The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang Pag-ibig ng Panginoon sa Jacob
1 Ang pahayag ng salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias.
2 “Inibig(A) (B) ko kayo,” sabi ng Panginoon. Gayunma'y inyong sinasabi, “Paano mo kami inibig?” “Hindi ba si Esau ay kapatid ni Jacob?” sabi ng Panginoon. “Gayunma'y inibig ko si Jacob.
3 Ngunit si Esau ay aking kinamuhian, at ginawa ko ang kanyang mga bundok na isang kasiraan at ibinigay ko ang kanyang mana sa mga asong palaboy sa ilang.”
4 Kung sinasabi ng Edom, “Kami'y nawasak, ngunit muli naming itatayo ang mga guho,” ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: “Maaari silang magtayo ngunit aking ibabagsak hanggang sila'y tawaging masamang lupain, galit ang Panginoon sa bayang ito magpakailanman.”
5 Makikita ng sarili ninyong mga mata, at inyong sasabihin, “Dakila ang Panginoon hanggang sa kabilang hangganan ng Israel.”
Pinangaralan ng Panginoon ang mga Pari
6 “Iginagalang ng anak ang kanyang ama, at ng mga utusan ang kanilang amo. Kung ako nga'y isang ama, nasaan ang karangalang nararapat sa akin? At kung ako'y amo, nasaan ang paggalang na para sa akin? sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, O mga pari, na humahamak sa aking pangalan. Inyong sinasabi, ‘Paano namin hinamak ang iyong pangalan?’
7 Kayo'y naghahandog ng maruming pagkain sa aking dambana. At inyong sinasabi, ‘Paano ka namin nilapastangan?’ Sa inyong sinasabing ang hapag ng Panginoon ay hamak.
8 Kapag(C) kayo'y naghahandog ng mga bulag na hayop bilang alay, di ba masama iyon? At kapag kayo'y naghahandog ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon? Subukan mong ihandog iyon sa iyong gobernador, masisiyahan kaya siya sa iyo o papakitaan ka kaya niya ng kabutihan? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 ‘Ngayo'y maaari bang inyong hingin ang kabutihan ng Diyos upang pagpalain niya tayo.’ May gayong kaloob sa inyong kamay, magpapakita kaya siya ng paglingap sa alinman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
10 O mayroon sana sa inyong magsara ng mga pinto, upang hindi kayo makapagpaningas ng apoy sa aking dambana nang walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako tatanggap ng handog mula sa inyong kamay.
11 Sapagkat mula sa sikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyon, dakila ang aking pangalan sa mga bansa; at sa bawat dako ay paghahandugan ng kamanyang ang aking pangalan, at ng dalisay na handog; sapagkat ang aking pangalan ay dakila sa gitna ng mga bansa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12 Ngunit inyong nilalapastangan iyon kapag inyong sinasabi na ang hapag ng Panginoon ay nadungisan, at bunga nito, ang pagkain niya ay hamak.
13 Sinasabi rin ninyo, ‘Nakakasawa na ito,’ at inaamoy-amoy pa ninyo ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dinadala ninyo ang nakuha sa dahas, ang pilay, at ang may sakit; at ito ang dinadala ninyo bilang handog! Tatanggapin ko ba ito mula sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.
14 Ngunit sumpain ang mandaraya na mayroon sa kanyang kawan na isang lalaki, at ipinangako ito, gayunma'y naghahain ng hayop na may kapintasan sa Panginoon; sapagkat ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kinatatakutan ng mga bansa.
Tinuligsa ang mga Di-Banal na Pari
2 “Ngayon, O kayong mga pari, ang utos na ito ay para sa inyo.
2 Kung hindi kayo makikinig, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso na bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ipadadala ko sa inyo ang sumpa at aking susumpain ang mga pagpapala ninyo. Sa katunayan, akin na silang isinumpa, sapagkat hindi ninyo inilagak sa inyong puso.
3 Narito, sasawayin ko ang inyong anak, at sasabugan ko ng dumi ang inyong mga mukha, ang dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo'y aalisin kasama nito.
4 Inyong(D) malalaman na aking ipinadala ang utos na ito sa inyo upang ang aking tipan kay Levi ay manatili, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Ang(E) aking tipan sa kanya ay isang tipan ng buhay at kapayapaan; at ibinigay ko ang mga iyon sa kanya upang siya'y matakot; at siya'y natakot sa akin, at siya'y nagbigay-galang sa aking pangalan.
6 Ang kautusan ng katotohanan ay nasa kanyang bibig, at walang kalikuan na nasumpungan sa kanyang mga labi. Siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo niya sa kasamaan ang marami.
7 Sapagkat ang mga labi ng pari ay dapat mag-ingat ng kaalaman, at dapat hanapin ng mga tao ang kautusan sa kanyang bibig, sapagkat siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.
8 Ngunit kayo'y lumihis sa daan; naging dahilan kayo upang matisod ang marami sa pamamagitan ng inyong kautusan, inyong pinasama ang tipan ni Levi, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 Kaya't ginawa ko kayong hamak at aba sa harap ng buong bayan, yamang hindi ninyo iningatan ang aking mga daan, kundi nagpakita kayo ng pagtatangi sa inyong kautusan.”
Ang Pagtataksil ng Israel at Juda
10 Hindi ba iisa lamang ang ating ama? Hindi ba iisang Diyos ang lumalang sa atin? Bakit nga tayo nagtataksil sa isa't isa na nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno?
11 Naging taksil ang Juda, at ang kasuklamsuklam ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem; sapagkat nilapastangan ng Juda ang santuwaryo ng Panginoon, na kanyang iniibig, at nag-asawa sa anak na babae ng ibang diyos.
12 Ihiwalay nawa ng Panginoon mula sa mga tolda ng Jacob ang taong gumawa nito, ang sinumang gigising o sasagot o magdadala ng handog sa Panginoon ng mga hukbo!
13 Ito rin ay inyong ginagawa: Tinatakpan ninyo ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng pagtangis, at ng pagdaing, sapagkat hindi na niya nililingap ang handog, ni tinatanggap na may kasiyahan sa inyong kamay.
14 Gayunma'y inyong sinasabi, “Sa anong dahilan?” Sapagkat ang Panginoon ay saksi sa pagitan mo at ng asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng kataksilan, bagaman siya'y iyong kasama, at iyong asawa sa pamamagitan ng tipan.
15 Ngunit wala ni isang gumawa niyon na mayroong nalabing Espiritu.[a] Ano ang ginawa niya noong naghahanap siya ng lahing maka-Diyos? Kaya't ingatan ninyo ang inyong espiritu, at huwag nang hayaang ang sinuman ay magtaksil sa asawa ng kanyang kabataan.
16 “Sapagkat aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, at ang pagtatakip ng tao sa kanyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Kaya't ingatan ninyo ang inyong sarili at huwag kayong magtaksil.”
Nalalapit ang Araw ng Paghatol
17 Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita. Gayunma'y sinasabi ninyo, “Paano namin siya niyamot?” Sa inyong pagsasabi, “Bawat gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon, at sila'y kanyang kinalulugdan.” O sa pagtatanong, “Nasaan ang Diyos ng katarungan?”
Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
21 At(A) nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa; sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na.
2 At(B) nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa.
3 At(C) narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi,
“Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao.
Siya'y maninirahang kasama nila,
at sila'y magiging bayan niya.
Ang Diyos mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Diyos nila.[a]
4 At(D) papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata,
at hindi na magkakaroon ng kamatayan;
hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man,
sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na.”
5 At sinabi ng nakaupo sa trono, “Masdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” Sinabi rin niya, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at tunay.”
6 At(E) sinabi niya sa akin, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinumin nang walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
7 Ang(F) magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Diyos niya at siya'y magiging anak ko.
8 Ngunit sa mga duwag, sa mga hindi nananampalataya, mga karumaldumal, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”
Ang Bagong Jerusalem
9 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok na punô ng pitong huling salot, at nagsalita sa akin na nagsasabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero.”
10 At(G) dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang banal na lunsod ng Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos,
11 na may kaluwalhatian ng Diyos, ang kanyang ningning ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng kristal.
12 Ito(H) ay mayroong isang malaki at mataas na pader, na may labindalawang pintuan, at sa mga pintuan ay may labindalawang anghel; at sa mga pintuan ay nakasulat ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak ni Israel.
13 Sa silangan ay tatlong pintuan, sa hilaga ay tatlong pintuan, sa timog ay tatlong pintuan, at sa kanluran ay tatlong pintuan.
14 At ang pader ng lunsod ay may labindalawang saligan, at sa mga ito'y ang labindalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.
15 At(I) ang nakipag-usap sa akin ay may gintong panukat upang sukatin ang lunsod at ang mga pintuan at ang pader nito.
16 At ang pagkatayo ng lunsod ay parisukat, at ang kanyang haba ay gaya ng kanyang luwang, at sinukat niya ang lunsod ng kanyang panukat, labindalawang libong estadia.[b] Ang haba, luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
17 Sinukat din niya ang pader nito, isandaan at apatnapu't apat na siko[c] ang taas, ayon sa sukat ng tao, na siyang ginagamit ng anghel.
18 Ang(J) malaking bahagi ng pader ay jaspe at ang lunsod ay dalisay na ginto, na tulad ng kristal.
19 Ang mga saligan ng pader ng lunsod ay ginagayakan ng sari-saring mahahalagang bato. Ang unang saligan ay jaspe, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay calcedonia, ang ikaapat ay esmeralda,
20 ang ikalima ay onix, ang ikaanim ay sardio, ang ikapito ay crisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam ay topacio, ang ikasampu ay crisopasio, ang ikalabing-isa ay jacinto, ang ikalabindalawa ay ametista.
21 At ang labindalawang pintuan ay labindalawang perlas, at bawat pinto ay yari sa isang perlas, at ang lansangan ng lunsod ay dalisay na ginto, na gaya ng naaaninag na salamin.
22 At hindi ako nakakita ng templo roon, sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ang siyang templo roon.
23 At(K) ang lunsod ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang magbigay-liwanag sa kanya, sapagkat ang liwanag niya ay ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang ilaw doon ay ang Kordero.
24 Ang(L) mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito; at ang mga hari sa lupa ay magdadala ng kanilang karangalan sa kanya.
25 At(M) ang mga pintuan niyon ay hindi isasara kailanman sa araw; sapagkat hindi magkakaroon doon ng gabi.
26 Dadalhin nila sa loob niyon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa;
27 at(N) hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi, o ang sinumang gumagawa ng karumaldumal o ng kasinungalingan, kundi sila lamang na nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.
149 Purihin ang Panginoon!
Awitan ninyo ang Panginoon ng isang bagong awit,
ng papuri sa kanya sa kapulungan ng mga tapat!
2 Magalak nawa ang Israel sa kanyang Lumikha,
ang mga anak ng Zion sa kanilang Hari nawa'y matuwa!
3 Purihin nila ng may pagsasayaw ang pangalan niya,
na umaawit sa kanya na may pandereta at lira!
4 Sapagkat ang Panginoon ay nalulugod sa kanyang bayan;
kanyang pagagandahin ng kaligtasan ang mga nahihirapan.
5 Magsaya nawa ang mga tapat sa kaluwalhatian;
umawit nawa sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa ang mataas na papuri sa Diyos sa kanilang lalamunan,
at ang tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 upang maggawad ng paghihiganti sa mga bansa,
at ng kaparusahan sa mga bayan,
8 upang gapusin sa mga tanikala ang kanilang mga hari,
at ang kanilang mga maharlika ng mga bakal na panali,
9 upang sa kanila'y ilapat ang hatol na nasusulat!
Ito ay kaluwalhatian para sa lahat niyang mga tapat!
Purihin ang Panginoon!
Ang Huwarang Maybahay
10 Sinong makakatagpo ng isang butihing babae?
Sapagkat siya'y higit na mahalaga kaysa mga batong rubi.
11 Ang puso ng kanyang asawa, sa kanya'y nagtitiwala,
at siya'y[a] hindi kukulangin ng mapapala.
12 Gumagawa siya ng mabuti sa kanya[b] at hindi kasamaan
sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay.
13 Siya'y[c] humahanap ng balahibo ng tupa at lino,
at kusang-loob ang kanyang mga kamay ay nagtatrabaho.
14 Siya'y gaya ng mga sasakyang dagat ng mangangalakal,
nagdadala siya ng kanyang pagkain mula sa kalayuan.
15 Siya'y bumabangon samantalang gabi pa,
at naghahanda ng pagkain para sa kanyang pamilya,
at nagtatakda ng mga gawain sa mga babaing alila niya.
16 Tinitingnan niya ang isang bukid at ito'y binibili niya,
sa bunga ng kanyang mga kamay ay nagtatanim siya ng ubasan.
17 Binibigkisan niya ng lakas ang kanyang mga balakang,
at pinalalakas ang kanyang mga bisig.
18 Kanyang nababatid na kikita ang kanyang kalakal,
ang kanyang ilaw sa gabi ay hindi namamatay.
19 Kanyang inilalagay ang kanyang mga kamay sa panulid,
at ang kanyang mga kamay ay humahawak ng panghabi.
20 Binubuksan niya sa mga dukha ang kanyang kamay,
iniaabot niya ang kanyang mga kamay sa nangangailangan.
21 Hindi siya natatakot sa niyebe para sa sambahayan niya,
sapagkat ang buo niyang sambahayan ay nakadamit na pula.
22 Gumagawa siya ng mga saplot para sa sarili,
ang kanyang pananamit ay pinong lino at kulay-ube.
23 Kilala ang kanyang asawa sa mga pintuang-bayan,
kapag siya'y nauupong kasama ng matatanda sa lupain.
24 Gumagawa siya ng mga kasuotang lino at ito'y ipinagbibili,
at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga negosyante.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001