The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
7 Pagkatapos(A) ay sinabi ni Moises kay Aaron, “Lumapit ka sa dambana at mag-alay ka ng handog pangkasalanan at handog na sinusunog, at gumawa ka ng pagtubos para sa iyong sarili at sa bayan. Ialay mo ang handog ng bayan at gumawa ka ng pagtubos para sa kanila, gaya ng iniutos ng Panginoon.”
8 Lumapit naman si Aaron sa dambana at pinatay ang guyang handog pangkasalanan na para sa kanya.
9 At dinala sa kanya ng mga anak ni Aaron ang dugo, inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at ipinahid iyon sa ibabaw ng mga sungay ng dambana at ang nalabing dugo ay ibinuhos sa paanan ng dambana.
10 Subalit ang taba, ang mga bato, at ang lamad na nasa atay ng handog pangkasalanan ay sinunog niya sa ibabaw ng dambana, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
11 Ang laman at balat ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampo.
12 At pinatay niya ang handog na susunugin. Ibinigay sa kanya ng mga anak ni Aaron ang dugo, at kanyang iwinisik sa palibot ng dambana.
13 At kanilang ibinigay sa kanya ang handog na sinusunog, na isa-isang putol, at ang ulo at iyon ay sinunog niya sa ibabaw ng dambana.
14 Kanyang hinugasan ang lamang-loob at ang mga paa at sinunog ang mga ito para sa handog na sinusunog sa ibabaw ng dambana.
15 Kasunod niyon inialay niya ang handog ng bayan. Kinuha niya ang kambing na handog pangkasalanan na para sa bayan, at pinatay ito at inihandog bilang handog pangkasalanan, gaya ng una.
16 Dinala niya ang handog na sinusunog at inihandog ayon sa tuntunin.
17 At dinala niya ang butil na handog at pinuno nito ang kanyang palad at sinunog ito sa ibabaw ng dambana, bukod sa handog na sinusunog sa umaga.
18 Pinatay(B) niya ang bakang lalaki at ang tupang lalaki na alay na mga handog pangkapayapaan na para sa bayan. At ibinigay ng mga anak ni Aaron sa kanya ang dugo at kanyang iwinisik sa palibot ng dambana;
19 at ang taba ng toro at ng tupang lalaki, ang matabang buntot at ang tabang bumabalot, at ang mga bato, at ang lamad ng atay.
20 Kanilang inilagay ang mga taba sa ibabaw ng mga dibdib at kanyang sinunog ang taba sa ibabaw ng dambana.
21 At iwinagayway ni Aaron ang mga dibdib at ang kanang hita na handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon; gaya ng iniutos ni Moises.
22 Itinaas(C) ni Aaron ang kanyang mga kamay paharap sa taong-bayan at binasbasan sila. Bumaba siya pagkatapos ng paghahandog ng handog pangkasalanan, ng handog na sinusunog, at ng mga handog pangkapayapaan.
23 Pumasok sina Moises at Aaron sa toldang tipanan, at sila'y lumabas at binasbasan ang bayan; at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa taong-bayan.
24 Lumabas ang apoy mula sa harapan ng Panginoon at tinupok ang handog na sinusunog at ang taba sa ibabaw ng dambana. Nang makita iyon ng buong bayan, sila ay nagsigawan at nagpatirapa.
Ang Kasalanan nina Nadab at Abihu
10 Noon, sina Nadab at Abihu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ng kanya-kanyang suuban, at nilagyan ng apoy ang mga ito at pinatungan ng insenso. Sila'y naghandog sa harapan ng Panginoon ng ibang apoy na hindi niya iniutos sa kanila.
2 At lumabas ang apoy sa harapan ng Panginoon, nilamon sila, at namatay sila sa harapan ng Panginoon.
3 Pagkatapos ay sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang sinabi ng Panginoon, ‘Ako'y magpapakita na banal sa mga lumalapit sa akin; at ako'y maluluwalhati sa harapan ng buong bayan.’” At si Aaron ay nanahimik.
4 Tinawag ni Moises sina Misael at Elzafan, na mga anak ni Uziel na amain ni Aaron, at sa kanila'y sinabi, “Magsilapit kayo, dalhin ninyo ang inyong mga kapatid mula sa harapan ng santuwaryo tungo sa labas ng kampo.”
5 Kaya't sila'y lumapit at binuhat sa kanilang mga kasuotan papalabas sa kampo, gaya ng iniutos ni Moises.
6 At sinabi ni Moises kina Aaron, Eleazar, at Itamar na kanyang mga anak, “Huwag ninyong ilugay ang buhok ng inyong ulo, o punitin man ninyo ang inyong mga damit upang huwag kayong mamatay at nang siya'y huwag magalit laban sa buong kapulungan. Tungkol sa inyong mga kapatid, ang buong sambahayan ni Israel, sila ay tataghoy sa apoy na pinapag-alab ng Panginoon.
7 Huwag kayong lalabas sa pintuan ng toldang tipanan, baka kayo'y mamatay; sapagkat ang langis na pambuhos ng Panginoon ay nasa inyo.” At kanilang ginawa ang ayon sa mga salita ni Moises.
Mga Alituntunin para sa mga Pari
8 At ang Panginoon ay nagsalita kay Aaron, na sinasabi,
9 “Huwag kayong iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak na kasama mo, kapag kayo'y papasok sa toldang tipanan, upang kayo'y huwag mamatay. Ito ay isang walang hanggang batas sa buong panahon ng inyong mga salinlahi.
10 Inyong lalagyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan, ang marumi at ang malinis,
11 at inyong ituturo sa mga anak ni Israel ang lahat ng batas na sinabi sa kanila ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.”
Ang Tungkulin at Bahagi ng mga Pari
12 Nagsalita(D) si Moises kay Aaron at sa nalabi nitong mga anak, sina Eleazar at Itamar, “Kunin ninyo ang butil na handog na nalabi mula sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at inyong kaining walang pampaalsa sa tabi ng dambana, sapagkat ito ay kabanal-banalan.
13 Ito ay inyong kakainin sa dakong banal, sapagkat ito ang bahagi ninyo at ng inyong mga anak mula sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, sapagkat gayon ang iniutos sa akin.
14 Ang(E) dibdib ng handog na iwinawagayway at ang hita na inialay ay kakainin ninyo sa isang malinis na lugar, ikaw at ng iyong mga anak na lalaki at babae. Ang mga iyon ay ibinigay bilang bahagi mo at ng iyong mga anak mula sa mga alay ng handog pangkapayapaan ng mga anak ni Israel.
15 Ang hita na inialay at ang dibdib na iwinawagayway ay kanilang dadalhin kasama ng mga handog na pinaraan sa apoy, ang mga taba, ay kanilang dadalhin upang iwagayway bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon. Ito ay bahagi mo at ng iyong mga anak, gaya ng iniutos ng Panginoon.”
16 At buong sikap na hinanap ni Moises ang kambing na handog pangkasalanan, at iyon ay sinunog na! Siya ay nagalit kina Eleazar at Itamar na mga nalalabing anak ni Aaron, at kanyang sinabi,
17 “Bakit(F) hindi ninyo kinain ang handog pangkasalanan sa banal na lugar? Ito ay kabanal-banalang bagay at ibinigay niya ito sa inyo upang alisin ang kasamaan ng kapulungan, upang gumawa ng pagtubos para sa kanila sa harapan ng Panginoon?
18 Ang dugo niyon ay hindi ipinasok sa loob ng dakong banal. Tiniyak sana ninyong kinain ito sa banal na dako, gaya ng iniutos ko.”
19 At sinabi ni Aaron kay Moises, “Tingnan mo, kanilang inihandog nang araw na ito ang kanilang handog pangkasalanan, at ang kanilang handog na sinusunog sa harapan ng Panginoon; gayunman ang gayong mga bagay ay nangyari sa akin! Kung ako nga'y nakakain ngayon ng handog para sa kasalanan, ito kaya ay kalugud-lugod sa paningin ng Panginoon?”
20 Nang marinig ito ni Moises, siya ay sumang-ayon.
Ang Binhing Tumutubo
26 Sinabi niya, “Ang kaharian ng Diyos ay gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa,
27 at natutulog at bumabangon siya sa gabi at araw. Sumisibol at lumalaki ang binhi na hindi niya nalalaman kung paano.
28 Ang lupa mismo ang nagpapasibol sa halaman,[a] una ang usbong, saka ang uhay, pagkatapos ay ang uhay na hitik sa butil.
29 Ngunit(A) kapag hinog na ang bunga, agad niyang kinukuha ang karit, sapagkat dumating na ang pag-aani.”
Ang Butil ng Mustasa(B)
30 Kanyang sinabi, “Sa ano natin maihahambing ang kaharian ng Diyos; o anong talinghaga ang gagamitin natin para dito?
31 Ito'y tulad sa butil ng binhi ng mustasa na kapag naihasik sa lupa, bagama't siyang pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nasa lupa,
32 ngunit kapag ito'y naihasik ay tumutubo, nagiging mas malaki kaysa lahat ng mga halaman, at nagsasanga ng malalaki, anupa't ang mga ibon sa himpapawid ay nakakagawa ng mga pugad sa lilim nito.”
Ang mga Talinghaga ni Jesus
33 Sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga, sinabi niya sa kanila ang salita, ayon sa kakayahan nilang makinig.
34 At hindi siya nagsalita sa kanila maliban sa talinghaga ngunit sa kanyang sariling mga alagad ay sarilinan niyang ipinapaliwanag ang lahat ng mga bagay.
Pinatigil ni Jesus ang Unos(C)
35 Nang araw ding iyon, nang sumapit na ang gabi ay sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.”
36 Pagkaiwan sa maraming tao, siya'y kanilang isinama sa bangka, ayon sa kanyang kalagayan. At may iba pang mga bangka na kasama niya.
37 At nagkaroon ng isang malakas na unos, sumalpok ang mga alon sa bangka, anupa't ang bangka ay halos napupuno na ng tubig.
38 Ngunit siya'y nasa hulihan ng bangka at natutulog na may inuunan. Siya'y ginising nila, at sinabi sa kanya, “Guro, hindi ka ba nababahala na mapapahamak tayo?”
39 Paggising niya ay sinaway niya ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka. Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at nagkaroon ng katahimikan.
40 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natakot? Wala ba kayong pananampalataya?”
41 Sila'y sinidlan ng malaking takot at sinabi sa isa't isa, “Sino nga ito, na pati ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?”
Pinagaling ni Jesus ang Inaalihan ng Masamang Espiritu(D)
5 Dumating sila sa kabilang ibayo ng dagat, sa lupain ng mga Geraseno.[b]
2 Nang bumaba siya sa bangka, isang lalaki na may masamang espiritu ang agad na sumalubong sa kanya mula sa mga libingan.
3 Siya'y naninirahan sa mga libingan at wala nang makapigil sa kanya kahit na may tanikala.
4 Sapagkat madalas na siya'y ginagapos ng mga kadena at mga tanikala ngunit nilalagot niya ang mga tanikala, at pinagpuputul-putol ang mga kadena. Walang taong may lakas na makasupil sa kanya.
5 Sa gabi't araw ay palagi siyang nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili ng mga bato.
6 Nang matanaw niya si Jesus sa malayo, tumakbo siya at si Jesus[c] ay kanyang sinamba.
7 Siya'y sumigaw ng may malakas na tinig, “Ano ang pakialam mo sa akin, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Ipinapakiusap ko sa iyo, alang-alang sa Diyos, na huwag mo akong pahirapan.”
8 Sapagkat sinabi niya sa kanya, “Lumabas ka sa taong iyan, ikaw na masamang espiritu.”
9 At tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Lehiyon[d] ang pangalan ko sapagkat marami kami.”
10 Nagmakaawa siya sa kanya na huwag silang palayasin sa lupain.
11 Noon ay may isang malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa libis ng bundok.
12 Nakiusap sila sa kanya, “Papuntahin mo kami sa mga baboy upang kami ay makapasok sa kanila.”
13 At sila'y kanyang pinahintulutan. Ang mga masamang espiritu ay lumabas at pumasok sa mga baboy. Ang kawan na may bilang na mga dalawang libo ay bumulusok sa matarik na bangin patungong dagat at nalunod sila sa dagat.
14 Ang mga nagpapakain sa kanila ay tumakas at ibinalita sa lunsod at sa mga nayon. Kaya't nagdatingan ang mga tao upang tingnan kung ano ang nangyari.
15 Lumapit sila kay Jesus at nakita nila ang inalihan ng mga demonyo na nakaupo roon na may damit at matino ang pag-iisip, ang taong nagkaroon ng isang lehiyon, at sila'y natakot.
16 At sinabi sa kanila ng mga nakakita rito kung anong nangyari sa inalihan ng mga demonyo at sa mga baboy.
17 Sila'y nagpasimulang makiusap kay Jesus[e] na lisanin ang pook nila.
18 Nang sumasakay na siya sa bangka, ang lalaking inalihan ng mga demonyo ay nakiusap na siya'y isama niya.
19 Ngunit tumanggi siya at sinabi sa kanya, “Umuwi ka sa iyong mga kaibigan at ibalita mo sa kanila ang lahat ng ginawa ng Panginoon para sa iyo at kung paanong kinaawaan ka niya.”
20 At ang lalaki[f] ay lumisan at nagpasimulang ipahayag sa Decapolis ang lahat ng ginawa ni Jesus para sa kanya; at namangha ang lahat.
30 Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan,
at ang kanyang dila ay nagsasalita ng katarungan.
31 Ang kautusan ng kanyang Diyos sa puso niya'y taglay,
hindi nadudulas ang kanyang mga hakbang.
32 Inaabangan ng masama ang matuwid na tao,
at pinagsisikapang patayin niya ito.
33 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kanyang kamay,
ni hahayaan siyang maparusahan kapag siya'y nahatulan.
34 Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan ang kanyang daan,
at itataas ka niya upang manahin mo ang lupain;
ang pagkawasak ng masama ay iyong pagmamasdan.
35 Nakakita ako ng masama at marahas na tao,
na lumalaganap na gaya ng sariwang punungkahoy sa kanyang lupang tinubuan.
36 Muli akong dumaan at, narito, wala na siya;
kahit hinanap ko siya, hindi na siya makita.
37 Tandaan mo ang taong walang kapintasan, at ang matuwid ay iyong masdan,
sapagkat may hinaharap para sa taong may kapayapaan.
38 Ngunit ang mga sumusuway ay sama-samang pupuksain;
ang susunod na lahi ng masama ay puputulin.
39 Ang kaligtasan ng matuwid ay mula sa Panginoon;
siya ang kanilang kanlungan sa magulong panahon.
40 At sila'y tinutulungan at pinalalaya ng Panginoon;
kanyang pinalalaya sila mula sa masama, at inililigtas sila,
sapagkat sila'y nanganganlong sa kanya.
6 Nasa ulo ng matuwid ang mga pagpapala,
ngunit nagtatago ng karahasan ang bibig ng masama.
7 Ang alaala ng matuwid ay isang pagpapala,
ngunit ang pangalan ng masama ay mapapariwara.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001