Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Ezekiel 45:13-46:24

13 “Ito ang alay na inyong ihahandog: ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang omer ng trigo; at ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang omer ng sebada;

14 ang takdang bahagi ng langis, ng bat ng langis, ang ikasampung bahagi ng bat mula sa bawat koro (ang koro, gaya ng omer, ay may sampung bat);

15 at isang batang tupa mula sa bawat kawan na dalawandaan, mula sa mga masaganang pastulan ng sambahayan ng Israel. Ito ang handog na butil, handog na susunugin, at handog pangkapayapaan, upang ipantubos sa kanila, sabi ng Panginoong Diyos.

16 Ang buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa pinuno sa Israel.

17 Magiging tungkulin ng pinuno na magbigay ng mga handog na sinusunog, mga handog na butil, mga inuming handog, sa mga kapistahan, sa mga bagong buwan, sa mga Sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sambahayan ni Israel. Siya'y maghahanda ng handog pangkasalanan, handog na butil, handog na sinusunog, at ng mga handog pangkapayapaan upang ipantubos sa sambahayan ni Israel.

Mga Kapistahan

18 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sa unang araw ng unang buwan, kukuha ka ng batang toro na walang kapintasan; at iyong lilinisin ang santuwaryo.

19 At ang pari ay kukuha ng dugo ng handog pangkasalanan, at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng templo, sa apat na sulok ng patungang dambana, at sa mga haligi ng pintuan ng pinakaloob ng bulwagan.

20 Gayundin ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawat nagkakasala dahil sa pagkakamali o kawalang-malay; gayon ninyo tutubusin ang bahay.

21 “Sa(A) ikalabing-apat na araw ng unang buwan, magdiriwang kayo ng paskuwa, isang kapistahan sa loob ng pitong araw. Tinapay na walang pampaalsa ang kakainin sa loob ng pitong araw.

22 Sa araw na iyon ay maghahanda ang pinuno para sa kanya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro bilang handog pangkasalanan.

23 Sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na sinusunog ang Panginoon, pitong guyang toro at pitong lalaking tupa na walang kapintasan sa araw-araw sa loob ng pitong araw; at isang lalaking kambing araw-araw bilang handog pangkasalanan.

24 Siya'y maghahanda ng handog na butil, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang hin ng langis sa isang efa.

25 Sa(B) ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, at sa loob ng pitong araw ng kapistahan, gagawin niya ang gayunding paghahanda para sa handog pangkasalanan, handog na sinusunog, at handog na butil, at para sa langis.

Ang Pinuno at ang mga Pista

46 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ang pintuan ng pinakaloob na bulwagan na nakaharap sa dakong silangan ay sasarhan sa panahon ng anim na araw na paggawa. Ngunit sa Sabbath, ito ay bubuksan, at sa araw ng bagong buwan ay bubuksan ito.

Ang pinuno ay papasok sa tabi ng patyo ng pintuan sa labas, at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuan. Ihahandog ng mga pari ang kanyang handog na sinusunog at ang kanyang mga handog pangkapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuan. Pagkatapos lalabas siya, ngunit ang pintuan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon.

Ang mamamayan ng lupain ay sasamba sa may pasukan ng pintuang iyon sa harapan ng Panginoon sa mga Sabbath at sa mga bagong buwan.

Ang handog na sinusunog na ihahandog ng pinuno sa Panginoon sa araw ng Sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan.

Ang handog na butil na kasama ng lalaking tupa ay isang efa, at ang handog na butil na kasama ng mga batang tupa ay kasindami ng kaya niya, at isang hin ng langis sa bawat efa.

Mga Bagay tungkol sa mga Handog

Sa araw ng bagong buwan ay maghahandog siya ng isang guyang toro na walang kapintasan at anim na batang tupa at isang lalaking tupa na mga walang kapintasan.

Bilang handog na butil ay maghahandog siya ng isang efa kasama ng toro, at isang efa kasama ng lalaking tupa, at ng mga batang tupa ayon sa kanyang kaya, at isang hin na langis sa bawat efa.

Kapag ang pinuno ay papasok, siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuan, at sa daan ding iyon siya lalabas.

“Kapag ang bayan ng lupain ay haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan, ang papasok sa pintuan sa hilaga upang sumamba ay lalabas sa pintuan sa timog. Ang papasok sa pintuan sa timog ay lalabas sa pintuan sa hilaga. Walang babalik sa pintuan na kanyang pinasukan, kundi bawat isa ay tuluy-tuloy na lalabas.

10 Kapag sila'y pumasok, ang pinuno ay papasok na kasama nila; at kapag sila'y lumabas, siya ay lalabas.

11 “Sa mga kapistahan at sa mga takdang panahon, ang handog na butil kasama ng guyang toro ay magiging isang efa, at kasama ng isang lalaking tupa ay isang efa, at kasama ng mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya, at isang hin ng langis sa isang efa.

12 Kapag ang pinuno ay maghahanda ng kusang handog na sinusunog o ng mga handog pangkapayapaan bilang kusang handog sa Panginoon, bubuksan para sa kanya ang pintuang nakaharap sa silangan. Kanyang iaalay ang kanyang handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan gaya ng kanyang ginagawa sa araw ng Sabbath. Pagkatapos ay lalabas siya, at pagkalabas niya ay sasarhan ang pintuan.

Ang mga Handog Araw-araw

13 “Siya ay maglalaan ng isang batang tupa na isang taong gulang na walang kapintasan bilang handog na sinusunog sa Panginoon araw-araw; tuwing umaga ay maghahanda siya.

14 At siya'y maglalaan ng handog na butil na kasama niyon tuwing umaga, ikaanim na bahagi ng isang efa, at ikatlong bahagi ng isang hin ng langis, upang basain ang harina, bilang handog na butil sa Panginoon. Ito ang batas para sa patuloy na handog na sinusunog.

15 Gayon nila ilalaan ang batang tupa, ang handog na butil, at ang langis, tuwing umaga, bilang patuloy na handog na sinusunog.

Ang Pinuno at ang Lupain

16 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kung ang pinuno ay magbigay ng regalo sa kanino man sa kanyang mga anak mula sa kanyang mana, iyon ay mapapabilang sa kanyang mga anak; ito'y kanilang pag-aari bilang mana.

17 Ngunit(C) kung siya'y magbigay ng regalo mula sa kanyang mana sa isa sa kanyang mga alipin, iyon ay magiging kanya hanggang sa taon ng kalayaan. Kung magkagayo'y ibabalik ito sa pinuno. Tanging ang kanyang mga anak ang makapag-iingat ng regalo mula sa kanyang mana.

18 Hindi kukunin ng pinuno ang alinman sa mana ng taong-bayan, na aalisin sa kanila ang kanilang pag-aari. Siya'y magbibigay ng mana sa kanyang mga anak mula sa kanyang sariling pag-aari, upang walang sinuman sa aking bayan ang mawalan ng kanyang pag-aari.”

Ang Lutuan ng mga Handog

19 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pasukan na nasa tabi ng pintuan, sa hilagang hanay ng mga banal na silid na para sa mga pari. Doon ay nakita ko ang isang lugar sa pinakadulong kanluran ng mga iyon.

20 Sinabi niya sa akin, “Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga pari ng handog pangkasalanan at ng handog sa budhing maysala, na siyang kanilang paglulutuan ng handog na butil, upang huwag nilang mailabas sa bulwagan sa labas upang banalin ang bayan.”

21 Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa panlabas na bulwagan at dinala niya ako sa apat na sulok ng looban. Sa bawat sulok ng bulwagan ay may isang bulwagan.

22 Sa apat na sulok ng bulwagan ay may mga maliliit na bulwagan, apatnapung siko ang haba at tatlumpu ang luwang: ang apat ay magkakatulad ang laki.

23 Sa palibot ng mga iyon ay may isang pader, sa palibot nilang apat at may ginawang dako ng pagpapakuluan sa ilalim ng mga hanay sa palibot.

24 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, “Ito ang mga dakong pakuluan na pagpapakuluan ng mga tagapangasiwa sa bahay ng handog ng bayan.”

1 Pedro 1:13-2:10

Panawagan tungo sa Banal na Pamumuhay

13 Kaya't ihanda ninyo sa gawain ang inyong mga pag-iisip;[a] na supilin ninyo ang inyong sarili at ilagak ang inyong pag-asa sa biyayang darating sa inyo kapag inihayag na si Jesu-Cristo.

14 Tulad ng mga masunuring mga anak, huwag kayong gumaya sa masasamang pagnanasa ng inyong kamangmangan noong una.

15 Sa halip, yamang banal ang sa inyo'y tumawag, maging banal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay;

16 sapagkat(A) nasusulat, “Kayo'y maging banal, sapagkat ako'y banal.”

17 Kung inyong tinatawagan bilang Ama ang humahatol na walang pagtatangi ayon sa gawa ng bawat isa, mamuhay kayo na may takot sa panahon ng inyong pangingibang bayan.

18 Nalalaman ninyong kayo'y tinubos mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno, hindi ng mga bagay na nasisira, tulad ng pilak o ginto,

19 kundi ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis.

20 Siya ay itinalaga na nang una bago itinatag ang sanlibutan, ngunit inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.

21 Sa pamamagitan niya ay nanampalataya kayo sa Diyos, na bumuhay sa kanya mula sa mga patay at sa kanya'y nagbigay ng kaluwalhatian, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nakatuon sa Diyos.

22 Ngayong nilinis na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan, kaya't kayo'y may tunay na pag-ibig sa isa't isa, mag-ibigan kayo sa isa't isa nang buong alab mula sa dalisay na puso.

23 Ipinanganak na kayong muli, hindi ng binhing nasisira, kundi ng walang kasiraan, sa pamamagitan ng buháy at nananatiling salita ng Diyos.

24 Sapagkat,(B)

“Ang lahat ng laman ay gaya ng damo,
    at ang lahat ng kaluwalhatian nito ay gaya ng bulaklak ng damo.
Ang damo'y natutuyo,
    at ang bulaklak ay nalalanta,
25 subalit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.”

Ang salitang ito ay ang magandang balita na ipinangaral sa inyo.

Ang Batong Buháy at ang Bansang Banal

Kaya't iwaksi ninyo ang lahat ng kasamaan, pandaraya, pagkukunwari, inggitan, at lahat ng paninirang-puri.

Gaya ng mga sanggol na bagong silang ay mithiin ninyo ang malinis na espirituwal na gatas, upang sa pamamagitan nito'y lumago kayo tungo sa kaligtasan,

kung(C) natikman nga ninyo na ang Panginoon ay mabuti.

Lumapit kayo sa kanya, na isang batong buháy, bagaman itinakuwil ng mga tao gayunma'y pinili at mahalaga sa paningin ng Diyos, at

tulad ng mga batong buháy, hayaan ninyong kayo ay maitayo bilang espirituwal na bahay tungo sa banal na pagkapari, upang mag-alay ng mga espirituwal na handog na kasiya-siya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Sapagkat(D) ito ang isinasaad ng kasulatan:

“Tingnan ninyo, aking inilalagay sa Zion ang isang bato,
    isang batong panulok na pinili at mahalaga;
at sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.”

Kaya't(E) sa inyo na nananampalataya, siya'y mahalaga; subalit sa mga hindi nananampalataya,

“Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo ng bahay
    ay siyang naging puno ng panulok,”

at,(F)

“Isang batong nagpapatisod sa kanila,
    at malaking bato na nagpabagsak sa kanila.”

Sila'y natitisod dahil sa pagsuway sa salita, na dito naman sila itinalaga.

Ngunit(G) kayo'y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos, upang inyong ipahayag ang mga makapangyarihang gawa niya na tumawag sa inyo mula sa kadiliman, tungo sa kanyang kagila-gilalas na liwanag.

10 Noon(H) ay hindi kayo bayan, ngunit ngayo'y bayan kayo ng Diyos; noon ay hindi kayo tumanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap kayo ng habag.

Mga Awit 119:33-48

HE.

33 Ituro mo sa akin, O Panginoon, ang daan ng iyong mga batas,
    at ito'y aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pang-unawa upang aking maingatan ang kautusan mo,
    at akin itong susundin ng buong puso ko.
35 Akayin mo ako sa landas ng mga utos mo,
    sapagkat aking kinaluluguran ito.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
    at huwag sa pakinabang.
37 Ilayo mo ang aking mga mata sa pagtingin sa walang kabuluhan;
    at bigyan mo ako ng buhay sa iyong mga daan.
38 Pagtibayin mo ang iyong pangako sa lingkod mo,
    na para sa mga natatakot sa iyo.
39 Ilayo mo ang kahihiyan na aking kinatatakutan;
    sapagkat ang mga batas mo'y mainam.
40 Ako'y nasasabik sa iyong mga panuntunan,
    bigyan mo ako ng buhay sa iyong katuwiran.

VAU.

41 O Panginoon, paratingin mo rin sa akin ang iyong tapat na pagsuyo,
    ang iyong pagliligtas ayon sa iyong pangako;
42 sa gayo'y may maisasagot ako sa mga taong sa aki'y umaalipusta,
    sapagkat ako'y nagtitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan mula sa bibig ko,
    sapagkat ako'y umasa sa mga batas mo.
44 Lagi kong susundin ang iyong kautusan,
    magpakailanpaman.
45 At lalakad ako na may kalayaan;
    sapagkat aking hinanap ang iyong mga panuntunan.
46 Magsasalita rin ako tungkol sa iyong mga patotoo sa harapan ng mga hari,
    at hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y natutuwa sa iyong mga utos,
    na aking iniibig.
48 Itataas ko ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na iniibig ko,
    at ako'y magbubulay-bulay sa mga batas mo.

Mga Kawikaan 28:11

11 Ang mayamang tao ay marunong sa ganang kanyang sarili,
    ngunit ang dukha na may unawa ay nagsusuri.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001