The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang hula tungkol sa Egipto. Pagsamsam, susundan ng pagbalik sa Panginoon.
19 (A)Ang hula tungkol sa (B)Egipto.
Narito, ang (C)Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at (D)ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.
2 At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian.
3 At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at (E)sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.
4 At aking ibibigay ang mga Egipcio (F)sa kamay ng mabagsik na panginoon; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
5 At (G)magkukulang ng tubig sa mga dagat, at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.
6 At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo.
7 Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.
8 (H)Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata.
9 Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga (I)lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya.
10 At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol, silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban.
11 Ang mga pangulo sa (J)Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?
12 Saan nangaroon nga (K)ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto.
13 Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay (L)nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi.
14 Naghalo ang Panginoon ng (M)diwa ng kasuwailan sa gitna niya: at iniligaw nila ang Egipto sa bawa't gawa niya, na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka.
15 Hindi na magkakaroon man sa Egipto (N)ng anomang gawain, na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.
16 (O)Sa araw na yaon ay magiging (P)parang mga babae ang Egipto: at manginginig at matatakot dahil sa (Q)bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo, na kaniyang ibinabala.
17 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.
18 (R)Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, (S)na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba.
19 Sa araw na yaon ay (T)magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon (U)sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon.
20 (V)At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila.
21 At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, (W)sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.
22 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.
23 Sa araw na yaon ay (X)magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.
24 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:
25 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, (Y)at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na (Z)aking mana.
Ang pagkabihag ng Egipto at ng Etiopia ay hinulaan.
20 Nang taong dumating si (AA)Tartan kay (AB)Asdod, nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria, at siya'y makipaglaban kay Asdod, at sakupin niya;
2 Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni (AC)Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo (AD)ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon (AE)na lumakad na hubad at walang panyapak.
3 At sinabi ng Panginoon, Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na (AF)pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa (AG)Etiopia;
4 Gayon ihahatid (AH)ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto, at (AI)ang mga tapon sa Etiopia, bata at matanda, hubad at walang panyapak, at may mga pigi (AJ)na litaw, sa ikapapahiya ng Egipto.
5 At sila'y manganglulupaypay (AK)at mangapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian.
6 At ang nananahan sa (AL)baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan?
Ang hula sa Babilonia.
21 Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng (AM)dagat.
Kung paanong umiikot (AN)ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.
2 Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; (AO)ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. (AP)Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil.
3 Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita.
4 Ang aking puso ay sumisikdo, (AQ)kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin.
5 Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag.
6 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya:
7 At pagka siya'y nakakita ng pulutong, (AR)ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat.
8 At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog (AS)na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan:
9 At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, (AT)Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at (AU)lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.
10 (AV)Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng (AW)aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo.
11 (AX)Ang hula tungkol sa (AY)Duma.
May tumatawag sa akin mula sa (AZ)Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?
12 Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo.
13 Ang hula tungkol sa (BA)Arabia.
Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo, Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga (BB)Dedaneo.
14 Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag.
15 Sapagka't kanilang tinatakasan ang mga tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang lala ng digmaan.
16 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, (BC)ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng (BD)Cedar ay mapapawi:
17 At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita.
2 Nang makaraan nga ang labing-apat na taon (A)ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si (B)Bernabe, at isinama ko rin naman si (C)Tito.
2 At ako'y umahon (D)dahil sa pahayag; (E)at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil, datapuwa't sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, (F)baka sa anomang paraan ako'y tatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.
3 Datapuwa't maging si Tito man na kasama ko, bagama't Griego, ay hindi (G)napilit na patuli.
4 At yaon ay dahil sa mga (H)hindi tunay na kapatid na (I)ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming (J)kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus, (K)upang kami'y ilagay nila sa pagkaalipin:
5 Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.
6 Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman)—silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman:
7 Kundi bagkus (L)nang makita nila na (M)sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli
8 (Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay (N)naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil);
9 At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay (O)Bernabe ni (P)Santiago at ni (Q)Cefas at ni Juan, sila na mga (R)inaaring (S)haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli;
10 Ang kanila lamang hinihiling (T)ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain.
11 Nguni't nang dumating si Cefas sa (U)Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka't siya'y nararapat hatulan.
12 Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay (V)nakisalo siya sa mga Gentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa'y natatakot sa (W)mga sa pagtutuli.
13 At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa't pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari.
14 Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?
15 Tayo'y mga Judio sa katutubo, at hindi mga (X)makasalanang Gentil,
16 Bagama't naaalaman (Y)na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na (Z)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.
59 Iligtas mo ako (B)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (C)nagpipisan laban sa akin:
(D)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(E)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
5 Sa makatuwid baga'y ikaw, (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (G)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(H)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (I)sino, sabi nila, ang nakikinig?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (J)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(K)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (L)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (M)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (N)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (O)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (P)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (Q)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (R)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (S)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978