Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 22-24

Ang Jerusalem ay kinulong.

22 (A)Ang hula tungkol sa (B)libis ng pangitain.

Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan?

Oh ikaw na puspos ng mga hiyawan, magulong bayan, (C)masayang bayan; ang iyong mga patay ay hindi nangapatay ng tabak, o nangamatay man sila sa pakikipagbaka.

(D)Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama, nangatalian ng mga mangbubusog: lahat na nangasumpungan sa iyo ay nangataliang magkakasama, nagsitakas na malayo.

Kaya't sinabi ko, Bayaan ninyo ako, ako'y iiyak na may kapanglawan; huwag ninyong sikaping aliwin ako, ng dahil sa pagkasamsam sa anak na babae ng aking bayan.

Sapagka't araw na pagkatulig (E)at ng pagyurak, at ng pagkalito, (F)mula sa Panginoon, mula sa Panginoon ng mga hukbo, sa libis ng pangitain; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok.

At ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana, (G)may mga karo ng mga tao at mga mangangabayo; at ang (H)Kir ay Bunot ang kalasag.

At nangyari, na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo, at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan.

At kaniyang inalis ang takip ng Juda; at ikaw ay tumitig ng araw na yaon sa sakbat sa bahay (I)na kahoy sa gubat.

At inyong nakita ang mga sira (J)ng bayan ni David, na napakarami: at inyong pinisan ang tubig ng mababang (K)tangke.

10 At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem, at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta.

11 Kayo'y nagsigawa naman ng tipunang tubig (L)sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke. Nguni't hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na.

12 At nang araw na yao'y (M)tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at (N)sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang.

13 At, narito, kagalakan at kasayahan, pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa, pagkain ng karne, at paginom ng alak: (O)Tayo'y magsikain at magsiinom, sapagka't bukas tayo ay mangamamatay.

14 At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig, Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo'y mangamatay, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Si Sebna ay papalitan ni Eliacim.

15 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Ikaw ay yumaon, pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito samakatuwid baga'y kay (P)Sebna, na katiwala sa bahay, at iyong sabihin,

16 Anong ginagawa mo rito? at sinong ibinaon mo rito, na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo? na gumagawa ka ng libingan sa itaas, at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato!

17 Narito, ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao: oo, kaniyang hihigpitan ka.

18 Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon.

19 At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka.

20 At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si (Q)Eliacim na anak ni Hilcias:

21 At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda.

22 At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko (R)sa kaniyang balikat; (S)at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas.

23 At aking ikakapit siya na parang (T)pako sa isang matibay na dako; at siya'y magiging (U)pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang.

24 At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga anak at ang angkan, bawa't sisidlan, mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan.

25 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (V)matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako; at mababalikwat, at mahuhulog, at (W)ang mga sabit niyaon ay malalaglag; (X)sapagka't sinalita ng Panginoon.

Ang hula sa Tiro.

23 Ang hula tungkol sa (Y)Tiro.

Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis; sapagka't nasira, na anopa't walang bahay, walang pasukan: (Z)mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila.

Magsitahimik kayo, kayong mga nananahan sa baybayin; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon, na nagdaraan sa dagat.

At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, naging kaniyang pakinabang; (AA)at siya'y naging pamilihan ng mga bansa.

Mahiya ka, O Sidon: sapagka't sinalita ng dagat, ng tanggulan ng dagat, na sinasabi, hindi ako nagdamdam, o nanganak man, o nagalaga man ako ng mga binata, o nagpalaki ng mga dalaga.

Pagka ang balita ay dumating sa Egipto, ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro.

Mangagpatuloy kayo sa Tarsis: magsiangal kayo, kayong mga nananahan sa baybayin.

Ito baga ang inyong masayang bayan, na matanda na mula pa noong unang araw, na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan?

Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong, na ang mga manininda ay mga pangulo, na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa.

Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa?

10 Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo, Oh anak na babae ng Tarsis; wala ka ng lakas.

11 Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat, kaniyang niyanig ang mga kaharian: ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan, upang gibain ang mga kuta niyaon.

12 At kaniyang sinabi, Ikaw ay hindi na magagalak pa, Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon; bumangon ka, magdaan ka sa Chittim: doon ma'y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan.

13 Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo; ang bayang ito ay wala na; inilaan ng taga Asiria para (AB)sa mga hayop sa ilang; kanilang itinayo ang kanilang mga moog; iginiba nila ang mga palacio niyaon: kaniyang pinapaging isang guho.

14 Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis: sapagka't ang inyong tanggulan ay giba.

15 At mangyayari, sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang (AC)pitong pung taon, ayon sa mga kaarawan ng isang hari: pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot.

16 Ikaw ay humawak ng alpa, lumibot ka sa bayan, ikaw na patutot na nalimutan; magpainam ka ng tinig, umawit ka ng maraming awit, upang ikaw ay maalaala.

17 At mangyayari, sa katapusan ng pitong pung taon, na dadalawin ng Panginoon ang Tiro, at pagbabalikan niya ang kaniyang upa, at (AD)magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa.

18 At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay (AE)itatalaga sa Panginoon: hindi itatago o isisimpan man, sapagka't ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon, upang magsikaing may kabusugan, at manamit na mainam.

Ang hatol ng Panginoon sa mga bansa.

24 Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.

At mangyayari, (AF)na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.

Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.

Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.

(AG)Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, (AH)sinira ang walang hanggang tipan.

Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.

Ang bagong alak ay (AI)pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.

Ang saya (AJ)ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat.

Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon.

10 (AK)Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.

11 May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala.

12 Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.

13 Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na (AL)gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng (AM)pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.

14 Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, (AN)sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.

15 Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y (AO)ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (AP)sa mga pulo ng dagat.

16 Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! (AQ)ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.

17 Takot, (AR)at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.

18 At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan (AS)sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay (AT)umuuga.

19 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.

20 Ang lupa ay (AU)gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; (AV)at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.

21 At mangyayari, (AW)sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang (AX)mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.

22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.

23 Kung magkagayo'y malilito (AY)ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang (AZ)Panginoon ng mga hukbo ay maghahari (BA)sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

Galacia 2:17-3:9

17 Nguni't kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo'y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari.

18 Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako'y suwail.

19 Sapagka't ako (A)sa pamamagitan ng kautusan (B)ay namatay, sa kautusan, (C)upang ako'y mabuhay sa Dios.

20 Ako'y napako sa krus na (D)kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay (E)umibig, at (F)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

21 Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: (G)sapagka't kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan.

Oh mga mangmang na taga Galacia, (H)sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag?

Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo (I)ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, (J)o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

Napakamangmang na baga kayo? (K)kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman?

Tiniis baga ninyong (L)walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.

Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

Gaya nga ni (M)Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.

Talastasin nga ninyo na (N)ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.

At sapagka't ipinakita na (O)ng kasulatan, na (P)aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang (Q)lahat ng mga bansa.

Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.

Mga Awit 60

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay (A)Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.

60 Oh Dios, (B)iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
(C)Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
(D)Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
(E)Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
(F)Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
(G)Upang ang (H)iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
(I)Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
(J)Aking hahatiin ang (K)Sichem, at aking susukatin (L)ang libis ng Succoth,
Galaad ay (M)akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay (N)aking setro.
(O)Moab ay aking hugasan;
(P)Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, (Q)humiyaw ka dahil sa akin.
Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 (R)Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11 Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't (S)walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12 Sa pamamagitan ng Dios ay (T)gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang (U)yumayapak sa aming mga kaaway.

Mga Kawikaan 23:15-16

15 Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas,
Ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
16 Oo, ang aking puso ay magagalak
Pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978