sa bahay na yaon na mga hubo't hubad at mga sugatan.

17 At nahayag ito sa lahat, sa mga Judio at gayon din sa mga Griego, na nangananahanan sa Efeso; at (C)sinidlan silang lahat ng takot, at pinadakila ang pangalan ng Panginoong Jesus.

18 Marami rin naman sa mga nagsisampalataya na ang nagsidating, na ipinahahayag at isinasaysay ang kanilang mga gawain.

19 At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat, at pinagsusunog sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga niyaon, at nasumpungang may limampung libong putol na pilak.

20 Sa gayo'y lumagong totoo (D)ang salita ng Panginoon at nanaig.

21 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ay ipinasiya ni (E)Pablo sa espiritu, (F)nang matahak na niya ang (G)Macedonia at ang (H)Acaya, na pumaroon sa Jerusalem, na sinasabi, Pagkapanggaling ko roon, (I)ay kinakailangang makita ko naman ang Roma.

22 At nang maisugo na niya sa Macedonia ang dalawa sa nagsisipaglingkod sa kaniya, na si (J)Timoteo at si (K)Erasto, siya rin ay natirang ilang panahon sa Asia.

23 At halos nang panahong yao'y may nangyaring hindi mumunting kaguluhan tungkol (L)sa Daan.

24 Sapagka't may isang taong nagngangalang Demetrio, panday-pilak, na gumagawa ng maliliit na dambanang pilak ni Diana, ay nagbibigay (M)ng hindi kakaunting hanap-buhay sa mga panday;

25 Na sila'y kaniyang tinipon pati ng mga manggagawa ng mga gayong gawa, at sinabi, Mga Ginoo, talastas ninyo na nagsisiyaman tayo sa hanap-buhay na ito.

26 At inyong nakikita at naririnig, na hindi lamang sa Efeso, kundi halos sa buong Asia, ay nakaakit ang Pablong ito at naghiwalay ng maraming mga tao, na sinasabing (N)hindi raw mga dios, ang mga ginagawa ng mga kamay:

27 At hindi lamang may panganib na mawalang kapurihan ang hanapbuhay nating ito; kundi naman ang templo ng dakilang diosa Diana ay mawawalan ng halaga, at hanggang sa malugso ang kadakilaan niya na sinasamba ng buong Asia at ng sanglibutan.

28 At nang marinig nila ito'y nangapuno sila ng galit, at nangagsigawan, na nagsipagsabi, Dakila ang Diana ng mga taga Efeso.

29 At napuno ng kaguluhan ang bayan: at pinagkaisahan nilang lusubin ang dulaan, na sinunggaban si (O)Gayo at si (P)Aristarco, mga lalaking taga Macedonia, na (Q)kasama ni Pablo sa paglalakbay.

30 At nang inakala ni Pablo na pasukin ang mga tao, ay hindi siya tinulutan ng mga alagad.

31 At ang ilan din naman sa mga puno sa Asia, palibhasa'y kaniyang mga kaibigan, ay nangagpasugo sa kaniya at siya'y pinakiusapang huwag siyang pumaroon sa dulaan.

32 At ang iba nga'y sumisigaw ng isang bagay, at ang iba'y iba naman: sapagka't ang pulong ay nasa kaguluhan; at hindi maalaman ng karamihan kung bakit sila'y nangagkatipon.

33 At kanilang inilabas si Alejandro sa karamihan, na siya'y itinutulak ng mga Judio sa dakong harap. (R)At inihudyat ang kamay ni Alejandro, at ibig sanang magsanggalang sa harapan ng bayan.

34 Datapuwa't nang matalastas nilang siya'y Judio, ay nangagkaisang lahat na mangagsigawan sa loob halos ng dalawang oras, Dakila ang Diana ng mga Efeso.

35 At nang mapatahimik na ng kalihim-bayan ang karamihan, ay kaniyang sinabi, Kayong mga lalaking taga Efeso, sino sa mga tao ang hindi nakakaalam na ang bayan ng mga Efeso ay tagapagingat ng templo ng dakilang Diana, at ng larawang nahulog mula kay Jupiter?

36 Yamang hindi nga maikakaila ang mga bagay na ito, ay dapat kayong magsitahimik, at huwag magsigawa ng anomang bagay sa madalian.

37 Sapagka't dinala ninyo rito ang mga taong ito, na hindi mga mangloloob sa templo, ni mga mamumusong man sa ating diosa.

38 Kung si Demetrio nga, at ang mga panday na kasama niya, ay mayroong anomang sakdal laban sa kanino man, ay bukas ang mga hukuman, at may mga (S)proconsul: bayaan ninyong mangagsakdal ang isa't isa.

39 Datapuwa't kung may inuusig kayo sa ano pa mang ibang mga bagay, ay mahahatulan sa karaniwang kapulungan.

40 Sapagka't totoong nanganganib tayo na mangasakdal tungkol sa pagkakagulo sa araw na ito, palibhasa'y walang anomang kadahilanan: at tungkol dito ay hindi tayo makapagbibigay sulit tungkol sa pagkakatipong ito.

41 At nang siya'y makapagsalitang gayon, ay pinaalis niya ang kapulungan.

Mga Awit 147

Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.

147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (A)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(B)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (C)ay nakalulugod.
(D)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (E)natapon na Israel.
(F)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
(G)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
(H)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
(I)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
(J)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (K)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (L)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(M)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (N)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (O)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (P)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(Q)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (R)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Kawikaan 18:4-5

Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; Ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.
(A)Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti,
Ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978