The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang hula sa Moab.
15 (A)Ang hula tungkol sa (B)Moab. (C)Sapagka't sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagka't sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan.
2 Siya'y umahon sa Bayith, at sa (D)Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa (E)Nebo, at sa (F)Medeba: (G)lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.
3 Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.
4 At ang Hesbon ay humihiyaw, (H)at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa (I)Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.
5 Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, (J)sa Eglat-selisiyah: sapagka't sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka't sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.
6 Sapagka't ang tubig ng Nimrim (K)ay natuyo, sapagka't ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay.
7 Kaya't ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce.
8 Sapagka't ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa (L)Beer-elim.
9 Sapagka't ang tubig ng (M)Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagka't magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang (N)leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain.
Ang pagsamsam sa Moab.
16 Ipadadala ninyo ang mga (O)kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.
2 Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng (P)Arnon.
3 Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; (Q)iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.
4 Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.
5 At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo (R)roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; (S)na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.
6 (T)Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang (U)kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.
7 Kaya't aangal ang (V)Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng (W)Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.
8 Sapagka't ang mga bukid (X)ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa (Y)Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.
9 Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.
10 At ang kasayahan ay naalis, (Z)at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.
11 Kaya't ang (AA)aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.
12 At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod (AB)sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.
13 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab (AC)sa panahong nakaraan.
14 Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, (AD)na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.
Ang hula tungkol sa Damasco.
17 (AE)Ang hula tungkol sa Damasco. (AF)Narito, ang Damasco ay naalis sa pagkabayan, at magiging isang buntong ginto.
2 Ang mga bayan ng Aroer ay napabayaan: yao'y magiging sa mga kawan, na (AG)hihiga, at walang tatakot.
3 Ang moog sa kuta naman ay mawawala sa Ephraim, (AH)at mawawalan ng kaharian ang Damasco, at ang nalabi sa Siria; sila'y magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 At mangyayari sa araw na yaon, na ang kaluwalhatian ng Jacob ay mangliliit, at ang katabaan ng kaniyang laman ay (AI)mangangayayat.
5 At (AJ)mangyayari na gaya ng pamumulot ng mangaani ng nakatayong trigo, at ng panggapas ng kaniyang kamay ng mga uhay; oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay sa libis ng Ephraim.
6 (AK)Gayon ma'y maiiwan doon ang mga pinulot, gaya ng pagugog sa puno ng olibo na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataastaasang sanga, apat o lima sa kaduluduluhang mga sanga ng mabungang punong kahoy, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
7 Sa araw na yaon ay titingin ang mga tao sa May-lalang (AL)sa kanila, ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel.
8 At sila'y hindi titingin sa mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa (AM)mga Asera, o sa mga larawang araw.
9 Sa araw na yao'y ang kanilang mga matibay na bayan ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan sa harap ng angkan ni Israel: at magiging sira.
10 Sapagka't iyong nilimot ang (AN)Dios ng inyong kaligtasan, at hindi mo inalaala ang (AO)malaking bato ng iyong kalakasan: kaya't nagtatanim ka ng mga maligayang pananim, at iyong ibinabaon ang punla ng iba:
11 Sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong binabakuran, at sa kinaumagahan ay iyong pinamumulaklak ang iyong binhi; nguni't nawawalan ng ani sa araw ng kalumbayan at sa lubhang kahapisan.
12 Ah, ang kaingay ng maraming bayan, na nagsisiugong na gaya ng ugong ng mga dagat; at ang daluhong ng mga bansa, na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng tubig!
13 Ang mga bansa ay magsisihugos na parang agos ng maraming tubig nguni't sila'y sasawayin niya, at magsisitakas sa malayo, at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin, at gaya ng ipoipong alabok sa harap ng bagyo.
14 Sa gabi ay narito ang kakilabutan; at bago dumating ang umaga ay wala na sila. (AP)Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin, at ang palad nila na nangagnanakaw sa atin.
Ang hula tungkol sa Etiopia.
18 Ah, (AQ)ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak, na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia:
2 Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa (AR)bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!
3 Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay (AS)nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo.
4 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani.
5 Sapagka't bago magani, pagka ang bulaklak ay nalagas, at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog, kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong, at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin.
6 Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa.
7 Sa panahong yao'y (AT)dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion.
1 Si Pablo, na Apostol ((A)hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi (B)sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, (C)na siyang sa kaniya'y muling bumuhay),
2 At ang lahat ng mga kapatid (D)na mga kasama ko, sa mga iglesia ng (E)Galacia:
3 Sumainyo nawa ang biyaya (F)at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo,
4 Na siyang (G)nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas (H)dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama:
5 Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
6 Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio (I)buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo;
7 Na ito'y hindi ibang evangelio: (J)kundi mayroong ilan (K)na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo.
8 Datapuwa't kahima't kami, o (L)isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.
9 Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay (M)matakuwil.
10 Sapagka't (N)ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.
11 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa (O)evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.
12 Sapagka't (P)hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap (Q)sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.
13 Sapagka't inyong nabalitaan ang (R)aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig (S)na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
14 At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, (T)palibhasa'y totoong masikap ako (U)sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang.
15 Nguni't nang magalingin ng Dios (V)na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at (W)ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya,
16 Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, (X)upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo:
17 Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa (Y)Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco.
18 Nang makaraan nga ang (Z)tatlong taon (AA)ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw.
19 Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, (AB)maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon.
20 Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling.
21 Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng (AC)Siria at (AD)Cilicia.
22 At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na (AE)pawang kay Cristo.
23 Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira;
24 At (AF)kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (A)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (B)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (C)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (D)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (E)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(F)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (G)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(H)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (I)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (J)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (K)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (L)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (M)humahatol sa lupa.
12 Ihilig mo ang iyong puso sa turo,
At ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978