The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang kasamaan ng tao at ang pagkakatulad sa hayop.
4 Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita (A)ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.
2 (B)Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;
3 (C)Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.
4 Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. (D)Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
5 (E)Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman.
6 (F)Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.
7 Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw.
8 May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga (G)mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, (H)sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.
9 Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.
10 Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.
11 Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa?
12 At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.
13 Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa.
14 Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha.
15 Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya.
16 Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya. Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
Ang kabanalan ay ipinayo. Maling paggamit ng kayamanan.
5 Ingatan mo ang iyong paa (I)pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; (J)sapagka't ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang: sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.
2 (K)Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: (L)kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.
3 Sapagka't ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain; at ang tinig ng mangmang (M)sa karamihan ng mga salita.
4 (N)Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, (O)huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata.
5 (P)Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.
6 Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman; (Q)at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel, na isang kamalian: bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig, at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay?
7 Sapagka't sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan, at sa maraming mga salita: nguni't matakot ka sa Dios.
8 Kung iyong nakikita ang (R)kapighatian ng dukha, at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan, huwag mong kamanghaan ang bagay: sapagka't ang lalong (S)mataas kay sa mataas ay nagmamasid; at may lalong mataas kay sa kanila.
9 Bukod dito, ay sa lahat ang pakinabang sa lupa: ang hari man ay pinaglilingkuran ng bukid.
10 Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig (T)sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.
11 Pagka ang mga pagaari ay nagsisidami, ay nagsisidami silang nagsisikain ng mga yaon: at anong pakinabang mayroon ang may-ari niyaon, kundi ang mamasdan ng kaniyang mga mata?
12 Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing, maging siya'y kumain ng kaunti o marami: nguni't ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya.
13 (U)May malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw, ito nga, ang mga yamang iningatan ng may-ari niyaon sa kapahamakan niya.
14 At ang mga yamang yaon ay nawawala ng masamang pangyayari; at kung siya'y magkaanak ng lalake, walang maiiwan sa kaniyang kamay.
15 Kung paanong siya'y (V)lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina, hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya'y dumating, at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa, na kaniyang madadala sa kaniyang kamay.
16 At ito man ay malubhang kasamaan, na kung paano siya dumating ay gayon siya yayaon: (W)at anong pakinabang mayroon siya, na gumagawa sa hangin?
17 Lahat ng mga araw naman niya ay (X)ikinakain niya sa kadiliman, at siya'y totoong nayayamot, at may sakit at pagiinit.
18 Narito, na aking nakita (Y)na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi.
19 Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pagaari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa—(Z)ito'y kaloob ng Dios.
20 Sapagka't hindi niya aalalahaning lubha ang mga kaarawan ng kaniyang buhay; sapagka't sinasagot siya ng Dios sa kagalakan ng kaniyang puso.
Ang kawalang kabuluhan ng mabuting bagay na hindi ikasya.
6 May (AA)kasamaan na nakita ako sa ilalim ng araw, at mabigat sa mga tao:
2 Ang tao (AB)na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan, pagaari, at karangalan, (AC)na anopa't walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa, (AD)gayon ma'y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon, kundi iba ang kumakain niyaon; ito'y walang kabuluhan, at masamang sakit.
3 Kung ang isang tao ay magkaanak ng isang daan, at mabuhay na maraming taon, na anopa't ang mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami, nguni't ang kaniyang kaluluwa ay hindi mabusog ng mabuti, at (AE)bukod dito ay wala siyang pangpalibing; aking sinasabing maigi (AF)ang isang naagas kay sa kaniya:
4 Sapagka't dumarating na walang kabuluhan, at yumayaon sa kadiliman, at ang pangalan niyaon ay natatakpan ng kadiliman;
5 Bukod dito ay hindi nakita ang araw o nakilala man; ito'y may kapahingahang maigi kay sa isa;
6 Oo, bagaman siya'y mabuhay na isang libong taon na makalawang masaysay, at hindi man nagalak na mabuti: hindi ba nagsisiyaon ang lahat sa iisang dako?
7 Lahat ng gawa (AG)ng tao ay para sa kaniyang bibig, at gayon ma'y ang panglasa ay hindi nasisiyahan.
8 Sapagka't anong pakinabang mayroon ang pantas na higit sa mangmang? o anong pakinabang mayroon ang dukha na maalam lumakad sa harap ng mga buhay?
9 Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
10 Anomang nangyari, ang pangalan niyaon ay natawag nang malaon, at kilala na siya'y tao: (AH)ni hindi maaaring makipagtalo siya sa lalong makapangyarihan kay sa kaniya.
11 Yamang maraming bagay na nangagdaragdag ng walang kabuluhan, ano ang lalong ikinaigi ng tao?
12 Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang (AI)ginugol na gaya ng anino? sapagka't sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw?
14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't (A)anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? (B)sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, (C)Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.
17 Kaya nga,
(D)Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo,
sabi ng Panginoon,
At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi,
At kayo'y aking tatanggapin,
18 (E)At ako sa inyo'y magiging ama,
At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae,
sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
7 (F)Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, (G)ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.
2 Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: (H)hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, (I)hindi namin dinaya ang sinoman.
3 Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't (J)sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.
4 Malaki ang (K)katapangan ko ng pagsasalita sa inyo, malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo: (L)ako'y puspos ng kaaliwan, (M)nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian.
5 Sapagka't nagsidating (N)man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi (O)sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan.
6 Gayon man ang (P)Dios na umaaliw sa mabababang-loob, ay kami'y inaliw (Q)sa pamamagitan ng pagdating ni (R)Tito;
7 At hindi lamang sa kaniyang pagdating, kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong kalumbayan, ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin; ano pa't ako'y lubha pang nagalak.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
47 Oh (A)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
2 Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (B)ay kakilakilabot;
(C)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
3 (D)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
4 Kaniyang ipipili tayo (E)ng ating mana,
(F)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
5 (G)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6 Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
7 Sapagka't ang Dios (H)ay Hari ng buong lupa:
(I)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8 (J)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (K)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.
16 Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang,
At ang nagbibigay sa mayaman, ay (A)humahangga sa pangangailangan lamang.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978