The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Mga Lahi Mula kay Adan Hanggang sa mga Anak ni Noe(A)
1 Ang mga lahi ni Adan ay sina Set, Enosh, 2 Kenan, Mahalalel, Jared, 3 Enoc, Metusela, Lamec at Noe. 4 Ang mga anak na lalaki ni Noe ay sina Shem, Ham at Jafet.
Ang Lahi ni Jafet
5 Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 6 Si Gomer ay may mga anak din na lalaki na sina Ashkenaz, Rifat,[a] at Togarma. 7 Ang mga anak na lalaki ni Javan ay sina Elisha, Tarshish, Kitim at Rodanim.[b]
Ang Lahi ni Ham
8 Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cush, Mizraim,[c] Put, at Canaan. 9 Si Cush ay may mga anak ding lalaki na sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Dedan. 10 May isa pang anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod na naging magiting na sundalo sa mundo.
11 Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludeo, Anameo, Lehabeo, Naftu, 12 Patruseo, Caslu, at mga Caftoreo na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.
13 Si Canaan ang ama nina Sidon at Het.[d] Si Sidon ang panganay. 14 Si Canaan ang siya ring pinagmulan ng mga Jebuseo, Amoreo, Girgaseo, 15 Hiveo, Arkeo, Sineo, 16 Arvadeo, Zemareo at Hamateo.
Ang Lahi ni Shem
17 Ang mga anak na lalaki ni Shem: sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina,[e] Uz, Hul, Geter at Meshec.[f] 18 Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber. 19 May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan. 20 Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera, 21 Hadoram, Uzal, Dikla, 22 Obal,[g] Abimael, Sheba, 23 Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay anak na lalaki ni Joktan.
24 Ito ang lahi na mula kay Shem: sina Arfaxad, Shela, 25 Eber, Peleg, Reu 26 Serug, Nahor, Tera, 27 at si Abram na siya ring si Abraham.
Ang Lahi ni Abraham(B)
28 Ang mga anak na lalaki ni Abraham ay sina Isaac at Ishmael. 29 Ang mga anak na lalaki ni Ishmael ay sina Nebayot (ang panganay), Kedar, Adbeel, Mibsam, 30 Mishma, Duma, Masa, Hadad, Tema, 31 Jetur, Nafis at Kedema. Sila ang mga anak na lalaki ni Ishmael. 32 Ang mga anak na lalaki ni Ketura na isa pang asawa ni Abraham ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua. Ang mga anak na lalaki ni Jokshan ay sina Sheba at Dedan. 33 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang angkan ni Ketura.
Ang Lahi ni Esau(C)
34 Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel.[h] 35 Ang mga anak na lalaki ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeush, Jalam at Kora. 36 Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo,[i] Gatam, Kenaz at Amalek. Si Amalek ay anak niya kay Timna.[j] 37 Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama at Miza.
Ang mga Edomita(D)
38 Ang mga anak na lalaki ni Seir ay sina Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer at Dishan. 39 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Homam.[k] Magkapatid sina Lotan at Timna na isa pang asawa ni Elipaz. 40 Ang mga anak na lalaki ni Shobal ay sina Alvan,[l] Manahat, Ebal, Shefo[m] at Onam. Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. 41 Ang anak na lalaki ni Ana ay si Dishon. Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan,[n] Eshban, Itran at Keran. 42 Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan.[o] Ang mga anak na lalaki ni Dishan[p] ay sina Uz at Aran.
Ang mga Hari ng Edom(E)
43 Ito ang mga hari ng Edom, noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:
Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom. 44 Pagkamatay niya, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra. 45 Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman. 46 Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab. 47 Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka. 48 Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates. 49 Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor. 50 Pagkamatay ni Baal Hanan, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab. 51 Hindi nagtagal, namatay si Hadad.
Ito ang mga pinuno ng angkan ng Edom: Timna, Alva, Jetet, 52 Oholibama, Elah, Pinon, 53 Kenaz, Teman, Mibzar, 54 Magdiel at Iram.
Ang mga Anak ni Israel
2 Ito ang mga anak na lalaki ni Israel: Reuben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, 2 Dan, Jose, Benjamin, Naftali, Gad at Asher.
Ang Lahi ni Juda
3 May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na Cananea. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon. 4 May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Perez at Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda. 5 Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hezron at Hamul. 6 Lima lahat ang anak na lalaki ni Zera: sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda.[q] 7 Ang anak na lalaki ni Carmi[r] ay si Acar.[s] Si Acar ang nagdala ng kasamaan sa Israel dahil kinuha niya ang bagay na inilaan nang buo[t] para sa Dios. 8 Ang anak na lalaki ni Etan ay si Azaria.
Ang Lahi na Pinagmulan ni David
9 Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.[u] 10 Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab naman ang ama ni Nashon na pinuno ng lahi ni Juda. 11 Si Nashon ang ama ni Salmon,[v] at si Salmon ang ama ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed at si Obed ang ama ni Jesse. 13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Shimea, 14 ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai, 15 ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David. 16 Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruya at Abigail. Si Zeruya ay may tatlong anak na lalaki, sina Abishai, Joab at Asahel. 17 Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ishmaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.
11 Kinagabihan, nagpakita ang Panginoon kay Pablo at sinabi sa kanya, “Huwag kang matakot! Sapagkat kung paano ka nagpahayag tungkol sa akin dito sa Jerusalem, ganoon din ang gagawin mo sa Roma.”
Ang Planong Pagpatay kay Pablo
12-13 Kinaumagahan, nagpulong ang mahigit 40 Judio, at nagplano sila kung ano ang kanilang gagawin. Nanumpa sila na hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo. 14 Pagkatapos, pumunta sila sa mga namamahalang pari at sa mga pinuno ng mga Judio at sinabi sa kanila, “Nanumpa kami na hindi kami kakain ng kahit ano hanggaʼt hindi namin napapatay si Pablo. 15 Kaya hilingin ninyo at ng Korte sa kumander ng mga sundalong Romano na gusto ninyong papuntahin ulit dito sa inyo si Pablo. Sabihin ninyo na gusto ninyong imbestigahan nang mabuti si Pablo. Pero bago pa siya makarating dito, papatayin namin siya.”
16 Pero ang plano nilaʼy narinig ng pamangking lalaki ni Pablo, na anak ng kapatid niyang babae. Kaya pumunta siya sa kampo ng mga sundalo at ibinalita ito kay Pablo. 17 Tinawag ni Pablo ang isa sa mga kapitan doon at sinabi, “Dalhin ninyo ang binatilyong ito sa kumander, dahil may sasabihin siya sa kanya.” 18 Kaya dinala siya ng kapitan sa kumander. Pagdating nila roon, sinabi ng kapitan, “Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at nakiusap na dalhin ko rito sa iyo ang binatilyong ito, dahil may sasabihin daw siya sa iyo.” 19 Hinawakan ng kumander ang kamay ng binatilyo, at dinala siya sa lugar na walang ibang makakarinig. At tinanong niya, “Ano ba ang sasabihin mo sa akin?” 20 Sinabi ng binatilyo, “Nagkasundo ang mga Judio na hilingin sa inyo na dalhin si Pablo sa Korte bukas, dahil iimbestigahan daw nila nang mabuti. 21 Pero huwag po kayong maniwala sa kanila, dahil mahigit 40 tao ang nagbabantay na tatambang sa kanya. Nanumpa sila na hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo. Nakahanda na sila at naghihintay na lang ng pahintulot ninyo.” 22 Sinabi ng kumander sa kanya, “Huwag mong sasabihin kahit kanino na ipinaalam mo ito sa akin.” At pinauwi niya ang binatilyo.
Ipinadala si Pablo sa Cesarea
23 Ipinatawag agad ng kumander ang dalawa sa kanyang mga kapitan at sinabi sa kanila, “Maghanda kayo ng 200 sundalo at ipapadala ko kayo sa Cesarea. Magdala rin kayo ng 70 sundalong nakakabayo at 200 sundalong may sibat. At lumakad kayo mamayang gabi, mga alas nuwebe. 24 Maghanda rin kayo ng mga kabayo na sasakyan ni Pablo. Bantayan ninyo siyang mabuti para walang mangyari sa kanya hanggang sa makarating siya kay Gobernador Felix.” 25 At sumulat ang kumander sa gobernador ng ganito:
26 “Mula kay Claudius Lysias.
“Mahal at kagalang-galang na Gobernador Felix:
27 “Ang taong ito na ipinadala ko sa iyo ay dinakip ng mga Judio, at papatayin na sana. Pero nang malaman kong isa pala siyang Romano, nagsama ako ng mga sundalo at iniligtas siya. 28 Dinala ko siya sa kanilang Korte para malaman kung ano ang kanyang nagawang kasalanan. 29 Natuklasan ko na ang akusasyon sa kanya ay tungkol lang sa mga bagay na may kinalaman sa kautusan ng kanilang relihiyon. Wala talagang sapat na dahilan para ipakulong siya o ipapatay. 30 Kaya nang malaman kong may plano ang mga Judio na patayin siya, agad ko siyang ipinadala sa inyo. At sinabihan ko ang mga nag-akusa sa kanya na sa inyo na sila magreklamo.”
31 Sinunod ng mga sundalo ang utos sa kanila. At nang gabing iyon, dinala nila si Pablo sa Antipatris. 32 Kinabukasan, bumalik ang mga sundalo sa kampo, samantalang nagpaiwan ang mga sundalong nakakabayo para samahan si Pablo. 33 Nang dumating sila sa Cesarea, iniharap nila si Pablo sa gobernador at ibinigay ang sulat. 34 Binasa ito ng gobernador at pagkatapos ay tinanong si Pablo kung saang lalawigan siya nanggaling. Nang malaman niyang taga-Cilicia si Pablo, 35 sinabi niya, “Pakikinggan ko ang kaso mo kapag dumating na ang mga nag-aakusa sa iyo.” At pinabantayan ng gobernador si Pablo sa palasyo na ipinagawa ni Herodes.
Panalangin sa Oras ng Panganib
3 Panginoon, kay dami kong kaaway;
kay daming kumakalaban sa akin!
2 Sinasabi nilang hindi nʼyo raw ako ililigtas.
3 Ngunit kayo ang aking kalasag.
Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.
4 Tumawag ako sa inyo Panginoon at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal[a] na bundok.
5 At dahil iniingatan nʼyo ako, nakakatulog ako at nagigising pa.
6 Hindi ako matatakot kahit ilang libo pang kaaway ang nakapalibot sa akin.
7 Pumarito kayo, Panginoon!
Iligtas nʼyo po ako, Dios ko,
dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyan ang lahat ng mga kaaway ko,
at inalis mo sa mga masamang tao ang kanilang kakayahang saktan ako.
8 Kayo, Panginoon, ang nagliligtas.
Kayo rin po ang nagpapala sa inyong mga mamamayan.
14 Sa taong may karamdaman, tatag ng loob ang magbibigay kalakasan. Kung mawawalan siya ng pag-asa, wala nang makatutulong pa sa kanya.
15 Ang taong marunong at nakauunawa ay lalo pang naghahangad ng karunungan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®