Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Nehemias 1:1-13:14

Nagmalasakit si Nehemias sa Jerusalem

Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hacalias.

Sa buwan ng Chislev, nang ikadalawampung taon, samantalang ako'y nasa Susa na siyang kabisera,[a]

si Hanani, isa sa aking mga kapatid, ay dumating na kasama ang ilang lalaki mula sa Juda. Tinanong ko sila tungkol sa mga Judio na natirang buháy, na nakatakas sa pagkabihag, at tungkol sa Jerusalem.

Sinabi nila sa akin, “Ang mga natirang buháy sa lalawigan na nakatakas sa pagkabihag ay nasa isang malubhang kalagayan at kahihiyan. Ang pader ng Jerusalem ay wasak at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy.”

Nang marinig ko ang mga salitang ito, ako'y umupo, umiyak, at tumangis nang ilang araw; at ako'y nagpatuloy sa pag-aayuno at pananalangin sa harapan ng Diyos ng langit.

Aking sinabi “O, Panginoong Diyos ng langit, ang dakila at kasindak-sindak na Diyos, na nag-iingat ng tipan at ng tapat na pag-ibig sa mga umiibig sa kanya, at nag-iingat ng kanyang mga utos;

makinig ka sana ngayon at imulat ang iyong mga mata upang makinig sa dalangin ng iyong lingkod, na aking idinadalangin ngayon sa harap mo araw at gabi para sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod. Aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel, na aming nagawa laban sa iyo. Ako at ang aking sambahayan ay nagkasala.

Napakasama ng aming nagawa laban sa iyo, at hindi namin iningatan ang mga utos, mga tuntunin, o ang mga batas na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises.

Alalahanin(A) mo ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises, na sinasabi, ‘Kapag kayo'y hindi tapat, ikakalat ko kayo sa lahat ng mga bayan;

ngunit(B) kung kayo'y manumbalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos at gawin ang mga ito, bagaman ang inyong pagkawatak-watak ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng mga langit, aking titipunin sila mula roon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili upang patirahin doon ang aking pangalan.’

10 Ang mga ito ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, na tinubos mo sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay.

11 O Panginoon, pakinggan mo nawa ang panalangin ng iyong lingkod na nalulugod na igalang ang iyong pangalan. Pagtagumpayin mo ngayon ang iyong lingkod, at pagkalooban mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito.”

Noon ay tagapagdala ako ng kopa ng hari.

Nagtungo si Nehemias sa Jerusalem

Sa buwan ng Nisan, nang ikadalawampung taon ni Artaxerxes na hari, samantalang mayroong alak sa harapan niya, kinuha ko ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi pa ako naging malungkot nang gayon sa kanyang harapan.

At sinabi ng hari sa akin, “Bakit malungkot ang iyong mukha, samantalang wala ka namang sakit? Ito'y walang iba kundi kalungkutan ng puso.” Nang magkagayo'y lubha akong natakot.

Sinabi(C) ko sa hari, “Mabuhay ang hari magpakailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha, gayong ang lunsod, ang lugar ng mga libingan ng aking mga ninuno ay giba, at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy?”

Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, “Ano ang iyong kahilingan?” Kaya't ako'y nanalangin sa Diyos ng langit.

Sinabi ko sa hari, “Kung ikakalugod ng hari at kung ang iyong lingkod ay nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin, suguin mo ako sa Juda, sa lunsod ng libingan ng aking mga ninuno, upang aking muling maitayo ito.”

Sinabi ng hari sa akin, (ang reyna ay nakaupo sa tabi niya), “Gaano katagal kang mawawala, at kailan ka babalik?” Sa gayo'y ikinalugod ng hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kanya ng panahon.

Sinabi ko naman sa hari, “Kung ikakalugod ng hari, bigyan sana ako ng mga sulat para sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, upang ako'y kanilang paraanin hanggang sa ako'y makarating sa Juda;

at isang sulat para kay Asaf na tagapag-ingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga troso upang gawing mga biga sa mga pintuan ng kuta ng templo at para sa pader ng lunsod at sa bahay na aking papasukan.” Ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking hiniling, sapagkat ang mabuting kamay ng aking Diyos ay nasa akin.

At ako'y pumunta sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Ang hari ay nagsugo na kasama ko ang mga punong-kawal ng hukbo at mga mangangabayo.

10 Subalit nang mabalitaan ito ni Sanballat na Horonita at ni Tobias na lingkod na Ammonita, ikinayamot nila nang husto na may isang dumating para sa kapakanan ng mga anak ni Israel.

11 Kaya't dumating ako sa Jerusalem at tumigil doon sa loob ng tatlong araw.

12 Kinagabihan, bumangon ako at ang ilang lalaking kasama ko. Wala akong pinagsabihan kung ano ang inilagay ng aking Diyos sa aking puso upang gawin para sa Jerusalem. Wala akong kasamang hayop maliban sa hayop na aking sinakyan.

13 Kinagabihan, ako'y lumabas sa Pintuan ng Libis tungo sa Balon ng Dragon at sa Pintuan ng Dumi, at aking siniyasat ang mga pader ng Jerusalem na winasak at ang mga pintuan nito na tinupok ng apoy.

14 Pagkatapos ay nagtungo ako sa Pintuan ng Bukal at sa Tipunan ng Tubig ng hari; ngunit walang madaanan ang hayop na sinasakyan ko.

15 Kinagabihan, ako'y umahon sa libis at siniyasat ang pader. Pagkatapos ako'y bumalik at pumasok sa Pintuan ng Libis; gayon ako bumalik.

16 Hindi nalaman ng mga pinuno kung saan ako nagpunta, o kung ano ang ginagawa ko. Hindi ko pa sinasabi sa mga Judio, sa mga pari, sa mga maharlika, sa mga pinuno, at sa iba pang gagawa ng gawain.

17 Pagkatapos ay sinabi ko sa kanila, “Nakikita ninyo ang magulong kalagayan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuan nito ay nasunog. Halikayo, itayo natin ang pader ng Jerusalem upang hindi na tayo magdanas ng kahihiyan.”

18 Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kamay ng aking Diyos na naging mabuti sa akin, at gayundin ang mga salitang sinabi sa akin ng hari. At kanilang sinabi, “Magsimula na tayong magtayo.” Kaya't itinalaga nila ang kanilang mga sarili para sa ikabubuti ng lahat.

19 Ngunit nang ito'y mabalitaan nina Sanballat na Horonita, ni Tobias na lingkod na Ammonita, at ni Gesem na taga-Arabia, kanilang pinagtawanan at hinamak kami at sinabi, “Ano itong bagay na inyong ginagawa? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?”

20 Nang magkagayo'y sumagot ako sa kanila, “Pagtatagumpayin kami ng Diyos ng langit at kaming mga lingkod niya ay magsisimula nang magtayo; ngunit kayo'y walang bahagi, o karapatan, o alaala man sa Jerusalem.”

Muling Itinayo ang Pader ng Jerusalem

Nang magkagayo'y si Eliasib na pinakapunong pari ay tumayong kasama ng kanyang mga kasamahang pari at kanilang itinayo ang Pintuan ng mga Tupa. Ito ay kanilang itinalaga at inilagay ang mga pinto niyon; kanilang itinalaga ito hanggang sa Tore ng Sandaan at hanggang sa Tore ng Hananel.

Kasunod niya ay nagtayo ang mga lalaki ng Jerico. At kasunod nila ay nagtayo si Zacur na anak ni Imri.

Ang Pintuan ng mga Isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa; kanilang inilapat ang mga biga nito, at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at ang mga halang.

Kasunod nila ay nagkumpuni si Meremot na anak ni Urias, na anak ni Hakoz. At kasunod nila ay nagkumpuni si Mesulam, na anak ni Berequias, na anak ni Mesezabel. At kasunod nila ay nagkumpuni si Zadok na anak ni Baana.

Kasunod nila ay nagkumpuni ang mga Tekoita; ngunit hindi inilagay ng kanilang mga maharlika ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang mga panginoon.

Ang Matandang Pintuan ay kinumpuni nina Joiada na anak ni Pasea at ni Mesulam na anak ni Besodias; kanilang inilapat ang mga biga nito, at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at ang mga halang niyon.

Kasunod nila ay nagkumpuni sina Melatias na Gibeonita, Jadon na Meronotita, at ang mga lalaking taga-Gibeon at taga-Mizpa, na nasa ilalim ng pamamahala ng gobernador ng lalawigan sa kabila ng Ilog.

Kasunod nila ay nagkumpuni si Uziel na anak ni Harhaias na panday-ginto. At kasunod nila ay nagkumpuni si Hananias na isa sa mga gumagawa ng pabango, at kanilang muling itinayo ang Jerusalem hanggang sa Maluwang na Pader.

Kasunod nila ay nagkumpuni si Refaias na anak ni Hur, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem.

10 Kasunod nila ay nagkumpuni si Jedias na anak ni Harumaf, sa tapat ng kanyang bahay. At kasunod niya ay nagkumpuni si Hatus na anak ni Hashabneias.

11 Ang ibang bahagi at ang Tore ng mga Pugon ay kinumpuni nina Malkia na anak ni Harim at Hashub na anak ni Pahat-moab.

12 Kasunod nila ay nagkumpuni si Shallum na anak ni Hallohes, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, siya at ang kanyang mga anak na babae.

13 Kinumpuni ni Hanun at ng mga mamamayan ng Zanoa ang Pintuan ng Libis; muli nila itong itinayo at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at mga halang niyon, at kinumpuni ang isang libong siko ng pader, hanggang sa Pintuan ng Dumi.

14 Ang Pintuan ng Dumi ay kinumpuni ni Malkia na anak ni Recab, na pinuno ng distrito ng Bet-hacquerim; muli niya itong itinayo at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at ang mga halang niyon.

15 Ang Pintuan ng Bukal ay kinumpuni ni Shallum na anak ni Colhoze, na pinuno ng distrito ng Mizpa; muli niya itong itinayo at tinakpan, inilagay ang mga pinto, kandado, at mga halang niyon. Kanyang ginawa ang pader ng Tipunan ng Tubig ng Shela sa tabi ng halamanan ng hari, hanggang sa mga baytang na paibaba mula sa lunsod ni David.

16 Pagkatapos niya ay nagkumpuni si Nehemias na anak ni Azbuk, na pinuno ng kalahating distrito ng Bet-zur, hanggang sa dakong katapat ng mga libingan ni David, hanggang sa tipunan ng tubig na gawa ng tao, at hanggang sa bahay ng mga mandirigma.

Mga Levitang Gumawa sa Pader

17 Kasunod niya ay nagkumpuni ang mga Levita: si Rehum na anak ni Bani. Kasunod niya, si Hashabias na pinuno ng kalahating distrito ng Keila ay nagkumpuni para sa kanyang distrito.

18 Kasunod niya ay nagkumpuni ang kanilang mga kapatid: si Binui na anak ni Henadad, na pinuno ng kalahating distrito ng Keila.

19 Kasunod niya ay kinumpuni ni Eser na anak ni Jeshua, na pinuno ng Mizpa, ang ibang bahagi sa tapat ng gulod sa taguan ng mga sandata sa pagliko.

20 Kasunod niya ay masikap na kinumpuni ni Baruc na anak ni Zabbai ang ibang bahagi, mula sa may pagliko hanggang sa pintuan ng bahay ni Eliasib na pinakapunong pari.

21 Pagkatapos niya ay kinumpuni ni Meremot, na anak ni Urias na anak ni Hakoz ang ibang bahagi mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa dulo ng bahay ni Eliasib.

Ang mga Paring Gumawa sa Pader

22 Pagkatapos niya ay nagkumpuni ang mga pari, ang mga lalaking mula sa Kapatagan.

23 Pagkatapos nila ay nagkumpuni sina Benjamin at Hashub sa tapat ng kanilang bahay. Pagkatapos nila ay nagkumpuni si Azarias na anak ni Maasias, na anak ni Ananias, sa tabi ng kanyang sariling bahay.

24 Pagkatapos niya ay kinumpuni ni Binui na anak ni Henadad ang ibang bahagi, mula sa bahay ni Azarias hanggang sa pagliko, at hanggang sa sulok.

25 Si Paal na anak ni Uzai ay nagkumpuni sa tapat ng pagliko, at sa toreng lumalabas mula sa mas mataas na bahay ng hari na nasa tabi ng bulwagan ng bantay. Pagkatapos niya, si Pedaya na anak ni Faros,

26 at ang mga lingkod sa templo na nakatira sa Ofel ay nagkumpuni hanggang sa dakong nasa tapat ng Pintuan ng Tubig sa dakong silangan at sa toreng nakalabas.

27 Kasunod niya ay kinumpuni ng mga Tekoita ang ibang bahagi sa tapat ng malaking tore na nakalabas hanggang sa pader ng Ofel.

28 Sa itaas ng Pintuan ng Kabayo, ang mga pari ay nagkumpuni, bawat isa sa tapat ng kanyang sariling bahay.

29 Pagkatapos niya ay nagkumpuni si Zadok na anak ni Imer sa tapat ng kanyang sariling bahay. Kasunod niya ay nagkumpuni si Shemaya na anak ni Shecanias na bantay sa Silangang Pintuan.

30 Pagkatapos niya ay kinumpuni nina Hananias na anak ni Shelemias, at ni Anun na ikaanim na anak ni Salaf, ang ibang bahagi. Kasunod nila ay kinumpuni ni Mesulam na anak ni Berequias ang tapat ng kanyang silid.

31 Pagkatapos niya ay nagkumpuni si Malkia na isa sa mga panday-ginto, hanggang sa bahay ng mga lingkod sa templo at ng mga mangangalakal sa tapat ng Pintuan ng Hamifcad, at sa itaas na silid ng panulukan.

32 At sa pagitan ng itaas na silid ng panulukan at ng Pintuan ng mga Tupa, ang mga panday-ginto at ang mga mangangalakal ay nagkumpuni.

Napagtagumpayan ni Nehemias ang Pagsalungat sa Kanyang Gawain

Nang mabalitaan ni Sanballat na aming itinatayo ang pader, siya'y nagalit, labis na napoot at kanyang tinuya ang mga Judio.

At kanyang sinabi sa harapan ng kanyang mga kapatid at ng hukbo ng Samaria, “Anong ginagawa nitong mahihinang Judio? Ibabalik ba nila ang mga bagay? Mag-aalay ba sila? Makakatapos ba sila sa isang araw? Kanila bang bubuhayin ang mga bato mula sa mga bunton ng basura, bagaman nasunog na ang mga iyon?”

Si Tobias na Ammonita ay nasa tabi niya, at sinabi niya, “Kapag ang alinmang asong-ligaw ay umakyat roon, ibabagsak nito ang kanilang mga batong pader!”

Pakinggan mo, O aming Diyos, sapagkat kami ay hinamak; at ibalik mo ang kanilang pag-alipusta sa kanilang sariling ulo, at ibigay mo sila sa isang lupain upang pagnakawan na doo'y mga bihag sila.

Huwag mong pagtakpan ang kanilang kasalanan, at huwag mong pawiin ang kanilang pagkakasala sa harapan mo sapagkat kanilang ginalit ka sa harapan ng mga manggagawa.

Kaya't aming itinayo ang pader at ito ay napagdugtong hanggang sa kalahati ng taas niyon. Sapagkat ang taong-bayan ay may isang pag-iisip sa paggawa.

Ngunit nang mabalitaan nina Sanballat, Tobias, ng mga taga-Arabia, mga Ammonita, at ng mga Asdodita, na nagpapatuloy ang pagkukumpuni ng mga pader ng Jerusalem at ang mga sira ay nagsisimulang masarhan, sila'y galit na galit.

Silang lahat ay magkakasamang nagbalak na puntahan at labanan ang Jerusalem at gumawa ng kaguluhan doon.

Kami ay nanalangin sa aming Diyos, at naglagay ng bantay laban sa kanila sa araw at gabi.

10 Ngunit sinabi ng Juda, “Ang lakas ng mga tagapasan ay nauubos, at marami pang basura, hindi kami makagawa sa pader.”

11 At sinabi ng aming mga kalaban, “Hindi nila malalaman o makikita hanggang sa kami ay makarating sa gitna nila, at patayin sila, at patigilin ang gawain.”

12 Nang dumating ang mga Judio na naninirahang kasama nila, sinabi nila sa amin nang sampung ulit, “Mula sa lahat ng mga lugar na kanilang tinitirhan, sila ay aahon laban sa atin.”

13 Kaya't sa mga pinakamababang bahagi ng pagitan ng likuran ng pader, sa mga bukas na dako, aking inilagay ang mga tao ayon sa kanilang mga angkan, na hawak ang kanilang mga tabak, mga sibat, at ang kanilang mga pana.

14 Ako'y tumingin, tumayo, at sinabi sa mga maharlika at sa mga pinuno, at sa iba pang taong-bayan, “Huwag kayong matakot sa kanila. Inyong alalahanin ang Panginoon, na dakila at kasindak-sindak, at ipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid, ang inyong mga anak na lalaki at babae, ang inyong mga asawa, at ang inyong mga tahanan.”

15 Nang mabalitaan ng aming mga kaaway na iyon ay nalalaman na namin at binigo ng Diyos ang kanilang balak, kaming lahat ay nagbalik sa pader, bawat isa'y sa kanyang gawain.

16 Mula nang araw na iyon, kalahati sa aking mga lingkod ay gumawa sa pagtatayo, at ang kalahati ay humawak ng mga sibat, mga kalasag, mga pana, at mga baluti; at ang mga pinuno ay nasa likuran ng buong sambahayan ng Juda,

17 na gumagawa sa pader. Yaong mga nagpapasan ay pinagpapasan sa paraang ang bawat isa'y gumagawa sa pamamagitan ng isang kamay habang ang isa nama'y may hawak na sandata.

18 Bawat isa sa mga manggagawa ay may kanyang tabak na nakasukbit sa kanyang tagiliran habang gumagawa. Ang lalaking nagpapatunog ng trumpeta ay katabi ko.

19 Sinabi ko sa mga maharlika at sa mga pinuno, at sa iba pang taong-bayan, “Ang gawain ay malaki at malawak ang nasasaklaw, at tayo'y hiwa-hiwalay sa pader, malayo sa isa't-isa.

20 Sa lugar na inyong marinig ang tunog ng trumpeta, magsama-sama tayo roon. Ang Diyos natin ang lalaban para sa atin.”

21 Kaya't gumawa kami sa gawain, at kalahati sa kanila ay naghawak ng mga sibat mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa lumitaw ang mga bituin.

22 Sinabi ko rin nang panahong iyon sa taong-bayan, “Bawat lalaki at ang kanyang lingkod ay magpalipas ng gabi sa Jerusalem upang sila ay maging bantay para sa atin sa gabi at makagawa sa araw.”

23 Kaya't maging ako, ni ang aking mga kapatid, ang aking mga lingkod, at ang mga lalaking bantay na sumusunod sa akin, ay walang naghubad sa amin ng aming mga suot, bawat isa'y iningatan ang kanyang sandata sa kanyang kamay.

Ang Pang-aapi sa mga Dukha

Nagkaroon ng malakas na pagtutol ang taong-bayan at ang kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na mga Judio.

Sapagkat may nagsabi, “Kasama ang ating mga anak na lalaki at babae, tayo ay marami; kumuha tayo ng trigo upang tayo'y may makain at manatiling buháy.”

May nagsabi rin, “Aming isinasangla ang aming mga bukid, mga ubasan, at mga bahay upang makakuha ng butil dahil sa taggutom.”

May nagsabi rin, “Kami'y nanghiram ng salapi para sa buwis ng hari na ipinataw sa aming mga bukid at aming mga ubasan.

Ngayon ang aming laman ay gaya rin ng laman ng aming mga kapatid, ang aming mga anak ay gaya ng kanilang mga anak, ngunit aming pinipilit ang aming mga anak na lalaki at babae upang maging mga alipin, at ang ilan sa aming mga anak na babae ay naging alipin na. Ngunit wala kaming kakayahang makatulong, sapagkat nasa ibang mga tao ang aming bukid at mga ubasan.”

Ako'y galit na galit nang aking marinig ang kanilang daing at ang mga pagtutol na ito.

Pagkatapos(D) na pag-isipan ito, pinaratangan ko ang mga maharlika at ang mga pinuno, at sinabi ko sa kanila, “Kayo'y nagpapatubo maging sa inyong sariling kapatid.” Ako'y nagpatawag ng malaking pagtitipon laban sa kanila.

Sinabi ko sa kanila, “Kami, sa abot ng aming makakaya ay aming tinubos ang aming mga kapatid na mga Judio na ipinagbili sa mga bansa; ngunit inyo pang ipinagbili ang inyong mga kapatid upang sila'y maipagbili sa amin!” Sila'y tumahimik at walang masabing anuman.

Kaya't sinabi ko, “Ang bagay na inyong ginagawa ay hindi mabuti. Hindi ba marapat na kayo'y lumakad na may takot sa ating Diyos, upang maiwasan ang pag-alipusta ng ating mga kaaway na bansa?

10 Gayundin, ako at ang aking mga kapatid at ang aking mga lingkod ay nagpahiram sa kanila ng salapi at butil. Tigilan na natin ang ganitong pagpapatubo.

11 Isauli ninyo sa kanila sa araw ding ito ang kanilang mga bukid, mga ubasan, mga taniman ng olibo, mga bahay, gayundin ang ika-isandaang bahagi ng salapi, trigo, alak, at langis na inyong ipinapataw sa kanila.”

12 Pagkatapos ay sinabi nila, “Isasauli namin ang mga ito at wala kaming hihingin sa kanila. Gagawin namin ang ayon sa iyong sinasabi.” Tinawag ko ang mga pari at pinanumpa ko sila na gawin ang ayon sa ipinangako nila.

13 Ipinagpag ko rin ang laylayan ng aking damit at sinabi, “Ganito nawa pagpagin ng Diyos ang bawat tao mula sa kanyang bahay at mula sa kanyang gawain na hindi tumupad ng pangakong ito. Ganito nawa siya maipagpag at mahubaran.” At ang buong kapulungan ay nagsabi, “Amen” at pinuri ang Panginoon. At ginawa ng taong-bayan ang ayon sa kanilang ipinangako.

Ang Pagiging Di-makasarili ni Nehemias

14 Bukod dito, mula nang panahong ako'y hirangin na maging tagapamahala nila sa lupain ng Juda, mula sa ikadalawampung taon hanggang sa ikatatlumpu't dalawang taon ni Haring Artaxerxes, samakatuwid ay labindalawang taon, ako at ang aking mga kapatid ay hindi kumain ng pagkaing panustos para sa tagapamahala.

15 Ang mga dating tagapamahalang nauna sa akin ay nagpataw ng mabigat na pasanin sa taong-bayan, at kumuha sa kanila ng pagkain at alak, bukod sa apatnapung siklong pilak. Maging ang kanilang mga lingkod ay nagmalupit sa taong-bayan. Ngunit iyon ay hindi ko ginawa, dahil sa takot sa Diyos.

16 Itinalaga ko ang aking sarili sa gawain sa pader na ito, at hindi bumili ng lupain; at ang lahat ng aking mga lingkod ay nagtipun-tipon doon para sa gawain.

17 Bukod dito'y nagkaroon sa aking hapag ng isandaan at limampung katao, mga Judio at mga pinuno, bukod sa pumunta sa amin mula sa mga bansang nasa palibot namin.

18 Ang inihahanda sa bawat araw ay isang baka at anim na tupang pinili; ang mga manok ay inihanda rin para sa akin, at bawat sampung araw ay maraming sari-saring alak. Gayunman, sa kabila ng lahat ng ito ay hindi ako humingi ng pagkaing panustos para sa tagapamahala, dahil sa mabigat na pasanin ng paggawa na nasa taong-bayan.

19 O aking Diyos, alalahanin mo para sa aking ikabubuti, ang lahat ng aking ginawa para sa bayang ito.

Mga Pakana Laban kay Nehemias

Nang maibalita kina Sanballat, Tobias, at Gesem na taga-Arabia, at sa iba pa naming mga kaaway na naitayo ko na ang pader at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong iyon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan),

sina Sanballat at Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, “Pumarito ka, magkita tayo sa isa sa mga nayon sa kapatagan ng Ono.” Ngunit nagbabalak silang gawan ako ng masama.

At ako'y nagpadala ng mga sugo sa kanila, na nagsasabi, “Ako'y gumagawa ng isang dakilang gawain at hindi ako makakababa. Bakit kailangang itigil ang gawain, habang wala ako upang makababa lamang sa inyo?”

At sila'y nagsugo sa akin nang apat na ulit sa ganitong paraan at sinagot ko sila sa gayunding paraan.

Sa gayunding paraan isinugo ni Sanballat ang kanyang lingkod sa akin sa ikalimang pagkakataon na may bukas na sulat sa kanyang kamay.

Doon ay nakasulat: “Naibalita sa mga bansa, at sinasabi rin ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak maghimagsik na siyang dahilan kung bakit nagtatayo ka ng pader. At nais mong maging hari nila, ayon sa ulat na ito.

At naglagay ka rin ng mga propeta upang magpahayag tungkol sa iyo sa Jerusalem, ‘May isang hari sa Juda.’ At ngayo'y ibabalita ito sa hari ayon sa mga salitang ito. Kaya't pumarito ka ngayon, at mag-usap tayo.”

Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kanya, na sinasabi, “Walang ganyang mga bagay na gaya ng iyong sinasabi ang ginawa. Kinatha mo lamang ang mga iyan mula sa sarili mong pag-iisip.”

Sapagkat ibig nilang lahat na takutin kami, na nag-aakalang, “Hihinto ang mga kamay nila sa paggawa at hindi ito matatapos.” Ngunit ngayon, O Diyos, palakasin mo ang aking mga kamay.

10 Nang ako'y pumaroon sa bahay ni Shemaya na anak ni Delaias na anak ni Mehetabel na nakulong ay kanyang sinabi, “Tayo'y magtipon sa bahay ng Diyos, sa loob ng templo, at isara natin ang mga pinto ng templo; sapagkat sila'y darating upang patayin ka. Tiyak, sa gabi ay darating sila upang patayin ka.”

11 Ngunit aking sinabi, “Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? Ang tao bang gaya ko ay papasok sa templo upang iligtas ang buhay? Hindi ako papasok.”

12 At aking napag-alaman at nakita na hindi siya sinugo ng Diyos, kundi kanyang sinabi ang propesiya laban sa akin, sapagkat inupahan siya nina Tobias at Sanballat.

13 Para sa layuning ito ay inupahan siya, upang ako'y matakot at kumilos sa ganitong paraan at magkasala, upang mabigyan nila ako ng isang masamang pangalan at ako'y kanilang tuyain.

14 Alalahanin mo, O aking Diyos, sina Tobias at Sanballat ayon sa mga gawang ito na kanilang ginawa, gayundin ang babaing propeta na si Noadias at ang iba pang mga propeta na nagnais na ako'y takutin.

Ang Pagtatapos ng Gawain

15 Sa gayo'y natapos ang pader sa ikadalawampu't limang araw ng buwan ng Elul, sa loob ng limampu't dalawang araw.

16 Nang ito'y mabalitaan ng lahat ng aming mga kaaway, ang lahat ng mga bansang nasa palibot namin ay natakot at napahiya sa kanilang sariling pagmamataas, sapagkat kanilang nabatid na ang gawang ito ay natapos sa tulong ng aming Diyos.

17 Bukod dito, sa mga araw na iyon ay nagpadala ng maraming sulat kay Tobias ang mga maharlika sa Juda at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila.

18 Sapagkat marami sa Juda ang nanumpa sa kanya, sapagkat siya'y manugang ni Shecanias na anak ni Arah; at kinuha ng kanyang anak na si Jehohanan ang anak na babae ni Mesulam na anak ni Berequias upang maging kanyang asawa.

19 Nagsalita rin sila tungkol sa kanyang mabubuting gawa sa harapan ko, at ibinalita ang aking mga sinabi sa kanya. At si Tobias ay nagpadala ng mga sulat upang takutin ako.

Nang ang pader ay naitayo na at nailagay ko na ang mga pinto, ang mga bantay-pinto, mga mang-aawit, at ang mga Levita ay nahirang na,

aking ibinigay kay Hanani na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem, sapagkat siya'y isang higit na tapat na lalaki at natatakot sa Diyos kaysa marami.

Sinabi ko sa kanila, “Huwag bubuksan ang mga pintuan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nagbabantay, isara nila at ikandado ang mga pinto. Humirang kayo ng mga bantay mula sa mga mamamayan ng Jerusalem, bawat isa'y sa kanyang binabantayan, at bawat isa'y sa tapat ng kanyang bahay.”

Ang Talaan ng mga Bumalik mula sa Pagkabihag(E)

Ang lunsod ay maluwang at malaki, ngunit ang mga tao sa loob nito ay kakaunti at wala pang mga bahay na naitatayo.

Inilagay ng Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, mga pinuno, at ang taong-bayan upang magpatala ayon sa talaan ng lahi. Aking natagpuan ang aklat ng talaan ng lahi ng mga nagsiahon noong una, at aking natagpuang nakasulat doon:

Ang mga ito ang mga tao ng lalawigan na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia; sila'y nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, bawat isa'y sa kanyang bayan.

Sila'y dumating na kasama nina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana. Ang bilang ng mga lalaki ng Israel ay ito:

ang mga anak ni Paros, dalawang libo isandaan at pitumpu't dalawa.

Ang mga anak ni Shefatias, tatlong daan at pitumpu't dalawa.

10 Ang mga anak ni Arah, animnaraan at limampu't dalawa.

11 Ang mga anak ni Pahat-moab, na mga anak ni Jeshua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labingwalo.

12 Ang mga anak ni Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.

13 Ang mga anak ni Zatu, walong daan at apatnapu't lima.

14 Ang mga anak ni Zacai, pitong daan at animnapu.

15 Ang mga anak ni Binui, animnaraan at apatnapu't walo.

16 Ang mga anak ni Bebai, animnaraan at dalawampu't walo.

17 Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo tatlong daan at dalawampu't dalawa.

18 Ang mga anak ni Adonikam, animnaraan at animnapu't pito.

19 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at animnapu't pito.

20 Ang mga anak ni Adin, animnaraan at limampu't lima.

21 Ang mga anak ni Ater, kay Hezekias, siyamnapu't walo.

22 Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawampu't walo.

23 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawampu't apat.

24 Ang mga anak ni Harif, isandaan at labindalawa.

25 Ang mga anak ng Gibeon, siyamnapu't lima.

26 Ang mga lalaki ng Bethlehem at ng Netofa, isandaan at walumpu't walo.

27 Ang mga lalaki ng Anatot, isandaan at dalawampu't walo.

28 Ang mga lalaki ng Betazmavet, apatnapu't dalawa.

29 Ang mga lalaki ng Kiryat-jearim, ng Cefira, at ng Beerot, pitong daan at apatnapu't tatlo.

30 Ang mga lalaki ng Rama at ng Geba, animnaraan at dalawampu't isa.

31 Ang mga lalaki ng Mikmas, isandaan at dalawampu't dalawa.

32 Ang mga lalaki ng Bethel at ng Ai, isandaan at dalawampu't tatlo.

33 Ang mga lalaki ng isa pang Nebo, limampu't dalawa.

34 Ang mga anak ng isa pang Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.

35 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawampu.

36 Ang mga anak ng Jerico, tatlong daan at apatnapu't lima.

37 Ang mga anak ng Lod, Hadid at Ono, pitong daan at dalawampu't isa.

38 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo siyamnaraan at tatlumpu.

39 Ang mga pari: ang mga anak ni Jedias sa sambahayan ni Jeshua, siyamnaraan at pitumpu't tatlo.

40 Ang mga anak ni Imer, isang libo at limampu't dalawa.

41 Ang mga anak ni Pashur, isang libo dalawandaan at apatnapu't pito.

42 Ang mga anak ni Harim, isang libo at labimpito.

43 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jeshua, ni Cadmiel sa mga anak ni Odevia, pitumpu't apat.

44 Ang mga mang-aawit: ang mga anak ni Asaf, isandaan at apatnapu't walo.

45 Ang mga bantay-pinto: ang mga anak ni Shallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Akub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isandaan at tatlumpu't walo.

46 Ang mga lingkod sa templo:[b] ang mga anak ni Ziha, ang mga anak ni Hasufa, ang mga anak ni Tabaot;

47 ang mga anak ni Keros, ang mga anak ni Sia, ang mga anak ni Fadon;

48 ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai;

49 ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar;

50 ang mga anak ni Reaya, ang mga anak ni Rezin, ang mga anak ni Nekoda;

51 ang mga anak ni Gazam, ang mga anak ni Uza, ang mga anak ni Pasea;

52 ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim;

53 ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacufa, ang mga anak ni Harhur;

54 ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;

55 ang mga anak ni Barkos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;

56 ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatifa.

57 Ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Soferet, ang mga anak ni Perida;

58 ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darkon, ang mga anak ni Giddel;

59 ang mga anak ni Shefatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hazzebaim, ang mga anak ni Amon.

60 Lahat ng mga lingkod sa templo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay tatlong daan at siyamnapu't dalawa.

61 At sumusunod ay yaong umahon mula sa Telmelah, Telharsa, Kerub, Addon, at Imer, ngunit hindi nila mapatunayan ang mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, kung sila ba ay kabilang sa Israel:

62 ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nekoda, animnaraan at apatnapu't dalawa.

63 At sa mga pari: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Hakoz, ang mga anak ni Barzilai, (na nag-asawa sa anak ni Barzilai na Gileadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan).

64 Hinanap ng mga ito ang kanilang talaan ng lahi doon sa mga nakatala sa talaan ng lahi, ngunit iyon ay hindi natagpuan doon, kaya't sila'y ibinilang na marurumi at inalis sa pagkapari.

65 Sinabi(F) sa kanila ng tagapamahala na huwag kakain ng kabanal-banalang pagkain, hanggang sa tumayo ang isang pari na may Urim at may Tumim.

66 Ang buong kapisanang magkakasama ay apatnapu't dalawang libo at tatlong daan at animnapu,

67 bukod sa kanilang mga lingkod na lalaki at babae na may pitong libo at tatlong daan at tatlumpu't pito; at sila'y may dalawandaan at apatnapu't limang mang-aawit na lalaki at babae.

68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlumpu't anim; ang kanilang mga mola ay dalawandaan at apatnapu't lima;

69 ang kanilang mga kamelyo ay apatnaraan at tatlumpu't lima; ang kanilang mga asno ay anim na libo pitong daan at dalawampu.

Ang Salapi ay Ibinigay para sa Templo

70 Ang ilan sa mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno ay nagbigay ng tulong sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa kabang-yaman ng isang libong darikong ginto, limampung mangkok, limang daan at tatlumpung bihisan ng mga pari.

71 Ang ilan sa mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno ay nagbigay sa kabang-yaman ng gawain ng dalawampung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawandaang librang pilak.

72 Ang ibinigay na tulong ng nalabi sa bayan ay dalawampung libong darikong ginto, dalawang libong librang pilak, at animnapu't pitong bihisan ng mga pari.

73 Kaya't(G) ang mga pari, mga Levita, mga bantay-pinto, mga mang-aawit, ang ilan sa mga mamamayan, at ang mga lingkod sa templo, at ang buong Israel ay nanirahan sa kanilang mga bayan. Nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nasa kanilang mga bayan.

Ang Kautusan ay Binasa ni Ezra sa Harap ng mga Tao

Ang buong bayan ay nagtipun-tipon na parang isang tao sa liwasang-bayan na nasa harapan ng Pintuang Tubig. Kanilang sinabi kay Ezra na eskriba na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises na ibinigay ng Panginoon sa Israel.

Dinala ng paring si Ezra ang aklat ng kautusan sa harapan ng kapulungan, na mga lalaki at mga babae, at sa lahat na makakarinig na may pang-unawa, nang unang araw ng ikapitong buwan.

Siya'y bumasa mula roon sa harapan ng liwasan na nasa harapan ng Pintuang Tubig, mula sa madaling-araw hanggang sa katanghaliang-tapat sa harapan ng mga lalaki at mga babae at ng mga nakakaunawa; at ang mga pandinig ng buong bayan ay nakatuon sa pakikinig sa aklat ng kautusan.

Si Ezra na eskriba ay tumayo sa pulpitong kahoy na kanilang ginawa para sa layuning ito. Sa tabi niya ay nakatayo sina Matithias, Shema, Anaias, Urias, Hilkias, at si Maasias ay nasa kanyang kanan. At sa kanyang kaliwa ay sina Pedaya, Misael, Malkia, Hasum, Hasbedana, Zacarias, at Mesulam.

Binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng buong bayan; (sapagkat siya'y nasa itaas ng buong bayan;) at nang ito'y kanyang buksan, ang buong bayan ay tumayo:

Pinuri ni Ezra ang Panginoon, ang dakilang Diyos. At ang buong bayan ay sumagot, “Amen, Amen,” na nakataas ang kanilang mga kamay; at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha'y nakatungo sa lupa.

Gayundin sina Jeshua, Bani, Sherebias, Jamin, Akub, Sabetai, Hodias, Maasias, Kelita, Azarias, Jozabed, Hanan, Pelaia, ang mga Levita ay tumulong sa taong-bayan upang maunawaan ang kautusan, samantalang ang taong-bayan ay nanatili sa kanilang kinatatayuan.

Kaya't sila'y bumasa mula sa aklat, sa kautusan ng Diyos, na may pakahulugan. Kanilang ibinigay ang diwa, kaya't naunawaan ng mga tao ang binasa.

Si Nehemias na tagapamahala, ang pari at eskribang si Ezra, at ang mga Levita na nagturo sa bayan ay nagsabi sa buong bayan, “Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Diyos; huwag kayong tumangis, ni umiyak man.” Sapagkat ang buong bayan ay umiyak nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan.

10 Pagkatapos ay kanyang sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa inyong lakad, kumain kayo ng masarap na pagkain at uminom kayo ng matamis na alak, at magpadala kayo ng mga bahagi sa mga walang naihanda, sapagkat ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong malungkot, sapagkat ang kagalakan sa Panginoon ang inyong kalakasan.”

11 Sa gayo'y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan, na sinasabi, “Kayo'y tumahimik, sapagkat ang araw na ito ay banal; huwag kayong malungkot.”

12 Ang buong bayan ay humayo sa kanilang lakad upang kumain at uminom at magdala ng mga bahagi, at para gumawa ng malaking kasayahan, sapagkat kanilang naunawaan ang mga salitang ipinahayag sa kanila.

Ang Pista ng mga Kubol

13 Sa ikalawang araw ay nagtipun-tipon ang mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno ng buong bayan kasama ang mga pari, at ang mga Levita kay Ezra na eskriba upang pag-aralan ang mga salita ng kautusan.

14 Kanilang(H) napag-alamang nakasulat sa kautusan na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na ang mga anak ni Israel ay manirahan sa mga kubol[c] sa kapistahan ng ikapitong buwan,

15 at dapat nilang ibalita at ipahayag ang ganito sa lahat ng kanilang mga bayan at sa Jerusalem, “Lumabas kayo sa bundok at kumuha kayo ng mga sanga ng olibo, mga sanga ng olibong-ligaw, mirto, palma, at iba pang madahong punungkahoy upang gumawa ng mga kubol, gaya ng nakasulat.”

16 Kaya't lumabas ang bayan at dinala ang mga iyon at gumawa ng mga kubol, bawat isa'y sa bubungan ng kanilang bahay, mga bulwagan, sa mga bulwagan ng bahay ng Diyos, sa liwasan sa Pintuang Tubig, at sa liwasan sa Pintuan ng Efraim.

17 Ang buong kapulungan nang bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol, at nanirahan sa mga kubol; sapagkat mula sa mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na iyon ay hindi gumawa ang mga anak ni Israel ng gayon. Nagkaroon ng napakalaking kasayahan.

18 At araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huling araw, siya ay bumasa mula sa aklat ng kautusan ng Diyos. Kanilang ipinagdiwang ang kapistahan sa loob ng pitong araw, at sa ikawalong araw ay nagkaroon ng isang taimtim na pagtitipon, ayon sa batas.

Ipinahayag ng Bayan ang Kanilang mga Kasalanan

Nang ikadalawampu't apat na araw ng buwang ito ang bayang Israel ay nagtipun-tipon na may pag-aayuno at nakasuot ng damit-sako, at may lupa sa mga ulo nila.

Ang mga Israelita ay humiwalay sa lahat ng mga dayuhan, at nagtayo at nagpahayag ng kanilang mga kasalanan at ng mga kasamaan ng kanilang mga ninuno.

Sila'y tumayo sa kanilang lugar at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Diyos sa loob ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at sa ibang ikaapat na bahagi nito ay nagpahayag ng kasalanan at sumamba sa Panginoon nilang Diyos.

Tumayo sa mga baytang ng mga Levita sina Jeshua, Bani, Cadmiel, Sebanias, Buni, Sherebias, Bani, at si Chenani at sumigaw nang malakas na tinig sa Panginoon nilang Diyos.

Ang mga Levitang sina Jeshua, Cadmiel, Bani, Hashabneias, Sherebias, Hodias, Sebanias, at Petaya, ay nagsabi, “Tumayo kayo at purihin ang Panginoon ninyong Diyos mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. Purihin ang iyong maluwalhating pangalan na nataas nang higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.”

“Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang. Ikaw ang gumawa ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat ng natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na naroon, ng mga dagat at ng lahat na naroon, at pinananatili mo silang lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.

Ikaw(I) ang Panginoon, ang Diyos na siyang pumili kay Abram at naglabas sa kanya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kanya ng pangalang Abraham.

Natagpuan(J) mong tapat ang kanyang puso sa harapan mo, at nakipagtipan ka sa kanya upang ibigay sa kanyang mga binhi ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo, at Gergeseo, at tinupad mo ang iyong pangako, sapagkat ikaw ay matuwid.

“Iyong(K) nakita ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Ehipto, at iyong pinakinggan ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Pula.

10 Nagpakita(L) ka ng mga tanda at mga kababalaghan laban kay Faraon at sa lahat niyang mga lingkod at sa lahat ng mga tao ng kanyang lupain, sapagkat iyong nalaman na sila'y gumawa na may kapalaluan laban sa aming mga ninuno at ikaw ay gumawa para sa iyo ng pangalan na nananatili hanggang sa araw na ito.

11 Iyong(M) hinawi ang dagat sa harapan nila, kaya't sila'y dumaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa. Ang mga humahabol sa kanila ay iyong itinapon sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.

12 Sa(N) pamamagitan ng isang haliging ulap ay pinatnubayan mo sila sa araw, at sa pamamagitan ng isang haliging apoy sa gabi upang tumanglaw sa kanila sa daan na kanilang dapat lakaran.

13 Ikaw(O) ay bumaba sa bundok ng Sinai at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na batas at mga tunay na kautusan, mabuting mga tuntunin at mga utos.

14 Ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na Sabbath, at nag-utos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga tuntunin at ng kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.

15 Binigyan(P) mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang pagkagutom at nagpalabas ka ng tubig para sa kanila mula sa malaking bato para sa kanilang uhaw, at sinabi mo sa kanila na pumasok upang angkinin ang lupain na iyong ipinangakong ibibigay sa kanila.

16 “Ngunit(Q) sila at ang aming mga ninuno ay kumilos na may kapangahasan, at pinatigas ang kanilang leeg at hindi tinupad ang iyong mga utos.

17 Ayaw(R) nilang sumunod, at hindi inalala ang mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi naging matigas ang kanilang ulo[d] at pumili ng isang pinuno upang bumalik sa kanilang pagkabihag sa Ehipto. Ngunit ikaw ay Diyos na handang magpatawad, mapagpala at mahabagin, hindi magagalitin, sagana sa tapat na pag-ibig, at hindi mo sila pinabayaan,

18 maging(S) nang sila'y gumawa ng isang guyang hinulma at magsabi, ‘Ito ang iyong Diyos na nag-ahon sa iyo mula sa Ehipto,’ at gumawa ng mabibigat na paglapastangan.

19 Ikaw,(T) sa iyong dakilang kaawaan ay hindi mo sila pinabayaan sa ilang. Ang haliging ulap na pumatnubay sa kanila sa daan ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, maging ang haliging apoy man sa gabi na nagbigay ng liwanag sa kanila sa kanilang dapat lakaran.

20 Ibinigay mo ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo ipinagkait ang iyong manna mula sa kanilang bibig, at binigyan mo sila ng tubig para sa kanilang uhaw.

21 Sa loob ng apatnapung taon ay inalalayan mo sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anuman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.

22 Binigyan(U) mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong ibinahagi sa kanila ang bawat sulok; kaya't kanilang inangkin ang lupain ni Sihon, na hari ng Hesbon, at ang lupain ni Og na hari ng Basan.

23 Pinarami(V) mo ang kanilang mga anak gaya ng mga bituin sa langit, at dinala mo sila sa lupain na iyong sinabi sa kanilang mga ninuno na pasukin at angkinin.

24 Kaya't(W) ang taong-bayan ay pumasok at inangkin ang lupain. Iyong pinasuko sa harapan nila ang mga naninirahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ang kanilang mga hari at ang mga tao ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang naisin.

25 Kanilang(X) nasakop ang mga bayang nakukutaan at ang mayamang lupain, at inangkin ang mga bahay na punô ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon na hinukay, mga ubasan, mga olibohan, mga punungkahoy na may bungang sagana; kaya't sila'y kumain, nabusog, tumaba, at nalugod sa iyong dakilang kabutihan.

26 “Gayunma'y(Y) naging masuwayin sila at naghimagsik laban sa iyo, at tinalikuran ang iyong kautusan at pinatay ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila upang mapanumbalik sa iyo, at sila'y gumawa ng mabibigat na paglapastangan.

27 Kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na siyang nagpahirap sa kanila. At sa panahon ng kanilang paghihirap ay dumaing sila sa iyo, at dininig mo sila mula sa langit; at ayon sa iyong dakilang kaawaan ay binigyan mo sila ng mga tagapagligtas na nagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kaaway.

28 Ngunit pagkatapos na sila'y magkaroon ng kapahingahan, muli silang gumawa ng kasamaan sa harapan mo at iniwan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway. Kaya't sila'y nagkaroon ng kapamahalaan sa kanila; ngunit nang sila'y manumbalik at dumaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit at maraming ulit na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.

29 At(Z) iyong binalaan sila upang maibalik sila sa iyong kautusan. Ngunit kumilos silang may kapangahasan, at hindi tinupad ang iyong mga utos, kundi nagkasala laban sa iyong mga batas, na kung tutuparin ito ng isang tao, siya'y mabubuhay, at iniurong ang balikat at pinatigas ang kanilang leeg at hindi sumunod.

30 Maraming(AA) taon mo silang tiniis, at nagbabala sa kanila ang iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta, gayunma'y ayaw nilang makinig. Kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga tao ng mga lupain.

31 Gayunma'y sa iyong dakilang mga kaawaan ay hindi mo sila winakasan o tinalikuran man sila; sapagkat ikaw ay mapagpala at maawaing Diyos.

32 “Kaya't(AB) ngayon, aming Diyos, ang dakila, makapangyarihan, at kasindak-sindak na Diyos, na nag-iingat ng tipan at ng tapat na pag-ibig, huwag mong ituring na munting bagay sa harapan mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta, mga ninuno, at sa iyong buong bayan, mula sa panahon ng mga hari ng Asiria hanggang sa araw na ito.

33 Gayunma'y naging makatarungan ka sa lahat ng sumapit sa amin; sapagkat kumilos kang may katapatan, ngunit kumilos kaming may kasamaan.

34 Ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, at ang aming mga ninuno ay hindi sumunod sa iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga babala na iyong ibinigay sa kanila.

35 Hindi sila naglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kabutihan na iyong ibinigay sa kanila, at sa malaki at mayamang lupain na iyong ibinigay sa harapan nila, at hindi sila humiwalay sa kanilang masasamang gawa.

36 Narito kami, mga alipin sa araw na ito, sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga ninuno upang tamasahin ang bunga niyon, at ang mabubuting kaloob niyon. Narito, kami ay mga alipin.

37 Ang kanyang mayamang bunga ay napupunta sa mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan; may kapangyarihan din sila sa aming mga katawan at sa aming hayop ayon sa ikasisiya nila, at kami ay nasa malaking pagkabalisa.”

Lumagda ang Bayan sa Isang Kasunduan

38 Dahil sa lahat ng ito, kami ay gumawa ng matibay na kasunduan at isinusulat ito, at ang aming mga pinuno, ang aming mga Levita, at ang aming mga pari ay naglagay ng kanilang tatak dito.

10 Yaong mga naglagay ng kanilang tatak ay sina Nehemias na tagapamahala, na anak ni Hachalias, at si Zedekias,

Seraya, Azarias, Jeremias,

Pashur, Amarias, Malkia,

Hatus, Sebanias, Malluc,

Harim, Meremot, Obadias,

si Daniel, Gineton, Baruc,

Mesulam, Abias, Mijamin,

Maasias, Bilgai at si Shemaya: ang mga ito'y mga pari.

Ang mga Levita: sina Jeshua na anak ni Azanias, si Binui sa mga anak ni Henadad, si Cadmiel,

10 at ang kanilang mga kapatid na sina Sebanias, Hodias, Kelita, Pelaia, Hanan,

11 Mica, Rehob, Hashabias,

12 Zacur, Sherebias, Sebanias,

13 Hodias, Bani, at si Beninu.

14 Ang mga puno ng bayan: sina Paros, Pahat-moab, Elam, Zatu, Bani,

15 Buni, Azgad, Bebai,

16 Adonias, Bigvai, Adin,

17 Ater, Hezekias, Azur,

18 Hodias, Hasum, Bezai,

19 Arif, Anatot, Nebai,

20 Magpias, Mesulam, Hezir,

21 Mesezabel, Zadok, Jadua,

22 Pelatias, Hanan, Anaias,

23 Hosheas, Hananias, Hashub,

24 Hallohes, Pilha, Sobec,

25 Rehum, Hasabna, si Maasias,

26 Ahijas, Hanan, Anan,

27 Malluc, Harim, at si Baana.

Ang Kasunduan

28 At ang iba pa sa taong-bayan, ang mga pari, mga Levita, mga bantay-pinto, mga mang-aawit, mga lingkod sa templo, at lahat ng humiwalay sa mga mamamayan ng mga lupain sa kautusan ng Diyos, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak na lalaki at babae, lahat ng may kaalaman at pagkaunawa,

29 ay sumama sa kanilang mga kapatid, sa kanilang mga maharlika, at nanumpa na may panata na lalakad sa kautusan ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Diyos, at upang ganapin at gawin ang lahat ng utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ang kanyang mga batas at mga tuntunin.

30 Hindi(AC) ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga mamamayan ng lupain, o papag-aasawahin man ang kanilang mga anak na babae sa aming mga anak na lalaki.

31 Kung(AD) ang mga mamamayan ng lupain ay magdala ng mga kalakal o ng anumang butil sa araw ng Sabbath upang ipagbili, kami ay hindi bibili sa kanila sa Sabbath, o sa isang banal na araw. Aming hahayaan ang mga anihin sa ikapitong taon at ang pagsingil ng bawat utang.

32 Ipinapataw(AE) din namin sa aming sarili ang katungkulang singilin ang aming sarili sa taun-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo para sa paglilingkod sa bahay ng aming Diyos:

33 para sa tinapay na handog, sa patuloy na handog na butil, sa patuloy na handog na sinusunog, sa mga Sabbath, sa mga bagong buwan, sa mga takdang kapistahan, sa mga banal na bagay, at sa mga handog pangkasalanan upang itubos sa Israel at sa lahat ng gawain sa bahay ng aming Diyos.

34 Kami ay nagpalabunutan din na kasama ang mga pari, mga Levita, at ang taong-bayan, para sa kaloob na panggatong upang dalhin ito sa bahay ng aming Diyos, ayon sa mga sambahayan ng aming mga ninuno sa mga panahong itinakda, taun-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Diyos, gaya ng nakasulat sa kautusan.

35 Itinatakda(AF) namin sa aming sarili na dalhin ang mga unang bunga ng aming lupa at ang mga unang bunga ng lahat ng bunga ng bawat punungkahoy, taun-taon, sa bahay ng Panginoon;

36 at(AG) upang dalhin din sa bahay ng aming Diyos, sa mga pari na nangangasiwa sa bahay ng aming Diyos, ang panganay sa aming mga anak na lalaki at ng aming hayop, gaya ng nakasulat sa kautusan, at ang mga panganay ng aming bakahan at ng aming mga kawan;

37 at(AH) upang aming dalhin ang mga unang bahagi ng aming harina, ang aming mga ambag, ang bunga ng bawat punungkahoy, ang alak at ang langis, sa mga pari, sa mga silid ng bahay ng aming Diyos; at upang dalhin ang mga ikasampung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagkat ang mga Levita ang lumilikom ng mga ikasampung bahagi sa lahat ng aming mga bayan sa kabukiran.

38 Ang(AI) pari na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita kapag tumatanggap ang mga Levita ng mga ikasampung bahagi. At iaakyat ng mga Levita ang ikasampung bahagi ng mga ikasampung bahagi sa bahay ng aming Diyos, sa mga silid ng bahay-imbakan.

39 Sapagkat dadalhin ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Levi ang mga handog na trigo, alak, at langis sa mga silid na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuwaryo, at ng mga pari na nangangasiwa at ng mga bantay-pinto at mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.

Ang mga Taong Nanirahan sa Jerusalem

11 Ang mga pinuno ng bayan ay nanirahan sa Jerusalem; at ang iba naman sa taong-bayan ay nagpalabunutan upang kunin ang isa sa bawat sampu na maninirahan sa Jerusalem, na lunsod na banal, habang ang siyam na bahagi ay nanatili sa ibang mga bayan.

Binasbasan ng taong-bayan ang lahat ng mga lalaki na nagkusang tumira sa Jerusalem.

Ang(AJ) mga ito ang mga puno sa lalawigan na nanirahan sa Jerusalem; ngunit sa bayan ng Juda ay nanirahan ang bawat isa sa kanya-kanyang ari-arian sa kanilang mga bayan: ang Israel, mga pari, mga Levita, mga lingkod sa templo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon.

Sa Jerusalem ay nanirahan ang ilan sa mga anak ni Juda at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Ataias na anak ni Uzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Shefatias na anak ni Mahalalel, sa mga anak ni Perez;

at si Maasias na anak ni Baruc, na anak ni Colhoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaya, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Shilonita.

Ang lahat ng mga anak ni Perez na nanirahan sa Jerusalem ay apatnaraan at animnapu't walong matatapang na mandirigma.

At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Sallu na anak ni Mesulam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaya, na anak ni Kolaias, na anak ni Maasias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jeshaias.

Kasunod niya ay si Gabai, si Sallai, na siyamnaraan at dalawampu't walo.

At si Joel na anak ni Zicri ang kanilang tagapamahala; at si Juda na anak ni Hasenua ang pangalawa sa lunsod.

10 Sa mga pari: sina Jedias na anak ni Joiarib, Jakin,

11 Seraya na anak ni Hilkias, na anak ni Mesulam, na anak ni Zadok, na anak ni Meraiot, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Diyos,

12 at ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawampu't dalawa; at si Adaya na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malkia,

13 at ang kanyang mga kapatid, na mga puno sa mga sambahayan ng mga ninuno, dalawandaan at apatnapu't dalawa; at si Amasai na anak ni Azarel, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemot, na anak ni Imer,

14 at ang kanilang mga kapatid, matatapang na mandirigma, isandaan at dalawampu't walo; at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Hagedolim.

15 At sa mga Levita: si Shemaya na anak ni Hashub, na anak ni Azricam, na anak ni Hashabias, na anak ni Buni;

16 at si Sabetai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na silang namahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Diyos;

17 at si Matanias, na anak ni Mica, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaf, na siyang pinuno upang pasimulan ang pagpapasalamat sa panalangin, at si Bakbukias, ang ikalawa sa kanyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jedutun.

18 Lahat ng mga Levita sa lunsod na banal ay dalawandaan at walumpu't apat.

19 Ang mga bantay-pinto na sina Akub, Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nagbabantay sa mga pintuan ay isandaan at pitumpu't dalawa.

20 At ang iba pa sa Israel, sa mga pari, at sa mga Levita ay nasa lahat ng mga bayan ng Juda, bawat isa'y sa kanya-kanyang mana.

21 Ngunit ang mga lingkod sa templo ay tumira sa Ofel; at sina Ziha at Gispa ay namuno sa mga lingkod sa templo.

22 Ang tagapamahala sa mga Levita na nasa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani, na anak ni Hashabias, na anak ni Matanias, na anak ni Mica, sa mga anak ni Asaf, na mga mang-aawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Diyos.

23 Sapagkat may utos mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang panustos para sa mga mang-aawit, ayon sa kailangan sa bawat araw.

24 At si Petaya na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zera na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng mga bagay na tungkol sa mga tao.

Ang mga Tao sa Iba Pang mga Bayan at Lunsod

25 At tungkol sa mga nayon, pati ang kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nanirahan sa Kiryat-arba at sa mga nayon nito, at sa Dibon at sa mga nayon nito, at sa Jecabzeel at sa mga nayon nito;

26 at sa Jeshua, Molada, at Bet-pelet;

27 sa Hazarshual, sa Beer-seba, at sa mga nayon nito;

28 sa Siclag, Mecona, at sa mga nayon nito;

29 sa Enrimmon, Sora, at sa Jarmut;

30 sa Zanoa, sa Adullam, at sa mga nayon nito, sa Lakish at sa mga parang nito, sa Azeka at sa mga nayon nito. Gayon sila nagkampo mula sa Beer-seba hanggang sa libis ng Hinom.

31 Ang mga anak ni Benjamin ay nanirahan din mula sa Geba, hanggang sa Mikmas, Aia, at sa Bethel at sa mga nayon nito;

32 sa Anatot, Nob, at sa Ananias;

33 sa Hazor, Rama, Gitaim;

34 Hadid, Zeboim, Neballat;

35 Lod, at sa Ono na libis ng mga manggagawa.

36 Ilan sa mga pangkat ng Levita sa Juda ay isinama sa Benjamin.

Ang Talaan ng mga Pari at mga Levita

12 Ang mga ito ang mga pari at ang mga Levita na umahong kasama ni Zerubabel na anak ni Shealtiel, at ni Jeshua: sina Seraya, Jeremias, Ezra;

Amarias; Malluc, Hatus;

Shecanias, Rehum, Meremot;

Iddo, Ginetoi, Abias;

Mijamin, Maadias, Bilga;

Shemaya, Joiarib, Jedias;

Sallu, Amok, Hilkias, at si Jedias. Ang mga ito ang mga puno ng mga pari at ng kanilang mga kapatid sa mga araw ni Jeshua.

At ang mga Levita: sina Jeshua, Binui, Cadmiel, Sherebias, Juda, at Matanias, na kasama ng kanyang mga kapatid na namahala sa mga awit ng pasasalamat.

Sina Bakbukias at Uni na kanilang mga kapatid ay tumayong kaharap nila sa paglilingkod.

10 Si Jeshua ay siyang ama ni Joiakim, si Joiakim ay ama ni Eliasib, si Eliasib ang ama ni Joiada,

11 si Joiada ang ama ni Jonathan at si Jonathan ang ama ni Jadua.

Mga Puno ng Angkan ng mga Pari

12 At sa mga araw ni Joiakim ay ang mga pari, na mga puno ng mga sambahayan ng mga magulang: kay Seraya, si Meraias; kay Jeremias, si Hananias;

13 kay Ezra, si Mesulam; kay Amarias, si Jehohanan;

14 kay Melica, si Jonathan; kay Sebanias, si Jose;

15 kay Harim, si Adna; kay Meraiot, si Helcai;

16 kay Iddo, si Zacarias; kay Gineton, si Mesulam;

17 kay Abias, si Zicri; kay Miniamin, kay Moadias, si Piltai;

18 kay Bilga, si Samua; kay Shemaya, si Jonathan;

19 at kay Joiarib, si Matenai; kay Jedias, si Uzi;

20 kay Sallai, si Kallai; kay Amok, si Eber;

21 Kay Hilkias, si Hashabias; kay Jedias, si Natanael.

Talaan ng Sambahayan ng mga Pari at mga Levita

22 Tungkol sa mga Levita, sa mga araw nina Eliasib, Joiada, Johanan, at ni Jadua, ay naitala ang mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno; gayundin ang mga pari hanggang sa paghahari ni Dario na taga-Persia.

23 Ang mga anak ni Levi, na mga puno ng mga sambahayan ng mga magulang ay nakasulat sa Aklat ng mga Kasaysayan hanggang sa mga araw ni Johanan na anak ni Eliasib.

Ang Pagbabaha-bahagi ng mga Gawain sa Templo

24 Ang mga puno ng mga Levita: sina Hashabias, Sherebias, at si Jeshua na anak ni Cadmiel, at ang kanilang mga kapatid na naglingkod sa tapat nila upang magpuri at magpasalamat, ayon sa utos ni David na tao ng Diyos, pangkat sa bawat pangkat.

25 Sina Matanias, Bakbukias, Obadias, Mesulam, Talmon, at Akub ay mga bantay-pinto, na nagbabantay sa mga kamalig na nasa malapit sa pintuan.

26 Ang mga ito'y sa mga araw ni Joiakim na anak ni Jeshua, na anak ni Josadak, at sa mga araw ni Nehemias na tagapamahala at ng paring si Ezra na eskriba.

Itinalaga ni Nehemias ang Pader ng Lunsod

27 Sa pagtatalaga ng pader ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita sa lahat nilang mga dako, upang dalhin sila sa Jerusalem at ipagdiwang ang pagtatalaga na may kagalakan, may mga pagpapasalamat at may mga awitan, may mga pompiyang, mga salterio, at mga alpa.

28 Ang mga anak ng mga mang-aawit ay sama-samang nagtipon mula sa kapatagan ng palibot ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng mga Netofatita;

29 at mula rin naman sa Bet-gilgal at mula sa mga bahagi ng Geba at ng Azmavet: sapagkat nagtayo para sa kanilang sarili ang mga mang-aawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem.

30 At ang mga pari at ang mga Levita ay naglinis ng kanilang mga sarili; at nilinis nila ang taong-bayan at ang mga pintuan at ang pader.

31 Pagkatapos ay isinama ko ang mga pinuno ng Juda sa ibabaw ng pader, at humirang ng dalawang malaking pulutong na nagpasalamat at sunud-sunod na lumakad. Ang isa'y tumungo sa kanan sa ibabaw ng pader sa dako ng Pintuan ng Tapunan ng Dumi;

32 at sumusunod sa kanila si Hoshaias at ang kalahati sa mga pinuno ng Juda,

33 at sina Azarias, Ezra, Mesulam,

34 Juda, Benjamin, Shemaya, at Jeremias,

35 at ang iba sa mga anak ng mga pari na may mga trumpeta: si Zacarias na anak ni Jonathan, na anak ni Shemaya, na anak ni Matanias, na anak ni Micaya, na anak ni Zacur, na anak ni Asaf;

36 at ang kanyang mga kapatid na sina Shemaya, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Natanael, Juda, at si Hanani, na may mga kagamitang panugtog ni David na tao ng Diyos; at si Ezra na eskriba ay nasa unahan nila.

37 Sa Pintuang Bukal, sa harapan nila, ay umakyat sila sa pamamagitan ng mga baytang ng lunsod ni David, sa akyatan sa pader, sa ibabaw ng bahay ni David, hanggang sa Pintuan ng Tubig sa dakong silangan.

38 Ang isa pang pulutong ng mga nagpapasalamat ay nagtungo sa kaliwa, at ako'y sumunod sa hulihan nila na kasama ko ang kalahati ng taong-bayan, sa ibabaw ng pader, sa itaas ng Tore ng mga Pugon, hanggang sa Maluwang na Pader;

39 at sa ibabaw ng Pintuan ng Efraim, at sa tabi ng Matandang Pintuan at sa may Pintuan ng Isda, at sa Tore ng Hananel, at sa Tore ng Isandaan, hanggang sa Pintuan ng mga Tupa; at sila'y huminto sa Pintuan ng Bantay.

40 Kaya't ang mga pulutong na nagpasalamat ay parehong tumayo sa bahay ng Diyos, at ako at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko;

41 at ang mga paring sina Eliakim, Maasias, Miniamin, Micaya, Elioenai, Zacarias, at si Hananias, na may mga trumpeta;

42 at si Maasias, Shemaya, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malkia, Elam, at si Eser. At ang mga mang-aawit ay nagsiawit na kasama si Jezrahias bilang kanilang pinuno.

43 At sila'y naghandog ng malalaking alay nang araw na iyon, at nagalak, sapagkat sila'y pinagalak ng Diyos ng malaking pagkagalak. Ang mga babae at ang mga bata ay nagalak din. At ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo.

44 Nang araw na iyon ay hinirang ang mga lalaki upang mangasiwa sa mga silid para sa mga imbakan, sa mga ambag, sa mga unang bunga, at sa mga ikasampung bahagi, upang tipunin sa mga iyon ang mga bahaging itinakda ng kautusan para sa mga pari at sa mga Levita ayon sa mga bukid ng mga bayan; sapagkat ang Juda ay nagalak sa mga pari at sa mga Levita na naglingkod.

45 Kanilang(AK) ginawa ang paglilingkod sa kanilang Diyos, at ang paglilingkod ng paglilinis, gaya ng ginawa ng mga mang-aawit at mga bantay-pinto, ayon sa utos ni David, at ni Solomon na kanyang anak.

46 Sapagkat sa mga araw ni David at ni Asaf nang una ay may pinuno ng mga mang-aawit, at may mga awit ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.

47 Ang buong Israel sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias ay nagbigay ng mga pang-araw-araw na bahagi sa mga mang-aawit at sa mga bantay-pinto, at kanilang itinalaga sa mga Levita; at ibinukod ng mga Levita ang para sa mga anak ni Aaron.

Paghiwalay sa mga Taga-ibang Bansa

13 Nang(AL) araw na iyon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pandinig ng taong-bayan; at doo'y natagpuang nakasulat na walang Ammonita o Moabita na dapat pumasok sa kapulungan ng Diyos magpakailanman;

sapagkat(AM) hindi nila pinasalubungan ang mga anak ni Israel ng tinapay at tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila—gayunma'y ginawang pagpapala ng aming Diyos ang sumpa.

Nang marinig ng taong-bayan ang kautusan, inihiwalay nila sa Israel ang lahat ng nagmula sa ibang mga bansa.

Mga Pagbabagong Isinagawa ni Nehemias

Bago nangyari ito, ang paring si Eliasib, na hinirang na mangasiwa sa mga silid ng bahay ng aming Diyos, at isang kamag-anak ni Tobias,

ay naghanda para kay Tobias ng isang malaking silid na dati nilang pinag-iimbakan ng mga handog na butil, mga kamanyang, mga sisidlan, mga ikasampung bahagi ng trigo, alak, at ng langis, na ibinigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga bantay-pinto; at ang mga kaloob para sa mga pari.

Nang mangyari ito ay wala ako sa Jerusalem, sapagkat sa ikatatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes na hari ng Babilonia ay pumaroon ako sa hari. At pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari

at dumating sa Jerusalem. Doon ko natuklasan ang kasamaang ginawa ni Eliasib para kay Tobias, na ipinaghanda niya ito ng isang silid sa mga bulwagan ng bahay ng Diyos.

Ako'y galit na galit, kaya't aking inihagis ang lahat ng kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid.

Pagkatapos ay nag-utos ako at nilinis nila ang mga silid; at aking ibinalik roon ang mga kagamitan mula sa bahay ng Diyos, pati ang mga handog na butil at ang kamanyang.

10 Natagpuan(AN) ko rin na ang bahagi ng mga Levita ay hindi naibigay sa kanila; kaya't ang mga Levita at ang mga mang-aawit na nagsigawa ng gawain ay tumakas sa kanya-kanyang bukid.

11 Kaya't nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, “Bakit pinababayaan ang bahay ng Diyos?” At tinipon ko sila at inilagay sa kani-kanilang mga lugar.

12 Nang(AO) magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasampung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis sa mga bahay-imbakan.

13 Hinirang kong mga ingat-yaman sa mga bahay-imbakan sina Shelemias na pari, si Zadok na eskriba, at sa mga Levita, si Pedaya; at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zacur, na anak ni Matanias: sapagkat sila'y ibinilang na mga tapat; at ang kanilang katungkulan ay mamahagi sa kanilang mga kapatid.

14 Alalahanin mo ako, O aking Diyos, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mabubuting gawa na aking ginawa para sa bahay ng aking Diyos at para sa kanyang paglilingkod.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001