The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang katigasan ng ulo ng bayan ng Panginoon.
1 (A)Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni (B)Uzias, ni (C)Jotham, ni (D)Ahaz, at ni (E)Ezechias, na mga hari sa Juda.
2 Dinggin mo, Oh langit, (F)at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin.
3 (G)Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay (H)hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.
4 Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong.
5 Bakit kayo'y (I)hahampasin pa, na kayo'y manganghimagsik ng higit at higit? ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay.
6 Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat: hindi nangatikom, o nangatalian man, o nangapahiran man ng langis.
7 Ang inyong lupain (J)ay giba; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan, at giba, na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa.
8 At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob.
9 (K)Kung hindi nagiwan sa atin ng (L)napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng (M)Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra.
Niwalang kabuluhan ang forma ng pagsamba.
10 (N)Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga pinuno ng Sodoma; mangakinig kayo sa kautusan ng ating Dios, kayong bayan ng Gomorra.
11 Sa anong kapararakan (O)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.
12 Nang kayo'y magsidating na pakita sa harap ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, (P)upang inyong yapakan ang aking mga looban?
13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; (Q)ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, (R)hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.
14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.
15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking (S)ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.
16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:
17 Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; (T)inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo (U)ang babaing bao.
18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, (V)sabi ng Panginoon: (W)bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa,
19 Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:
20 Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng (X)bibig ng Panginoon.
Ang Sion ay makasalanan, nguni't sa huli ay maliligtas.
21 Ano't ang tapat na bayan ay naging tila (Y)patutot! noong una siya'y puspos ng kahatulan! katuwiran ay tumatahan sa kaniya, nguni't ngayo'y mga mamamatay tao.
22 Ang iyong pilak ay naging dumi, ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.
23 (Z)Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y (AA)umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: (AB)hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.
24 Kaya't sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ng Makapangyarihan ng Israel, Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit, at manghihiganti ako sa aking mga kaaway.
25 At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo, at aking lilinising lubos ang naging dumi mo, at aalisin ko ang iyong lahat na tingga:
26 At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula: (AC)pagkatapos ay tatawagin ka Ang bayan ng katuwiran, ang tapat na bayan.
27 Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan, at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat.
28 Nguni't ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan, at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol.
29 Sapagka't kanilang ikahihiya ang (AD)mga encina na inyong ninasa, at kayo'y mangalilito dahil sa (AE)mga halamanan na inyong pinili.
30 Sapagka't kayo'y magiging parang (AF)encina na ang dahon ay nalalanta, at parang halamanan na walang tubig.
31 At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato; at kapuwa sila (AG)magliliyab, at walang papatay sa apoy.
Ang pangkalahatang paghahari ng Panginoon.
2 Ang salita na (AH)naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem.
2 At (AI)mangyayari (AJ)sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; (AK)at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
3 At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, (AL)Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.
4 At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at (AM)kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, (AN)o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma.
5 Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon.
6 Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at (AO)mga enkantador (AP)gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa.
7 Ang kanilang lupain naman (AQ)ay puno ng pilak at ginto, ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo, ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo.
8 Ang kanila namang lupain (AR)ay puno ng mga diosdiosan; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay, na ginawa ng kanilang sariling mga daliri.
9 (AS)At ang taong hamak ay yumuyuko, at ang mataas na tao ay nabababa: kaya't huwag mong patawarin sila.
10 Pumasok ka sa malaking bato, at (AT)magkubli ka sa alabok, sa (AU)kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan.
11 (AV)Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, (AW)at ang Panginoon magisa ay mabubunyi (AX)sa kaarawang yaon.
12 Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa:
13 At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan;
14 At (AY)sa lahat ng matataas na bundok, at sa lahat ng mga burol na nangataas;
15 At sa bawa't matayog na moog, at sa bawa't kutang nababakod:
16 At (AZ)sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis, at sa lahat ng maligayang bagay.
17 At ang kahambugan ng tao ay huhutukin, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.
18 At ang mga diosdiosan ay mapapawing lubos.
19 (BA)At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
20 Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak, at ang kanilang mga diosdiosang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki;
21 Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
22 Layuan ninyo (BB)ang tao, (BC)na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka't sa ano pahahalagahan siya?
10 (A)Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa (B)kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako (C)na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, nguni't ako'y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo:
2 Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay (D)huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa (E)ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng (F)ayon sa laman.
3 Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.
4 (G)(Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;
6 At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.
7 Minamasdan ninyo ang mga bagay (H)na nahaharap sa inyong mukha. (I)Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.
8 Sapagka't bagaman ako ay (J)magmapuri ng marami tungkol sa (K)aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
9 Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.
10 Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; (L)datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang (M)pananalita ay walang kabuluhan.
11 Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.
12 Sapagka't (N)hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't (O)sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.
13 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng (P)hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.
14 Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: (Q)sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo:
15 Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y (R)ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan,
16 Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin.
17 Datapuwa't ang nagmamapuri ay (S)magmapuri sa Panginoon.
18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi (T)ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si (A)Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.
52 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh (B)makapangyarihang tao?
Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
2 (C)Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;
Gaya ng matalas na (D)pangahit, na gumagawang may karayaan.
3 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;
(E)At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
4 Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,
Oh ikaw na magdarayang dila.
5 Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,
Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,
At (F)bubunutin ka niya sa (G)lupain ng may buhay. (Selah)
6 (H)Makikita naman ng matuwid, at matatakot,
(I)At tatawa sa kaniya, na magsasabi,
7 Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;
Kundi (J)tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,
At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.
8 Nguni't tungkol sa akin, (K)ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.
9 Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:
At ako'y maghihintay sa iyong pangalan (L)sapagka't mabuti, sa harapan ng (M)iyong mga banal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978