Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Version
1 Cronica 24:1-26:11

Ang Gawain ng mga Pari

24 Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:

Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Pero unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari. Sa tulong nina Zadok na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin. Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa 16 na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar. Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, kaya may mga opisyal ng templo na naglilingkod sa Dios mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.

Si Shemaya na anak ni Netanel na Levita ang kalihim. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Zadok na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.

Ang unang nabunot ay si Jehoyarib,

ang ikalawa ay si Jedaya,

ang ikatlo ay si Harim,

ang ikaapat ay si Seorim,

ang ikalima ay si Malkia,

ang ikaanim ay si Mijamin,

10 ang ikapito ay si Hakoz,

ang ikawalo ay si Abijah,

11 ang ikasiyam ay si Jeshua,

ang ikasampu ay si Shecania,

12 ang ika-11 ay si Eliashib,

ang ika-12 ay si Jakim,

13 ang ika-13 ay si Huppa,

ang ika-14 ay si Jeshebeab,

14 ang ika-15 ay si Bilga,

ang ika-16 ay si Imer,

15 ang ika-17 ay si Hezir,

ang ika-18 ay si Hapizez,

16 ang ika-19 ay si Petahia,

ang ika-20 ay si Jehezkel,

17 ang ika-21 ay si Jakin,

ang ika-22 ay si Gamul,

18 ang ika-23 ay si Delaya,

at ang ika-24 ay si Maazia.

19 Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa templo ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel.

Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita

20 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:

Mula sa angkan ni Amram: si Shubael.

Mula sa angkan ni Shubael: si Jedeya.

21 Mula sa angkan ni Rehabia: si Ishia, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya.

22 Mula sa angkan ni Izar: si Shelomot.

Mula sa angkan ni Shelomot: si Jahat.

23 Mula sa angkan ni Hebron: si Jeria ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jekameam ang ikaapat.

24 Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.

Mula sa angkan ni Micas: si Shamir.

25 Mula sa angkan ni Ishia na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.

26 Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Mushi.

Mula sa angkan ni Jaazia: si Beno.

27 Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazia: sina Beno, Shoham, Zacur at Ibri.

28 Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.

29 Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.

30 Mula sa angkan ni Mushi: sina Mahli, Eder at Jerimot.

Iyon ang mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya. 31 Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila para malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.

Ang mga Musikero

25 Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun para ipahayag ang mensahe ng Dios na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:

Mula sa mga anak na lalaki ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netania at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios kung ipinag-uutos ito ng hari.

Mula sa mga anak na lalaki ni Jedutun: sina Gedalia, Zeri, Jeshaya, Shimei,[a] Hashabia at Matitia – anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Dios na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.

Mula sa mga anak na lalaki ni Heman: sina Bukia, Matania, Uziel, Shebuel,[b] Jerimot, Hanania, Hanani, Eliata, Giddalti, Romamti Ezer, Joshbekasha, Malloti, Hotir at Mahaziot. Silang lahat ang anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng 14 na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Dios sa kanya.

Ang lahat ng lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Dios. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari. Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon. Nagpalabunutan sila para malaman ang kanya-kanyang tungkulin, bata man o matanda, guro man o mag-aaral.

Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak[c] – 12 sila.

Ang ikalawa ay si Gedalia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

10 Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

11 Ang ikaapat ay si Izri[d] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

12 Ang ikalima ay si Netania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

13 Ang ikaanim ay si Bukia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

14 Ang ikapito ay si Jesarela[e] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

15 Ang ikawalo ay si Jeshaya at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

16 Ang ikasiyam ay si Matania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

17 Ang ikasampu ay si Shimei at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

18 Ang ika-11 ay si Azarel[f] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

19 Ang ika-12 ay si Hashabia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

20 Ang ika-13 ay si Shebuel[g] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

21 Ang ika-14 ay si Matitia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

22 Ang ika-15 ay si Jerimot[h] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

23 Ang ika-16 ay si Hanania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

24 Ang ika-17 ay si Joshbekasha at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

25 Ang ika-18 ay si Hanani at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

26 Ang ika-19 ay si Malloti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

27 Ang ika-20 ay si Eliata at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

28 Ang ika-21 ay si Hotir at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

29 Ang ika-22 ay si Gedalti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

30 Ang ika-23 ay si Mahaziot at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

31 Ang ika-24 ay si Romamti Ezer at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

Ang mga Guwardya ng Pintuan ng Templo

26 Ito ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo:

Mula sa pamilya ni Kora, si Meshelemia na anak ni Kore na miyembro ng pamilya ni Asaf, at ang pito niyang anak na lalaki: si Zacarias ang panganay, at ang kasunod ay sina Jediael, Zebadia, Jatniel, Elam, Jehohanan at Eliehoenai.

Kasama rin si Obed Edom at ang walo niyang anak na lalaki: si Shemaya ang panganay, at ang kasunod ay sina Jehozabad, Joa, Sacar, Netanel, Amiel, Isacar at Peuletai. Pinagpala ng Dios si Obed Edom. 6-7 Ang panganay na anak ni Obed Edom na si Shemaya ay may mga anak na lalaki na may kakayahan at mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Silaʼy sina Otni, Refael Obed at Elzabad. Ang kanilang kamag-anak na sina Elihu at Semakia ay may mga kakayahan din.

Lahat sila ay mula sa angkan ni Obed Edom. Sila at ang kanilang mga anak at kamag-anak ay 62 lahat. Mahuhusay sila at may kakayahan sa paggawa.

Ang 18 anak at mga kamag-anak ni Meshelemia ay may mga kakayahan din.

10 Si Hosa na mula sa pamilya ni Merari ay may mga anak din. Ginawa niyang pinuno ng kanilang pamilya si Shimri kahit hindi siya ang panganay na anak. 11 Ang sumunod kay Shimri ay sina Hilkia, Tabalia at Zacarias. 13 lahat ang anak at mga kamag-anak ni Hosa na mga tagapagbantay sa pintuan ng templo.

Roma 4:1-12

Ginawang Halimbawa si Abraham

Bilang halimbawa kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao, isipin ninyo si Abraham na Ama ng mga Judio sa laman. Kung itinuring siya ng Dios na matuwid dahil sa mga nagawa niya, sanaʼy may maipagmamalaki siya. Pero wala siyang maipagmamalaki sa Dios, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil ditoʼy itinuring siyang matuwid ng Dios.”[a] Ang ibinibigay sa isang taong nagtatrabaho ay hindi kaloob kundi bayad. Pero itinuring tayong matuwid ng Dios sa kabila ng ating mga kasalanan hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa pananampalataya natin sa kanya. Ito ang ibig sabihin ni Haring David nang banggitin niya ang pagiging mapalad ng mga taong itinuring na matuwid ng Dios hindi dahil sa kanilang mabubuting gawa. Ang sinabi niya,

    “Mapalad ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Dios ang kanyang kasalanan.
Mapalad ang tao kapag hindi na ibibilang ng Panginoon laban sa kanya ang kanyang mga kasalanan.”[b]

Ang mga sinabing ito ni Haring David ay hindi lang para sa mga Judio, kundi pati na rin sa mga hindi Judio. Alam natin ito dahil binanggit na namin na, “itinuring ng Dios na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.” 10 Kailan ba siya itinuring na matuwid? Hindi baʼt noong hindi pa siya tuli? 11 Tinuli siya bilang tanda na itinuring na siyang matuwid dahil sa kanyang pananampalataya. Kaya si Abraham ay naging ama[c] ng lahat ng mga mananampalatayang hindi tuli. At dahil nga sa kanilang pananampalataya, itinuring silang matuwid ng Dios. 12 Siya rin ang ama ng mga Judiong tuli, hindi lang dahil silaʼy tuli sa laman, kundi dahil sumasampalataya rin sila tulad ng ating ninunong si Abraham noong hindi pa siya tuli.

Salmo 13

Panalangin para Tulungan

13 Panginoon, hanggang kailan nʼyo ako kalilimutan?
    Kalilimutan nʼyo ba ako habang buhay?
    Hanggang kailan ba kayo magtatago sa akin?
Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko?
    Ang aking mga araw ay punong-puno ng kalungkutan.
    Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway?

Panginoon kong Dios, bigyan nʼyo ako ng pansin;
    sagutin nʼyo ang aking dalangin.
    Ibalik nʼyo ang ningning sa aking mga mata,
    upang hindi ako mamatay
at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, dahil tiyak na magagalak sila kung mapahamak ako.
Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako.
    At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako.
Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.

Kawikaan 19:15-16

15 Kung ikaw ay tamad at tulog lang nang tulog, magugutom ka.
16 Mabubuhay nang matagal ang taong sumusunod sa utos ng Dios, ngunit ang hindi sumusunod ay mamamatay.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®